Share

KABANATA 47

Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya.

Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya.

Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya.

Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status