Simula nung araw na sinabi sakin ni Hannah na nandito si Kuya sa US ay hindi na talaga ako mapakali. Pano ba naman, hindi talaga nila alam kung saan ako nakatira. Ang alam lang ng pamilya ko ay nag-aaral ako dito, yun lang at wala ng iba. Nabanggit din sakin ni Hannah na nagpunta si Kuya dito sa bahay kahapon. Nagkataon namang sinamahan ko si Sky sa mall. Kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira ay hindi ko din alam. Maya maya lang ay may kumatok sa pinto at bumungad saakin si Hannah. "Aali, ano ng balak mo? Magpapakita ka ba sa Kuya mo?" Halata sa boses niya ang pag aalala. "Oo naman, bakit naman hindi? At isa pa, miss ko na rin naman si Kuya." Napapabuntong hininga ko
Read more