Share

KABANATA 7

Nagising si Zarina ng marinig niya ang alarm clock na nasa gawing kanan ng kama niya. Kinuha niya lang ‘yon at idinilat ang isang mata para tingnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon.

It’s ten o'clock in the morning. Masyado pang maaga para gumayak papuntang eskwelahan, dahil alas dos pa naman ng hapon ang pasok niya ngayon. Maingat niyang ibinalik ang alarm clock na hawak at ipinikit ang mata. Gusto pa niyang matulog kahit isa o isa’t kalahating oras pa. Pakiramdam niya naubos ang lahat ng lakas niya at sinabayan pa ng hang-over. Hinila niya ang isang mahabang unan at iniyakap ang mga braso roon.

Ang ganda ng panaginip niya na gusto pa niyang balikan dahil nakausap niya raw si Antoine kagabi at niyakap siya nito.

Niyakap siya ni Antoine?

Biglang napabalikwas ng bangon si Zarina ng maalala si Antoine. Agad niyang napansin na wala siyang ano mang saplot sa katawan. Napalunok siya at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Nasa tamang silid naman siya at nakita niya pa ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status