Share

Six

Nakaalis na si George ngunit hindi pa rin siya binibitiwan ng binata. Sa halip ay sumunod sila sa pagpasok ni George sa bahay habang karga pa rin siya ng binata. Gusto niyang magprotesta pero hindi niya nagawa. Palingon-lingon kasi ang baklang staff sa kanila. Ano na lamang ang iisipin nito sa kanila?

Pumasok na si George sa guestroom sa baba ng bahay nang magpumiglas ang dalaga.

" You can put me down, now." Ani niya sa binata. Pulang-pula pa rin ang mukha niya sa hiyang nadama.

" No. Ihahatid kita sa silid mo." Walang kangiti-ngiting sagot ng binata sa kanya. Patuloy ito sa pag-akyat sa hagdan na kasama siya.

"Argh!" Napaismid si Stacey sa sagot ng binata sa kanya.

" Pwede mo namang enjoyin ang pagkarga ko sa'yo imbes na magmaktol ka dyan." Walang pakundangan nitong wika sa dalaga.

" Hoy, Mr. Hunter Florendo, iisipin ko na talagang nananantsing ka sa akin dahil hindi mo ako maibaba? " Iyon ang lumabas sa bibig niya gayong kabaliktaran naman ang nararamdaman niya. He hated this man to the core kaya hindi niya hahayaang magtagumpay. itong akitin siya.

" Asus! Pakipot ka pa sa akin. Alam ko namang gustong-gusto mo ang mga yakap at halik ko. Kaya enjoyin mo na lang. " Panunudyo ng binata sa kanya. Tinampal niya ito sa balikat. Mabuti na lamang at nasa harap na sila ng silid niya. Ngunit hindi pa rin siya ibinaba nito.

She counted one to ten para pigilin ang sariling magalit sa kapreskohan nito. He's right, mas mabuting enjoyin na lang niya ang init na hatid ng mga bisig at dibdib nito.

Marahan siyang ibinaba nito sa tapat ng pinto ng kwarto niya. Akmang pipihitin niya na ang seradura nang magsalita ito sa likod niya.

" I'm not sorry for kissing your pretty little mouth a while ago. I'd enjoyed it that I want to kiss you again." Kasabay niyon ay ang muling paghila ng binata sa dalaga para gawaran siya ng mainit na halik sa kanyang mga labi.

Damn! he was kissing her again!

Gustong itulak ng dalaga si Hunter pero maagap nitong nahawakan ang dalawang palad niya para itaas sa ulunan niya. And he pinned her on the door. Mas naging mapusok at mapaghanap ang halik nito that she couldn't help but to close her eyes and welcome his invading tounge inside her mouth. She equaled his passionate kisses that a moan slipped from her mouth. Mas nagtulak iyon sa binata na mas pag-igihan pa nito ang ginawang paghalik sa kanya. Her knees was shaking again, para kasing hinihigop ng halik nito ang buong lakas niya.

Ang rupok niyang talaga!

Napakasarap ng halik na ipinaranas nito sa kanya. That she surrendered once again. Memories from her past flashbacks in her mind. Sa likod ng university nila nang halikan siya noon ng binata. Pagkatapos ay nang pagtawanan siya ng mga kabarkada nito.

The pain from the past keeps coming back to her now. Para siyang natuod bigla at tumigil sa paghalik dito. Tears started to roll down on her cheeks that she could taste the saltiness of them.

Natigil sa paghalik si Hunter nang malasahan ang maalat-alat na luha ng dalaga. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na biglang binitawan ang dalaga at agad dumistansya rito.

Nabaghan siya sa nakitang itsura ng dalaga. Nakatitig lamang sa kanya si Stacey habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata nito. He felt guilty.

Ano bang pumasok sa isip niya para halikan ang dalaga? Ni wala siyang makapang pagsisisi sa sarili.

" I'm sorry. I, i can't helped kissing you. Simula kanina I have this urge to taste your lovely lips." Sunod-sunod na nagbuga ng hangin ang binata. Tumalim ang tingin ng dalaga sa binata.

" I hope this is the last time that you'll take advantage of me Mr. Florendo. Hindi ako naparito para lang halikan mo sa kahit saang lugar na gustuhin mo. I'm here because of work and not to be ravished by you! " Sigaw ni Stacey sa binata bago pumasok ng silid at pinagbagsakan ito ng pinto.

Hindi niya na hinintay ang sagot ng binata. Masakit na naman ang puso niya. Hinayaan niya ang sariling humagulhol.

" Shit! Idiot! " Mahinang napamura si Hunter habang kinatok ang ulo gamit ang kamay matapos siyang pagbagsakan ng pintuan ng dalaga. Sumusobra na yata siya sa kanyang mga ginagawa?

Ano ba kasi ang pumasok sa utak niya at hinalikan na naman niya ang dalaga?

Naramdaman na naman niya ang di maipaliwanag na atraksyon sa dalaga. Katulad noong dalagita pa ito. Kahit kailan hindi niya makalimutan ang mga halik na pinagsaluhan nila noon sa likod ng university. Kahit na ba para sa mga kaibigan niya ay dare lang iyon, ngunit sa kanya ay iba ang naging epekto niyon. Her soft lips captivated him that he longed for more.

Akmang kakatukin niya ang pinto ng dalaga pero nagbago ang isip niya. Nagpasya siyang tunguhin ang bar counter ng bahay niya. He needed a drink dahil sa nangyari sa kanila ng dalaga. He wanted to clear his mind once and for all. Gusto din niyang makalimutan ito dahil alam naman niyang hindi ito mananatili nang matagal sa lugar niya. Tama ito, she's here because of work.

Napagdesisyonan niyang makikipagtulungan dito para mas mapabilis ang trabaho ng mga ito.

¤¤¤¤¤

Hindi maiwasan ni Stacey na di kabahan habang ginagawa ang interview sa binata. Napaka interesting ng mga naging sagot nito sa tanong niya. Ayaw man niyang aminin but the man is really intelligent. Impressive ang mga sinasabi nito at may laman. Kaya nga siguro sinuwerte itong masyado sa itinayong business nito. Maliban of course sa pagiging arogante at bastos nito.

" So, tell me what's your secret behind all this success?" Ani Stacey. Pinipilit ang sarili na hindi pumiyok sa harap nito. Itinatanggi niya sa sarili na apektado siya sa pagkakatingin ng binata sa kanya. He was just so irresistible with his tuxedo on. Ano kaya ang nasa ilalim niyon? Her naughty mind thought.

" Well, based on my experience. You need to be aggressive and determine sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo. Your ability to set goals and make plans for your accomplishment is the skill required to succeed. Hindi pwedeng hindi mo pag-aaralan ang mga pros and cons ng gagawin mong negosyo. Make a vision and know how to get there. Plan, plan and plan because without it failure is guaranteed."

Hindi man aminin ni Aera sa sarili but she was impressed with his answers. Kaya marahil naging successful ito sa pinasok na negosyo. She clear her throat before she continues.

" On the lighter note, are you in a relationship right now mr. Florendo ?" Awkward para sa dalaga na itanong iyon but their consumers need to know.

Simpatiko itong ngumiti sa kanya bago sumagot.

" Are you?" Balik-tanong nito sa dalaga.

" Yes. What?! " Nagulat ang dalaga sa pagbabalik ng tanong nito sa kanya. Naisahan siya ng binata. Pagkuwa'y humalakhak ito. Namumula sa inis ang dalaga. Pakiramdam ni Stacey ay pinaglalaruan na naman siya nito. Kabilang sa background ang tawanan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Her nose fares up.

" What's so funny mr. Florendo? " Pigil ang galit na sigawan ito. They need to finish the interview today dahil kukuhanan pa ito ng mga poses for the Overpowered magazine.

Tumigil naman ito sa pagtawa at biglang sumeryoso. Tiningnan siya ng matiim sa mga mata.

" No. I'm not in a relationship right now but I'm interested in you." Mas lalo pa yatang namula ang dalaga sa kaprangkahan nito. Naghiyawan naman ang mga nakarinig. So conceited talaga! Mangani-ngani na niya itong batuhin ng hawak na questionare dahil pikon na pikon na siya. Talagang pinaglalaruan siya nito.

Bakit ba kailangan pa nitong sabihin iyon sa kanya sa harap ng maraming tao? She tried to composed herself.

" W-well, that's all for today mister Florendo. Thank you for your time." Pagkatapos ay tumayo na ang dalaga. Marami pa sana siyang gustong itanong dito pero hindi na niya nakayanan pa. At baka kung saan na naman mapunta ang sagot nito.

" Hey! I want to ask you too." Pigil sa kanya ng lalaki. Maagap nitong nahawakan ang braso niya. Napakunot-noo ang dalaga sa tinuran nito.

" Hindi ako ang ipi-feature sa magazine mr. Florendo , you are. Kaya I'm not interested to answer your question. Now please, let go of my arm." Seryosong wika ng dalaga rito na walang kangiti-ngiti.

" I insist. I've already done you a favor, marapat lamang na pagbigyan mo rin ako, Ms. Stacey. " Matiim itong tumitig sa dalaga na ikinasinghap nito. Nanatiling nakahawak ang binata sa braso niya.

" Oh you! " Nanlalaki ang mga mata ng dalaga. May kislap ng kapilyuhan ang mata ng binata.

" Have dinner with me later at eight pm. And I don't take no for an answer." Babala nito sa dalaga.

" I won't!" She said between clenched teeth.

" Have dinner with me or I'll kiss you right here, right now!" Banta nito sa dalaga na ibinulong lang sa kanya ng binata.

" Are you threatening me, Florendo ?" Napataas ang boses na turan ni Stacey . Naningkit ang mga mata ng binata.

" Hunter. Hunter's my name. And yes! call it that way. I'm dead serious of kissing you again if you won't go with me later." Sa narinig ay biglang umigkas ang libreng kamay ng dalaga sa pisngi ng binata.

" How dare you! Wala kang karapatang pagbantaan ako!" Pakiramdam ni Stacey ay namanhid ang kamay niya sa pagsampal na ginawa rito. Para namang lalabas na ang puso niya sa ribcage dahil sa lakas ng tibok niyon. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ng binata. At gusto niyang matakot nang biglang tumalim ang mga mata at bumalasik ang mukha nito. Wala sa sariling napaatras siya.

Hindi siya makapalag sa gulat nang bigla na lamang siyang buhatin nito na parang sako at ipinatong sa balikat nito.

" Ayyy! Put me down! " Nagpapasag siya at pinagbabayo ng mga kamay ang likod ng binata.

" Stay still or I'll spank your butt." Sukat sa narinig ay natakot bigla ang dalaga at tumigil sa pagwawala.

" Saan mo ako dadalhin?" Kinakabahang tanong ng dalaga sa binata.

" In a place where I could talk to you, alone. " Walang gatol na sagot nito. Hindi na siya nagreklamo pa. Wala siyang lakas para labanan ito because he's too strong for her strength.

Saan siya dadalhin nito? Is he going to hurt her?

" Ahhh! ibaba mo ako! Papatayin mo ba ako? " Sukat dooy Napahalakhak ang binata.

" Of course not! I'm not going to kill you. I will going to pleasure you. " Biglang naging malandi ang boses nito. Nanindig yata lahat ng balahibo niya sa katawan nang marinig iyon sa lalaki.

Pumasok sila sa isang enclosed gazebo located at the end of the garden. Ibinaba agad siya nito sa kamang nandoon. Namangha ang dalaga nang igala niya ang paningin sa buong paligid. Hindi niya alam na may ganito kagandahang gazebo ang bahay nito. Hindi halata ito dahil napapalibutan ito ng vines.

" Wow! This is beautiful! " She exclaimed. Nasa mga mata niya ang paghanga. She heard him chuckled.

" Mabuti't nagustuhan mo." Komento ng binata.

" Anong gagawin natin dito? " Maya-maya'y tanong ng dalaga.

" Ikaw? Anong gusto mo? " He was teasing her. Napasimangot na umupo ang dalaga sa kama. Ayaw niyang patulan ang pagbibiro nito.

" Can you be serious for a second, Hunter?" ani ng dalaga. Nakalimutan niyang i addressed ito sa apelyido nito.

" Yeah, that's more like it. I like the sound of my name on your lips, sweetheart." She just rolled her eyes.

" Pwede ba wag na tayong magbulahan pa? Anong kailangan mo sa akin at dinala-dala mo pa ako dito? "

" I brought you here because I want to tell you that I like you, I mean really like you Stacey. " Sumeryoso ito at dahan-dahang lumapit sa dalaga. Hindi makahuma si Stacey nang lumuhod ito sa harap niya at ginagap ang mga kamay niya. Napaawang ang labi sa nakita.

" H-hunter, what are you doing? Tumayo ka nga dyan." Nagulat siya sa ginawa ng binata. Hindi niya akalain na luluhod ito sa harapan niya at magconfess na gusto siya nito. Sumasal bigla ang tibok ng puso niya. Ang mainit-init nitong palad against her palms brought heat on her whole being.

" I will not stand here until you accept me as your boyfriend." Nanlaki bigla ang mga mata ng dalaga. Kita niya sa tsokolateng mga mata nito ang determinasyon.

" Are you out of your mind? You only knew me for two days Hunter, bakit mo nasasabi iyan ngayon? " Tumayo siya at hinila ang lalaki patayo. Nagpahila naman ito at sumunod sa kanyang tumayo.

" Honestly, unang kita ko pa lang sa iyo kahapon naramdaman ko na agad na gusto kita. Hindi mo ba napapansin na humahanap ako ng paraan mahalikan lang kita? That's because I like you. I've never felt this way before towards a girl until you came into my life." He was looking at her intently. Hindi alam ni Stacey kung ano ang iaakto at sasabihin rito. Biglang lumamlam ang tingin ng lalaki sa kanya. He looked very sincere habang nagtatapat sa kanya. Is this some kind of a joke? Ano na naman ang binabalak nito? Kilala ba siya ng binata kaya pinaglalaruan na naman ang damdamin niya? Pero hindi niya makita ang rekognasyon sa mukha nito nang muli silang magkita. Ang nakita niya doon ay paghanga.

Kung malalaman kaya nito na siya ang dalagitang pinagkakatuwaan nito at ng mga kabarkada nito noon, ano kaya ang magiging reaksyon nito?

Noon ipinangako niya sa sarili na iiwasan na niya ang magkagusto pa sa opposite sex dahil sa naranasang sakit niya noon sa lalaki. Ang galit na nadama niya dito ay ginawa niyang motivational factor para magtagumpay siya sa career na pinili niya. She bear in mind na sa sandaling magkrus ang landas nila muli ng binata, gagawin niya ang lahat para makapaghigante rito. Hindi niya aakalain na darating ang panahon na iyon. Napakabata pa kasi niya noon nang ipangako niya iyon sa sarili.

And at this very moment parang sinadya ng tadhana na maisakatuparan niya ang matagal na niyang minimithi sa lalaking sumugat sa bata niyang puso.

" Please, sweetheart. Talk to me. Will you accept me as your boyfriend now? " Napakurap-kurap siya nang marinig muli ang tinig nitong nagmamakaawa sa kanya.

" I, I don't know what to say, Hunter. Naguguluhan ang isip ko, masyado kasing mabilis ang lahat." Umilap ang mga mata niya at tumalikod sa binata.

That's it beg for more. Ani ng isip niya. Sisimulan natin ngayon ang larong gusto mo Hunter Florendo!

Naramdaman niyang niyakap siya nito sa likod. Napapikit siya sa init na nagmumula sa katawan nito padikit sa kanya. Kahit na ba kapwa sila may suot na damit ay hindi naging hadlang iyon para makadama siya ng pag-iinit ng katawan.

" Please, sweetheart." Parang musika sa pandinig niya ang tinig nitong nakikiusap. Anong sasabihin niya?

It's now or never! Nagtatalo ang isip niya at puso sa magiging desisyon niya. But she has to try. Wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niya. Baka maging advantage pa iyon sa kanya pagdating ng panahon. Matagal nang nawala ang pag-ibig niya sa binata. Kasama niyang ibinaon iyon sa naging itsura niya dati. Kaya ngayon gagawin na niya ang planong paghihigante rito.

Dahan-dahan siyang humarap sa binata. She could see his expressive brown eyes looking at her sea green ones. Ngumiti siya rito ng matamis. Lumunok muna siya ng sunod-sunod bago nagsalita.

" Yes. B-boyfriend na kita, Hunter Florendo." Nakangiti pa ring saad niya rito. Nagliwanag ang mukha ng binata sa sinabi niya. Bigla siyang niyakap at kinarga paharap dito.

" Yes! yes! yes! I am so happy right now, sweetheart!" Tuwang-tuwa itong nagpaikot-ikot kasama siya. Pagkatapos ay ibinaba siya nito at pilyong ngumisi sa kanya.

" Can we seal it with a kiss, sweetheart?" Hirit pa nito sa kanya. Alam niya ang pagpapacute nitong ginagawa sa kanya. She crossed her arms in her chest.

" You've kissed me twice already, mr. Ano ka sinuswerte?" Namumula ang pisngi niyang sagot dito. Umatras siya palayo rito pero maagap naman siyang nahawakan nito.

" You can't escape me, sweetheart. I'm gonna claim my kiss now." And then he claimed her lips for a breathtaking kiss. Gustong pangapusan ng hininga ni Stacey. Napakahusay talagang humalik ng nobyo niya. Para siyang inilalakbay nito sa ibang dimension. Mahigpit siyang napakapit sa mga balikat nito for a support dahil nanghihina siya. Ganyan nga Hunter, gawin mo na lahat ang gusto mong gawin sa akin dahil sa sandaling makaalis ako rito, sisiguraduhin kong maiiwan kang luhaan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status