Share

YOU'RE THE ONLY ONE FOR ME
YOU'RE THE ONLY ONE FOR ME
Author: Darkshin0415

Chapter 1

CHAPTER 1

CALVIN POV

“Babe!” Tumayo agad ako at yumakap sa kanya, hinalikan ko siya sa labi at agad ipinaghila ng upuan.

“I’m sorry babe if I’m late,” 

“It’s okay babe most important is you’re here.” dumating ang aming order at agad kong hiniwa ang laman ng plato niya. Ibinalik ko ito sa kanya habang busy siya sa kakapindot sa kanyang phone.

“Babe.” Tawag ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. 

“Let’s eat.” Tumango siya at nag-umpisa ng kumain.

She’s Alexis Mendoza. She’s been my girlfriend since we’re college. Kahit busy ako sa pagpapatakbo ko sa aming company ay lagi ko pa ring sinikap na mabigyan siya ng oras lalo na sa anniversary namin, katulad ngayon. 

Ngayong three years na kami ay gusto ko na siyang yayaing magpakasal dahil wala akong ibang hinahangad na makasama habang buhay kung hindi siya lang.

“Babe can I dance with you?” Sabay lahad ko ng aking kamay. Ngumiti naman siya at humawak sa akin.

Niyakap ko siya habang nasa dibdib ko ang kanyang mukha. Napatingin siya sa akin ng may dinukot ako sa aking bulsa at lumuhod sa kanyang harapan. 

“Babe, will you marry me?” Ngiting tanong ko sa kanya habang nakaluhod pero unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi ng makita siyang umiling.

“I’m sorry Calvin, but I can’t marry you,” hindi ko namalayan ang paglandas ng aking mga luha. Paano niya nagawang tanggihan ako ang alam ko mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko rin siya pero bakit.

“Babe! Sorry if I upset you but please don’t do this I know you love me please let’s get married,” 

“I’m sorry, but I can't. I think it’s better that we just separate.” halos gumuho ang aking mundo sa sinabi niya. I just always ask myself kung saan ako nagkulang sa kanya.

“Why? Do you love someone else?!” asik ko sa kanya.

“No! I just want to get free from you because I’m choking!” sigaw niya naman sa akin kaya binitawan ko ang kanyang kamay.

“I hope you become happy.” sabi ko sa kanya sabay tapon ko sa hawak kong singsing at tinalikuran na siya.

ONE YEAR LATER 

“I’m glad you’re here dude!” Tumango lang ako kay Nick sabay upo sa sofa dito sa table namin. Lumapit naman sa akin ang isang babae at humalik sa aking labi. Napangiti ako sa kanya at tinugon ang kanyang halik.

Napapangiti ako ng hawakan niya ang aking dibdib pababa ng aking tiyan.

“You change a lot dude!” Napatingin naman ako kay Xander habang umupo na siya sa tabi ko.

“I heard that your ex is in another country.” 

“I don’t care, I don’t want to talk to her anymore.” asik ko naman kay Xander kaya tumahimik siya. Kinuha ko ang aking baso at mabilis kong ininom ang laman nito at hinalikang muli ang babaeng katabi ko.

Nagising akong nasa loob ng condo ko habang napatingin ako sa babaeng katabi ko. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa banyo kailangan ko ng makaligo para makapasok na ako sa office.

Mabilis akong bumaba sa condo at nagtungo sa parking lot. Agad akong sumakay sa sasakyan. Mabilis ko itong pinatakbo dahil late na ako sa meeting.

Nang makarating na ako sa office ay agad kong pinark ang sasakyan at nagmamadaling sumakay ng elevator.

Nang makarating ako sa floor ng meeting room ay agad akong lumabas nakita ko naman agad ang aking secretary at mabilis siyang sumunod sa akin.

“Good morning sir.” 

“Morning.” sagot ko sa kanya habang naglalakad papunta ng meeting room. Pagbukas ko sa pinto ay bumungad agad sa akin ang nakakunot noo kong ama.

“Good morning gentleman sorry I’m late.” agad akong umupo habang tumango sila sa akin.

Nang matapos na ang meeting ay agad na silang naglabasan, maliban sa akin kay dad at Mr. Mendoza. I know he’s Alexis father kaya tumayo na ako para sana lumabas pero mabilis akong pinigilan ni dad.

“Hijo I want you to go in Leyte for our partnership with Mr. Lorenzo.” Tumango ako kay daddy at humarap sa kanila.

“When am I going dad?” tanong ko sa kanya habang nakatayo pa rin.

“Tomorrow.” 

“Okay dad,” sagot ko sa kay daddy at lumabas na ayaw ko mang pumunta doon pero wala akong magawa dahil hindi ko pwedeng suwayin si daddy.

ALEXA POV

“Ate kailangan ko ng pera para sa school namin.” bungad agad ng kapatid kong si Mark.

“Ikaw talaga kuya, hindi mo man lang hinintay na maupo muna si ate bago ka manghingi.” Nagkakamot naman ito sa ulo sabay simangot.

“Ano na naman ba ang pag gagamitan mo Mark?” tanong ko sa kanya habang umupo sa upuan naming kawayan.

“Ate para kasi sa project namin.” 

“Ano na namang project iyan alam mo napapansin ko lagi ka nalang humihingi baka kung ano-ano ang ginagawa mo Mark? malalagot ka talaga sa akin.”

“Ate naman kahit itanong mo pa sa professor namin,” 

“Talaga ayusin mo lang, dahil kapag may nabalitaan akong kalokohan mo malalagot ka talaga sa akin.”

“Si ate naman, huwag ka ngang magagalit tingnan mo oh, pumapangit ka, kaya tuloy wala kang manliligaw.” Sinamaan ko naman siya ng tingin habang tinatawanan niya ako.

“Joke lang ikaw naman ate, alam mo namang ayaw na ayaw kung may manligaw sayo dadaan muna sila sa kamao ko.” Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Simula ng bata palang siya, ayaw na ayaw na niya na may kasama akong lalaki o kausap man lang. Sa tuwing nakikita niya ako na may kausap ay hinihila na niya ako agad o hindi kaya ay iiyak siya.

“Ikaw nga may girlfriend na.” Sinamaan niya naman ng tingin ang bunso namin.

“Wag kang maniwala diyan at pano kasi ang mga babae sa school panay ang papansin sa akin, dahil sa taglay kung kagwapuhan kaya pinagbigya- aray ate.” Napakamot naman siya sa braso ng hampasin ko ito.

“Kapag ikaw talaga makabuntis lagot ka sa akin itatapon talaga kita sa ilog!” asik ko naman sa kanya.

“Ate naman, joke lang naman iyon. Alam mo naman na bawal pa ako makipag girlfriend diba?” Napapangiti naman ako dahil sa pag kindat-kindat niya.

“Oo na magkano ba kailangan mo?” tanong ko sa kanya at bigla namang lumawak ang kanyang ngiti.

“Mga five hundred lang ate, pero kung dagdagan mo mabuti.” Napa-iling naman ako sa kapatid kong ito. Kahit naman pasaway ito minsan maasahan ko naman siya at mabait pero iyon na nga lang daig pa niya ang tatay ko kung makabantay sa akin.

Inabot ko naman sa kanya ang limang daan habang ngumingiti siya.

“Thanks ate ang bait mo talaga at ang ganda pa.” Sabi niya sabay halik niya sa aking pisngi.

“At saan mo naman balak pumunta? Alam mo namang malapit nang dumilim?” tanong ko sa kanya ng papunta na siya sa pinto.

“Diyan lang ate sisilipin ko lang si Aling Elna.” 

“Ikaw talaga kapag nabuntis mo yan kailangan mo talaga iyang panagutan.” Tumawa naman ng malakas si Sarah kaya biglang kumunot ang noo ni Mark.

“Okay lang iyon ikaw naman ang mag-aalaga ng mga anak ko.”

“Hoy! Mark umayos ka ha!!” sigaw ko sa kanya habang tumakbo na siya palabas.

“Hayaan mo na iyan si kuya ate diyan lang naman siya sa mga kaibigan niya.” Tumango naman ako kay Sarah.

“Magbibihis lang ako pagkatapos ay magluluto na ako.” 

“Sige ate,” Tinalikuran ko naman siya at umakyat na sa taas. Simple lang naman ang buhay naming magkapatid. Simula ng dumating ako dito sa Leyte ay hindi ako tumira sa bahay namin, dahil ayaw kong tumira sa malaking bahay. Tinatago ko rin sa hotel ang tunay kong pagkatao ang alam nila ay isa lang akong manager. Hindi nila alam na anak ako ng may-ari ng hotel may tatlong branch na kami dito at iyong dalawa ay pag-aari ko. Pero si daddy ang ginawa kong CEO doon.

Hindi ko naman namimiss si mommy at daddy lalo na ang kambal kong si Alexis, dahil sa dalawa kong kapatid. nakita ko lamang sila sa labas ng hotel habang namamalimos kaya inampon ko nalang, dahil wala naman silang mga magulang, kaya simula noon itituring ko na silang tunay na kapatid kahit ayaw sa kanila ni mommy at daddy lalo na ang kakambal ko. Galit na galit siya sa akin dahil sa mga kapatid ko kaya minabuti ko nalang na mag stay dito kaysa marinig ang paulit-ulit nilang bulyaw sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status