Share

CHAPTER 76

Naiinip man dahil kanina pa siya naghihintay kay Sarina ay idinadaan na lamang ni Bryle sa pagpalatak ang inip, minsan sa pagsuri-suri ng sasakyan. Ano ba kasing aasahan niya? Normal lang naman sa babae ang matagal magbihis.

Kanina pa siya nakasakay sa kotse na binili talaga ni Sarina para sa plano nilang ito. Brand new pa nga sana ang bibilhin ng dalaga pero siya ang hindi pumayag dahil baka masayang lang ang sasakyan kapag nagkabulilyaso.

Handa na siya sa patungo sa San Lazaro upang dumalo sa kasal—upang bawiin na ang kanyang asawa at anak.

Dumating na ang araw upang isakatuparan nila ang plano!

“Ang tagal mo,” reklamo niya nang sa wakas ay dumating din ang dalaga. At napabuga talaga siya ng hangin sa bunganga dahil kuntodo makeup si Sarina. Ang halter maxi dress in deep red nitong suot ay halos kita na ang buong kaluluwa nito. Backless na nga may slit pa na halos hanggang singit na. Kung hindi nga lang sila nagmamadali ay sasabihin niyang hindi sila aalis hangga’t hindi ito nagpapa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status