Share

Back In Your Arms
Back In Your Arms
Author: Blossom Hearts

KABANATA 1: SIMULA

SABRINA’S POV

         Hingal na hingal akong sumakay sa elevator ng kompanyang pinapasukan ko. Nahuli kasi ako ng paggising kaninang umaga dahil napuyat ako kagabi. Gosh, mapapagalitan na naman ako ni Sir Anderson nito. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng elevator ay tumakbo na agad ako papunta sa desk ko at tumingin sa orasan. Shoot, 3 minutes late ako.

“ Oh girl, hingal na hingal ka diyan. “ pagpansin sa akin ng isa sa kasamahan ko.

“ Oo nga, tinanghali kasi ako ng gising. “ paliwanag ko naman sa kaniya.

“ Bakit? Lumabas ba kayo ng boyfriend mo kagabi? “ tanong niya muli sa akin.

“ Oo, pero hindi naman dahil doon. Napagod lang ako sa mga pinuntahan namin ni Sir Anderson kahapon. “ paliwanag kong muli sa kaniya.

“ Mahirap talaga maging sekretarya ng mga CEO. Tingnan mo sarili mo, ang haggard mo na. “ natatawang tugon niya sa akin

“ Di na kailangan magpaganda kasi may nabighani na. “ nakakatawang banat ko naman sa kaniya na ikinatuwa din naman niya.

“ Ewan ko sa iyo girl. Ayusin mo na yang sarili mo at baka ipatawag ka na ni Sir Anderson maya – maya. Nauna pa naman siya sa iyo. “ sambit niya.

“ Ano?! “ sambit ko habang kinakalma ang aking sarili.

         Lagot na! Mapapagalitan na naman ako nito. Argh! Magsasalita pa sana yung ka-workmate ko ng bigla siyang ma-estatwa at kinakabahang nakatingin sa likuran ko. Sinundan ko naman ang tinitingnan niya at pinagsisihan ko din agad.

“ On my office!” malamig na turan ni Sir Anderson at saka siya pumasok ulit sa office niya.

  

       Kinakabahan man ay tumayo na ako dahil ayaw niya talaga na pinaghihintay siya.

“ Good Luck, girl. “ pagpapalakas ng loob niya sa akin at saka bumalik sa table niya.

         Dumiretso na ako sa pintuan ng opisina ni Sir Anderson at tatlong beses kumatok.

“ Come inside. “ rinig kong sigaw niya kaya naman pumasok na ako sa kaniyang opisina.

         Naabutan ko siyang nakatingin sa glass window niya habang may kausap sa cellphone niya. Lumapit naman ako sa mesa niya at nanatiling nakatayo.

“ Alright Mr. Hudson. We will take care of that. Thank you. “ rinig kong wika niya saka ibinaba ang tawag.

         Lumingon naman siya sa kinaroroonan ko at seryoso ang kaniyang mukha na lalong bumagay sa perfect jawline niya. Ang kulay tsokolate niyang mga mata ay talaga namang nakakabighani ng maraming kababaihan.

“ Stop daydreaming, Miss Cruz. “ malamig niyang turan saka umupo sa kaniyang swivel chair.

“ Sorry, sir! “ mabilis kong paghingi ng paumanhin saka yumuko.

“ You know na kung ganiyan mo ko titigan, I cannot resist you. “ turan niya kaya naman napatingin ako sa kaniya na kasalukuyang may ngisi sa mga labi.

“ Ano pong kailangan niyo sa akin at pinatawag niyo ako? “ seryoso kong tanong sa kaniya kaya naman nabura ang ngisi sa kaniyang mga labi.

“ I just wanna check out my schedule this day. You know, I am bit tired because of what happened yesterday. “ turan niya sa akin habang tinitingnan ako ng malagkit.

“ Tama na yang kaharutan mo. We are in the office. “ saway ko sa kaniya.

“ Psh, impatient ka masyado. So, my schedule today? “ tanong niya na tumaas pa ang kaliwang kilay niya.

“ You have a meeting with Marketing department at 9:30AM, then meeting with sales department at 1:30PM, and dinner with your parents and the Hudson Family. “ mabilis kong turan sa kaniya habang binabasa ang journal ko.

“ Why do I have long meetings? “ tanong niya saka hinilot pa ang kaniyang sentido.

“ I will remind you of the reason. You are rushing some meetings because you will leave the country to attend the business summit in Singapore the day after tomorrow. “ sagot ko sa tanong niya.

“ Are you done packing your things? “ tanong niya.

“ For what? “ tanong ko pabalik.

“ You will join me in Singapore, diba sinabi ko na sa iyo yun nung nakaraan. “ seryosong turan niya sa akin.

“ Maraming ma-iiwan na trabaho here in the office. Hindi mo ko pwede isama kahit secretary mo pa ako. I am your direct communicator here.“ paliwanag ko naman sa kaniya

         Tahimik naman itong tumayo at lumapit sa kinaroroonan ko. Mariin niya akong tinitingnan habang papalapit siya sa akin kaya napaatras naman ako. Gosh, his eyes are hypnotizing me. Mas lalo naman akong kinabahan ng makapa ko ang lamesa sa likuran ko, wala na akong maatrasan pa. Inilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa 2 pulgada na lang at maglalapat na ang mga labi namin.

“ Sino ba kasing nagsabi sa iyo na isasama kita as my secretary. I want you to be there as my girlfriend. “ nakangiti nitong turan sa akin at saka siya tumayo muli ng tuwid.

         Naramdaman ko ang pag – iinit ng pisngi ko dahil sa ginawa niya. At tama kayo ng nabasa, Mr. Anderson is my boyfriend. Pero hindi alam sa office ang tungkol sa aming dalawa. Umayos naman ako ng tayo.

“ Stop teasing me. “ turan ko sa kaniya saka siya hinampas ng mahina at sinamaan ng tingin.

“ You are more beautiful when you blush. “ natatawang wika niya sa akin.

“ Back to work. “ sambit ko rito upang ibahin ang usapan.

“ Fine, but I still want you to be there. “ turan niya saka bumalik sa kaniyang swivel chair.

“ I really want to, but I cannot. Saka, birthday yun ni lola. Bibisitahin ko siya. “ paliwanag ko naman sa kaniya pagkatapos kong humarap sa kinaroroonan niya.

“ Fine but behave yourself. “ turan niya.

“ Huh! Ako dapat magsabi sa iyo niyan! “ pagtataray ko sa kaniya.

“ Kahit maghubad pa sila sa harap ko, hindi ko sila papatulan dahil ikaw lang ang mahal ko. “ turan niya na mahihimigan mo ang sinseridad sa bawat salita na sinabi niya.

“ Stop being so cheesy Mr. Anderson. “ saway ko naman sa kaniya dahil sobrang namumula na ako.

“ Okay po Mrs. Anderson. “ nakangiting turan niya na mas lalong ikinapula ko.

         Upang itago ang pamumula ko ay pakunwari kong tiningnan ang wall clock na nasa gilid ng kaniyang opisina at saka tumikhim.

“ You should prepare yourself for the meeting. I will leave you now Sir. “ pagpapaalam ko sa kaniya.

“ Alright, before you leave, bring me a cup of coffee. “ turan niya saka ibinaling na ang kaniyang atensyon sa mga reports na pinasa ng marketing department sa kaniya.

         Tumango na lamang ako kahit hindi niya nakikita at saka lumapit sa pantry niya sa loob ng opisina. Kung nagtataka kayo kung paano ko naging nobyo ang isang CEO. Ganito kasi yan, kami ay magkaklase sa ilang piling mga subject sa  kolehiyo, naging magkaibigan hanggang sa magka-ibigan na. Hindi ko naman talaga ninais na maging sekretarya niya dahil alam ko na pag lumabas ang tungkol sa amin ay hindi iyon magiging maganda sa reputasyon niya. Ngunit, noong nag – aagaw buhay si lola ay kinailangan ko ng trabaho kaya di ko na tinanggihan ang alok niya. Nakiusap din ako sa kaniya na wag niya akong tatratuhing iba sa mga empleyado niya.

         Kumuha muna ako ng cupcake sa kaniyang pantry bago ko hinatid sa kaniya ang kaniyang kape. Pagkatapos kong ilapag ang kape at cupcake sa lamesa niya ay tumalikod na ako. Palabas na sana ako ng opisina niya ng muli akong napatingin sa kaniya. Bahagya akong napangiti sa tanawing nakikita ko. Seryoso niyang binabasa ang mga reports at may mga isinusulat siya sa kaniyang notepad. Marahil mga comments or suggestion iyon para sa meeting nila mamaya. Marahan kong isinara ang pintuan ng kaniyang opisina at bumalik na sa aking lamesa.

         ITUTULOY!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status