Share

CHAPTER 2: MEET KUYA GAB

Simula nung araw na sinabi sakin ni Hannah na nandito si Kuya sa US ay hindi na talaga ako mapakali. Pano ba naman, hindi talaga nila alam kung saan ako nakatira. Ang alam lang ng pamilya ko ay nag-aaral ako dito, yun lang at wala ng iba. Nabanggit din sakin ni Hannah na nagpunta si Kuya dito sa bahay kahapon. Nagkataon namang sinamahan ko si Sky sa mall. Kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira ay hindi ko din alam. Maya maya lang ay may kumatok sa pinto at bumungad saakin si Hannah.

"Aali,

ano ng balak mo? Magpapakita ka ba sa Kuya mo?" Halata sa boses niya ang pag aalala.

"Oo naman, bakit naman hindi? At isa pa, miss ko na rin naman si Kuya." Napapabuntong hininga kong sabi, totoo naman na nami miss ko ang Kuya ko. Pero lamang saakin ang pangamba sa tunay na sadya niya kung bakit siya andito. Ilang taon na rin ang lumipas mula nung umalis ako sa Pilipinas, mula noon ay hindi man lang ako umuwi. Simula din noon, bihira ko nalang din makausap si Kuya maging si Mommy at Daddy.

"Handa ka na ba sa kung anong sadya niya dito?" Walang alinlangang tanong niya saakin. Napaisip ako bigla. Handa na nga ba ko?

"Sa totoo lang, hindi. Pero kung ano man yun, bahala na. Ang importante makita at makausap ko ang Kuya ko." Pagpapakatotoo ko.

"Kung ganon, tawagan mo siya." Sabay abot niya sakin ng cellphone niya. Napatitig ako ng matagal bago ko iyon kinuha sakanya. Nung una, nagdadalawang isip pa akong tawagan siya. Sa totoo lang, lutang ang utak ko at isa pa hindi ko alam ang sasabihin. Makaraan ang ilang minuto ng pag mumuni-muni ay denial ko ang number niya.

"Hello? Oh Hannah?" sagot ng nasa kabilang linya. Pakiramdam ko ay huminto ang takbo ng mundo ko. Ang boses na ‘to, ilang taon kong hindi narinig. Ilang taon kong tiniis na hindi makasama ang taong nasa kabilang linya at hindi ko maiwasang hindi masaktan at makonsensya.

"Hannah, andyan ka ba?" sambit niya ng hindi ako sumagot.

"Kuya, it’s me." Yun lang ang nasabi ko, ramdam ang bumabara sa lalamunan ko. Naiiyak na ko. Sobrang miss ko na siya.

"Yuri Aaliyah, thank God you’ve called. How are you, Princess?" halata sa boses niya ang galak at tuwa.

"I’m fine Kuya, ikaw ba?" wala akong ibang masabi. Nailang ako sa kausap ko, na well infact kapatid ko naman. Bigla ay wala akong masabi.

"Can you meet me, Princess? Please. Sa makalawa ang flight ko pauwi ng Pilipinas."  Nalungkot ako. Bat ang bilis naman yata.

"Sure Kuya, pumunta ka nalang dito sa bahay since alam mo naman na kung saan ako nakatira, diba? So pano? See you later? Dito ka nalang mag dinner." Excited kong pahayag.

"Okay. Bye."

Paakyat na sana ko para isauli ang phone ni Hannah ng makasalubong ko siya sa may hagdan. At aba ang bruha, grabe kung ngumiti. Mukhang may masamang binabalak.

"Oh, anong ngini ngiti ngiti mo dyan?" natatawang tanong ko. Kumunot naman agad ang noo niya.

"Sis, kailan kayo magkikita ni Kuya Gab?" excited niyang tanong.

"Mamaya, dito siya sa bahay magdi- dinner."

"Kyaaaaah! Oh My God, magbibihis ako ng bongga." Tumatalon talon na aniya.

"Ay te, may date? Magtigil ka nga Hannah. Sinabi ko naman sayo, iba nalang wag si Kuya. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba?" seryosong sabi ko sakanya. Bigla ay parang gusto kong bawiin ang sinabi. Bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko.

Noon pa man, crush na crush na talaga ni Hannah si Kuya. At lagi ko siyang pinagsasabihan na sa iba nalang dahil alam kong masasaktan lang siya at yun ang pinaka ayokong mangyari. Kung ano ang dahilan? Gaya ko ay ipapakasal din ang Kuya ko. Sa katunayan, ay ngayong taon na nga. Palapit na ng palapit ang bagay na kinakatakutan ko at kung maari nga lang ay huwag na sanang mangyari.

"Alam ko, hindi ba pwedeng i- enjoy ko muna yung mga ganitong pagkakataon habang hindi pa siya kasal? Aali, alam mo namang matagal ko ng gusto ang Kuya mo. Ni wala nga akong magawa para pigilan man lang yang lintik na kasal niyo na yan eh. Kahit ngayon lang. Just this once." Untag niya. Naiintindihan ko siya, kaya kahit labag sa loob ko ay hindi na ko kumontra. Alam kong alam niya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya.

"Ano pa nga ba? Oh siya, sige na."

"Yay, I love you Sis." Pagkasabi niya non ay patalon siyang yumakap sakin kaya muntik na kaming matumba at mahulog sa hagdan.

     Pagkalipas ng ilang sandali ay magkatulong kaming dalawa sa paghahanda ng dinner. Mas gusto ko kasing makasama ang Kuya ko sa tahimik at pribadong lugar. Namiss ko kasi ang mokong na yon. Hindi naman naming magawang mag asaran sa public place eh. Like hello? Nakakahiya naman. Pagkatapos naming ihanda ang mga pagkain ay sabay kaming umakyat ni Hannah para magbihis.

     Maya maya lang ay may nag doorbell na kaya mabilis pa sa alas kwatro kaming bumaba sa sala. Pagbukas ko ng pinto ay halos malaglag ang panga ko pagkakita ko kay Kuya. SHOCKS! As in capital S-H-O-C-K-S. Ang laki ng pinagbago niya. Kuya ko ba talaga ‘to o model ng bench? Bago pa tuluyang tumulo ang laway ko sa pagka mangha ay yinakap ko siya ng mahigpit.

"Kuyaaaaaaa. I miss you." Umiiyak kong usal. Parang bata.

"Ssssshhh. I miss you more. Stop crying, ayokong nakikita kang umiiyak. I’m here now. Ikaw talaga, wala ka paring pinagbago. You’re such a cry baby." Natatawa niyang sabi at kumalas sa pagkakayakap namin. Pinunasan nia ang mga luha sa pisngi ko.

"Ehem." Inagaw ni Hannah ng atensyon namin. Linapitan naman siya ni Kuya at niyakap. At ang best friend ko naman, ayon tulala, pulang pula ang pisngi. Natawa naman ako.

"Kumusta ka na Hannah? Dalaga ka na ah." Ani Kuya.

"Oo nga Kuya eh, pwede mo na kong ligawan." Huh? Anong pinagsasabi nito ni Hannah?

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan." Natatawang biro ni Kuya.

"Tama na yan, kumain na muna tayo." Putol ko sakanilang dalawa.

     Habang kumakain kami ay panay kulitan ng dalawa.

Hinayaan ko nalang muna, alam ko namang magkakausap naman kami ni Kuya mamaya. Isa pa, ngayon ko nalang ulit nakitang ganyan kasaya si Hannah. Noon pa man, alam ko ng gusto niya si Kuya. Hindi ko lang lubos maisip kung paano niya tinanggap na ikakasal si Kuya sa iba.

     Ipinagkasundo kami ni Kuya Gab sa magkapatid na Chua. ARRANGED MARRIAGE ang naging dahilan kung bakit ako umalis sa Pilipinas noon. 15 years old palang ako ng malaman kong ipapakasal kami ni Kuya sa kasosyo namin sa negosyo. Napagkasunduan ng mga Lolo at ng mga magulang namin na ipakasal kami para wala ng ibang mamahala sa negosyong pinaghirapan nila. Nakakatawa diba? Sa TV ko lang napapanuod ang mga ganyang bagay pero nangyayari pala sa totoong buhay. How cliché.

     Ngayong taon ikakasal si Kuya sa panganay ng mga Chua. At sa susunod na taon, pagkatapos ng debut ko ay ako naman ang ikakasal. Ni hindi ko pa man lang nakikita ang taong papakasalan ko. Dumating na ang panahon na kinakatakutan ko, ang matali sa isang taong hindi ko gusto at ni hindi ko man lang kilala. At alam ko ding kaya nandito si Kuya ay para pauwiin ako sa Pilipinas. Ang balita ko ay sa November na ang kasal niya.

"Aali, akyat muna ako sa kwarto. Maiwan ko muna kayo." Nabalik ako sa sariling ulirat sa sinabi ni Hannah. Masyado na palang malalalim ang iniisip ko.

Pag akyat ni Hannah ay agad kong nilingon si Kuya at nagulat ako ng makitang nakangiti siya saakin.

"Kuya, kinakabahan ako. Bat ka nga ba nandito sa US?" tanong ko sakanya ng may mapanghusgang tingin. Diniretso ko na siya, ayoko ng magpaligoy ligoy pa.

"I attended a business conference, Princess." Sagot niya na hindi kapani paniwala.

"Yun lang? Kuya, please be honest with me. I know you’re up to something that’s why you’re here. Am I right? Imposible namang mahanap mo ang bahay ko ng ganon ganon lang at wala kang sadya. Sa ilang taon kong tumira dito sa, ni hindi ko nabanggit sainyo kung saan ako nakatira." Frustrated na usal ko.

"Okay. I’ll be honest. You need to go back to the Philippines." Sabi niya na nagpatigil sa mundo ko. Okay, disappointed but not surprised. Umaasa kasi akong hindi pa ito ang tamang oras. Hindi. Hindi pwede. Ayoko pa. Alam kong magsisimula na ang panibagong yugto ng buhay ko at hindi pa ko handa.

"I’m so sorry Aaliyah, but you need to go back to the Philippines. It’s about time to face reality, Princess. We need you there. Binigyan ka na namin ng panahon para sa sarili mo. Alam mong hindi naging madali samin ang paglayo mo lalong lalo na kay Mommy pero ibinigay namin sayo ang kalayaan na gusto at kailangan mo para hindi ka matulad saakin. Kung iisipin ay mas maswerte ka kumpara sakin. Yan ang lagi mong isipin." Mahabang paliwanag niya ng hindi ako sumagot sakanya.

     Sa totoo lang, nakaramdam ako ng matinding awa kay Kuya habang sinasabi niya yon. Tama siya, kumpara sakanya ay mas maswerte parin ako. Bilang panganay at lalaking anak ay maagang pinasok ni Kuya ang mundo ng negosyo. High School palang siya ay isinasama na siya ni Daddy sa mga business conference, seminar at gatherings. Hindi niya naranasang gumimik o gumala gaya ng pangkaraniwang teenager na laging nasa bar. Sa punto rin na ‘to, ay parang gusto kong sumunod sa gusto nila. Para sakanya, para sa Kuya ko.

"Okay, I’ll be home soon. Just give me more time." Napapabuntong hininga kong sabi habang nakayuko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko kung gaano siya kagulat sa sinabi ko.

"Really? Are you sure?" Di talaga siya makapaniwala. Nanlalaki talaga ang mga mata niya. Muntik na tuloy akong matawa. Haha. How cute.

"Ayaw mo ba Kuya? Madali lang naman akong kausap." Pananakot ko sakanya kaya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Natawa tuloy ako, wala paring pinagbago ang kapatid ko. Asar talo parin siya.

"Oo na, so pano? I’ll go ahead na. Just call me if you need anything. Lalo na kapag uuwi ka na. Okay?"

"Opo. I love you, Kuya." Naglalambing kong usal.

"I love you too, Princess. Ang hirap umuwi pag ganyang naglalambing ka. Be home, soon." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

     Makaraan ang ilang minuto ay hinatid ko na siya sa gate. As usual, nag asaran na naman kaming magkapatid. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko rin alam kung tama ba ng naging desisyon ko sa pag payag na umuwi. Kahit naman kasing anong gawin ko, alam kong darating at darating ang araw na ‘to. Ang araw na kinakatakutan ko, ang araw na kailanman ay hindi ko hinangad. Ano kayang mangyayari sa pag uwi ko sa Pilipinas? Makikilala ko na kaya ang lalaking papakasalan ko? Ano kayang itsura at ugali niya? Haaaaaaaay. . . Ang hirap mag isip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status