Share

Twenty

Mabilis na pinahid ni Stacey ang mga luhang sumungaw sa kanyang mga mata nang mapansing nagising na ang ama. Isang tipid na ngiti agad ang iginawad niya rito nang mabaling sa kanya ang paningin nito.

" Dad, si Stacey po ito." agad niyang pakilala rito. Maagap niya itong nilapitan sabay hawak sa mga kamay nito. Lumarawan sa mukha ng ama ang pagkagulat kasabay ang pagkislap ng luha sa mga mata nito.

" A-anak." Sa nanginginig na tinig ay sambit nito. Walang babalang niyakap ito ng dalaga.

" Sorry po daddy. Sorry po, hindi ko po alam na may sakit kayo." umiiyak niyang wika sa ama. Hindi makayakap pabalik ang ama dahil sa kalagayan nito. Matapos yakapin ang ama ay ginagap niyang muli ang mga palad nito.

" Pangako daddy, hindi ko na po kayo iiwan. Aalagaan ko po kayo." pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa mga mata ni Roger.

" S-sorry, anak. P-patawarin mo rin ang daddy sa mga p-pagkukulang ko sa'yo." sa garalgal na tinig ay sabi nito.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status