Share

Chapter 4

Huminto yung sasakyan sa harap ng malaking gusali. Towering buildings are not new to me since I lived one. Pamilyar sa akin ang gusaling ito. Mukhang nakapasok na ako dito noon.

"PA, bilisan mo," utos sa akin ni Timothee bago lumabas.

Kumunot noo ko. "Ano po yung gagawin natin dito?"

Napahinto siya at dumungaw sa loob ng sasakyan. He scoffed. "You are ny personal maid and yet you are not aware of what I am doing today? Anong klaseng maid ba ang h-in-ire ni Dad?"

Patago akong napairap at hindi na sumagot. Baka ano pa yung masabi ko. Mabuti nga sakanya na ginalang ko pa siya kahit na ang sama-sama niya sa akin.

"Dude naman. Nagtatanong lang si Ava," sita ni Kento.

"Ava? May pangalan pala 'to?"

Napailing nalang yung kaibigan niya at sinagot yung tanong. "Anyway, to answer your question. Nandito tayo for a photoshoot. Hindi mo siguro alam pero isang model ng kilalang underwear brand boss mo."

Napatango ako. May income din naman ang salbahis kong amo. So bakit kailangan pa nilang ipakasal ito sa akin? To think that he can be a stockholder of his father's company. They both can benefit from it!

Napahinto ako nang magpagtanto kung saan kami ngayon. Sht! I visited this place a week ago kasi sinamahan ko yung pinsan kong kilalang model. Everyone in the studio practically know me. Paano nalang kapag namukhaan nila ako? Then my cover will be blown!

"Ava, let's go?" Aya ni Kento.

"A-Ah. Susunod lang ako," pilit akong ngumiti.

"Are you sure? Baka mawala ka sa building," nag-aalala niyang tanong.

"Pwede naman akong magtanong-tanong. Kaya ko na."

He nodded. "Okay." Kinuha niya yung bag ni Timothee na ako sana yung magdadala. "See you there. Kapag nawala ka, just call me and I'll find you."

He handed me a calling card which I gladly took. "Okay."

Kumaway na siya sa akin at sinundan si Timothee na nakapasok na sa loob. Hindi mawala yung ngiti sa labi ko nang maisip na may number na ako kay Kento. I don't know why pero kinikilig ako!

"Hija, ngingiti ka lang ba d'yan?" Sita nung driver.

Napalingon ako sa direksyon niya at hiyang na napangiti. "Ay hehe. Sorry po," I paused. "May face mask po ba kayo?"

Kumunot yung noo niya. "Bakit?"

"Ano kasi... feel ko kumakati yung lalamunan ko. Ayoko lang mahawaan yung boss kung sakaling may ubo ako," palusot ko.

Bahagyang napaatras si Manong. Luh? Hindi naman siguro nakakahawa no?

"Meron. O ito," abot niya sa akin. "Lumabas ka na din. Baka mahawa mo pa ako. Bilis!"

Napanguso ako at sinuot yung face mask bago lumabas. Agad niyang pinasara yung pinto at humarurot papalayo. Bumaba ang magkabila kong balikat. Ang arte naman nun.

People never treated me this way. Yung pandidiri nila sa akin ay hindi ko naranasan noon. Mas lalong hindi pa ako sinigawan at pinagmaliit. Ganito ba talaga ang mundo? Iba yung treatment ng mga tao depende sa estado ng buhay?

Bumuntong-hininga ako at hinarap yung building. Ito nga yung pinuntahan ko last week. Papasok na sana ako ng building nang harangan ako nung security guard. Handa ko na sana siyang sigawan kung bakit hindi niya ko papasukin pero naaalala ko na isang katulong pala ako. I frowned behind my mask.

"Manong, personal maid po ako ni Sir Timothee. Papasukin niyo na po ako kasi baka mapapagalitan pa ako nun," paliwanag ko.

"Katulong nga ba o isang fangirl? Nako hija. Hindi na bago sa akin ito. Ilang beses na akong sinabihan ng ganyan sa mga kapwa mo fans. Hindi niyo na ako mauuto," iling niya.

Tumaas magkabila kong kilay. May fans siya? Sa ugaling 'yun? Anyway, hindi ko alam na sikat pala siya. Kung ganun, bakit hindi ko siya kilala?

"Oo nga po. Hindi niyo po ba nakikita yung suot ko? Ganitong-ganitoyung sinusuot ng mga katulong nila sa bahay," I insisted.

"Narinig ko na rin 'yan. Huwag ka nang magsayang ng laway."

I groaned. Ang tigas talaga ng ulo nito. Sana sumama na nga ako nina Kento kanina para diretso lang yung pagpasok ko. Edi sana hindi na ako nahihirapan ngayon.

Teka.

Binigay nga pala ni Kento yung number niya sa akin! I can call him and ask for help!

Kinuha ko yung calling card ni Kento at hinarap sa security guard.

"Oh ito! Numero ito ni Sir Kento. Diba magkasama silang pumasok?"

Tumaas yung kilay. "Alam ng lahat na palagi silang magkasama. Ano naman ang gagawin ko sa papel na 'yan?"

"Tatawagan ko siya," ngisi ko kahit hindi niya naman nakikita.

"Huwag mo akong ginagago."

"Hindi nga! Kapag sasagot ito papapasukin mo na ako."

"Kung si Sir Kento nga 'yan."

"Si Sir Kento talaga," I insisted.

Kinuha ko yung phone ko na keypad. I had to convert my smartphone to this one. Diba, perfect? I dialed Kento's number. It took a few rings bago niya ito sinagot.

"Hello?" Sagot niya mula sa kabilang linya.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Gosh! Ang ganda ng boses niya! Buti nalang nakamask ako kundi nagmumukha akong ewan sa kakangiti.

"Hi, Kento. Si Ava 'to. Nagkaproblema lang dito sa entrance," I replied as I glanced at the security guard who's crossing his arms.

"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong.

"Hindi kasi naniniwala si Manong guard na personal maid ako ni Sir Timothee. Akala niya isa ako sa mga humahanga kay Sir," I explained.

I heard him sigh on the other line. "Fine. Give the phone to him."

Tinaasan ko ng kilay si Manong at inabot sa kanya yung phone. Yung mukha niya parang unti-unti nang naniniwala kasi nakangiti na siya na parang natatae. Tinanggap niya yung phone at inilagay sa tenga.

"Hello po?" Sagot niya sa phone. "Yes po sir... Opo. Pasensya na po. Inaalala ko lang yung kaligtasan ni sir Timothee. Opo. Sige po. Salamat."

He smiled at me apologetically. Ibinalik niya sa akin yung phone at napayuko muba bago ako hinarap ulit.

"Pasensya na, hija. Yung kaligtasan lang talaga yung inaalala ko. Hehehe," kamot niya sa batok.

"Tandaan niyo po yung mukha ko Manong para hindi niyo na ako masita next time," pailing-iling kong sabi.

"Paano ba e nakamask ka nga?" Turo niya sa suot ko.

"Ah, este. Yung boses ko nalang, oho. Tandaan niyo nalang yung boses ko. Sige na po. Papasok na ako kasi paniguradong mapapagalitan na ako."

He steps on the side to finally let me in. Ngumiti muna ako sa kanya— kahit hindi naman niya kita— bago ako tuluyang pumasok.

Last week pa naman yung last punta ko dito so fresh pa sa akin yung pasikot-sikot. There is only one studio that shoots for underwear brands. Sakto namang doon yung last photoshoot ng pinsan kaya kabisado ko yung daan.

Mula sa malayo pa lang ay nakita ko na yung pintuan. Inayos ko muna yung sarili bago pumasok sa loob. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na si Timothee na kausap yung pamilyar na mukha ng photographer. From the photographer, his eyes diverted at me and then glared.

"What took you so long?!" Inis niyang tanong.

Muntik na akong umirap.

"May naging problema lang po papasok," mahinhin kong sagot.

"Ano pang hinihintay mo d'yan? Bilis na!" Utos niya.

Natataranta akong lumapit kay Kento kung nasaan yung bag niya. I opened the bag before facing him.

"Ano po yung una niyong kailangan?"

"Uh, spray tan," he paused. "Ay teka. Hindi mo pala alam kung ano yun," he laughed mockingly.

"Dude," sita ni Kento.

"What? Sasabihin mo naman that I'm being rude? Come on. Totoo naman talaga yung sinabi ko," he fired back.

Kung hindi lang dahil maid niya ako at baka tinaasan ko na siya ng kilay. Kating-kati na akong kukontra sa kanya at hinding-hindi ko man lang magawa. Kinuha ko yung spray tan na nakita ko kaagad pagkabukas. Inabot ko ito sa kanya.

"Ito na po," I said which made him froze. Tiningnan niya yung dala ko at napakurap. "Alam ko naman ding po ang magbasa. Hindi din ito bago sa akin. Kahit naman katulong lang ako ay alam ko din ang mga bagay na ganito."

I heard Kento chuckled. Timothee then glared at me and took the spray tan on my hand aggressively.

"What a surprise," he scoffed. "For a low class human like you."

Tumalikod na siya sa akin at pumasok sa isang room. Doon na tumaas yung kilay ko. Low class? Mata-pobre siya? Pft. Hindi niya ba alam na malapit nang magbankcrupt company nila? If it's not for me and this fvcking marriage then mababaon na talaga sila sa kahirapan.

Let's say he's a model. Eventually sponsors would pull out their investment on him. Lalo na't may malaking scandal siya which is also the reason why the investors of their company pulled out their investments. He's not gonna stay rich forever.

"I'm sorry about that. Again," sabi ni Kento sa likuran ko kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit mainit ulo niya sa'yo. I mean you're not that bad naman."

"Okay lang," I smiled. "Masasanay rin ako."

"You can quit as his maid if you can't take his insults. Tutulungan kitang maghanap ng trabaho," he offered which I kindly declined.

"Hindi na kailangan. Kaya ko pa naman yung ugali ni sir. Kailangan ko lang habaan yung pasensya ko," I reasoned out.

"Even though he's insulting you already?"

I nodded. "Oo. Kakahire ko lang tapos aatras na ako. Baka sabihan pa ako nang weak," biro ko.

He softly laughed. "You know what? I admire you. Minsan lang ako makakita ng taong sobrang haba ng pasensya kahit iniinsulto na. Your parents must have raised you well."

Ngumiti ako nang pilit at tumango. "Oo. Pinalaki nga nila ako nang tama."

Lies.

Hindi si Daddy yung nagpalaki sa akin kundi yung mga katulong sa bahay. Si Mommy naman ay hindi din ako inalagaan since nasabi ko naman na may ibang pamilya na siya. Mabuti nalang nandun si Manang para alagaan ako. The reason why I didn't grow up a spoiled brat like how people expected me to be is because my Yaya taught me well. I helped in house chores and even reminded me to keep my feet on the ground. Sinisita nga ako nung bata pa ako when I mocked a poor child just because her shoes were worn out. I said sorry and that is how I grew. Pero hindi nila ako kayang apakan. Mabait nga ako pero m*****a din. This way ay hindi nila ako maaapi.

"Yung bag daw ni Timothee," sabi nung staff.

Aabutin na sana ni Kento yung bag pero naunahan ko na siya.

"Ako na," I said.

"Pero mabigat. Sige na, Ava. Okay lang."

"Kaya ko na. Tsaka trabaho ko 'to. Hayaan mo akong gawin yung trabaho ko, hmm?" I insisted.

Bumuntong-hininga siya. "Fine."

Ngumiti ako. "Salamat."

Tumalikod na ako at tinungo yung silid kung saan ko nakita si Timothee na pumasok. Kumatok ako pero walang bumukas.

"Sir. Ito na po yung bag niyo," I called him pero wala akong natanggap na sagot kaya kumatok ulit ako. "Sir Timothee?"

Nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto at may humila sa akin mula sa loob. It was too fast and then I found myself being pinned against the wall, facing Timothee with his eyes fixated on mine. We are inches apart until our lips would clash. I can smell his manly scent and damn I am so turned on.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status