Share

CHAPTER 7

Excited si Leia na pumunta sa bahay nina Pressy kinabukasan. Halos hindi siya natulog dahil sinabihan talaga siya ni Pressy na maaga raw sila. Gusto na raw siya na makilala ng magiging boss niya kaya sasamahan daw siya nito. Sakay sa kotse ni Pressy ay nagtungo nga sila agad sa bagong bahay nito nang magkita sila.

Sa bayan lang naman daw ang bahay ng pinsan ng kaibigan na nabili nito. Mabuti na lang at malapit lang. Maaari nga siyang maging uwian oras na mag-umpisa na siya ng trabaho mamaya.

“Ayos ka lang, Leia? Bakit parang hindi ka mapakali?” puna sa kanya ni Pressy nang tumigil sila sa stoplight.

Mapaklang ngumiti siya rito. “Naiisip ko lang iyong nangyari kanina. Iyong pagsugod ni Mrs. Sarmiento sa bahay dahil naniningil na naman.”

“Umutang ka sa mukhang pera na matandang iyon? Alam mo kung gaano iyon kalupit sa pagpapatong. Ang laki magpatong ng interes."

Napakagat-labi siya. “Kinailangan kasi namin noon dahil sa sakit ng tatay ni Bryle. Wala akong naging choice kundi sa kanya umu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status