Share

Chapter 3

CHAPTER 3

ALEXA POV

“Ehem!” Napalingon ako kay sir ng tumikhim siya nakalimutan kong kasama ko pala siya ito kasing magaling kong kapatid ang daldal.

“A sir, si Mark po pala kapatid ko.”

“Kumusta po kayo sir.” Inabot naman ni Mark ang kamay niya kay sir Calvin at nag shake hands sila. Halata rin sa mukha ni sir ang pagtataka. Simula ng magkasama kami ni sir ay pansin kong lagi siyang nakatitig sa akin.

“K-kapatid? kailan ka pa nag karoon ng kapatid?” Na pailing nalang ako sa kanyang tanong. Tsk kaano-ano kaya siya ng kambal kong si Alexis.

“Hindi po ba halatang magkapatid kami sir? Ang pangit kasi ng ate ko.” bigla ko namang nahampas si Mark dahil sa kanyang sinabi.

“Umalis ka na nga! May pera ka pa ba?” tanong ko sa kanya, dahil baka wala na siyang pera kawawa naman ang kapatid ko kung aasa lang siya sa mga kaibigan niya. 

“Meron pa ate.” sagot niya naman sa akin pero kinuha ko pa rin  ang wallet ko para bigyan siya ng pera. 

“Ito o at pagkatapos ninyong kumain bumalik ka na sa school mo ha!”

“Opo ate.” Kinuha niya naman ang binigay ko.

“Sir alis na po ako ate wag ka ring pumunta kung saan-saan ha. Pagkatapos ng trabaho mo umuwi ka na.”  biglang namilog ang aking mata sa kanyang sinabi. Dahil lumabas na naman ang pagiging seloso niya kapag may nakikita siyang lalaki na kasama ko.

“Hindi ko alam na may kapatid ka pala.” Napatingin naman ako kay sir dahil sa kanyang sinabi.

“Opo sir tatlo po sila pero dalawa lang po silang kasama ko sa bahay.” sagot ko sa kanya habang itinuloy na ang aking pagkain.

“A-apat kayo? Pero bakit ikaw lang ang nakikita ko dati?” pansin ko naman ang pag-tataka sa kanya.

“Hindi naman po ako iyong nakikita mo dati sir.” ani ko sa kanya dahil alam ko namang si Alexis ang tinutukoy niya. Bigla namang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.

“Can you stop pretending? alam kong may iba ka na kaya hindi muna kailangan gawin pa ito.” 

“Hindi nga ako si Alexis si-.”

“Stop it, I don’t want to hear your lie. Kung iyan ang gusto mong palabasin na hindi mo ako kilala wala akong pakialam.” na pahinga nalang ako ng malalim at hindi na siya sinagot pa. hindi ko rin siya masisisi kung pagkakamalan niya akong si Alexis dahil kambal kami at magkamukhang- magkamukha kami ang pagkakaiba lang naman namin ay maarte ang kakambal ko.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa office hindi na rin si sir umimik pa sa akin. Kaya hinayaan ko na lang siya ayoko rin kasi ipagpipilitan  pa sa kanya na paniwalaan niya ako.

Dumaan ang ilang oras at hindi ko napapansin na alas sais na. dahil sa dami ng pinapagawa ni sir sa akin. Siguro magtataka na ang mga kapatid ko dahil kapag alas singko na ay nasa bahay na ako. Napatingin ako kay sir at busy pa rin ito sa kanyang ginagawa para siyang walang balak umuwi. Bigla naman akong napatingin sa aking phone na tumutunog at si Mark ang tumatawag.

“Ano?” sambit ko sa kanya.

“Ate? Bakit hindi ka pa umuwi nandito ako sa baba ng hotel na pinapasukan mo hinihintay ka.” 

“Ano?!”  bigla namang napatingin si sir sa akin dahil na-palakas ang aking boses. Kaya napayuko ako.

“Ano bang ginagawa mo dito na bata ka?” madiing sabi ko sa kanya.

“Sinundo ka ang tagal mo kasi. Siguro kasama mo na naman ang boss mo ate no? alam mo wala akong tiwala sa muk-.”

“Mark tumigil ka nga. Alam mo naman na nagtatrabaho ako.”

“A basta hindi ako uuwi hangga't hindi ka rin uuwi.” asik niya pa sa akin kaya napa-buntong hininga nalang ako.

“At iniwan mo naman si Sarah doon?”

“Kaya nga umuwi na tayo ate kawawa naman si Sarah doon.”

“Oo maghintay ka diyan magpapa-alam lang ako sa boss ko.”

“Opo ate dito lang ako kay manong guard.” 

“Hmmp sige na.” Pinatay ko naman ang kanyang tawag. Ang tigas talaga ng ulo ng kapatid ko at masyado rin siyang protective sa amin ni Sarah. At kaya siya nandito dahil nakikita niya akong may kasamang lalaki kanina.

“Sir pwede na po ba akong umuwi. Alas sais na rin po kasi.” paalam ko sa kanya. Sana lang payagan niya ako.

“No! kailan ka pa nakakakita ng secretary na nauna pang umuwi sa boss niya.”

“Pero sir alas sais na po lagpas na ito ng office hour.”

“I don’t care! And I pay you for this fucking hour kaya just back to your work.” masungit niya pang sabi sa akin. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa aking mesa. Paano ko kaya pauwiin ang kapatid ko hindi pa naman iyon uuwi kapag hindi ako kasama.

Naisipan ko nalang I text siya sana makinig siya sa akin at umuwi na.

Me: Mark mauna ka nalang umuwi kasi OT ako. Message sent. Ibinaba ko muna ang aking phone at itinuloy ang pag arrange ng mga papeles na pipirmahan niya.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi nag reply sa akin si Mark. Sana lang umuwi na ito.

Dumaan ang ilang oras ay tumayo na si sir. Kaya tumayo na rin ako. Tsk hindi man lang nagpaalam sa akin. Nakasunod lang ako sa kanya dahil ayokong maiwan mag-isa sa loob ng office niya.

Nang lumabas na kami sa elevator ay nauna na ako kay sir dahil may kausap pa ito sa kanyang phone.

“Ate!!” Napalingon naman ako kay Mark habang tumayo ito sa semento na inuupuan niya.

“Mark! akala ko ba umuwi ka na? anong oras na hindi ka pa kumakain.” asik ko naman sa kanya ng makalapit na ito sa akin.

“Hinihintay nga kita ate e, ang tagal mo naman kasing umuwi.” maktol pa niyang sabi sa akin.

“Halika na nga ikaw talaga.” bigla naman akong napalingon kay sir Calvin na nasa likuran na pala namin.

“Mauna na po kami sir.” 

“Ihatid ko na lang kayo.”

“Hindi na po sir kaya po naming umuwi ni ate.” sagot pa ni Mark sa kanya at hinila na ako.

“Ikaw talaga gusto mo bang tanggalin ako ni sir sa trabaho?” sabi ko pa sa kanya habang nag-aabang na kami ng sasakyan.

“Mas maganda nga lumipat ka na lang ate ayoko kung lagi mong kasama iyon. Lalo na kapag titigan ka niya ang sarap niyang suntukin.”

“Ha ha tumigil ka nga nababaliw ka na naman.” hindi ko mapigilang matawa sa kanya lalo na sa kanyang mukha na halata ang inis.

“Ate wag kang mag-papaligaw doon ha.” sabi niya naman sa akin habang niyakap na niya ako. Ang lambing talaga ng kapatid ko.

“Oo naman at ano ka ba wala namang gusto sa akin si sir kaya wag kang mag-alala.”

“Ayoko lang kasing may boyfriend ka ate gusto ko kami lang ni Sarah ang mahal mo.” hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya habang niyakap rin siya.

“Alam mo naman na love kayo ni ate diba?” Tumango siya sa akin habang sumisinghot. Ito na naman siya umiiyak lagi kapag napapansin niyang may lalaki akong sinasamahan.

“Wag ka na ngang umiyak ikaw talaga ang laki-laki muna umiyak ka pa rin. Hindi ka ba nahihiya kapag nakita ka ng girlfriend mong umiiyak.”

“Wala akong girlfriend gusto ko kayo lang ni Sarah ang babae sa buhay ko ate.”

“Tse! Wag mo akong pinagloloko Mark.” Tumawa naman siya sa sinabi ko. sumakay na kami ng tricycle ng may huminto sa harapan namin. Inalalayan ako ni Mark pasakay dito at sumakay na rin siya. Ramdam ko naman ang saya dahil mapapalaki kong mabait ang mga kapatid ko. kaya hindi ko sila kayang iwan kahit na pina-uwi na ako ni mommy at daddy ay hindi pa rin ako umuwi. Dahil ayokong malungkot sila kapag iwanan ko sila. At Hindi ko rin kayang mapalayo sa kanila. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status