Kagigising lang ni Zarina ng bandang alas diyes ng umaga nang makatanggap siya ng isang tawag.
"Hello?"
"Zan, it's me, Giselle," pagpapakilala ng kaibigan niyang si Giselle sa kabilang linya.
Giselle Tejeros is her drinking buddy and college friend. They usually take place at the pub on Friday nights. Sometimes, they even go out of town to drink and relax in other bars.
"Oh?"
“Magkita tayo sa SEO Mall sa BGC,” pag-aaya nito sa kaniya.
"Ahm…"
“Ano? ‘Wag mong sasabihin na hindi ka na naman sasama? Anong plano mo bulukin ang sarili mo sa kahihintay sa asawa mo?” naiinis nitong wika sa kaniya.
Marahil dahil palagi na lang siyang tumatanggi kapag nag-aaya ito sa mall or bar. Gusto man niyang sumama kay Giselle pero pinagbawalan siya ng asawa niya na sumama sa kaibigan dahil hindi raw maganda ang impluwensiya nito.
"Gie…."
“Kapag hindi ka pumunta rito, sinasabi ko sa’yo!” pagbabanta pa nito sa kaniya na ikinatawa niya nang mahina.
Parang nakikita na niya kasi ang itsura ng kaibigan. Nanlalaki na ang butas ng ilong nito at halos itirik na ang mata sa inis sa kan’ya.
“Okay, pupunta na ako d’yan,” natatawang niya pang wika.
“’Wag kang tumawa-tawa d’yan sinasabi ko sa’yo! Baka kapag nakita mo ang nakikita ko… Hmmph... malamang iiyak ka!”
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong.
Bagaman nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito ay hindi niya ipinahalata sa boses. Gusto niyang magpakampante at isipin na naiinis lang ang kaibigan niya sa kaniya.
Tumawa ito nang mahina. “By the way, where’s your husband?”
Napakunot-noo si Zarina at inalis ang cellphone na hawak sa tainga at bahagyang inilayo para tingnan bago ibinalik muli sa tainga.
“Huh? Ano sabi mo?” pag-uulit niya.
Gusto ni Zarina makasiguro na ang tinatanong nito ay asawa niya.
Isang maharot na tawa ang pinakawalan ni Giselle.
"Paranoid much? If I were you, all you had to do is come here and observe what I see?" may pang-uuyam na wika nito sa kaniya.
Sanay naman siya kay Giselle na gano’n magsalita pero ibang usapan kapag nababanggit ang asawa niya.
Huminga muna siya nang malalim bago napilitan na sumang-ayon sa kaibigan na puntahan niya ito sa SEO Mall.
May thirty minutes lang naman ang biyahe niya mula sa Makati. At dahil medyo maaga pa naman ay hindi naman masyadong ma-traffic papunta roon kaya niyang makapunta roon ng mga twenty minutes.
Nang ini-end call na niya ang cellphone ay dali-dali siyang tumawag sa opisina ng asawa. Nang sumagot ang sekretarya nito ay agad sinabing nasa business meeting ang asawa niya kasama ang ibang investor at baka hindi na bumalik sa opisina dahil may dinner meeting pa ito kay Mr. Alora. Nagbilin lang daw ang asawa niya ng mga gawain sa sekretarya.
Nagtatalo ang isip at puso niya kung pupuntahan ba ang kaibigan o hindi. Pero nanaig ang una niyang naisip. Dahil gusto niyang ipamukha rito na ang asawa niya ay busy sa pagtatrabaho at walang time pumunta sa mall.
Kahit naman na hindi sila okay ni Antoine ay ayaw niya pa rin na may masasabing masama ang ibang tao rito.
Nang makaligo at makapagbihis si Zarina ay agad niyang hinayon ang SEO Mall kung saan naghihintay sa kan’ya si Giselle.
“You're finally here,” masayang wika nito nang makita siya.
Ang ngiti nito ay tila naka-plaster dahil malapit na magpang-abot ang bibig at tainga nito.
"I don't waste my time, Giselle."
Bagaman nakangiti siya sa kaibigan ay sadya niyang ipinakita rito ang pag-irap n'ya.
“Hundred percent sure. Gusto mo nang makita ang nakita ko?”
Hindi umimik si Zarina sa kaibigan at nagpatianod na lang siya nang iginaya siya pahayon sa east wing ng mall.
Mula sa pinagtataguan ni Zarina kitang-kita niya ang asawa niyang si Antoine na may hinihintay sa tapat ng isang sikat na boutique habang may karga-kargang bata. Nakasuot pa rin ito ng three-piece suit na suot nito kanina bago umalis ng bahay.
Hula ni Zarina ang batang karga ng asawa n’ya ay nasa ilang buwan pa lamang. Based sa payat na pangangatawan nito at sa kung papaano ito buhatin ng asawa niya. Tila isang mamahaling baso na takot maibagsak.
Kung ano ang ginagawa ng asawa niya roon ay hindi niya alam.
Andaming tanong pumapasok sa isip niya, gaya kung sino ang ina ng bata?
Bakit kailangan kargahin ‘yon ni Antoine?
Bakit nagsinungaling ang sekretarya nito nang tumawag s’ya kanina? Ang sabi may mahalagang inaasikaso ang asawa niya.
Bago pa man maisipan ni Zarina na puntahan ang asawa at itanong kung sino ang batang karga nito.
May babaeng naglalakad palapit dito.
Nakasuot ng isang maxi dress na kulay dilaw simple pero malakas ang dating. Nakasuot ‘yon ng shades kaya hindi niya makilala ang babae.
Kitang-kita ni Zarina kung papaano ngitian ng asawa niya ang papalapit na babae. Animo’y slow-motion ang pagngiti nito sa babae. ‘Yong ngiti na hindi niya nakikita sa asawa niya kapag kasama siya. ‘Yong ngiti na masasabi niyang genuine talaga na hindi napipilitan dahil may kaharap na ibang tao. ‘Yong ngiti na para sa iisang tao lang inilalaan. At ang masakit hindi siya ang taong ‘yon.
Sad but the truth.
Hindi pa man nakakahuma si Zarina sa kinatatayuan. Daig niya pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"Hon, I bought this, look!"
Nakangiting ipinakita pa ng babae ang tatlong paper bag na hawak nito sa kamay at iniangat nang bahagya.
Hon?
Nag-e-echo sa pandinig ni Zarina ang salitang ‘yon. Dahil sa boses pa lang ng babae ay hindi siya maaaring magkamali. At iisang tao lang ang alam niyang tumatawag ng “Hon” sa asawa niya.
Mula sa kinatatayuan ni Zarina humakbang pa siya ng isa para malaman kung tama ba ang hinala niya.
Hindi nga siya nagkamali.
Serenity Sullivan!
Her husband's ex-fiancée.
Napapikit at napahawak si Zarina sa braso ng kaibigan niyang si Giselle para siyang mawawalan ng panimbang. Lahat ng tapang niya kanina ay biglang nawala. Ilang beses niya pang ikinurap-kurap ang mata kung talaga ba na ‘di siya dinadaya ng kaniyang paningin.
Pero hindi, eh! Talagang totoo ang nakikita niya.
Hindi lang siya basta namamalikmata.
Pero anong ginagawa ng dating kasintahan ng asawa niya rito? Kailan pa ito dumating? Bakit nandito ito ngayon? Bakit magkasama sila ng asawa niya? Nagkabalikan ba ang mga ito nang hindi niya nalalaman? Kailan pa? Anak ba nila ang batang karga ng asawa niya?
Nahilot niya ang sentido.
Ang huli balita niya kay Serenity umalis ito patungo Switzerland bago pa sila ikasal ni Antoine.
Maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya pero wala siyang mahagilap na sagot. Mukhang pati ang utak niya hindi nakakapag-function nang maayos, dahil shock pa rin.
Nakaka-blangko ng utak.
Nakita niyang nakangiting inakbayan ng asawa niya si Serenity habang ang isang braso nito ay karga-karga pa rin ang bata.
What a perfect happy family!
Para silang isang masayang pamilya.
Sa isip ni Zarina gustong-gusto na niyang puntahan ang mga ito.
Sugurin...
Pagsisigawan at ipakita sa lahat ang ginagawang pagtataksil ng asawa niya at ang dating kasintahan nito.
Sa isip niya, gusto niyang hilahin ang buhok ni Serenity palayo sa asawa niya. Gusto niyang pagsasampalin ito hanggang umikot ang mukha.
‘Di niya magawa dahil hindi n’ya kaya!
Duwag siya!
Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ni Zarina sa kaniyang mata. Ang dibdib niya nanikip bigla. Ang lalamunan niya parang may nakabara na kung ano dahil hirap na hirap siya sa paglunok. Pakiramdam niya namamanhid ang buong pagkatao niya.
Sanay naman siyang masaktan ni Antoine mentally at emotionally.
Pero' yong ganito?
Hindi!
Dahil hindi niya napaghandaan ang ganitong eksena.
"Zan?"
Dahan-dahan niyang ipinaling ang ulo sa kaibigan. Bakas sa magandang mukha ni Giselle ang pag-aalala sa kaniya. Marahil maski rin ito ay nagulat nang makita ang babaeng kasama ng asawa niya ay ang ex-fiancée nito.
“Gusto mo bang sundan natin sila?”
Para ano?
Para mas masaktan siya lalo!
Agad siyang umiling sa suhestiyon ng kaibigan.
Hindi na niya alam kung makakaya niya pa ba ang mga eksenang makikita ngayong araw na ‘to? At isa pa, hindi siya handa kung sakaling makita at mapansin ni Antoine na sinusundan niya ang mga ito.
What if? Magkaharap-harap silang tatlo?
Ano gagawin niya?
Baka pagtawanan pa siya ng mga ito lalo na si Serenity.
Paano kung hilingin ni Antoine na ipa-annulled ang kasal nila para malaya na nitong makasama at mahalin ang dating kasintahan nito.
Hindi niya kakayanin ‘yon!
Iniisip pa nga lang niya parang may libo-libong karayom na ang tumutusok sa puso niya. ‘Yong mahiwalayan pa kaya nang totohanan.
Baka ikamatay niya pa ‘yon!
She can't live without him.
How can she survive without him?
Paano siya?
Iniwan na siya ng magulang niya, pati ba naman asawa iiwanan pa rin siya?
"Zan—"
"I want to go home, Giselle."
"But—"
"Please…"
“Are you sure? Ayaw mo bang alamin kung—"
“Giselle, please... stop! I don’t wanna hear anything,” nahahapong saway sa kaibigan.
Ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano. Ayaw na niyang madagdagan ang mga iniisip niya ngayon.
Ang gusto niya lang ay umuwi at magpahinga.
Pakiramdam niya pagod na pagod siya kahit ang totoo wala naman siyang ginawa kundi ang sundan ang asawa niya sa mall. Na ngayon, ay pinagsisisihan na niya kung bakit nakinig pa siya sa kaibigan.
Kung hindi siya inaya nito, hindi sana niya nakita ang asawa kasama ang dating kasintahan nito na masaya.
Gusto man niyang sisihin si Giselle pero hindi na niya ginawa. Dahil alam niya ginawa lang ‘yon ng kaibigan dahil concern ito sa kaniya.
Concern nga ba?
Hanggang sa makarating sila ni Giselle sa parking area ay walang nangahas sa kanilang basagin ang katahimikan.
Pagkapasok pa lang ni Zarina sa loob ng sasakyan agad niyang ipinikit ang mata at sumandal sa upuan. Gusto na niyang umuwi kung saan malaya siyang umiyak nang tahimik.
"Zan?"
Napamulat ng mata si Zarina.
Nakita niya si Giselle nakatunghay sa kaniya, ang mukha nito bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniya.
“Nakatulog na pala ako,” aniya at mabilis na inalis ang pagkakabit ng seatbelt niya pero hindi pa muna siya bumaba.
“Yeah, kanina pa kita ginigising kaso napasarap tulog mo.”
“Ahh... Ganoon ba?” walang buhay niyang sagot kay Giselle.
“Zan, I’m sorry. Kung alam ko na si Sere—"
“Bababa na ako, Giselle. Ingat ka pag-uwi.”
Hindi na niya hinintay ang tugon ni Giselle. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at hindi na lumingon sa kaibigan.
Pinutol na niya ang mga sasabihin nito dahil ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano.
Kay Antoine at kay Sere-
Nevermind…
Kakalimutan niya ang nakita niya at magpapanggap na lang siya na walang nakita. Hindi puwedeng panghinaan siya ng loob. Lalo pa’t malapit na ang second wedding anniversary nila ni Antoine.
Bago buksan ni Zarina ang pinto ng kanilang bahay. Huminga muna siya nang malalim at nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Ayaw niya na papasok siya sa bahay na may dinadalang negative vibes. Baka kumalat pa sa loob ng bahay nila at malasin pa sila.
Pagkapasok ni Zarina sa loob ng bahay agad niyang hinayon ang grand staircase pahayon sa second-floor kung saan ang kuwarto nilang mag-asawa.
Pagbukas ni Zarina ng pinto nakaramdam siya ng lungkot. Ang mata niya ay unti-unting nanlalabo dahil sa luha.
Luha na kanina niya pa pinipigilan.
Dito sa kuwartong ito, nabuhay ang pag-asa niya na maayos ang pagsasama nila ng asawa niya noong nakaraang buwan.
Dahil sa loob ng isang kalahating taong mahigit. Sa ibang kuwarto siya na tutulog habang ang asawa niya ay madalas na sa condo nito nauwi.
Pero noong isang buwan umuwi ito at nag-request na magtabi silang matulog.
‘Yon ata ang pinakamasayang gabi niya.
Pero... Katulad din ng mga paninda sa grocery lahat may exipiration.
At ang expiration na ‘yon, nagsimula na noong isang Linggo.
Ngumiti siya nang mapakla habang ang luha niya ay hindi matigil kakalabas sa mata niya.
Now she knows why Antoine is suddenly cold to her.
Buong akala niya ay busy talaga ito sa trabaho. Ibang trabaho pala ang pinagkakaabalahan nito.
Dahan-dahan siyang naglakad pahayon sa kama at umupo sa tapat kung saan nakasabit ang kanilang wedding picture.
Pinagmasdan niya nang maigi ang litrato nila ni Antoine. Kung siya ay nakangiti sa larawan, ang asawa niya ay seryoso ang mukha.
Hindi man lang mabanat kahit isang ngiti sa labi nito.
Halatang napilitan lang para magpa-picture.
Pero kahit ganoon, sobrang guwapo pa rin ng asawa niya sa picture.
Ang makapal nitong kilay, ang namimilantik ang pilikmata na dinaig pa ang babae. Matangos na ilong, prominent jawline at ang labi nito na paborito niya, kahit na ilang beses pa lang niya natikman ‘yon.
Kaya nga nabaliw siya nang husto rito kahit na alam niyang ikakasal na ito sa fiancée na si Serenity.
Ginawan niya ng paraan para siya ang maging Mrs. Antoine Savic sa huli.
Nagtagumpay naman siya.
Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Zarina habang nakatingin lang siya sa wedding picture, marami siyang na-realize ng mga sandaling ‘yon.
Para siyang natanggalan ng helmet sa ulo sa rami ng mga na-realize niya.
Andami niyang maling nagawa.
Andami niyang nasaktan noon, dahil sa pagiging spoiled brat at inconsiderate niya.
Nag-backfire lahat ngayon sa kaniya.
Now, what?
Hahayaan na ba niya si Antoine at Serenity?
No! Agad na tutol ng isip niya.
Hindi na namalayan ni Zarina na nakatulog na siya sa labis na pag-iniisip at pag-iyak. Nang magising siya ay agad na hinanap ng mata niya ang orasan na nakapatong sa mini cabinet pasado alas dose na ng gabi pero wala pa rin si Antoine. May plano pa kayang umuwi ang asawa niya? Baka hindi na ‘yon umuwi. Kita mo naman na magkasama sila ng first love niya kanina? Baka nga hanggang sa mga oras na ‘to ay magkasama pa rin sila. Mapakla siyang napatawa. Malamang! Baka nagkaayos na rin ang mga ito dahil sa kalokohan na ginawa niya no’n bago pa maikasal ang mga ito. The realization hit her hard. Kung kailan naman kasi na okay na sila ni Antoine saka naman magpapakitang muli si Serenity sa asawa niya? Hindi ba puwedeng maging masaya na lang siya kapiling ang asawa? Lord, pinarurusahan niyo ba ako? Dagling pinunasan ni Zarina ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha. Simula ata nang mahalin niya ang asawa puro pag-iyak at paghihintay na lang ata ang nagagawa niya. Napagpasyahan ni
Nanginginig ang mga kamay niya habang nagmamaneho ng sasakyan. Kanina pa niya sinusundan ang sasakyan ng asawa niya. Kahit may ideya na siya kung saan ito pupunta. Kung bakit niya ginagawa 'yon ay hindi niya alam Marahil, gusto niyang isipin na mali ang hinala niya sa mga ito. Kahit na obvious kung saan talaga patungo ang daan na tinatahak ng mga ito. Gusto pa rin niyang mag-assume na mali siya. Habang papalapit nang papalapit sila sa tinatahak na daan patungong Airport. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Ang mga kamay niya ay nagsisimula na naman manlamig dahil sa kaba ng nararamdaman niya. Napalunok pa siya nang huminto ang sasakyan ng asawa niya sa tapat ng Airport. Kita niya mula sa malayo ang sekretarya nito na naghihintay sa tapat ng Airport kasama nito si Janus ang matalik na kaibigan ng asawa niya at business partner. Nagsimula na naman mangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa nakikita niya. Sumasakit ang dibdib niya sa sari-saring emosyon na nararamdaman
THREE YEARS AGO “Zia, hindi ka ba talaga sasama sa amin ng daddy mo?” muling tanong ng kaniyang ina na si Mommy Carol. Nang pumasok ito sa kaniyang kuwarto para muling ayain na sumama sa mga ito. Buhat ng pagdating niya galing sa eskwelahan ay hindi na natapos-tapos ang pag-aaya nito sa kaniya. At kanina pa rin niya sinasabing hindi siya sasama dahil marami siyang gagawin. Tiningnan niya ito at muling umiling bago itinuon ang atensyon sa laptop. Gumagawa siya ng research para sa isa niyang assignment. Hindi naman ‘yon gaanong importante. Pero dahil wala siyang maisip na alibi sa Mommy Carol niya ay nagkunwa-kunwarian siya na maraming ginagawa. Ikinalat niya pa ang mga libro at notebook sa ibabaw ng kama niya para magmukhang marami siyang gagawin. “Zia, naman! Ayaw mo bang makita ang Kuya Antoine mo? Baka hanapin ka ng Tito Antonio mo. Ano na naman ang idadahilan ko ngayon?" Muli ay napatingin siya sa ina dahil hindi na nito alam kung papaano siya pilitin para lang sumama. Si Ant
“Best, thank you for this.” Nakangiting pasasalamat ni Zarina sa kaibigan n’yang si LC na naging punong-abala sa pag-organize ng surprise party para sa kaniya. Kung tutuusin advance party itong ginawa sa kaniya dahil next two weeks pa talaga siya mag-bi-birthday. “Tsk, puwede ka naman magpasalamat. Bakit kailangan may pagyakap at paghalik pa sa pisngi?” pagrereklamo nito at saka lumayo nang kaunti sa kaniya. Natatawang lumayo si Zarina sa kaibigan na pinupunasan ng tissue ang pisngi kung saan niya ito hinalikan. Napailing na lang siya sa ginawa ng kaibigan. Kung hindi niya talaga kilala si LC iisipin niya maarte ito at mayabang gaya ng pinapakita nito sa karamihan. “Arte! Ganda ka, girl?” pang-iinis niya habang nakapamaywang. "Are you lesbian?" balik na tanong nito na ikinatawa niya nang malakas. "Duh! I’m not. Okay? Nag-kiss lang sa pisngi lesbian na? Baka ikaw?" ganting tanong niya. “Me?” Exaggerated na itinuro ni LC ang sarili at pinasadahan ng tingin ang suot na black midi
Tila natuod si Zarina sa kinatatayuan niya, ang akma niyang paghakbang ay nabitin sa ere. Hindi niya rin magawang lumingon dahil natatakot siya sa makikita niya. ‘Yong baritonong boses pa nga lang naririnig n’ya, iba na ang epekto no’n sa buong katawan niya. Halos lahat ata ng balahibo sa katawan niya ay nagsitaasan. Ang puso niya tila may sinalihan na car racing dahil sobrang bilis ng tibok no’n, para siyang aatakihin sa puso ng wala sa oras. "I'm impatiently waiting for your answer, young lady! Where have you been? Why have you returned home late? You've lied to your mother, saying you were too busy studying to attend my welcome party." Napalunok si Zarina at dahan-dahan ibinaba ang paa para makatayo nang maayos. Ramdam niya ang inis sa boses nito. Gusto man niyang salubungin ng tingin ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung papaano ito haharapin, at sasagutin. Bigla para siyang natataranta dahil naramdaman niyang kumilos ito mula sa likuran niya at naglakad palapit. G
Nagising si Zarina ng marinig niya ang alarm clock na nasa gawing kanan ng kama niya. Kinuha niya lang ‘yon at idinilat ang isang mata para tingnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon. It’s ten o'clock in the morning. Masyado pang maaga para gumayak papuntang eskwelahan, dahil alas dos pa naman ng hapon ang pasok niya ngayon. Maingat niyang ibinalik ang alarm clock na hawak at ipinikit ang mata. Gusto pa niyang matulog kahit isa o isa’t kalahating oras pa. Pakiramdam niya naubos ang lahat ng lakas niya at sinabayan pa ng hang-over. Hinila niya ang isang mahabang unan at iniyakap ang mga braso roon. Ang ganda ng panaginip niya na gusto pa niyang balikan dahil nakausap niya raw si Antoine kagabi at niyakap siya nito. Niyakap siya ni Antoine? Biglang napabalikwas ng bangon si Zarina ng maalala si Antoine. Agad niyang napansin na wala siyang ano mang saplot sa katawan. Napalunok siya at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Nasa tamang silid naman siya at nakita niya pa ang
Mahigpit na nakakipkip sa kili-kili ni Zarina ang comforter nang tumayo s’ya sa kama, dahil sa takot na baka biglang pumasok na naman si Antoine sa kuwarto niya. Hindi pa naman marunong magpaalam ‘yon sa kaniya at basta na lang papasok na akala mo’y may-ari ng bahay. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang pahayon sa bathroom na nasa loob ng kuwarto niya. Bago niya isinira ang pinto ng banyo ay inihagis niya papalayo ang comforter para hindi ‘yon mabasa. Gustong-gusto pa sana ni Zarina na magbabad sa bathtub at mag-relax dahil maaga pa naman para pumasok sa eskwelahan. Pero dahil hinihintay s’ya ng binata kaya napagpasyahan na lang niyang maligo gamit ang shower. She felt better after taking a cold shower. Ang dating isang oras mahigit niyang paliligo ay ginawa lang niyang kalahating oras. Kahit pa sabihin na masyadong maaga pa para pumasok pero dahil ihahatid siya ng binata ay ayos lang sa kan’ya. She is in her third year of college and pursuing a business administration major in fin
Simula pagpasok pa lang ni Zarina sa kotse ay kating-kati na siyang magtanong kay Antoine kung ano ang ginawa nito sa loob ng anim na taon na hindi sila nagkikita. Dahil kung pagbabasihan lang niya ang physical appearance nito ay masasabi niyang maraming nagbago rito. Given naman na guwapo talaga si Antoine mula pagkabata baka nga hanggang sa pagtanda nito ay guwapo pa rin. Pero ang gusto niyang malaman kung bakit ito nag-stay sa pang matagalan na relasyon? Dahil tandang-tanda niya pa no’n kung papaano ito naging babaero at nag-girlfriend nang sabay-sabay. Kaya nga siya nasaktan noong fifteen years old siya dahil sinundan niya ito hanggang kuwarto na may kasamang babae. Tapos, the next day ibang babae na naman ang kasama nito. Kaya ang pinagtataka niya nang ibinalita ng ina niya noong disi otso anyos siya, na engage na ito sa long-time girlfriend nito na isang model. Hindi naman siya nagtataka na magkaroon ito ng girlfriend na model dahil marami naman talaga ang nagkakagusto sa la