Share

Yes, No, Maybe
Yes, No, Maybe
Author: AnMarieBytheway

Prologue

"You mean this is the guy that I'm going to marry?" Taas-kilay kong tanong sa sarili.

I stared at the guy sleeping on his bed, completely drunk. Halos humalik na nga siya sa sahig dahil sa kalasingan. Buti nalang nakauwi pa siya. Yumuko ako para silipin yung mukha niya. Tumaas yung magkabila kong kilay sa nakita.

Gwapo siya at matipuno yung pangangatawan. He looks like someone that every girl would want to hook up with. Ang tangi ko lang alam sa kanya ay mayaman siya. Well, of course! My dad wouldn't agree for me to marry someone who's not rich. I mean, everything is for the company.

"Ito ang una mong trabaho para sa unang araw mo dito," said someone behind me. "Siguraduhin mong maayos ang pagkahiga niya  at huwag kang magkamaling gumawa ng hindi kanais-nais."

I turned around and saw the mayordoma of the household. Pinantayan ko siya ng tingin. I squinted my eyes at her and thought of how dare she command me like that. Pero nung tumaas yung kilay niya ay saka pa ako natauhan.

"May problema ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman."

She nodded. "Mabuti naman. Gawin mo na ang inutos ko ngayon din."

With that she turned around and walked away. Nang hindi ko na siya makita ay saka na ako umirap. Fvck! Why did I agree to do this in the first place?

Bumuntong-hininga ako at hinarap yung lalaki. I mentally slapped myself because of my stupidity. Desisyon mo na ito, Ava. Huwag kang uurong kasi ginusto mo ito.

Left with no choice, I pulled the man by his arm at inayos yung pagkahiga niya. Lumabas muna ako ng silid at dumiretso sa kusina. Kumuha muna ako nang luke warm water at nilagay sa basin. Kumuha na din ako nang malinis na bimpo para linisan siya. Pagkabalik ko nang silid niya ay ganun pa rin yung posisyon niya. Bumuntong-hininga ako at ipinagpatuloy yung gagawin.

Pinunasan ko muna yung mukha niya at saka yung leeg niya. He's wearing a polo and I am contemplating if I should take it off. Pwede naman sigurong hayaan siya diba? Pinili niyang uminom at magpakalasing kaya okay lang sigurong pabayaan siya.

Pero trabaho ko ang alagaan siya. Sabi ni Manang Abby na dapat maayos yung pagkahiga niya. Saka trabaho ko din yun.

"Sh*t naman 'e!" I groaned. 

I started unbuttoning one button pero napahinto ako sa kalagitnaan. I swallowed hard when I realized that I am unbuttoning a man. Napapikit ako nang mariin. Ano naman ngayon? Trabaho lang ito. Tsaka I am Ava Lee. Hinding-hindi ako titiklop sa lalaki.

Napatango ako. "Tama. Ako si Ava Lee."

Nagmulat ako at ipagpatuloy na sana yung gagawin nang bigla niyang hawakan yung pulsuhan ko. Nanlaki ang aking mata at napakurap. He slowly opened his eyes until it met mine. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. He's looking at me with his sleepy eyes and yet he have this effect on me. Napalunok ako.

"What are you doing?" He said in a husky voice.

I was taken-aback. Damn! Ang lalim nang boses niya. It was something that I can hear on movies and radios like some kind of a DJ. 

"A-Ah. Nililinisan ko lang po kayo, sir," I replied, trying not to stutter but failed.

Kumunot yung noo niya. "Who are you?"

Mukhang lasing pa siya sa paraan niyang pagsalita pero kahit ganun ay hindi nawala yung aura niya. It's something so appealing that I can't take my eyes off him. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?

"Katulong niyo po," I replied. "Kakahire lang ng Daddy niyo sa akin."

Mas lalong kumunot noo niya. "You don't look like one."

"Po?"

"You're beautiful," He said, almost in a whisper.

Napakurap ako sa sinabi niya. I know that I am beautiful. Ilang lalaki na ang nagsabing maganda ako pero bakit iba ang epekto sa kanya? What is this I feel? Why do I feel something tickling on my tummy?

"Lasing po kayo," I tried ro divert the topic. "Hayaan niyo po akong linisan ka para makatulog na kayo nang maayos."

I thought that he's gonna listen to what I say pero hindi. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. It's as if he saw something spectacular in front of him. Isang ngiti ang pumorma sa mga labi niya.

"Please stay," He said. "You're my guardian angel, right?"

Napailing ako at napatawa nang mahina. "Look dude, I am not a guardian angel."

I lost my act. Tutal lasing naman itong kausap ko. There is no way that he's gonna remember everything tomorrow. Bahala na si batman.

"But you are."

Napapikt ako nang mariin. "Matulog ka nalang kaya? Gusto ko nang magpahinga and you're not helping," I whispered to myself.

Bulong lamang 'yun pero mukhang narinig niya kasi mas lumapad yung ngiti niya sa labi. I raise a brow. Problema nito?

"Can you grant me one wish?" He asked. "I've always wanted to be kissed by an angel. Will you kiss me?"

Nanlaki ang aking mga mata.

"What?!"

Hindi na ako nakapalag. Ang bilis ng pangyayari. He pulled me closer to him and our lips clashed together. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status