Share

Chapter 7

So the rumors are true? Babaero ba talaga si Timothee? Pangalawang araw ko pa lang pero wala naman silang nabanggit na may girlfriend na siya. Dad wouldn't agree na ipakasal ako sa taong may jowa na.

Pero what if they are in a secret relationship? Kaya ba ayaw ni Timothee ang makasal sa akin? It could be a possibility. Paniguradong hindi ito alam ni Sir Vincent. Kung alam niyang may jowa anak niya hindi din siguro siya sasang-ayon. But why would he keep it a secret though?

Sumasakit lang yung ulo ko sa kakaisip ng buhay ng iba. Ano bang gagawin ko ngayon? Pinapababa ni Sir Vincent si Timothee but I can't just barge in or knock the door. Paniguradong magagalit yun.

"Ugh... Fvck!"

Dali-dali kong tinakpan ang aking tenga. Ang laswang pakinggan! I need to get out of here!

Dali-dali akong bumaba sa hagdan para makaiwas sa ingay nila. Grabe naman! Nagawa pa nila iyon knowing na nandito Daddy niya? I got goosebumps all over my body when I realized that I'm marrying that dude. I can't imagine myself in that girl's position. Eugh!

"Ava! Ba't ang tagal mo?!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Manang Abby habang malalim ang aking iniisip.

"Manang naman!" reklamo ko sabay hawak sa dibdib.

"Saan ka ba galing? Nasaan na si Sir Timothee?" Tanong niya.

Naalala ko na naman yung napakinggan ko. I can't seem to unhear it. Pinilig ko ang aking ulo, pilit iniwaksi yung narinig.

"Busy pa po 'e," sagot ko.

"Naku! Kahit busy 'yang batang 'yan dapat pinilit mong bumaba. Utos ng Daddy niya."

"Pero baka po magalit," I tried to sound reasonable.

"Hindi siya ang nagpapasweldo sa atin. Daddy niya kaya yung Daddy niya ang masusunod sa ayaw man niya o sa gusto!" Manang Abby said firmly.

Nagsimula na siyang umakyat sa hagdan papunta sa silid ni Timothee. Napapikit ako nang mariin nang mapagtantong hindi talaga hihinto si Manang hanggang hindi niya napababa si Timothee.

"I thought that this is going to be easy," I whispered to myself.

Dali-dali kong sinundan si Manang para pahintuin siya. Nang makalapit na ako ay saka ako kumapit sa braso niya sa syang ikinahinto niya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" istrikto niyang reklamo.

"Manang ano kasi. Nasa masamang kalagayan si Sir Timothee."

"Anong masamang kalagayan? Edi dapat tulungan natin siya kung ganun man ang nangyari!"

I bit my lower lip. Come on, Ava. Sabihin mo na nga lang kung ano yung ginawa ng mabait mong fiancé. Para naman magkaalaman na. Para din hindi ka na mahihirapan. Teka lang. Why does it seems like I'm covering him? Akala ko ba magiging asawa ko siya? I should be acting like his fianceé, should I not?

Huminga ako nang malalim bago ako bumitaw kay Manang. Tiningnan niya ako na nakataas yung kilay. Parang nagju-judge lang. Ganun.

"Ano?" She asked.

"Manang, nasa silid po si Sir Timothee kasama ang isang babae. Pulos ungol lang po yung naririnig ko kaya hindi na po ko kumatok," I confessed.

Grabe sobrang gaan pala talaga sa dibdib.

Nanlaki ang mga mata ni Manang at agad namula. I can see veins started forming on her forehead. Mukha siyang bulkan na puputok.

"Timothee!" Sigaw niya.

Nagulat ako nang isigaw niya pangalan ni Timothee. I'm worried that Sir Vincent might hear pero pinabayaan ko nalang muna. It's the least of my concern.

Lumapit si Manang sa isang drawer kung saan may iba't-ibang sizes ng susi. Kumuha siya nang susi at hindi na nagdadalawang-isip na lumapit sa pinto ni Timothee. I stood behind the woman, waiting for the next thing to happen. I regretted that I didn't bring my phone with me. Kinuhanan ko na sana ng video.

I stood there with my chin up. Timothee, Timothee, what have you get yourself into?

Agad pinasok ni Manang Abby yung susi sa keyhole at binuksan yung pinto.

"Ahh!!" Sigaw nung babae.

Napabalikwas si Timothee at agad tinakpan yung dapat takpan gamit yung unan. Tumaas yung kilay ko. I can't believe I'm marrying a drunkard and a promiscuous man. What would our married life be?

"Manang Abby!" Sigaw niya. "Don't you know how to knock?"

"Sir Timothee ilang beses ko bang sabihin sa'yo na tumigil na kayo sa pambabae. Nandito pa Daddy mo. Paano kapag malaman niya?" Pangagaral ni Manang.

So alam ni Manang pero hindi alam ng Daddy niya? Interesting.

"At ikaw babae. Ke babae mong tao tapos ikaw pa yung pumupunta sa bahay ng lalaki para makipagtalik. Wala ka na bang respeto sa sarili mo?"

I am genuinely shocked at Manang Abby's reaction. She's acting like a mother.

"How dare you say that to me? Isa ka lang katulong!" Sigaw nung babae na ikinataas ng kilay ko.

Wow. Akala ko mabait siya. The way she treated me earlier sobrang bait niya. She never looked down at me. Ngayon binabawi ko na yung sinabi ko. She's not an angel as I though she is.

"Huwag mo akong sigawan sa pamamahay na ito. Hindi mo ba alam na kabit ka lang?" Tanong ni Manang.

"Huh!" The girl scoffed. "Kabit? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Ikakasal na si Sir Timothee kaya 'yang ginagawa mo ay hindi dapat. Sobrang kati na ba?" Pang-iinsulto ni Manang.

"Manang!" Sita ni Timothee.

"Sir Timothee. Pinapababa kayo ng Daddy niyo. Kung pwede sana magbihis na kayo at samahan Daddy niyo sa hapag kung ayaw mong ibalita ito sa kanya," kalmadong sabi ni Manang. "Baba na."

Nakangusong tumayo si Timothee habang tinatakpan yung ano niya at dali-daling nagbihis. Napanganga nalang yung babae habang iniwan ni Timothee na n*******d pa rin.

"Baby?" She called. "Timothee, iiwan mo ako?!"

Hindi sumagot si Timothee at kahit man lang lingunin siya. Diretso lang siyang lumabas hanggang sa naiwan nalang nang tuluyan yung babae.

"Ava, palabasin mo 'yang babae na 'yan. Siguraduhin mong hindi mapapansin ni Sir Vincent," utos ni Manang.

Tumango ako, "Opo."

Tiningnan muna ni Manang yung babae bago tumalikod at sinundan si Timothee. Tiningnan ko yung babae at ganun na lang kasama yung tingin niya sa akin.

"Kailangan niyo nang lumabas. You are not needed here," utos ko sa kanya.

She scoffed. "Iba din yung mga katulong dito, ano? Ang babastos. Hindi niyo ba alam kung hanggang saan lang kayo? Kaya kong bilhin ang pagkatao mo kaya huwag mo akong subukan."

I smirked. Nagpapatawa ba siya?

"I'm gonna escort you out. Can you please be cooperative?" I asked nicely.

Kumunot-noo niya. "Katulong ka ba talaga?"

I nodded. "Obviously."

"Hindi ko lalabas hanggang sa hindi ko makakausap si Timothee," she resisted.

I sighed. "Narinig mo sinabi ni Manang kanina. Ikakasal na si Sir Timothee kaya hindi ka na niya kailangan."

"Ikakasal? Huh! Hindi ako naniniwala. Sinabi lang yung ng matandang maid para iwasan ko na si Timothee pero hindi ko yun gagawin. I know that Timothee can't resist my charms. Babalik din si Timothee sa akin," sabi niya.

"But does he loves you though?" Tanong ko sa kanya at tiningnan siya diretso sa mata.

"Hindi niya sinabi pero pinakita niya naman sa akin," she said smiling.

"Showed you? Through what? Kissing? Doing sex?" I chuckled. "Oh, honey. That is not love. That's lust."

Her hands formed into fists, ready to throw a punch at me but she's too far to do so. Tiningnan niya ako nang masama. If looks could kill, kanina pa ako pinaglalamayan.

"How can you say so? Ngayon lang kita nakilala. Hindi mo nasaksihan yung samahan namin ni Timothee," she said. "Anong akala mo sa taste ni Timothee? Isang babae tulad mo? A maid? Hampas-lupa na walang narating sa buhay?"

"If you say he loves you, bakit hindi ikaw ang pakakasalan? Why does he kept you a secret? Kahit ama niya ay hindi ka pa kilala. 'Yan ba ang love?" Pang-iinis ko sa kanya. "Dahan-dahan ka sa mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo. Baka pagsisisihan mo pa 'yan."

"Ang tapang mo! Who are you to threaten me like that? You don't have to power to do so. Katulong ka lang!" Sigaw niya.

Tumayo siya para magbihis at hindi na niya pinansin na makita ko ang hubad niyang katawan. Where's the decency of this woman? Bukas pa naman yung pinto. Paano kung may dumaan edi nakita na katawan niya. Naku talaga!

Matapos niyang magbihis ay lumapit siya sa akin at binangga ako sa balikat. I smirked. Pikon pala.

Bago pa siya makalayo ay nakita kong may naiwan siyang cardigan. The style was quite familiar kaya dinampot ko ito mula sa sahig. Tiningnan ko yung label at hindi nga ako nagkamali. The brand says 'AvaL'. It's my clothing!

"Teka lang," tawag ko ng pansin sa kanya. "Great taste," sabi ko at inabot yung cardigan sa kanya.

Kinuha niya mula sa kamay ko yung cardigan at agad tumalikod. Ngumisi ako. Customer ko pala yun? Hindi ko man lang namukhaan.

I made sure na nakalabas na siya ng gate bago ako pumasok sa loob. Sinabihan ko pa si Manong guard na hindi na papapasukin yung babae na yun kapag bumalik. Nastress bangs ko.

Pagkabalik ko sa kusina ay nasa hapag na yung ibang katulong. Nakaupo na din si Timothee sa tabi ng Dad niya na nakabusangot pa rin.

"Ava! Halika! Samahan mo kami," Sir Vincent invited me.

Matipid akong ngumiti sa kanya at naghanap ng bakanteng upuan. Sa kasamaang palad, ang bakanteng upuan lang ay yung sa tabi ni Timothee. I look at him at ang sama ng tingin niya sa akin pero hindi ako nagpaapekto. Lumapit ako sa bakanteng upuan at umupo na.

"Kanina may narinig akong mga sigaw. Ano bang nangyari sa itaas at natagalan kayong tatlong bumaba?" Putol ni Sir Vincent sa katahimikan.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Manang. Napakurap siya at hindi alam kung paano sasagutin si Sir.

"May ipis kasi Sir," palusot ko.

I know. It sucks pero ano ang magagawa ko? Yun lang ang naiisip ko.

"Opo. Alam niyo naman kung gaano ako katakot sa mga ganun. Hehe," dugtong ni Manang. "Nauna lang kaming bumaba ni Sir Timothee kasi si Ava nalang daw yung bahala sa ipis. Diba hija?"

Tumango ako. "Oo! Sinigurado kong hindi na makakabalik."

Tumango si Manang sa akin sabay thumbs up. Napangisi ako. Mukhang ibang ipis yung tinutukoy namin 'a.

"Dad. What's with the sudden meryenda with the maids? I don't get it!" Reklamo ni Timothee.

"Gusto ko lang makilala yung mga katulong natin. Especially Ava na bago," ngiti ni Sir Vincent sa akin.

I smiled awkwardly at everybody on the table.

"Ava? Huh! She just ruined my day," biglang sabi ni Timothee.

Tumaas yung magkabila kong kilay. I ruined his day?

"Why? What happened my son?" Nag-aalalang tanong ng Daddy niya.

"Wala," he said and then stood up. "Tapos na ako. Thank you for the food."

Tumalikod na siya at iniwan kami.

"Son, teka lang!"

Hindi pinansin ni Timothee yung tawag ng ama at diretso lang lumabas. Wala talagang galang. Napailing nalang si Sir Vincent. Nang magtagpo ang aming mga mata at ngumiti siya nang pilit.

"Pagpasensyahan mo na anak ko ha? Ganyan lang siya pero mabait na bata 'yan," sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay lang po."

Mabait na bata? I doubt that.

Matapos naming kumain ay nilinisan ko na yung mesa. Nagpresenta pa akong maghugas pero pinilit ako nung isang katulong na siya nalang daw kaya pinabayaan ko nalang siya.

Personal maid ako ni Timothee at mukhang hindi naman niya ako kailangan ngayon kaya magpapahinga muna ako saglit sa silid ko. Galit yun sa akin kaya alam kong ayaw niyang makita pagmumukha ko. Mas ayaw kong makita pagmumukha niya!

Pinihit ko na yung siradora ng pinto ko at agad pumasok. Sakto namang pagsara ko ng pinto ay may biglang humila sa akin at itinulak ako sa kama. Pinaibabawan niya ako at ganun nalang yung gulat ko.

"Sir Timothee!"

"I was almost coming when you arrived. Pagbabayaran mo yung ginawa mo sa akin," he said.

"What?!"

Bigla nalang siyang naghubad sa harap ko at inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

"I'm gonna make you moan my name."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status