Share

Two

Nakaalis na ang mommy niya papuntang Canada. Nalungkot siya sa simula pero nang lumaon ay nasanay na rin siya. Mas lalo ring naging salbahe ang pakikitungo ng mga steps niya sa kanya pero hinayaan na lamang niya dahil ayaw niya ng gulo. Iniisip na lamang niya na babalikan siya ng mommy niya pagdating ng panahon.

" Luna, please? Samahan mo naman ako mamaya sa gym para manood ng game ng baby ko. " Pakiusap niya sa bestfriend niya with matching puppy eyes pa. Natawa ito sa tinuran niya.

"Ewan ko sa'yong babae ka. Bakit ba patay na patay ka sa lalaking 'yon? Eh, hindi naman niya pansin ang presence mo. Magsasayang lang tayo ng oras doon." Napailing na turan ni Luna sa kanya.

Bagaman may katarayan ang dating ng kaibigan niya ay ito naman ang biggest supporter niya. Wala namang iba dahil nag-iisa lang ito. Bahagya niyang inayos ang makapal na salamin sa mga mata niya. She was diagnosed to have astigmatism at the age of six kaya nga mula noon ay nakasuot na siya niyon.

" He's my first and last love that's why. And dapat nandun ako to give him moral support. " Pagrarason niya rito habang niyuyugyog ang balikat nito. " Saka have you forgotten na kinausap niya ako two weeks ago sa bahay namin? " Her eyes twinkling.

" Tumigil ka nga Stacey! Ang bata-bata mo pa ang landi-landi mo na!" Mahinang asik ni Luna sa kanya. They are currently in third year high school at Ateneo De Davao, ang sikat na University ng mga may kaya sa siyudad ng Davao.

" Sige na naman please, sandali lang tayo doon. Gusto ko lang siyang makitang maglaro kahit thirty minutes lang." Pangungulit niya pa rin rito. Alam na alam kasi ni Stacey na mahal na mahal siya ng kaibigan, kaya sure siya na sasamahan siya nito.

Makahulugan siyang tinitigan ng kaibigan bago ito nagsalita.

"Sige na nga. Kung di lang kita mahal." Pagsang-ayon ni Luna at yumakap sa kanya.

" Thank you friend. Love you too. " Ani Stacey na may ngiti na sa mga labi.

The two of them had been friends since first year high school. Naging magkaklase sila at magkasundo sa halos lahat ng bagay. Bagama't magkaiba ang dalawa physically hindi iyon naging hadlang para maging magkaibigan sila. Luna was a tomboyish at isa sa pinakamayaman ang pamilyang pinagmulan sa lungsod ng Davao.

Isa itong Dizon kaya maraming koneksyon ito sa school. Hindi ito nabubully dahil sa status nito sa lipunan. Mayaman din naman ang daddy niya pero hindi naman sikat sa Davao ang pangkaraniwan niyang apelyido. Mahirap ang pamilyang pinagmulan ng mga magulang niya, pero dahil napakasipag ng daddy Roger niya kaya yumaman sila hindi nga lang kasing yaman ng mga Dizon ang Morado sa lugar nila.

She was a nobody kung ituring ng iba. Her mom leave her for money, her dad take her for granted. Mas gusto pa nitong kasama ang hindi nito mga anak. She felt left out and rejected with her own parents. She has no one to run to. Except for Luna Dizon. Her ever protective and loyal friend.

She was a geek kung ituring ng karamihan sa university na pinag-aaralan nila. She was branded as little miss Tapya ng mga naging kaklase nila ni Luna dahil literal na wierdo ang tingin ng karamihan sa kanya but not her friend Luna. From her thick eye glassess to her manang uniforms. Madalas tawag sa kanya ay baduy because of her fashion. She is like the laughing stock in their school. But it didn't stop her from crushing on Hunter Florendo. The hunk and matinee idol of their university.

Nasa fifth year na ito ng kursong civil engineering. Anak ng presidente ng kanilang university. Tall, tanned-skinned, sculptured body to die for with irresistibly handsome face. Ang biggest assets nito ay ang gray hooded eyes at dimples sa mga pisngi nito kapag ngumingiti. He was like a star to her na ang hirap abutin sa tulad niyang walang maipagmamalaki.

At the gym.

" Go! go Hunter! go Hunter! Go! " Panay ang cheer ng crowd sa kuponan ng ADDU varsity players. At dahil home court ang laro, ang daming nanood na mga estudyante from high school level to college level .

Nakikiingay din si Stacey with all her heart pa kahit patago lang. Championship game kasi ngayon kaya excited ang lahat, maging ang puso niya. Ang lakas-lakas ng tibok niyon.

Engrossed na engrossed na nanonood ang dalagita. Kaya kitang-kita niya kung papaano binantayan ang binata ng mga kalaban. Halos lahat walang kurap na nakasunod sa bawat galaw ng binata sa court.

Hunter Florendo was the team captain, the forward as well as the rebounder of their team. With a towering height enough to qualify him in the PBA. Known for being a playboy manwhore that made girls go gaga over him. And that includes her with all honesty in her part.

His biceps and triceps flexes as he tried to escape from his opponent. Looking for a perfect time to shoot the ball in the basket. He keep on dribbling from right to left habang sumenyas sa ka team. Mabilis na pinasa ang bola kay Keith at pagkatapos umabante sabay talon ng mataas to catch the ball again to make a good three point shot.

Dribbling once again, Hunter made a long jump to shoot the ball but then someone blocked him. At tall man from the other team. Bagsak ang binata at sapol ang gwapong mukha nito.

"Hunter! " On instinct Stacey immediately shouted his name . Not minding the look of those shocked expectators. Mas nangingibabaw kasi ang tinig ng dalaga. Parang maiiyak nang makita ang duguang ilong at labi ng binata. She wanted to go to him. Akma siyang bababa sa mataas na bahagi ng gym kung saan sila nakaupo ni Luna, para puntahan sana ang lalaki pero mabilis naman siyang nahawakan ng kaibigan upang pigilan sa nais niyang gawin. Hinila siya nito at naupo pabalik sa upuan niya.

" Gaga! Pinagtitinginan ka ng mga tao. Nanlilisik ang mga mata ng mean girls sa'yo." Pabulong na saway ni Luna sa kanya. Nag-init ang buong mukha niya sa sinabi nito. Nakalimutan niyang nasa gitna sila ng mga taong mapanghusga.

Poor Stacey Morado. Siya na naman ang gagawing topic ng tsismis ng mga estudyante sa university nila bukas ng umaga. Nanliliit sa kanyang sarili na napakagat-labi ang dalagita. Nagkasya na lang siya sa pagtingin at pagpalakpak ng mga kamay para suporta sa lalaki. Hindi na siya nagti-cheer pa. She just sat there and focus on his game.

Gabi na nang matapos ang laro. Nanalo ang hime court nila. Nagmamadali siyang umuwi ng kanilang bahay dahil ala-sais y medya na sa relos niya. Siguradong uulanin na naman siya ng matinis na tinig ng Tita Cathy niya. Kasama pa ang mga anak nitong sina Violet at Purple. Hindi rin mahilig sa pink ang madrasta niya? Biro niya sa isip.

Hindi nga siya nagkamali dahil nasa gate palang siya ay sinigawan na agad siya ng Tita Cathy niya. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Bakit ngayon ka lang bata ka?!" Hinila agad nito ang mahaba at kulot niyang buhok.

" Masakit po tita, tama na po." Pakiusap niya sa madrasta dahil parang matatanggal na iyon sa anit niya. Wala pa naman ang daddy niya kaya malaya siyang saktan nito. Nasa out of town conference na naman ito. Lagi itong ganoon. Iniiwan siya sa kamay ng mga halang ang kaluluwa na ka sisterhood ni Hitler.

" Tama lang iyan sa malanding babae na iyan mommy! " May sumigaw naman sa likuran niya. Ang dalawang stepsisters niya. Lumapit din ang dalawa at bigla siyang sinampal sa pisngi ni Violet.

" Napakailusyonada mo namang malandi ka! May pa Hunter-hunter kapang nalalaman. Hindi ka ba nahiya sa itsura mo? " Walang pakundangan nitong sigaw sa kanya. Pakiramdam niya ay namanhid bigla ang kaliwang pisngi niya.

" Bagay lang iyan sa'yo, ang kapal-kapal kasi ng mukha mo. Hindi mo ba alam na boyfriend ni ate Violet si Hunter Florendo? " Asik naman ni Purple na bahagya pang dinuro-duro ang ulo niya. Kambal ang dalawang bruhilda sa buhay niya at nasa third year na ito ng kursong HRM. Kung tutuosin mas matanda sa kanya ang dalawa pero kung umasta ay mas bata pa sa kanya.

Alam naman niyang hindi totoo ang sinabi ni Purple sa kanya. Alam kaya niya ang totoo na walang girlfriend ang ultimate crush niya. Oo maraming babae ang nagkakagusto rito pero alam din niyang napakaplayboy nito. Everything for him is just plain sex, iyon ang madalas sabihin ni Luna sa kanya dahil kabarkada ng kuya nito ang binata. At ang nakita niya noon sa pool ng bahay nila ay isa lamang dare o laro iyon ng grupo. Walang relasyon ang dalawa, period.

Hindi na lamang siya nakipagtalo sa tatlo at minabuting tumulong sa paghahanda ng hapunan sa kusina. Matapos siyang tantanan ng tatlo. Mas naging mapang-abuso ang pamilya ng kanyang madrasta. Hindi man lang alintana ng mga ito na nasasaktan na siya. At ang daddy niya ay nabibingi-bingihan lang sa sitwasyon niya. He favored them against her only child. Masakit iyon sa puso niya pero pilit niyang kinakaya. Sandali na lang Stacey, kukunin ka rin ng mommy Jane mo.

Kapag nasa business trip ang daddy niya ay malaya siyang alilain ng mga ito. Nagbabago lang ang pakikitungo ng mga ito kapag nandyan ang daddy niya. Pero hinahayaan na niya dahil nasasanay na siya sa kagaspangan ng mga ugali nito.

Bagamat nakatira siya sa poder ng ama ay hindi iyon ipinagmamalaki ng dalagita. Instead, she would tell her classmates that she was their housemaid para hindi na siya masaktan pa. Kung tutuusin ang daddy niya ang gumagastos sa lahat maging ang pagpapaaral sa stepsisters niya. Wala rin namang trabaho ang tita Cathy niya.

" Kaya ko na dito, Stacey. Doon ka na maghintay sa hapag. " Ani ng kusinera nila.

" Hayaan niyo na po ate Erin gusto ko pong tumulong sa inyo. " Napakunot-noo ang may edad twenty na dalaga. Sinipat nito ang mukha niya. At saka Napailing-iling ito pagkatapos.

" Lagi ka na lang sinasaktan ng mga sampid na iyan. Akala mo kung sino kung umasta, eh ikaw naman ang totoong anak ng daddy mo." May inis sa tinig nito habang may pag-aalala sa kanya. Meron pa palang nagmamahal sa kanya ang kusinera at yaya Mina niya.

" Okay lang ako ate Erin, mamaya ikocold compress ko ito para mawala ang pamumula. 'Wag na po kayong mag-alala. " Tipid na ngiti ang iginawad niya sa babae.

¤¤¤¤¤

Naglalakad siyang walang ulo nang pumasok sa campus ng university nila.

" Yuck! Hindi na nahiya. Itsura nito napaka-chaka! Hmp! " That was one of the mean girl in their campus. Bading ito pero mukhang babae ang ayos. Gusto niyang matawa. Akala mo kung sino eh mas totoo naman ang dede niyang nakatago kaysa rito. Hindi na lang niya pinansin iyon sa halip ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kaya naman hindi siya nakahuma nang may biglang humila sa buhok niya.

" Aray! " Napaigik siya sa sakit na nadama. Hindi niya iyon napaghandaan.

" You bitch! Don't turn your back on me when I'm still talking to you!" Napapikit siya hindi pa nga nawawala ang sakit sa anit niya kagabi at ngayon meron na namang humila sa buhok niya.

" Oh crap." Hinawakan niya ang kamay ng bakla para tanggalin sa pagkakahila sa buhok niya. Humarap siya rito pagkatapos.

" Please let go of my hair." Pakiusap niya sa mababang tinig. Ngumisi ito sa kanya pero hindi parin binibitawan ang buhok niya. The crowd started to circle them. Nakikiusyuso na ang mga ito at tumatawag na sila ng pansin.

This gay is just so mean, bagay ang tawag sa grupo nito na mean girls of the campus.

" I will let go of your hair if you promise to stay away from Hunter." Mas lalo siyang napapikit dahil sa sakit. Napatango-tango siya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi naman niya sinusundan ang binata. Oh well, slight lang naman. Halos maiyak na siya bago nito bitawan ang buhok niya.

Sa nangyari ay nagtatakbong tinungo ni Aera ang likurang bahagi ng university nila. At doon malaya siyang umiyak nang umiyak sa sama ng loob at kahihiyang naranasan. Hanggang kailan siya magiging ganito? She had been bullied since she stepped on that school. Wala naman siyang ginagawa sa mga iyon bakit palagi siyang sinasaktan ng mga ito? Hindi pumasok ang kaibigan niya kaya walang magtatanggol sa kanya.

Maya-maya nang mahamig ang sarili ay nagpasyang tumayo na si Aera. Tinahak niya ang daan pabalik. First time niyang makapunta sa parteng iyon ng paaralan kaya naman nakadama siya ng takot nang maisip na nag-iisa lang siya sa lugar na iyon. Nagulat pa siya nang sa pagbalik niya ay may sumalubong sa kanya. At iyon ay walang iba kundi si Hunter.

"Hey! What are you doing in this secluded place of the school?" May lamyos sa tinig nitong wika sa kanya. Bahagya niyang Kinusot-kusot ang mga mata at baka namamalikmata lang siya.

Nang mapagtanto na totoo ito ay nanlaki ang mga mata niya at umawang ang labi niya.

" Baka mapasukan ng langaw ang bibig mo." Ito ang pangalawang beses na nakita ni Stacey ang binata sa malapitan and she couldn't believe it in her eyes. Napakurap-kurap siya nang ngumiti ito at lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi nito. Hindi siya nakapagsalita, nanatiling nakaawang ang labi. Naaaliw naman na biglang bumaba ang mukha ng lalaki sa kanya to level her face. She blush kasabay ang pagririgudon ng dibdib niya.

" H-Ha? " Disoriented niyang saad sa binata. Sinundan ba siya ng lalaki sa lugar na ito?

" Do you remember the last time we talked? "

" Hah? " Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ano ba ang ipinahihiwatig nito?

" I said you're cute, right? " Napatango-tango si Stacey sa binata. Naaalala pa pala nito ang una nilang pagkikita. " It's actually true, Stacey. And because of that I want to ask you a favor? "

" W-What favor? " Naguluhan niyang tanong rito. Nagtatanong ang inosenteng mga mata sa binata. She didn't wore her eyeglasses dahil sa pag-iyak kanina.

" Mind if I kiss your lips? " Naging malamyos ang tinig nito. She felt like special.

" Wha-. " Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya dahil walang babala siyang siniil nito ng makapugto-hiningang halik. Pinanginigan ng kalamnan ang dalagita. She was being kissed by her ultimate crush. Nanatiling tikom ang labi niya dahil sa gulat at sa kadahilang hindi siya marunong humalik. Ganito pala ang halik. Napakatamis, napapikit siya nang lumalim ang halik nito sa kanya. Her legs felt jelly kaya naman awtomatikong napahawak siya sa mga braso nito bilang suporta. He bit her lower lip to part her lips. Mahina siyang napadaing dahilan para maipasok ni Hunter ang dila sa loob ng bibig niya. She felt dizzy afterwards. They kiss for a few minutes. Naputol lamang iyon nang makarinig sila ng hiwayan sa likod lamang nila. Her face turned into crimson red. Ang mga mata'y napatitig sa binata.

" Your five minutes is up, Florendo! " Sigaw ng isang babae. Mabilis siyang ginawaran muli ng halik ni Hunter bago nito tuluyang nilubayan ang namumula niyang labi. Ngumisi ito pagkatapos nilang maghiwalay. Windang na windang pa siya sa nadamang sensasyon. Nanatiling nakahawak ang mga kamay niya rito dahil sa panghihina. He was also holding her waist to steady her.

" Thanks for your cooperation, Stacey. Actually, it was just a dare. No hard feelings, I hope you don't mind? " Tinalikuran na siya nito pagkatapos iyong sabihin sa kanya. Humahalakhak pa ang mga kasamahan nito at nag-apiran pagkatapos. Naiwan siyang natulala at di makapaniwala. He actually stole her first kiss! And just leave her afterwards!

" I'm impressed Florendo. Naniniwala na akong matinik ka sa mga chicks, kahit na nasa high school palang pinatos mo na." Tudyo ng isa sa binata. Nag apiran ang mga ito at nagtawanan. Feeling ni Stacey ay pinaglalaruan siya ng mga ito. Ang akala niyang kabaitang ipinakita ng binata sa kanya noon ay isang pagkukunwari lang pala. Hindi agad nag sink in sa utak niya ang lahat pero nang marealized ang ginawang katangahan ay nakadama siya ng hiya. Pinaglaruan lang siya ng binata. Lumarawan ang sakit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa mga ito. Her eyes started to water again. Bago pa mapansin ng mga ito ang pagluha niya ay mabilis na siyang umalis siya sa lugar na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status