Share

CHAPTER 2

I won’t let you go, now you know.

I’ve been crazy for you all this time.

I kept it close, always hoping.

With a heart on fire.

- Heart on Fire, Jonathan Clay

***

SHE’S HOT.

Iyon agad ang pumasok sa isip ng isang binata nang makita niya ang isang anghel na pumasok sa club.

Isang anghel na nakasuot ng black sinful dress. Oo, isa nga siyang angel. Sarkastikong sabi niya sa sarili.

Kilala niya ito. Her name is April, kaklase niya ito sa World Literature. Isang boring na subject kaya hindi niya pinapasukan.

Anong mapapala niya sa pagbabasa ng mga sinulat nila Shakespeare at Edgar Allan Poe? Kung hindi lang ‘yon kasama sa curriculum ng course niya ay hindi niya iyon kukunin. Such a waste of time.

Pero ibang April ang nakikita niya ngayon. The way she dressed tonight, the way she groove that beautiful ass of hers. Bagay dito ang suot. How he wished na ganun na lang lagi ang suot nito kapag pumapasok. Naiirita kasi siya sa suot nitong saya at long sleeves.

Sadyang pervert ka lang. Sabi ng konsensya niya.

No, he’s not. He is just appreciating beauty. And April is an epitome of a goddess.

She has a body to die for. And he bet her skin is smooth as silk. No wonder almost all of the men in the club are drooling at her. Including him.

Cyril doesn’t believe what he’s seeing right now. The timid girl is now drinking alcohol like water.

Malakas siyang uminom. Such a wild kitty. He just smirked at the thoughts he wanted to do with his new target.

“Dude, baka naman matunaw yang tinititigan mo. Chicks ba ‘yan?” Kalabit sa kanya ni Christian. Sinundan nito ang tinititigan. “Chicks nga! Makinis saka maputi. Teka… kilala ko ‘yan huh.” Sabi pa nito na tila ba kinikilala ang babaeng sumasayaw ngayon sa dance floor na sinusundan ng tingin ng mga tao sa club.

“Si April ‘yan diba? Iyong madre?” Natawa naman siya nang marinig mula sa kaibigan ang bansag nila sa dalaga.

Matagal na rin naman kasi nila napapansin ang angking ganda nito. Pero walang naglakas loob na pumorma dito.

The reason?

They are scared because April’s personality is not for one time, good time.

Siya ‘yung tipo ng babaeng pinapa kasalan, inaalagaan at minamahal. Hindi iyong mga tipo nilang pang one night wonder lang.

Takot silang mabahiran ng kasamaan ang mala-anghel nitong presensya.

Well… looks can be deceiving. Because the angel is like a walking hard-on right now.

“Meron din pala siyang wild side. Akala ko talaga hindi siya makabasag pinggan. Pero sa ginagawa niya ngayon, mukang hindi lang pinggan ang mababasag kapag naiuwi ko na siya sa condo ko.” Pilyo nitong sabi.

Cyril got annoyed on what his best buddy said. Dati naman kapag sinabihan nito ang ibang babae nang ganoon ay nakiki gatol pa siya. But something in him got annoyed sa narinig na sinabi ng kaibigan.

Napansin naman ni Christian ang pag-iba ng aura nito.

“Relax dude.” Itinaas pa nito ang dalawang kamay. Like surrendering to him. “Alright… alright… she’s yours.” Pagkatapos ay tinapik siya nito sa paypay bago umalis sa tabi at makipag kwentuhan sa iba pa nilang kaibigan.

Mahirap magalit ito. Baka makabili sila nang bar nang wala sa oras. Iyon ang tumatakbo sa isip ni Christian.

Cyril continued gawking at his prey. She’s just dancing like no one’s watching. Hindi ba nito napapansin na kanina pa siya pinagpi-piyestahan ng mga manyak na kalalakihan dito.

Including you. His subconscious said.

He just exhaled a deep breath. He needs to move bago pa may mauna sa target niya.

“Saan ka pupunta?” Christian asked him.

“May aasikasuhin lang.” Sagot niya dito.

Napailing ito sa sinabi niya. Maya maya ay binaba nito ang basong hawak at sumabay sa kanyang bumaba sa dance floor.

“Sabi ko naman sayo ‘wag kang magso-solo flight. Tig-isa tayo. Hating kapatid.” Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan kasama ni April.

Not a bad catch.

The music change. From wild to slow and erotic. Agad namang nag-alisan ang ibang nagsasayaw.

Agad niyang pinalibot sa bewang ng dalaga ang braso ng akmang aalis na ito sa dance floor. Muntik na siyang mapamura ng magdikit ang balat nila. Instantly he felt the heat, heat close to the boiling point. Must be the alcohol.

“Hey kitty, party like a wild animal huh? Hindi ko alam na may ganyang side ka pala.” Amusement was evident in his voice.

“So? Ano naman kung wild ako? Minsan kailangan ding magbago ng life style.” Nag-iiba din pala ang ugali nito kapag nakainom. Maging matapang. He’s having a boner right now.

“I like the other side of you-“ Hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla itong nawalan ng lakas.

Damn this girl! Did she just sleep on me? Hindi makapaniwala si Cyril sa nangyari.

“Dude! Bagsak na yang kasama mo? Ito rin oh.” Turo ni Christian sa kasama ni April na inaalalayan na rin niya.

“Paano natin ihahatid pauwi itong mga babaeng ‘to?” Tanong sa kanya ng kaibigan.

“You don’t want to be inside her skirt?” Tanong niya dito.

Natawa naman ang kaibigan bago siya sagutin. “Nah! Nawalan ako ng gana. I can’t believe she just sleep. Umatras ang libido ko.”

Pati siya ay hindi mapigilang mangiti.

“Ganito na lang. Tig-isahan ulit natin. Ihatid mo ‘yang si April. Ako nang maghahatid dito kay Kim.”

Napakunot naman ang noo niya. Kim must be her name. Agad naman siyang sumang-ayon dito.

They must be jerks and pervert pero hindi naman nila pwedeng pabayaan ang mga ito dito sa club. Halang ang kaluluwa nila pero maraming mas halang ang kaluluwa dito sa club. 

Inalalayan niya ang dalaga papasok sa kotse. He can also feel the aftermath of alcohol. Well mataas ang alcohol tolerance nilang magkaibigan, pero kanina pa kasi sila sa club at nag-iinom. It’s July 4, their anniversary. He remember her kaya siya nag-inom.

The pain she caused will surely be part of him… he doesn't know until when maybe a lifetime of pain.

Now he has a problem. Saan niya dadalhin ang dalaga? She just moan when he tried to wake her at itanong ang address nito.

“Hey kitty, saan ba kita dadalhin?” He has no choice kundi ang dalhin ito sa kanyang condo.

“Hmmmm…” She just moaned the moment Cyril put her on his bed.

And he is just a man.

As he watched her peacefully sleeping on his bed, there was this magnet between them. He can feel it. 

Unti-unting nilapit ng binata ang mukha niya sa dalaga.

Sh!t! Why am I doing this? Bulong niya sa sarili.

And in a snap, his lips are tightly sealed with her lips. At that moment he lost himself to her. This is not his first time but it feels new to him.

***

APRIL clearly remembered what happened last night. She just tightly closes her eyes as emotions consume her.

Why you let his happen, April? Pangaral niya sa sarili.

As she silently mourns because of her stupidity, Cyrill opens his eyes only to see her crying in the middle of his bed.

“Ingay.” Walang ganang sabi nito that got her attention.

April silently cursed as she saw the Demigod beside her.

It’s Cyril John Constantino. A certified fuck boy.

They are classmate sa isang minor subject niya. Minsan niya lang ito makita dahil minsan lang din naman ito pumasok. And she bet she doesn’t know her.

Narinig niya ang pagpapakawala nito ng buntong hininga. She continue crying and hugging herself nang mapansin niyang dahan-dahang bumabangon ang binata.

Umangat ito ng kaunti at sumandal sa headboard nang kama nito.

“I-I’m sorry.” Paghingi nito ng paumanhin.

Kahit si Cyril ay nagulat sa sarili. He doesn’t say sorry easily. Ma-pride siyang tao. At kung tutuusin wala naman siyang dapat i-hingi ng tawad dito. He tried to stop himself, she’s the one initiated it. But as he saw April’s tears his heart melted.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng dalaga. He said sorry, meaning ‘it’ really happen at alam niyang wala na talaga siyang magagawa tungkol dito.

“Y-Your sorry won't c-change anything.” Sagot ni April sa binata sa pagitan ng bawat iyak.

“I know.” Hindi alam ni April kung pinaglalaruan lang ba siya ng kanyang pandinig. Rinig na rinig niya ang pagsisisi sa boses nito.

Gusto niya itong sigawan pero para saan pa? She’s about to tell him na gusto na niyang umuwi nang makarinig ng kaluskos sa labas ng kwarto.

“Cyril baby… Are you still sleeping?” Boses iyon ng isang babae.

“Mom, baka naman wala dito si kuya. Baka nasa condo po ni Kuya Christian.”

Hindi nag-iisa ang boses! Dalawa itong babae.

Cyril face instantly change ng mabosesan kung sino ang mga bagong dating.

“Sh!t! That’s my mom and sister!”

Agad-agad siyang dinaganan nito pahiga sa kama para sana itago siya sa ilalim ng mga kumot. Sakto namang pagbukas ng pintuan at niluwa noon ang dalawang babaeng kahawig ni Cyril.

Ang isa ay medyo may katandaan pero bakas dito ang rangya sa buhay, marahil ay dala ng mga alahas at tindig nito. Halatang sopistikada at may sinabi sa buhay. Ang isa naman ay batang girl version ni Cyril. Hindi na niya kailangan manghula kung sino ito sa buhay ng binata.

They are in the bed and she’s naked as well as Cyril at nakakubabaw ito sa kanya. Hiya agad ang unang naramdaman ni April sa posisyon nilang dalawa.

Ang ina ng binata ang unang nakabawi sa pagkagulat.

“What is the meaning of this Cyril John Constantino?” Madiin at puno ng galit na sabi ng ina nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status