Share

CHAPTER 14

"Papa, hindi pa ba tayo kakain?" nakalabing tanong ng batang si Lacey kay Bryle. Umaga na kaya gising na ang kanyang anak, pero wala pa rin ang kanyang asawa. Hindi pa rin umuuwi.

Napatingin si Bryle sa bata. Wala pa siyang tulog dahil hinihintay pa rin niya ang asawa. At hindi pa rin siya nakaluto dahil wala naman siyang perang pambili.

Yumukod siya sa harap ng anak at masuyong hinawakan sa magkabilang balikat. "Saglit lang, Anak, ah? Wala pa kasi ang mama mo, eh.”

"Nasaan po si Mama, Papa?"

"Uhm..." Hindi niya masagot ang anak. Lihim na napatiim-bagang na lang siya. Nagngitngit ang mga ngipin niya. Kanina pa siya galit o tamang sabihin ay kagabi pa siya galit dahil sa hindi pag-uwi ng asawa.

"Hindi ba umuwi si Mama, Papa?"

"Syempre umuwi ang mama mo kanina, Anak, pero maaga lang umalis. Pumasok na siya sa trabaho ulit. Nag-kiss nga siya kaso tulog ka pa, eh,” mabilis na pagtatakip din niya sa asawa. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano ang anak nila. "Ganito na lang. Doon ka muna sa kuw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status