All Chapters of DARKER SHADES OF RAIN: Chapter 41 - Chapter 50
54 Chapters
Chapter 40: Sneakout
"Kilala mo ba si Sir Nicolo?" Untag ni Axel sa pananahimik niya.Tipid siyang ngumiti at umiling. "Hindi. Hindi ko siya kilala," pagsisinungaling niya. "Nga pala, pasensya ka na sa inasta ng boss ko kagabi," pag-iiba niya ng usapan.Nagpakawala ng isang buntong hininga si Axel bago nag-angat ng tingin. "Ayos lang."Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. "Pasensya na talaga Axel. Mainit lang talaga ang ulo ni Sir Rain kagabi kaya parang ikaw yung napagbuntunan niya ng galit.""Ganyan ba talaga siya kapag galit?" Tanong nito.Huminga siya ng malalim. "H— hindi naman. Minsan lang. Baka kasi may problema siya kaya ganun ang naging reaksyon niya kagabi.""At natitiis mo yung magaspang na pag-uugali ng boss mo na yun?" Tila hindi makapaniwala nitong tanong.Hilaw siyang natawa. "Sanay na ako sa kasungitan niya Axel tsaka kahit na ganyan ang ugali ni Sir Rain, siya ang pinakamabait na lalaking nakilala ko."Napapitlag siya nang bigla na lang nitong idinampi ang sariling palad sa kanyang no
Read more
Chapter 41: Madness
"I need to go," paalam niya sa kanyang mga kaibigan.Pinukol siya ni Isaac ng nagtatanong na titig. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga sa ikatlong pagkakataon. "The pawn has escaped and she's been wandering around the falls. Baka mamaya makita siya ng mga tauhan ng Equilibrium na nasa paligid at kung ano pang mangyari. I don't wanna gamble my cards without seeing it, Ice" nakasimangot niyang ani."Wow. She isn't afraid of you. She keeps disobeying you, dude. Alam mo kung anong gamot sa mga babaeng matitigas ang ulo? Parusahan mo," nakangisi namang ani Zeus.Napailing na lang siya. He's not that innocent not to know what he means. "Punish your ass. Mabuti pa tumulong ka sa paghahanap at wag puro kalibugan ang pinapairal mo," angil niya bago naglakad paalis ng lugar.He used one of Terrence's motorcycles and drove it towards the little forest where the falls was located. Iniwan niya ang motor sa may kalayuan sa talon para hindi siya mapansin ng dalawa. Kailangan niya
Read more
Chapter 42: Punishment
Abot langit ang kaba ni Nahara habang hinihintay si Rain na pumasok sa silid na inukopa nilang dalawa. Panay pa ang dikit ng tenga niya sa may pinto para pakinggan ang mga kaganapan sa labas lalo pa't alam niyang naroon pa si Axel kasama si Rain. Maya maya pa, kusang bumukas ang pinto dahilan mapaatras siya sa gulat. Tiim bagang na nakatitig si Rain sa kanya habang humahakbang ito paabante. Napalunok siya at napaatras na rin ang hanggang sa naramdaman na niyang nasa gilid na siya ng kama."S—sir Rain..." Kinakabahan niyang usal.Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. "You are really getting into my nerves do you know that?""Sorry..." Nakayuko niyang ani."Sorry, sorry, sorry! You're always saying sorry yet you don't mean it dahil kung totoo yang sorry mo, you wouldn't disobey me, Nahara," malamig nitong wika bago hinawakan ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha.Napatitig siya sa galit nitong mga mata. Dahan-dahan namang hinaplos ni Rain ang kanyang pisngi gami
Read more
Chapter 43: Tease
Pagod ang unang naramdaman ni Nahara nang magising siya. Ilang beses niyang ikinurap-kurap ang kanyang mga mata para masanay siya sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng silid. Napalingon siya sa nakabukas na bintana at napagtantong gabi na pala. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Rain na may dalang tray na may lamang umuusok na pagkain. Sinundan niya ng tingin si Rain hanggang sa mailapag nito ang tray sa bedside table ng kama."How are you feeling?" Kaswal nitong tanong.Napatitig siya sa lalaki bago bumaba ang tingin niya sa mamula-mula nitong labi. Hindi niya maiwasan ang pag-iinit ng kanyang mukha nang maalala ang naganap na halikan sa pagitan nila. Bumalik lang siya sa huwisyo nang pumitik sa ere ang mga daliri ni Rain."You're staring at me too much. Do you want to kiss me again?"Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Narinig naman niya ang mahinang tawa ng lalaki kaya mas lalo siyang nakaramdam ng hiya. Sana kainin na lang siya ng lupa para hindi ganito
Read more
Chapter 44: Dreams
Nagising si Nahara dahil sa mainit na bagay na kanyang nararamdaman sa may bandang leeg niya. May mabigat ding nakapulupot sa kanyang tiyan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Unang bumungad sa kanya ang mabining sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha. Sinubukan niyang gumalaw subalit natigilan siya nang mapagtantong braso ni Rain ang mabigat na bagay sa kanyang tiyan habang ang mukha nito ay nakasubsob sa kanyang leeg. Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito sa maingat na paraan para hindi ito magising. Tahimik siyang bumangon sa kama at nag-unat bago dumungaw sa may bintana. Sariwang hangin kasabay ng mga mumunting huni ng ibon ang bumungad sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti. Sobrang ganda ng nangyayari ngayon sa buhay niya na hindi rin niya maiwasang maisip ang magiging kapalit niyon. Huminga siya ng malalim at muling ngumiti. Hindi siya dapat mag-isip ng masama. Minsan lang siyang maging masaya kaya dapat sulitin niya ang bagay na iyon. Isinara niya ang kurtina para h
Read more
Chapter 45: Sulk
Ilang beses siyang napalunok at hilaw na natawa bago nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang intensidad ng titig ni Rain. Nakakatunaw. Nakakapanginig ng tuhod. Tumikhim siya bago ibinaling ang mga mata kay Aling Lena na mukhang tuwang-tuwa sa kanilang dalawa. "Aling Lena, w—wala pa po ba ang almusal namin. Nagugutom na po kasi ako," pag-iiba niya ng usapan. Parang nagising naman sa realidad ang naging reaksyon ni Aling Lena at nasapo pa nito ang sariling noo. "Naku! Ano ba naman ang tinutunganga ko rito. Gagawa pa pala ako ng almusal, " natataranta nitong sabi. Bahagya siyang napangiti. Mukhang effective nga ang kanyang ginawa. Pero mabilis ding napawi ang kanyang ngiti nang mapalingon siya kay Rain na nasa kanya parin ang atensyon. Huminga ito ng malalim bago ibinaling ang tingin kay Aling Lena. "Kami na po ang gagawa ng almusal namin Manang. Pwede niyo na po kaming iwan." Nakangiting lumingon ang ginang sa kanila. Mabilis itong nagpunas ng kamay bago naglakad palapit
Read more
Chapter 46: Puberty
Mabilis niyang itinulak si Rain at agad na tumayo mula sa kandungan nito. Mukha namang nagulat ang lalaki sa naging reaksyon niya. Napatikhim siya at inayos ang kanyang buhok. Pinukol naman siya ni Rain ng isang nagtatakang tingin. "What's happening to you?" Kunot noo nitong tanong. "Uh...Wala naman po," mahina niyang bigkas. Tumikwas ang isang kilay nito. "Nahara..." Anito na may himig na pagbabanta. "If you won't tell me what's wrong, I will pull you again and kiss you without your permission," dagdag pa nito. "Sabi po kasi ni Aling Lena hindi pwedeng maghalikan ang dalawang taong hindi magkasintahan kaya hindi mo rin ako pwedeng halikan at hawakan," nahihiya niyang sagot. Narinig niyang natawa ng mahina si Rain. "Tangína. Panira talaga yang Aling Lena na yan," nakasimangot nitong sambit. Pinaglalaruan niya ang kanyang daliri habang hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nang sulyapan niya si Rain, kita niyang nakatingin ito sa malayo at bahagya pang nakanguso. Nang mapan
Read more
Chapter 47: Advice
Dahil sa pagsisisigaw ni Isaac, nahimasmasan na rin si Storm at parang mga batang nakikitalon. He shut his eyes out of annoyance. Now he's regretting that he told them his problem. Sana nagtanong na lang siya sa iba na hindi siya lubusang kilala nang sa ganun maiwasan niya ang mga bagay na tulad nito."Tangína! Seryoso ka ba dyan Velasquez? Kilala ba namin yan?" Usisa ni Storm.Mabilis namang itong sinapok ni Isaac bago inakbayan. "Kailangan pa bang itanong yan? Of course kilala mo. May iba pa bang babaeng kasama yang kaibigan natin bukod doon sa babaeng ipinangangalandakan niya na maid niya lang?" Sarkastiko nitong tanong bago umiling. "Maid pala ha."Storm blinked a couple of times before smiling like an idiot. "Yeah right..."He heaved a deep sigh as he stood from his seat. "I gotta go. Mukhang dadagdagan niyo lang ang problema ko eh," dismayado pa niyang sabi."Nah! It's my expertise Velasquez. Kung dimo naitatanong, ako ang nagturo kay Terrence kung paano niya ligawan ang asawa n
Read more
Chapter 48: Unwanted Guest
Mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Nahara nang matanaw niya si Rain papasok ng bakuran. Palingon-lingon pa ito sa paligid na para bang may humahabol dito. Dahil nasa mataas na parte siya ng mansion, tanaw niya ang daan sa unahan at nakitang wala namang ibang tao doon maliban kay Rain. Hindi nagtagal, pumasok na ang lalaki sa loob ng bahay. Agad siyang bumaba ng terasa para salubungin si Rain subalit nang makita niya ito, bigla na lang siyang nakaramdam ng hiya at agad na nagtago sa likod ng dingding malapit sa pinto.Pinalipas niya ang ilang segundo bago dahan-dahang sumilip para tingnan kung naroon pa ba si Rain pero laking gulat niya nang eksaktong pagsilip niya, mukha nitong nakangisi ang bumungad sa kanya. Dahil sa labis na pagkabigla, hindi niya maiwasang mapasigaw. Narinig pa niyang tinawanan siya ng lalaki. Nang mahimasmasan siya ay tiningnan niya ito ng masama."Bakit po kayo nanggugulat?" Nakasimangot niyang tanong.Nagkibit balikat naman ito. "Kasalanan ko ba ku
Read more
Chapter 49: The Deal
Sandali siyang natahimik habang pinagmamasdan ang larawan na nasa kanyang harapan. Miranda had a daughter but why do they didn't know about it? Isa pa, kung totoo ngang may anak ito, sino naman kaya ang ama. Pero sa kabila ng nalaman niya, hindi siya nagpahalata kay Alexie na interesado siya sa impormasyong hatid nito. This cunning devil can't be trusted.Nagkapawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago kaswal na sumanddal sa couch na kinauupuan niya. "And so what if she's Miranda's daughter? Black Rose is dead a long time ago."Alexie shrugged his shoulders and picked up the picture. "Miranda may be dead but aren't you curious about her lover?""Marcelo died together with his men at the mansion."What he said made Alexie chuckle, and it annoys him because it feels like this man knows a lot more than he should have known. "And you solely believe that?"His forehead creased. The topic is getting more interesting. "What are you talking about, Volkov?"Alexie sighed before light
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status