Share

Three

Ten years later.

Ormoc, Leyte.

" Bakit mo naman ginawa 'yon, bru? Kawawa naman si Uno. Ang sugid pa namang manligaw sa'yo." ani Sophie sa kanya.

Tinaasan niya lang ito ng kilay. Kung makapagsalita ito ay parang walang mga lalaking pinaiyak noon. Mabuti pa nga siya dahil sinasabi niya agad sa mga ito na wala itong mahihita sa kanya. She's brutally frank to the point na napapaiyak na ang mga lalaking nanliligaw sa kanya. Kapag kasi may magtangkang manligaw sa kanya ay agad niya itong dini-discouraged. Mahirap na baka umasa pa sa wala.

" Mas mabuti nang maaga niyang malaman na wala siyang makukuhang oo sa akin. Ayoko siyang masaktan pa lalo, bru. Ewan ko naman kasi sa kanya. Masyadong makulit eh friendship lang naman ang kaya kong ibigay sa kanya." She reasoned. Kahit ano talaga basta tungkol sa lovelife niya ay may rason siya.

" Really huh? Baka naman tomboy ka friend kaya hanggang ngayon ay wala ka pa ring boyfriend?" Natawa siya sa sinabi ng kaibigan slash kasosyo niya sa negosyo nilang men's magazine ang Overpowered Men. Sandaling naalala ang kaibigang si Luna. Kamusta na kaya ito? Wala na siyang balita rito matapos niyang umalis sa lugar na kinamumuhian niya.

Their magazine features young businessmen na naging bilyonaryo sa sariling sikap ng mga ito. Their biographies and even the tiniest detail of their lives. They started their business three years ago at sa nakalipas na mga taon ay naging kilala ito hindi lamang sa pilipinas maging sa asya. All because of their teamwork and hardwork. At siyempre pa sa tulong ng mga researchers at mga staffs nila.

Natawa siya kay Sophie.

" Of course not! Ang sexy ko namang tibo niyan, bru! " Alam naman niyang binibiro lang siya ng kaibigan kaya hindi siya na offend sa sinabi nito. Nakilala niya si Sophie noong college sila, naging magkaklase sila sa isang subject sa Journalism. Kahit bruha ito noon naging mabait naman sa kanya.

" Oo nga hindi bagay, bru." Short for bruha, iyon ang pet name nilang magkaibigan. Sumang-ayon naman ito sa kanya. Maya-maya lang ay nakarinig sila nang magkasunod na katok.

" Come in." Wika ni Sophie . Pagkatapos ay bumukas iyon at iniluwa ang secretary nilang si Ana.

" Yes, Ana?" turan ni Sophie dito.

" Excuse me po Ms. Sophie, nandito na po ang asawa't anak niyo." Sa narinig ay napangiti ang kaibigan.

" Ok, thanks." sagot ni Sophie at binalingan siya. Pagkuwa'y tumayo na ito.

" Mauuna na ako, bru. Umuwi ka na rin ha? "Humalik si Sophie sa pisngi niya bago lumabas ng opisina nilang dalawa. Tumango siya.

" Sige may tatapusin lang ako saglit. " Sagot niya rito.

Hindi pa siya maaaring umuwi dahil may paglalamayan siyang proposal tungkol sa isang young billionaire from Mindanao na kailangan niyang pag-aralan. Siya ang editor in chief at nagpo-proof read sa lahat ng magazines na inilalabas nila sa market. Kasali pa ang PR department kung kinakailangan. While Sophie handles the company finances.

Binabasa niya ngayon ang draft na ipinasa kanina ng researcher niya. It was about a construction magnate from Davao City. Ang lugar na kinamumuhian niya, pero hindi naman niya kailangang pumunta roon dahil may mga field agents siya to do the enterviews, purely siya lang talaga ang nagpafinalize sa mga datas bago maisulat sa magazines nila.

Hindi sinabi ang pangalan ng negosyonte but her researcher promised her to tell her kung papasa ito sa panlasa niya. Kaya secret muna daw for the meantime.

This will be the first time that they will feature a young billionaire from Mindanao kung papayag siya. Why not? A graduate from Ateneo De Davao University and was born from an influencial family. Sandali siyang natigilan. May tila kumudlit na sakit sa puso niya.

They have the same school. Pero hanggang third year high school lang siya doon. Pinalis niya agad ang nasa isip.

Kaya pala naging bilyonaryo ito dahil sa simula palang ay mayaman na ang pamilyang pinagmulan nito. Huh, typical rich kid! Patuloy ang makulit niyang isip sa pag-iisip. Well, she was not really impressed sa mga nabasa tungkol rito pero kailangan niya itong bigyan ng benefit of the doubt. Sapagkat hindi naman basta-basta si George, asset ito ng company nila. Lagi itong nangunguna sa pagbibigay sa kanya ng makabagong ideas kaya nga mabilis na nakilala ang Overpowered Men magazine sa Pilipinas at sa Asya.

Ipinagpatuloy niya na ang pagbabasa. Nang makagraduate ang lalaki ay agad nag take ng board exam, first time taker lang ito and was top one of the civil engineers board exam.

Wow! Just wow. Napahanga siya rito. He must be very intelligent.

Nagtrabaho ito sa kompanya ng iba at doon umasenso ng husto. After five years ay nagtayo ng sariling construction firm at ngayon nga ay nangunguna ang business nito sa buong Mindanao at kinikilala na rin ng ibang bansa.

" And excellent in his chosen field kaya umasenso siya sa sariling sikap." Mukhang interesting ang ginawang draft ni George sa kanya.

He's thirty-two, single and no girlriend. Totoo ba ang nakasulat sa article ng researcher niya? Baka pangit ito sa personal kaya walang nobya?She concluded in her mind. Hindi naman itsura ang basehan sa mga na i feature ng magazine nila. Sinaway niya ang sarili.

Kinabukasan ay pinatawag niya agad ang kanyang researcher para pag-usapan ang tungkol sa proposal na ibinigay nito sa kanya kahapon. Ipinaalam niya rito na gagawin nilang summer issue ang ginawang draft nito specifically for the month of May.

" Now tell me George, who is this young billionaire from Mindanao? "

" Ahm, Ms. Stacey kababayan ko po sa Davao City. Si Hunter Florendo po ang nasa draft ko Ms." parang may warning bell ang biglang tumunog sa utak niya. Hindi ba siya nagkamali ng dinig sa sinabi ni George sa kanya?

" Come again?" gusto niyang klaruhin kong tama ang narinig niya mula rito at hindi guni-guni lang ng isip niya.

" Hunter Florendo po Ms. Stacey. Haven't you heard of his family name before? He is connected with the old rich family of Florendo in Davao City. " Inulit nito ang sinabi kasabay ang pagbibigay ng iba pang impormasyon tungkol sa lalaki.

" What?! "nabigla niyang wika. Tumaas yata bigla ang alta-presyon niya sa narinig. Parang nag-echo iyon sa isip niya at bigla ang pagflashback ng mga eksena sa utak niya. Wala sa sariling napakuyom ng mga kamao ang dalaga.

He couldn't be him. Ang tagal na noong huling pagkikita nila. And it was not pleasant. Maraming nangyari sa buhay niya mula noong araw na iyon. Bakit niya ba nakalimutan na taga Davao City rin ang matinik niyang researcher?

" Ok lang po ba kayo Ms. Stacey ? Namumutla po kayo Ms." Nag-aalalang napatayo ito para sana daluhan siya. Pero sumenyas siyang maupo itong muli.

" I-I'm fine. Medyo mainit lang ang panahon ngayon. Pag-aaralan ko lang muli ang mga nakasulat dito. Pwede ka ng umalis. I'll update you as soon as I finalize this draft." Pilit niyang hinamig ang sarili.

" Sige po Ms. aalis na ako. Babalitaan ko agad kayo sa sandaling pumayag na si Mr. Florendo na ma feature para sa May issue natin." Tumango-tango siya sa lalaki bago ito tuluyang lumabas ng opisina nila.

Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na ang researcher. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Her ultimate enemy will be their Overpowered Man May issue. No! Paano ba niya babawiin iyon kay George nang hindi siya magmumukhang bitter at walang isang salita?

¤¤¤¤¤

" Shit! Get a grip Stacey! " problemadong-problemado ang itsura niya nang mapasukan ng kaibigan sa opisina nila.

" What"s wrong, bru? Why are you frowning? " Bungad na tanong ni Sophie sa kanya. Nasa mukha ang pag-aalala.

" Nothing, I was just pissed because our May issue will be Hunter Florendo, my greatest nemesis from the past. Argh! " madramang sagot ni Stacey sa kaibigan at kasosyo. Sophie rolled her eyes.

" Napaghahalata bru na mayroon ka pang feelings sa kanya.It's been ten long years, you know? He's from the past now. " She emphasize the word past. Sophie knew their story, everything that had happened to her before.

" Still, I don't want to see him again." Napakagat-labi siya sa sinabi. She became unreasonable now.

" OA nito. Ano ngayon kung greatest nemesis mo iyon? Remember, we do not mix our personal life with our business. Trabaho lang at walang personalan kaya nga sumikat ang men's magazine natin." Paalalang totoo nito sa kanya. Natigilan siya. Tama naman ang kaibigan sa sinabi nito. Bakit siya kailangang magworry?

" And besides, you're not that same fifteen year old girl who had a crush on him. Cheer up girl! You are the new and improved versatile Stacey Morado, na pinipilahan ng mga manliligaw mo. Baka nga may-asawa na iyon eh?" Dugtong pa nito.

" We feature bachelors only, bru. Kaya nga alam kong binata pa siya. Pero hindi ko pa kayang makita siya ulit. Gawd! " She freaked out. Sinabunutan ang sariling buhok. She didn't know what to do now.

" Come down will you? hindi naman ikaw ang personal na mag-iinterview sa kanya. Let George do it, siya naman ang nagsuggest niyan." Pampalubag loob ni Sophie sa kanya.

" Easy for you to say kasi hindi naman ikaw ang humaharap sa mga ipi-feature natin kapag may mga requests sila. But I am bru. Bakit kasi sobrang seloso ng asawa mo." Natawa si Sophie sa tinuran niya. She pout her lips. Para na siyang bata sa paningin ng kaibigan.

" Ok lang bru, selosa din naman ako kaya pareho lang kami bawal din siyang makipag-usap sa mga babae." Sagot pa nito.

" Paano nalang kung magrequest siyang kausapin ako?" Wala sa sariling kinagat-kagat ang mga kuko sa daliri. Ganito siya kapag nati-tense.

" Hay naku! You worry too much my friend. Kung meron lang award sa sobrang pagkaparanoid, I'm sure ikaw ang winner." Birong totoo nito sa kanya.

" Seriously, wag mo muna isipin yan. I'm sure we can find a way kung sakaling mangyari ang kinakatakutan mo. But for now, kailangan mo munang magrelax. Why don't you go home and rest para mawala iyang mga unnecessary thoughts mo." Suhesyon nito sa kanya.

" You want me to go home early?" Nagtataka niyang baling sa kaibigan. Tumango ito.

" Yes, you need it badly my friend para ma clear iyang mind mo. At para hindi ka na advance kung mag-isip."

" No, I will just stay here. Don't worry mamaya lang ay magiging okay na ako." Ngumiti siya ng tipid rito pagkatapos.

Sabi niya lang 'yon dahil nang makaalis ang kaibigan ay siya namang tawag ni George sa kanya. Sinadya kasi ng researcher niyang bakla ang bayang sinilangan nito para makausap ang kababayan nitong si Hunter Florendo.

" Hello, George?" sagot niya sa tawag nito.

" Ms. I have good news and bad news for you." Walang ligoy nitong wika sa dalaga.

" Is this something to do with Mr. Florendo? " Dalangin niya na sana hindi ito tuluyang nakumbinsi ng emoleyado.

" Yes Ms. Kanina lang kami nagkausap kaya ngayon ay may badnews and goodnews ako sa'yo." sagot nito. Sandali siyang nag-isip.

" Can you go with the good news first? " Kinakabahang turan ng dalaga.

" Well, the good news is pumayag na si Mr. Florendo na ma feature para sa May issue ng Overpowered Men magazine. Kaya lang ay may request siya." Pambibitin nito sa kanya.

" I supposed that's the badnews?" di mapigilang butt in niya.

" Tama po Ms., gusto ni Mr. Florendo na ang mismong editor-in-chief ng magazine natin ang mag-iinterview sa kanya. Special request po niya, Ms. Stacey because he's been a fan of our magazine." Napakunot-noo siya sa narinig.

Ang arte naman ng lalaking iyon. Masyadong paimportante, hmp!

" Did you tell him that it's not my job to do the interview? " Napaarko ang kilay ng dalaga.

The nerve of that man!

" Yes Ms. sinabi ko sa kanyang hindi mo na trabaho iyon. Pero hindi po siya pumayag Ms eh. Ang sabi niya magpopost lang siya sa magazine natin kung ikaw ang gagawa ng interview sa kanya." halos umusok na ang ilong niya sa pinipigalang inis sa Mr. Florendo na iyon. Bumuntung-hininga muna siya bago nagsalita.

" Ok kung ayaw niya, wag na pilitin." Balewalang sagot niya rito.

" Pero Ms. marami na ang nakakaalam na si Mr. Florendo ang gagawing cover natin sa May issue. Kasalanan ko po dahil may ginawa akong survey sa tiktok, featuring him as our May issue. I'm sorry Ms. desperado lang. Kaya hindi po tayo pwedeng magback-out nalang basta-basta Ms. baka po makasira pa sa reputasyon ng Overpowered magazine." May pag-aalala nitong pangangatwiran. Tama naman ito. For once kailangan niyang maging reasonable sa kanyang mga desisyon. Hindi siya dapat magpapadala sa kanyang emosyon pagdating sa lalaki. That was all in the past.

" Shit! " Hindi niya mapigilang mapamura sa nalaman. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

" Fine, pupunta ako ng Davao para matapos na agad ito." Walang nagawang nasabi niya na lang kay George.

" Salamat talaga Ms! Naka check-in po ako sa Marco Polo Hotel." Nasa boses nito ang excitement. She almost throw her cp after that conversation.

Parang gusto niyang magwala. Sabi na nga ba niya at may pagkapaimportante ang lalaking iyon. Akala siguro nito nag-iisa lang ito sa mundo? The nerve talaga.

" Argh! " Sigaw niya. Sabay bato ng nakuhang lapis sa kanyang desk.

¤¤¤¤¤

" Ok ka lang bru? " may pag-aalalang tanong ni Sophie sa kanya. She sigh. Nasa airport sila ngayon. Inihatid siya ng kaibigan papuntang Davao para sa gagawin niyang interview sa lalaking iniiwasan niya. Hindi pa niya alam kung ano ang magiging resulta ng muling pagbabalik niya sa siyudad na iyon. She'd been trying herself not to contact his father and his family there. Tanging sa ina lang siya nakakontak na kasalukuyang naninirahan sa Canada kasama ang dalawang anak nito sa bagong asawa. Matagal na ring namayapa ang kanyang lola at asawa nito dahil sa aksidente. Kaya mag-isa na lang siya sa Ormoc maliban sa kaibigan niya at pamilya nito.

" Honestly, hindi ako ok Sophie. Kung may choice lang sana ako eh hindi ko talaga haharapin ang pangit na 'yon. Pero wala bru. He's asking for me malamang nakikilala niya ako. Baka may binabalak na naman siya sa akin." She's ranting again. Wala ng katapusan. " Ayaw ba talagang pumayag ni Drake? Kahit one week lang? Huhuhu! " Napapangiwi si Sophie sa tinuran niya.

" Ayaw talaga bru. Baka humanap ng iba ang asawa ko kapag iniwan ko sila ni Draco. Saka chance mo na rin ito bru na patunayan sa sarili mo that you already moved on from the past. Huwag kang mag dwell sa past life mo, ok? Look at the bright side of it. Madadalaw mo na rin ang daddy mo doon. It's been ten long years bru. " Natigilan ang dalaga. Tama si Sophie. It's been ten long years nang huli niyang makita ang ama. Nang huling makatuntong siya sa Davao. Kamusta na kaya ito?

It's about time to face her demons. Ginagap ng kaibigan ang mga kamay niya at pinisil ang mga iyon.

" Mag-iingat ka roon palagi. Tawagan mo ako kung may problema, ha? " Seryoso ang tinig ni Sophie sa kanya.

" I will, thanks. " Sagot niya.

Maya-maya lang ay narinig nila sa background na tinawag na ang eroplanong sasakyan niya papuntang Davao. Kaya naman humalik siya sa pisngi ni Sophie at nagpaalam na magtsi-check in na siya.

" Got to go bru, wish me luck! " Pinilit niyang ngumiti rito to assure her that she was doing okay. Yumakap din ito sa kanya.

" Yes, goodluck! Mag-iingat ka doon. Ako na muna ang bahala sa office habang wala ka."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status