Share

CHAPTER 3: MEET THE BESTFRIEND

HANNAH’s POV

     Before anything else, I just want to introduce myself. I’m Hannah Andrea Sy, 17 years old at ako ang bestfriend ni Yuri Aaliyah Lee. High School palang kami ay magkaibigan na kami ni Aaliyah kaya naman alam namin ang takbo ng utak ng isa’t isa. 15 years old kami ng malaman niyang ipinagkasundo sila ng Kuya niya sa magkapatid na Chua. Simula noon ay napagdesisyon’an kong suportahan at samahan siya sa lahat ng bagay, kasama na nga rito ang pagpunta niya dito sa US.

     Ng malaman ni Aali ang tungkol sa kasunduan ay parang nagbago siya. Nasabi niya saakin na ayaw niyang tumupad sa usapan kaya lang wala naman daw siyang magagawa. Nasaktan din ako ng malaman ko ang tungkol rito. Bukod kasi sa nakikita kong paghihirap ng matalik kong kaibigan ay nasasaktan din ako. I fell inlove with my bestfriend's brother. Noong una ay hindi ko talaga matanggap ang sitwasyon, pero paunti unti ay parang naiintindihan ko nalang din. Isa sa mga dahilan kung bakit pilit kong inuunawa ito ay dahil na rin kay Aaliyah, gusto kong damayan, gabayan at samahan siya sa mga ganitong sitwasyon. Paano ko naman gagawin yun kung pati ako ay apektado? Sobrang hirap sa part ko, dahil first love ko si Kuya Gab.

     Hindi naging madali para saamin ang kumbinsihin ang mga magulang namin na manirahan kami dito. Unica Ija ako kaya ganon nalang amg sama ng loob sakin ng Mommy ko nang malaman niya ang plano namin ni Aaliyah. Sa kaso naman niya ay naging mahirap din ang proseso, ang akala kasi ng mga magulang niya ay gusto lang niyang tumakas sa kasunduan. Napahanga ako ni Aaliyah nung ipaliwanag niya sa parents niya ang dahilan ng pagpunta namin dito, at yun nga ay dahil gusto niyang mag aral ng tahimik at matiwasay, bukod pa ron ay gusto niya munang i-enjoy ang sarili para mapaghandaan na din ang mga bagay bagay. Hindi kasi namin ‘to magagawa sa Pilipinas dahil na rin sa kaliwa’t kanang obligasyon namin sa mga negosyo namin. Isang dahilan pa ni Aaliyah ay ayaw niya daw matulad sa Kuya Gab niya na hindi man lang naranasan ang pagiging normal na teenager dahil maaga itong isinabak sa mundo ng negosyo. Kasalukuyan kong pinapanuod si Aaliyah na akala mo ay nagfa fashion show sa harap ko, panay kasi ang paroon at parito niya.

“Hoy babae, umupo ka nga. Nahihilo ako sa ginagawa mo eh.” Puna ko sakanya nung hindi ko na siya matiis.

“Hannah, anong gagawin ko?” ano daw?

“Bakit ba? Ano bang meron ha?” Naguguluhan kong tanong.

“Kailangan ko ng umuwi sa Pilipinas.” Pag amin niya sakin. Kaya pala hindi siya mapakali. Naiintindihan ko na, dahil isa lang naman ang ibig sabihin kapag pinauwi na siya sa Pinas. It’s about time. Aasikasuhin na nila ang kasal.

“Oh ano namang problema? Aali, matagal mo ng alam ang bagay na yan. Dapat naihanda mo na ang sarili mo noon pa. 2 years, Aali. 2 years na tayong nandito at siguro naman sapat na yun.” pamamrangka ko sakanya. Hindi ko alam kung tama baang ginagawa ko, pero bahala na. Kailangan niya na kasing maging handa, kung hindi ngayon. Kailan pa?

“Hannah naman eh, alam mo naman kung anong ibig sabihin non dba? Hindi pa ko handa.” alam na alam ko pero hindi ko siya pwedeng kunsintihin. Mas lalo lang siyang mahihirapan.

Aaliyah, alam nating pareho. Simula palang, alam na natin diba? Kaya dapat noon palang naghanda ka na. Ang dami ng panahon na ibinigay sayo, Aali. Hindi naman kita masisi, kung ako din ata ang nasa sitwasyon mo mahihirapan din ako. Pero instead na isipin mo ng isipin, harapin mo muna.” Alam kong mahirap kaya kahit naawa ako ay pilit kong ipapaintindi sakanya ang sitwasyon.

“Isa pa, hindi mo pa naman nakikilala ang Fiancee mo. Malay mo mabait naman siya diba? Why stress yourself out of nothing? Aaliyah, wala pang problema. Kalma

ka lang. Just give it a try.” Dagdag ko nung hindi siya makapagsalita.

     Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang dumating si Angelo at Skyler. Andito na naman tong dalawang ugok na to. Palibhasa nasanay na silang tumambay dito eh, ni hindi man lang uso sakanila ang kumatok. Dire-diretso lang sa pagpasok. Akala mo bahay nila eh. Tsk.

“Ano na namang ginagawa niyo dito sa bahay, mga ugok?” maktol ko. Natawa naman si Aaliyah sa sinabi ko. Tingnan mo ‘to, parang kanina lang hindi siya makaimik sa pinagsasabi ko tas ngayon tatawa tawa. Napaka supportive. Just note my sarcasm there.

“Wala naman, napatambay lang.” nakangising sagot ni Angelo. Ang pangit niya. Leche.

“Anong akala mo sa bahay namin? BAR?” umuusok ang ilong na tanong ko.

“Hannah, relax. Ang aga aga, ang init ng ulo mo. May PMS ka ba?” anak ng. . . bwisit na lalaki ‘to.

“Hep hep. Kayong dalawa, tama na nga yan. Baka mamaya ma fall kayo sa isa’t isa eh. Yieeee.” Panunukso ni Aaliyah. Tingnan mo ‘to, parang kanina lang problemadong problemado. Ngayon naman ang lakas mang asar. Ang lakas ng saltik sa utak ng best

friend ko.

“NO WAY.” Sabay na sabi namin ni Angelo. At aba ang loko, nginisihan pa ako. Sinamaan ko nga ng tingin.

“I’m hungry.” Ay may nagsalitang hangin. Kita mo ‘tong isang ‘to, halos magrambol na kami ni Angelo dito di man lang umawat. Magsasalita na nga lang, out of the blue pa.

Let’s eat, we haven’t eaten our breakfast.” Sagot ni Aaliyah kay Sky.

     Minsan talaga may napapansin akong kakaiba sa tingin ni Sky kay Aali, may something eh. Sabay sabay kaming kumain sa hapag kainan and of course with matching asaran naming dalawa ng unggoy na si Angelo. Samantalang ang dalawa naman ay panay tawa lang. Maya-maya naman ay tumunog ang cellphone ni Aali.

“Hello- “

“Pero Mom, just give me more time.” Naka simangot na sabi ni Aali. Uh oh, mukhang alam ko na ang pinag uusapan ng mag ina.

“Yes Mom. Bye.” Rinig kong usal ni Aali, bakas ang lungkot sa mukha.

“Guys, uuwi na ko sa Pilipinas. Next week.” Sabi ni Aali pagharap niya saamin. Nakabusangot na ang mukha at hindi maipinta. Muntik na akong matawa, mukha kasi siyang constipated.

Pagkatapos sabihin ni Aaliyah yon ay wala ni isa saamin ang nagsalita. Nagpapakiramdaman. Mukhang mahaba habang ang pag uusapan namin nito ni Aali mamaya. Well, wala naman akong ibang masasabi sakanya kundi ang isang pang malakasang Goodluck nalang friend.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status