Share

KABANATA 2: PAGTUTOL

SABRINA’S POV

           Pasado alas nuebe na ng umaga kaya naman busy na ang lahat sa kanilang ginagawa. Dahil nga sa aalis si Aiden papuntang Singapore ay naging tight ang schedule of deadlines ng different department. Ayaw kasi ni Aiden na umalis na may mapepending na projects dahil mapepending din ang benefits ng mga employers.

“ Ms. Cruz?! “

           Napapitlag ako sa aking kinauupuan dahil sa medyo malakas na boses na narinig ko. Nag – angat ako ng mukha upang tingnan kung sino ang walanghong nanggulat sa akin. Ngunit napalunok ako ng makita kung sino ang tumatawag sa akin. Ang madilim niyang aura at mga mata niyang parang mangangain na ang lalong nagpakaba sa akin.

“ Sir Anderson. “ sambit ko sa apelyido niya ng makatayo ako.

“ Daydreaming in the workplace is not allowed, Ms. Cruz. “ seryosong turan niya sa akin ngunit ng magtama ang aming mga mata ay bakas na ayaw niya ako pagalitan.

“ Sorry, sir. “ paghingi ko ng paumanhin sa kaniya at pasimpleng ngumiti sa kaniya para ipakita sa kaniya na he is doing what he needs to do.

“ Just do not do it next time. Is the conference room ready? “ seryosong tanong niya para sa akin.

“ Yes sir, nagpabili na din po ako ng snacks in case na humaba ang meeting niyo. “ paliwanag ko sa kaniya.

“ Good, I will go ahead na sa conference room. Sumunod ka na din after you get yung folders na nasa ibabaw ng mesa ko. “ utos niya sa akin.

           Hindi na niya ako hinintay sumagot sapagkat tinalikuran na niya ako. Agad ko namang inayos ang lamesa ko bago ako dumiretso sa opisina ni Aiden. Pagpasok ko doon ay agad kong pinuntahan ang mesa nito upang kunin ang pinakukuha niya. Isa kasi sa katangian ni Aiden ay ang ayaw niya na masyado siyang pinaghihintay lalo na pag- usapang trabaho.

           Nabitawan ko ang folder na hawak ko ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod. Sa amoy pa lang ng pabango niya ay kilala ko na kung sino ito. Lihim akong napangiti.

“ Aiden! “ tawag ko sa pangalan niya

“ Hmm, “ tanging nasambit niya dahil patuloy niyang inaamoy ang aking buhok at batok.

“ Aiden, stop! Nakikiliti ako, “ di ko mapigilan ang pag – igik dahil sa ginagawa niya.

“ I am addicted to your smell. “ mapang – akit na turan niya.

           Bago pa may mangyari ay hinarap ko na si Aiden. Halos dalawang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga labi. Bahagya ko tuloy siyang naitulok upang lagyan ng espasyo ang pagitan naming dalawa. Kaya naman napabitaw din siya sa pagkakayakap sa akin.

“ Bakit ka andito? Hindi ba dapat nasa conference room ka? “ tanong ko sa kaniya.

“ Hindi kasi ako matahimik dahil sa napagalitan kita. “ pag – amin niya kaya bahagya akong napangiti. Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko.

“ Do not be. You are doing the right thing. “ nakangiting pag -alo ko sa kaniya upang mapayapa ang kaniyang puso.

“ Ikaw naman kasi, ano ba ang iniisip mo at lumilipad ang utak mo habang nasa trabaho. “ sermon niya sa akin. Minsan talaga ang bilis ng mood swing ng lalaking ito.

“ I am just sleepy kaya natutulala ako. “ pagpapalusot ko sa kaniya dahil siguradong hindi na niya ako titigilan kung aaminin ko na siya ang iniisip ko.

“ You wanna end this day early? Gusto mo maghalf day? “ nag – aalalang tanong niya sa akin.

“ Huwag ka mag – alala kaya ko pa. “ nakangiti kong turan saka hinawakan ang pisngi niya.

“ Huwag mo masyadong sagarin ang sarili mo sa trabaho. “ pagpapaalala niya sa akin. Well, being secretary ng isang CEO, masyado akong madaming ganap sa buhay.

“ Tatandaan ko yan. “ nakangiting sagot ko sa kaniya.

           Hinatak naman niya ako palapit sa kaniya saka niyakap. Tinugon ko naman ang pagkakayakap niya sa akin. Maya – maya ay bumitaw na ako sa pagkakayakap dahil naalala kong may meeting nga pala siya. Ngunit, nanatili siya sa aking nakayakap.

“ Aiden, malapit na magsimula ang meeting mo. “ saway ko sa kaniya habang tinatanggal ang pagkakayakap niya pero di siya nagpatinag.

“ Aiden! “ madiin kong tawag sa kaniya kaya natawa siya.

“ At ano ang nakakatawa mister? “ naiinis kong tanong sa kaniya

“ Ang cute kasi ng misis ko kapag naiinis. “ paliwanag niya saka bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya.

“ Stop pouting, baka makalimutan ko na nasa opisina tayo. “ mapang -akit na saway niya sa akin kaya agad ko namang tinikom ang bibig ko.

“ Well, ako na lang magpapaalala na nasa opisina kayo! “

           Parehas kaming napapitlag sa gulat ni Aiden dahil sa malalim na boses na narinig namin. Sabay naming nilingon ang pinto kung saan nanggaling ang boses na narinig namin. Nanlaki naman ang mata ko ng marealize ko kung sino ang dalawang panauhin na pumasok. Napayuko ako sa hiya.

“ Mom! Dad! “ rinig kong tawag sa kanila ni Aiden.

“ G-good m-morning p-po, Mr. and Mrs. Anderson. “ nauutal kong bati sa kanila

“ Good morning, Secretary Cruz. “ madiing bati sa akin ng papa ni Aiden.

“ Dad! “ pagsaway ni Aiden sa papa niya.

“ What is wrong with that Aiden. She is really your secretary. “ sabat naman ng mama niya.

“ She is my girlfriend, Mom. “ pagtatama naman ni Aiden sa kanila.

           Bahagya kong hinawakan si Aiden sa kamay upang pakalmahin siya. Ayaw ko na maging dahilan ng pag – aaway nila. Dati ay boto sa akin ang pamilya ni Aiden nung kami ay mga estudyante pa. Ngunit, nag – iba ang pakikitungo nila sa akin mula ng maging sekretarya ako ni Aiden.

“ This is a workplace, not a dating site. She should know where she stands. “ naiinis na turan ng papa ni Aiden na parang karayom na tumutusok sa puso ko.

           Bago pa mag – away ang mag – ama ng dahil sa akin ay inipon ko na ang lahat ng lakas ng loob ko upang tingnan sila at magpaalam.

“ Maiwan ko na po kayo Mr. and Mrs. Anderson. Mauuna na po ako sa conference room Sir. “ pagpapaalam ko sa kanila saka tumingin kay Aiden.

“ Much better! We wanna talk with our son in private. “ mataray na sagot ng mommy niya sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

           Bakit kaya may mga mayayaman na mapangmata sa kapwa. Pinilit ko na lamang ngumiti at muling sumulyap kay Aiden na bakas ang iba’t ibang emosyon sa mga mata bago ako lumakad palabas ng opisina niya.

*

*

*

AIDEN’S POV

           Pagkasara na pagkasara ng pintuan kung saan lumabas si Sabrina ay inis kong tiningnan ang mga magulang ko. Why did they hate her?

“ Are you happy destroying my happiness? “ inis kong turan sa kanila.

“ Watch your mouth, Aiden. “ mapagbantang turan sa akin ni Dad.

“ You know I love her. “ madiin kong bigkas sa bawat salita na sinabi ko.

“ She is your secretary, Aiden. Nakakahiya! “ usal ni Mom na bakas ang pandidiri.

“ She was my girlfriend before she became my secretary. You love her before, why you cannot love her now? “ puno ng frustration kong tanong sa kanila.

“ Because she is your secretary! It is a disgrace Aiden. Isang CEO na pumatol sa secretary niya. “ bulyaw sa akin ng aking ina.

“ You are underestimating her because she is a secretary? You are unbelievable. “ hindi makapaniwalang usal ko sa kanila.

“ You are the heir of Anderson Group of Corporation. It will be a disgrace pag may nakaalam na sekretarya lang ang mapapangasawa mo. “ Dad exclaimed with unbelief.

“ Mas gugustuhin ko pang walang manahin kesa hindi na magmahal. “ mapait na sambit ko.

“ Watch your mouth, young man. I can take away everything to you. “ pagbabanta ni Dad sa akin.

“ Go ahead! Sabrina is my everything. “ seryosong sagot ko sa kaniya saka tinahak ang daan papunta sa pintuan.

           Hinawakan pa ako ni Mommy sa braso upang pigilan ako. Mapait ko lamang siyang tiningnan saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at saka tuluyang lumabas ng opisina ko. Dumiretso na lamang ako sa conference room upang ibaling ang atensyon ko sa meeting ng Marketing Team kesa makipagsagutan pa sa mga magulang ko tungkol sa bagay na dapat di naman nila pinapakialaman. Sabrina is my life, and I will do everything to protect her even if it will cost everything to me.

           ITUTULOY!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status