Share

KABANATA 52

Halos hilahin na ni Zarina ang oras para mag-alas siyete na ng gabi. Alas sais pa lang ay panay na ang tingin niya sa relo na suot at sa compact mirror na gamit niya na nakapatong sa lamesa. Sinisugurado niya na maayos ang kaniyang mukha. Kailangan fresh na fresh pa rin ang itsura niya kapag sinundo siya ni Antoine.

“Hindi pumasok ang kaibigan mo?” narinig niyang tanong ni Giselle sa tabi niya.

Napakunot-noo siya na napalingon sa bagong kaibigan at pumaling sa gawing likuran kung saan na umuupo si LC matapos itong magtampo sa kaniya.

“Baka masama ang pakiramdam.”

“Masama? Parang nakita ko siya kanina na sumakay sa kotse na nakahinto sa labas ng university.”

Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Giselle. Hindi naman siguro ang kotse ni Antoine ang tinutukoy nito?

Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo.

Impossible!

Impossible na magkita sina LC at Antoine kanina. Dahil kung nagkita sila, e ‘di sana nakita niya rin iyon kanina noong nilingon niya an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status