Share

KABANATA 53

Nanlaki ang mga mata ni Zarina nang yakapin siya ni Marlon sa hindi niya malaman na dahilan. Gusto man niyang palayuin ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nasa gitna sila halos ng quadrangle at labasan na rin ng iba pang estudyante. Kaya kung itutulak niya ang kaibigan baka mapahiya lang ito.

Ano ba kasi ang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.

Huminga siya nang malalim.

"M-Marlon...."

"Shhh... Give me a second, please," mahinang bulong nito sa tainga niya.

“B-bakit? Ano trip mo?” sagot niya rin na pabulong. Kahit na naiinis siya kanina sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi naman niya makakayang magalit nang matagal.

“Basta. Ngumiti ka at yumakap ka naman na pabalik sa akin na parang nami-miss mo ‘ko.”

“Demanding ka!” Nakangiti siya bago niya iniangat ang dalawang kamay para yumakap sa katawan nito. Pinagbigyan niya ito para lang matigil lang ‘to. May ilang minuto rin na magkayakap sila bago kumalas si Marlon sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status