Share

Twenty Two

" Akala niya siguro madadala ako sa pabulaklak niya, hmp!" inis na turan ng dalaga sa kanyang sarili. Ewan niya pero hanggang ngayon ay inis pa rin siya sa binata. Sinusuyo siya nito pero wala paring epekto iyon sa kanya. Hindi na niya napansin si Mina na masasalubong niya.

" Ang bilis naman yata umalis ng bisita mo, hija? " Bungad sa kanya nito. Nakatawa pa ang matanda sa busangot niyang mukha. " Baka pumangit si baby dahil sa hilatsa ng mukha mo. " Patuloy pa nito.

" Pinaalis ko na, nay." Napasimangot niyang sagot rito. Napakunot-noo naman ito sa sinabi niya.

" Aba'y gusto pa namang dalawin ni Hunter ang daddy mo." Napakamot ito sa ulo. Tinaasan lamang iyon ng kilay ng dalaga.

" Ayoko po siyang makausap, nay." Napahalukipkip siya. Napabuntung-hininga ang matanda.

" Hija, hindi naman sa lahat ng panahon ay maiiwasan mo ang ama niyang dinadala mo. Maano ba'y bigyan mo ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa'yo. Magkalinawan kayo. Siguro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status