Share

Chapter 5

"Sir?" I asked.

"Who are you?" Seryoso niyang tanong. His eyes squinted as his brows met.

Naguguluhan ko siyang tiningnan. Kento mentioned my name tons of times. Nakasunod nga ako sa kanya kasi personal assistant niya ako. He even called me the initials of P.A.

However, I chose to answer his question.

"Personal maid niyo po. Si Ava," sagot ko.

Why is he so near to me. Bakit sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko? Pwede naman siyang magtanong na nasa malayo. Does he really have to be this near?

"I don't believe you," he said. "Hindi ka mukhang maid."

Mas lalong kumunot noo ko. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Makinis balat mo at masyado kang maarte para maging maid. You even had the guts to embarrass me in front of everyone," he paused and squinted his eyes more. "I will ask you again. Who are you?"

Should I be flattered by his compliment. I mean, he did say na makinis kutis ko. Well, dapat lang niyang pansinin ito. I invested a lot just so I can have a healthy skin.

"Salamat sir, pero kasambahay lang po talaga ako. Nag-apply ako sa mismong Daddy niyo," I insisted.

Tumaas yung magkabila niyang kilay at dumistansya sa akin. Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Didn't know it can be that suffocating.

"Why would Dad hire a personal maid for me? Ngayon lang niya ito ginawa. That's sus," he said as he scratch his chin.

"Siguro naisip niya na baka kakailanganin niyo ng tulong gaya ngayon," I replied and then went closer to his bag. "Anong kailangan niyo, sir?"

He sighed. "Nothing. Lumabas ka na nga lang. Papasukin mo si Kento."

"Si Sir Kento? Pero ako yung katulong niyo sir. Kaya ko pong gawin kahit mahihirap na bagay," sabi ko.

"Kaya mo?" Hamon niya.

I nodded.

Ngumisi siya nang sobrang pilyo at agad hinubad yug shirt niya. Nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang abs niya. With my cheeks almost burning, I tried to look chill at agad tumalikod.

"Sir, ano po yung ginagawa niyo?" I asked, irritation was visible on my voice.

"I need to choose an underwear for the shoot. Hihingi sana ako ng tulong kung alin ang nababagay. Well, I could use an opinion from a woman just like yourself," he said that gave me goosebumps all over my body.

Hell no!

"Tama ka sir. Tatawagin ko nalang si Sir Kento. Mukhang mas may alam pa siya keysa sa akin."

I turned around and then opened the door to get myself out of the room. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas na. Anong kababuyan ba ang iniisip niya? Hindi man lang ako sinabihan muna kung ano yung gagawin.

"Did you just came out of the room as red as a tomato?" Bungad sa akin ng isang babae.

She's tall, taller than me. Maganda din yung pangangatawan niya. Maamo yung mukha at nakasuot ng make up. She looks like a model, or is she?

"Who are you?" Tumaas yung isa niyang kilay at humalukipkip— tiningnan ako mula ulo hanggang paa. She smirked. "Oh. A maid, I see. Anong ginagawa mo sa dressing room ni Timothee? Are you harrassing him?" Mapanghusga niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi. Maid nga ako, diba?" Pamimilosopo ko sa kanya.

I don't have to act like I'm kind towards anybody else. Well, I can pretend as a maid, but I can't pretend my personality. Ang kailangan ko lang maging mabait ay kang Manang Abby. She is the boss of the mansion afterall.

"Ang bastos mo a! Know your place nga! Isa ka lang katulong, slapsoil!" She shouted and walked passed me.

I wiped the single droplet of saliva that landed on my cheek. I smirked. Maganda nga pero nagsho-shower naman. I rolled my eyes and approached Kento. I told him about what Timothee told me. Agad naman siyang ngumiti at nagpasalamat.

Hindi ko mapigilan ang pagkatitigan siya habang tinahak yung daan papunta sa silid kung nasaan si Timothee. When I started to be a maid, isang tao lang ang mabait na trato sa akin, and that is Kento. Lord, bakit hindi nalang siya?

Ilang minuto lang ay lumabas na din si Timothee mula sa silid at sumunod sa kanya si Kento. He's only wearing an underwear which is a luxurious brand. I know because I used to give Dad one of those brands using my allowance money in high school. Let's just say I wanted recogition, as usual.

Lumapit na si Kento sa gitna kung nasaan nakatutok yung camera habang lumapit naman sa akin si Kento.

"How does he looks?" Tanong sa akin ni Kento habang nakatingin kay Timothee na kinukunan ng litrato.

"Parang model," shunga kong sagot.

He chuckled. Gusto kong sampalin yung sarili ngayon na dahil sa kahihiyan pero mas lalo akong magmukhang tanga kapag ginawa ko yun sa harap niya. Pahiya ka, Ava!

Tumaas yung kilay ko nang lumapit kay Timothee yung babaeng sinigawan ako kanina. Kaya pala ganun nalang yung hitsura niya kasi model din pala gaya ni Timothee.

"That's Denise. Siya yung partner ni Tim kapag may couple shots sila. Pretty, isn't she?" Bulong ni Kento sa akin.

Tumango ako. "Bagay si showering kay Sir Timothee," patango-tango kong sabi.

"Showering?" Naguguluhang tanong ni Kento.

Napakurap ako nang mapagtanto yung sinabi. Sht! Bakit nabanggit ko pa iyon?

"Ahh... Ano kasi... Nung nag-shower ng kagandahan nasalo na niya lahat," palusot ko.

"Hindi ba't ulan yung term?"

"Ganun ba? Hindi shower?" Maang-maangan ko.

"Mukhang hindi but it's okay. Mukhang magkaparehas naman yung kahulugan," he smiled.

Pilit akong ngumiti at agad umiwas ng tingin. What am I doing? Never pa akong nagmukhang tanga sa harap ng lalaki at ngayon lang! What's worse is in front of Kento. Ano nalang kaya yung iisipin niya?

Ibinalik ko nalang yung tingin ko sa shoot ni Timothee. Tama. Kailangan kong magfocus kay Timothee kasi siya yung ikakasal sa akin. Napatitig ako sa katawan niya at napatango. Pwede na. Katawan niya parang kay Jungkook na din. I squinted my eyes as I stared at his face. Pogi naman siya. Well, kaya siguro ganun nalang kalandi yung ngiti ni Denise sa kanya.

My eyes went down to his abs and nodded as I confirmed that he passed my standard. Bumaba pa yung mga mata ko hanggang sa huminto ako sa kung saan hindi pwedeng titigan. Napalunok ako. I think it's huge!

"The maid is harrassing me with her eyes," Timothee said.

Napakurap ako at napatingin sa kanya na nakakunot yung noo. Sht! Did he just caught me staring at his? Damn!

"H-Hindi 'a!" Iling ko.

I sounded so defensive.

"Pwede bang sa labas muna ang babaeng 'yan? She's ruining the shoot!" Reklamo ni Denise.

Gusto ko siyang taasan ng kilay pero hindi yun dapat ginagawa ng maid.

"Miss, lumabas ka muna," sita nung photographer.

"Po?"

"I'll go with her," sambat ni Kento. "Sasamahan kita sa labas para hindi ka mabagot. Let's go?"

Hindi na kami nakarinig ng mga salita pa mula sa mga tao sa loob at iginiya ako ni Kento sa labas. Pagkalabas namin ay agad ko siyang hinarap.

"Hindi mo na kailangang gawin yun. Kaya ko naman yung sarili," I said.

"I'd rather be outside with you than to be stuck in there," nakangiti niyang sabi.

"Ayaw mo bang suportahan kaibigan mo? Baka kailangan ka niya doon?"

"Malaki na si Tim. He can completely take care of himself," he pointed out.

Napatango nalang ako. Tama nga siya. Malaki na si Timothee at mukhang hindi naman niya kailangan ng tulong mula kay Kento kasi may nakita akong mga kilalang stylist sa loob. He's probably bluffing when he said that he needs Kento's help. Gusto lang niya akong palabasin. Ganun.

"Where should we go?" Bigla niyang tanong sa akin.

Kumunot noo ko. "Lalabas tayo?"

He nodded. "Oo. Snack muna tayo habang hinihintay matapos yung shoot. Maaga pa naman."

Napakurap ako. Is this a date? Dalawang tao, kumakain na silang dalawa lang. Hindi ba't date na ang tawag dun?

"Tayong dalawa lang?" I asked.

He nodded and then chuckled. "Don't worry. Walang malisya ito. Magkaibigan naman tayo, diba?"

I smiled forcefully. "Oo naman! Magkaibigan nga tayo. Hehe.".

"Then let's go! Don't worry malapit lang naman mula dito."

Una siyang naglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Sobrang friendly naman ni Kento. Minsan lang yung mga mayayaman na nakikipagkaibigan sa mga mahihirap. His parents raised him well.

Pumasok na kami sa isang diner. As usual, hindi bago sa akin yung lugar. After my cousin s shoot last week, dito din kami kumakain.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Kento sa akin nang makahanap na kami ng mauupuan.

"Kahit ano nalang. Yung hindi mahal ha. Medyo gipit kasi ako ngayon," kamot ko sa ulo.

Totoo yun. Hindi ko dala wallet ko. Naiwan ko sa mansion ng mga Chandler kasi biglaan lang din itong lakad na ito. Two-hundred lang ata dala ko ngayon.

"Don't worry about the expenses. Ako na ang magbabayad," he offered.

"Naku! Huwag na. May dala naman akong pera pambayad," tanggi ko.

"Sige na, Ava. Libre ko na. Minsan lang ako nanglilibre kaya pumayag ka na, hmm?" He said.

Aayaw sana ulit ako pero nadala ako sa ngiti niya. How can I say no?

Tumango ako na siyang ikinangiti niya. Pumunta na siya sa counter para mag-order at agad ding bumalik sa mesa. Hindi naman nagtagal ay dumating na yung order namin. Halos lumuwa ang aking mga mata sa inorder niya. Sobrang dami!

"Mauubos ba natin ito?" Tanong ko.

He chuckled. "Eat as much as you can. Iuuwi lang natin yung matitira."

Gaya nang sabi niya ay naiuwi nga namin yung natira naming pagkain. Puno ng tawanan yung mesa habang kumakain kaming dalawa. Hindi ko akalain na may funny side din pala si Kento.

Matapos naming kumain ay agad kaming bumalik sa shoot. Nasa kalagitnaan kami ng paglakad nang biglang magring yung phone niya. Tumawag si Timothee at sinabing tapos na ang shoot. Sobrang bilis kaya nagtataka kaming dalawa.

"Where have you been?!" Bungad niya sa amin.

"Kumain lang saglit," sagot ni Kento. "Ang aga namang natapos ng shoot. Did it went well?"

"How will it turn out well kung palaging nakadikit sa akin si Denise? I am disgusted!" Reklamo niya.

He dashed out of the room and allI could do was to look at his back walking away. Saka lang ako nakabalik sa katinuan nang sumunod si Kento. Dali-dali kong kinuha yung bag niya at sumunod na din. Mahirap na, baka maiwan ako nito.

Pagkapasok sa sasakyan ay walang nagsalita. Sobrang tahimik at paniguradong dahil iyon sa pagkabadtrip ni Timothee. Akala ko babaero siya pero ayaw naman niya palang dumidikit si Denise. Partida sexy yun.

Pagkapasok namin ng gate ng mansion at kumuha ng atensyon ko yung isang kotse. May bisita kaya si Timothee?

"It's the old man's car," basag ni Timothee sa katihimikan. "What is he doing here?"

Unang lumabas ng kotse si Timothee na sinundan naman ni Kento. Saka na ako sumunod habang bitbit yung bag. Pagkapasok pa lang namin ng bahay ay isang lalaki na kasing edad ni Dad ang bumati sa amin.

"Hi, son! How was your shoot today?" Tanong niya dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis niyang tanong sa ama.

Grabe naman siya. Kahit hindi ko nagustuhan yung pagfixed marriage sa akin ni Daddy ay never ko siyang pinagsalitaan ng ganyan.

"Namiss ko lang anak ko. Bakit ba?" He laughed. Nahinto yung mga mata niya sa akin at napakurap. "Ava! You're here!" Masiyahin niyang bati.

Nanlaki ang aking mga mata. Napatitig sa akin sina Timothee at Kento. Pati na din si Manang Abby. Damn! He should be acting as if he doesn't know me!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status