Share

CHAPTER 4

***

INSIDE Cyril’s room April doesn’t know what to do. Nahampas niya ang noo ng maalala lahat ng nangyari kagabi. Simula pa lang kasi ay hindi na dapat siya nagpapilit kay Kim.

Napatingin siya sa wall clock. It says 9 o’clock. Late na siya sa unang klase sa araw na ito. Much worst hindi siya nakauwi, alam niyang nag-aalala na ng sobra ang kanyang nanay at mga kapatid sa bahay.

Dali-dali niyang sinamsam ang mga damit. Kahit masakit ang pagitan ng kanyang mga hita ay hindi niya iyon ininda. She needed to go home.

Napa-igik siya sa gulat dahil sa pagbukas ng pinto. She saw Cyrill looking at her. Hindi ito nagsalita, inabot lang nito ang isang paper bag.

“Change. Fix yourself. Hihintayin kita sa sala, ihahatid na kita pagkatapos.” Agad nitong sinara ang pinto. Ni hindi siya binigyan ng pagkakataong magsalita o magtanong.

Agad niyang inayos ang sarili. While dressing ay dinig na dinig niya ang malamyos na musika na nagmumula sa isang piano. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya ang binata sa harap ng organ nito. Pressing the organ keys that created soft music that were good to hear.

He knows how to play. Sabi niya sa sarili.

Biglang napatigil si Cyril sa pagtugtog dahil sa pakiramdam na mayroong nakatingin sa kanya. True to his words he saw a goddess, nope, a living angel right in front of him. Bagay dito ang damit na nakuha mula sa babaeng naka one night stand niya noon.

She’s wearing a Sunday dress, bagay na bagay dito ang kulay na asul. And she has a natural glow. Wala man itong make up ngayon ay kitang-kita ang natural blush on nito.

He can’t help but have a boner just by staring at her.

Calm your dick man! Saway niya sa sarili.

Mas lalo itong namula nang makitang nakatitig na siya dito.

An innocent beauty for an innocent angel.

“Ah… Ano… t-“

“Let’s go.” Agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmamadaling lumabas. Another minute inside his condo with April ay hindi na niya alam kung anong pwede pang magyari. He wanted to ravish again that angel.

Nagtataka man si April sa kinilos ng binata ay sumunod na lang rin siya dito.

Tahimik sila habang nasa loob ng elevator pababa, tanging silang dalawa lang ang sakay nito.

Hindi alam ni April kung paanong sisimulan lahat ng gusto niyang sabihin. Siya ang nawalan. Siya ang dehado. Pero bakit siya ang nahihiya na mag simulang magsalita. Hindi ba’t ito dapat ang mahiya sa kanya? Oo she initiated, but… anong karapatan nitong galawin ang isang babaeng wala sa sariling katinuan?

Paano kung may mabuo? Paano ang mga pangarap niya? Paano ang pamilya niya?

Damn!

Hindi naman mapigilan ni April na i-kuyom ang mga kamay sa inis na nararamdaman. Inis sa lalaking katabi niya, inis sa pagkakataon, inis sa alak na ininom niya kagabi. At higit sa lahat… inis sa sarili. May parte kasi sa kanyang… ginusto rin ang nangyari ng nagdaang magdamag.

“What’s wrong?” Tanong ni Cyril sa dalaga nang mapansin ang pagkakuyom ng mga kamao nito.

“Anong m-mali?” Nabasag ang tinig nito. “Tinatanong mo ako kung anong mali? Ito! Lahat!” Nagulat ang binata ng makita ang hilam nitong mukha dahil sa mga luha.

Sandali siyang nagulat nang tumunog ang elevator. Huminto ito sa isang floor, pagbukas ng pinto ay may mag-asawang sumakay.

Cyril instantly grabs April’s arms and envelops her inside his arms. Hindi niya alam kung anong bagay ang pwedeng magpaan ng loob dito.

Hindi siya sanay mag-alo nang babae. All the woman he bedded are willing victims. Kahit pa nga ang ilan dito ay virgin din kagaya ni April, wala kang makikitang pagsisisi sa mga ito.

Hindi naman lumaban si April sa mga yakap niya pero hindi naman ito tumigil sa pag-iyak.

“Hon, does this scene familiar to you?” Rinig niyang tanong ng babae sa kasama nito. Mas hinigpitan pa nito ang pagka yakap sa kausap.

A chuckle came out from the man’s lips. Pagkatapos ay hinalikan nito sa sintido ang babaeng kasama.

“But I love what happens after.” Pilyo ang ngiting ibinigay ng lalaki dito.

The lady nudge her elbow to the man. Hindi iyon masyadong malakas pero naging dahilan iyong para maalis ang pagkaka akbay nito.

“Elroy!” Nanlalaki at may pagbabanta sa boses nito. Hindi naman natinag ang lalaki at patuloy pa din sa pagtawa habang hinihimas ang nasaktang tagiliran.

“What?” Mapaglaro pa rin ang tinging binibigay nito sa kasama.

“Stop!” The woman hissed.

“I didn’t do anything.” Tila ba nagmamaang-maangan pa nito.

“Hmp! Sa sofa ka matutulog mamaya!” Sakto namang pagbukas ng elevator kaya agad lumabas ang babae.

“I-Infinity… wait! Hon!” Habol naman dito ng lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status