Share

SPECIAL CHAPTER

“Saan ba talaga tayo pupunta, Mahal?” nagtataka na talaga si Leia sa ginagawa nilang mag-asawa. Isang linggo na ang nakakalipas mula nakalaya si Bryle sa kulungan at heto sila ngayon, paakyat sa isang bundok.

Buong akala ni Leia ay magde-date lang sila ng asawa dahil may surpresa raw ito sa kanya, ngunit heto sila, nagpapakahirap sa pag-akyat sa matarik na daanan ng bundok. At hindi niya maintindihan.

“Sumasakit ba ang mga paa mo?” Nag-alala na si Bryle nang maalala niya ang mga paa ng asawa.

“Hindi naman pero pagod na kasi ako,” pag-amin ni Leia.

Ngumiti si Bryle. “Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”

“Saan ba kasi tayo? Ano ang gagawin natin dito sa bundok?”

“Basta natitiyak ko na matutuwa ka.”

Napanguso si Leia. Tumigil na talaga siya sa paglakad at parang bata na humalukipkip ng mataas.

Natawa si Bryle dahil ang cute ng kanyang misis kapag ganoon na nagtatampu-tampuhan. Binalikan niya ito at masuyong ikinulong sa mga palad ang napakaganda nitong mukha saka siniil ng buong pagma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status