All Chapters of Every Second Count: Chapter 11 - Chapter 20
42 Chapters
10 Seconds
Naghintay pala… ~*~*~*~     “MA, nakaalis na po ba si Austin?” Sinundan ko si Mama sa kitchen upang tulungan siyang kumuha ng pagkain. “May pabaon po ako sa kanya,”   “Oh, ano naman ‘yon at ng maipadala na natin.”   Ngumisi ako. “Isang batok po sana...”   Natigilan si Mama at mataman niya akong tiningnan. Ngumiti siya. “Sus, mabuti iyong ginawa niya at mukhang mabait naman na bata si Shintaro at gwapo pa. Tapos kaibigan mo pa, naku, baka naman nanliligaw ‘yan sa’yo, Triz.”   “Ma naman! ‘Di po,”   “Kapag manligaw, sagutin mo agad, ah,” Juicecolored! Ika nga niya, isa siyang time-traveler! Ayaw ko naman ‘yong umaalis ang asawa ko papunta sa ibang oras. Ay naku, manliligaw lang, Au! Manliligaw, hindi asawa!   “Malayo po sa realidad, Ma,” Sagot k
Read more
11 Seconds
Biglaan ~*~*~*~     HATID-SUNDO ako ni Shintaro sa paaralan. Sa akin nga ang kotse pero siya naman ang nagpapa-gas. Napagkasunduan narin namin na kung may ibang lakad ang bawat isa, pwedeng magamit ang kotse. Ngayong may kailangan akong puntahan, sumama siya sa akin.   Ayaw niya daw na magda-drive ako sapagkat alam niya ang history ko. Nakakainis! Kaya ko namang mag-ingat at alagaan ang sarili ko pero pumayag nalang ako. Siguro naman mapapagod rin siya sa kabaitan niya.   “Ang weird mo,” Salubong ko sa kanya nang makita kong umiiwas siya sa mga tao. Sinamaan naman niya ako ng tingin bilang sagot. “Ang weird mo talaga, promise,” May napalingon na sa akin. Maraming tao ang dumadaan dito ngayon sapagkat marami ang mga naka-display na bilihan. Inirapan ko siya at tinalikuran nang hindi na niya ako pinansin.  
Read more
12 Seconds
Cold War ~*~*~*~     MAKAILANG ulit kong inuntog ang aking ulo sa unan. Alam kong nahihibang na nga ako! Imagine, nasabi ko iyon kay Shintaro? Ang desperadang tingnan! Ibang-iba ang sinabi ko sa naging reaksiyon ko. Kasi naman ehhhh. Bakit biglaan kong nasabi 'yon?  Damn it!   Pinatay ko naman agad ang topic at sinabi ko sa kanyang kalimutan na niya iyon. Pero parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Ni hindi niya ako kinausap sa sasakyan pagkauwi! Sa tingin ko, naisip niyang ginagamit ko lang siya. Sinasama na nga niya ako tapos umaabuso pa ako? Asar.   Kinabukasan ay maaga kaming nagsimba ni Mama at nagmovie-mara sa hapon. Ilang ulit ko ng dinasal na sana mas humaba pa ang araw, mas humaba ang gabi nang sa gano'n ay ‘di muna kami magkita ni Shintaro!   “Triz, nandito na ang sundo mo!”
Read more
13 Seconds
Canvass~*~*~*~  TAMA nga ang hinala ko. Kinuyom ko ang aking kamay upang maramdaman ang binigay na regalo ni Shintaro sa akin. Ngayon lang ako nakahawak neto kaya ako na-ignorante. “Next time, ‘wag na itong snow ang dalhin mo. Ako nalang. Sasama naman ako ‘e.” marahan kong sinabi. Presko lang siyang nakasandal sa hood ng kotse habang tamad akong pinagmamasdan. Nasa may dulo kami ng paaralan kaya walang makakapansin sa kanya kung magpapakanormal siya sa harapan ko. “Aura,” Maya-maya ay tawag niya. Inangat ko lang ang aking tingin habang dinadama ang papagunaw na snow sa aking kamay. “Kailangan mo ng tulong ko ‘di ba? I can help you, you know…” “Ha? Saan?” “About Edison… I can help you with him.&rdquo
Read more
14 Seconds
Nagmamasid~*~*~*~  “GOD of love?!” Sigaw ko. As in, God of love ba talaga na si Cupid?! Nanlaki ang mga mata ko habang humaharap kay Shintaro. Muntik pa akong nasamid nang mapagtanto ko ang pangalan kanina. Napatayo rin ako agad-agad! Nag-abot sa gitna ang kaniyang kilay. Hinampas ko siya. “Nagj-joke ka lang ba? Anong nahithit mo?!” “Bakit?” Takang tanong niya. “Sabi mo ‘di mo kilala?” Nalaglag ang panga ko. “Anong ‘di kilala? Pero, seryoso, pinagtritripan mo lang ba ako? Ha? Ha!” Nakakunot parin ang noo niya at animo ay parang nawe-weirdohan na sa pinagsasabi ko. Kahit sa totoo lang, siya ang tunay na weirdo! Grabi, ha. Humingi ba daw ng tulong kay God of love? Kay Cupid?! ‘Di ba siya nahihibang? Ang alam
Read more
15 Seconds
Missing~*~*~*~  “READY?” Napatigil ako sa pagkatulala nang marinig ang boses ni Shintaro. Hinalukipkip ko ang aking mga kamay at bumuntong hininga nang makailang ulit. Ready na ba ako? Baka naman magaya na naman  ako nung bumisita ako kay Eliz sa nakaraan? Baka naman sa kwarto ulit ako ni Shintaro magising? Ilang mga tanong lamang sa isip ko. Bumuga ulit ako ng hininga at tumingin na sa kanya. “Kaya ko ba ito? I mean, baka ‘di na ako magising ‘pag bumalik tayo dito?” Nag-aalalang tanong ko. Kasi ngayon ko lang naalala ang pangyayaring iyon. Ang pagising ko sa kama ni Shintaro. ‘Di ko nga alam kung sino ang nagbihis sa akin, e. Umamin naman siyang ‘di daw siya. Iyan lang ang binigay niyang impormasyon tungkol doon. “Ahmmm.. Siguro mapapanatag lang ako kapag sasabihin mo na talaga sa akin
Read more
16 Seconds
Problema~*~*~*~  “TUMAWAG ang admin ng paaralan, kahapon pa daw pinaghahanap si Tin sa buong school. They couldn’t find him...” Nanginig ang labi ng aming ina. Nangilid naman ang luha ko nang dahil sa biglaang kaba nang marinig iyon. Imposibleng hindi siya mahanap sa paaralan nila. It was a boarding school for selective elites, siguro naman matigas ang kanilang security roon. “Ma, sa CCTV po? Wala bang nakita?” Umiling siya. “Pumunta na ang Papa mo sa paaralan. Nagpatulong narin siya sa alagad ng batas sapagkat marami siyang kakilala na pwedeng tumulong.” “Saan po siya huling nakita?” “Sa school ground daw.. Sa mismong tapat ng entrance papasok sa building...” Oh, God!&
Read more
17 Seconds
Puno~*~*~*~  MABILIS ang lakad ko habang nakasunod kay Shintaro. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante habang kinakalabit ko siya. Binalewala ko na ang pagtataka nila. Kanina pa hindi sinasagot ni Shintaro ang mga tanong ko. Ni hindi niya ako nililingon! “Shintaro! Tumigil ka nga!” Nainis kong wika habang nilalakihan parin ang hakbang. Kung ikokumpara ang mga hakbang namin, mas malaki iyong kanya kaya halos takbo na ang ginawa ko. “Shintaro!” Marami na akong nakasalubong pero hindi ko na sila pinansin. Parang wala lang naman kay Shintaro ang mga matang nakatingin sa amin, sa kanya. Duh! Parang ‘di na sila nasanay ngayong si Shintaro naman ang driver ko! Sabagay, si Edison nga pala ang lagi kong kasamang lalaki noon. Nakarating muna kami sa tambayan niya bago ako hinarap.
Read more
18 Seconds
Pag-ibig~*~*~*~  NANLAKI pa ang mga mata ko nang magalang na yumuko ang lalaki at binigyan muli ako ng isang matamis na ngiti. “Ikinagagalak ko ang makilala ka, binibini. Mabuti nalang at dinala ka ng aking kaibigan at pumarito kayo.” Lumingon siya kay Shintaro habang nilalahad niya ang silid na nasa harapan namin. May isang lamesa doon na puno ng mga pagkain. Muli akong tinulak ng marahan ni Shintaro kaya napahakbang ako. Naunang pumasok ang lalaki habang iginigiya niya sa amin ang daan kahit na obvious naman. Umubo ako bago umupo sa upuang ang lalaki mismo ang naglabas sa lamesa neto. Ngumiti ako sa kanya. “Pwede bang magtanong?” “Maaari, binibini. Ano ang iyong katanungan?” Medyo nahiya pa ako sa kagalangan niya sa akin. Nagmamasid lamang si Shi
Read more
19 Seconds
Gulo ~*~*~*~     “KUNG hindi nawawala si Austin, sa tingin mo, nasaan siya?” Sabi ko kay Shintaro.   Kakalabas lang namin sa paaralan. Pareho parin ang oras at araw nang makabalik kami galing sa panahon ni Cupid. Nalaman ko ring minsan ay pumupunta siya sa kasalukuyan kapag may aberya siyang kinakaharap sa trabaho niya.   “Hindi ko trabahong paglapitin ang dalawang tao upang ipamahal sila sa isa’t isa. Mismo ang tao ang makakaramdam nun. Ang dami kayang tao sa mundo ang pinaglapit, pero 'di itinadhana.” Naaalala ko pang lokong sabi niya   Gusto ko sana siyang tanungin kung itinadhana ba ako kay Edison 'o sadyang pinaglapit lang kami. Kaso baka isipin niya na abusado ako.   “Nasa mabuting kalagayan...” Sagot ni Shintaro. Tumango na lamang ako sa kanya.  
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status