Share

CHAPTER 9

"Papa, gutom na ako. Kain na po tayo," paglalambing ni Lacey sa ama.

“Gano’n ba. Halika, Anak, bili tayo sa tindahan ng itlog."

“Itlog na naman, Papa?” reklamo ng bata.

"Magtiis muna tayo, Anak, ha? Hindi bale dahil may trabaho na si Mama. Kapag nagsahod siya ay magma-Mcdo raw tayo. Gusto mo ba ‘yon?” pag-alo naman ni Bryle rito.

Nagtatalon sa saya si Lacey. “Opo, Papa. Gusto ko po!”

Tuwang tuwa naman si Bryle sa naging reaksyon ng anak, ang kawawa niyang anak. Matagal-tagal na rin kasi noong pinakain nila ng masarap si Lacey kaya naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ito ka-excited.

Napabuntong-hininga siya. Kung sana sundalo pa siya hanggang ngayon. Kung sana makakabalik pa siya sa pagsusundalo. Ang kaso mukhang imposible na iyon na mangyari.

Lihim na lang niyang ipinagdasal na sana nga ay magiging maayos si Leia sa trabahong napasok nito para kahit man lang sa Mcdo ay mapakain nila doon ang kanilang anak.

"Papa, tara na bili na tayo ng itlog. Gutom na po talaga ako." Hinila
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status