Share

Chapter 2

CHAPTER 2

CALVIN POV

Hindi ko mapigilang mapahanga sa ganda ng lugar na ito. Mabuti na lang pala at ipinadala ako rito ni daddy sa kakatingin ko sa paligid ay hindi ko napansin ang babaeng bigla nalang tumawid sa daan. Mabuti nalang at nakapag preno ako. Sa sobrang inis ko ay agad akong lumabas ng sasakyan.

“Damn! Why did you suddenly cross?!” bulyaw ko sa kanya habang pinagpagan niya ang suot niyang damit.

“Hoy! Kung hindi ka rin tangga. Tinitingnan mo rin sana kung may tatawid ba o wala!” hindi ko maiwasang magulat habang nakatingin sa kanya. Dahil ang ganda niya pa rin at kahit isang taon na ang lumipas ay ramdam ko pa rin na mahal ko siya. 

“Alexis,” sambit ko sa kanyang pangalan na kanya namang ikinagulat. Pero agad naman siyang ngumiti sa akin.

“Tsk sino ka ba?” bigla akong napanganga dahil sa kanyang tanong. Damn isang taon lang kaming hindi nagkita pero nakalimutan na niya ako. Samantalang ako hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

“At pwede ba huwag mo akong titigan ng ganyan.” sabay talikod niya sa akin, naiwan naman akong nakatulala habang nakatingin sa kanya na papalayo. Ang laki ng kanyang pinagbago mula sa kanyang suot na simpleng pencil skirt. Sumakay ulit ako sa aking sasakyan at nagtungo na sa hotel. Dahil kailangan ko itong bisitahin.

Nang makarating ako sa hotel ay sinalubong agad ako ng ilang staff at sinamahan ako sa aking magiging opisina. 

“Where is the manager here?” tanong ko sa isang staff na aking kasama.

“May ginagawa pa po si Miss. Mendoza sir.” sagot niya pa akin. Bigla namang napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi dahil kahit alam ng manager nila na darating ako ay hindi man lang ako nito sinalubong.

“Call her. I need to talk to her.”

“Yes sir,” agad siyang lumabas at napaupo naman ako sa aking swivel chair.

Mayamaya pa ay narinig ko ang katok ng pinto.

“Come in.” narinig ko namang bumukas ito pero hindi na ako  nag-abala pang mag-angat  ng tingin dahil sinimulan ko na ang pagbabasa ng papeles na pirmahan ko.

“I’m sorry if I’m late for coming here sir.” bigla akong napa-angat ng mukha dahil sa kanyang boses at hindi nga ako nagkakamali dahil si Alexis nga ang nasa aking harapan. Pansin ko naman ang kanyang pagkagulat ng makita ako.

Hindi ko rin mapigilang magtaka, dahil nagtatrabaho pala siya dito bilang manager samantalang ang gusto niya dati ay maging isang fashion designer.

“Ano po ang kailangan ninyo sa akin sir?” napatikhim ako ng magsalita siya ulit.

“I want you to be my secretary.” kung ito iyong gusto mo ang mag kunwari na hindi tayo magkakilala sasakyan kita. Sa isip ko pa.

“I’m sorry sir, pero manager po ako dito at hindi po secretary.” 

“Don’t you want me to promote you?”

“Okay na po ak-.”

“No! I want you to be my secretary.”

“Pero sir hin-.”

“No but, you need to start now.” Napangiti ako habang nakatingin sa kanya na nakasimangot at lalabas na sana ito. Pero napahinto siya ng magsalita ulit ako. 

“Where are you going?” tanong ko sa kanya kaya humarap siya sa akin. 

“Uupo na po ako sa mesa ko sa labas sir.”

“Ipalagay mo ang mesa mo dito sa loob. Gusto kong nandito ka para mabilis lang kitang mautusan.” ani ko sa kanya na lalong nagpa kunot ng kanyang noo.

“Hindi po ako katulong sir.”

“Kapag secretary kita para na rin kitang katulong.” walang imosyon kong sabi sa kanya. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kanyang reaction. Gusto mo pala ng laro pagbibigyan naman kita sa isip ko pa.

Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit pinayagan ni tito Abraham na maging manager lang ang anak niya sa sarili nilang company. Bigla naman siyang nag-angat ng tingin kaya nag-salubong ang aming mga mata.

“May kailangan po ba kayo sir?” 

“Yes bigyan mo ako ng kape.” Tumayo naman siya at nagtungo sa mini kitchen nitong office.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nagpapanggap na hindi niya ako kilala. Samantalang umabot ang relasyon namin ng three years.

Nang makabalik na siya ay inilagay niya agad ang tasa sa aking harapan.

“May kailangan pa po ba kayo sir?”

“Nothing.” sambit ko sa kanya at bumalik naman siya sa kanyang table.

Habang umiinom ako ng kape ay panay pa rin ang pag-sulyap ko sa kanya. Ibang-iba na talaga siya dahil hindi na siya naglalagay ng makeup sa kanyang mukha at mas gumanda pa siya. 

Napansin ko naman siyang tumayo  at nagtungo sa pintuan. 

“Where are you going?” Kunot noo kung tanong sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil gustong-gusto kong lagi siyang makita.

“Lunch break na po sir. Wala po ba kayong balak kumain?” Napatingin naman ako sa aking wristwatch at alas dose na pala ng tanghali.

“Wait for me.” 

“P-po?”

“Let’s eat together.”

“H-ha?”

“Are you deaf? Let’s go.” wala naman siyang nagawa at sumunod na sa akin. Napapansin ko rin ang kanyang ugali na nag-iiba dati kasi gusto niyang siya ang masusunod lagi.

Pagdating namin sa baba ay agad akong nagtungo sa parking lot.

“Sir saan po tayo pupunta?”

“Kakain saan pa ba?” hindi  naman ako makapaniwala na nakatingin sa kanya habang binuksan  niya ang pinto ng sasakyan. Dahil hindi niya naman ito ginagawa dati maghihintay kasi siya na bubuksan ko ang pinto bago siya sasakay.

Tahimik lamang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

“Where is the delicious restaurant here?” basag ko sa katahimikan namin.

“Sa Grillmore po sir.” 

“Okay.” ani ko sa kanya at siniset ang map sa aking phone. 

Pagdating namin sa restaurant na kanyang sinabi ay napatingin ako sa kanya, dahil hindi naman siya mahilig sa mga ihaw-ihaw na pagkain. Dahil sabi niya sa akin dati allergy raw siya sa mga ito lalo na sa seafoods. 

Siya na rin ang pina- order ko dahil hindi naman ako familiar sa mga pagkain dito.

Nang dumating na ang kanyang i-norder ay lalo akong nagtaka habang napatingin sa kanya na nag-umpisa na niyang lutuin. Damn don’t tell me marunong siyang magluto. Dahil dati ayaw na ayaw niyang magluto.

“Ito sir o luto na ito.” Nilagay niya naman ito sa aking plato.

“Sige na sir kumain na po kayo.” Isinubo ko naman ang binigay niya sa akin at tama nga siya masarap nga ito. Damn I can’t believe na pinagsilbihan niya ako ngayon, dahil hindi niya naman ito ginagawa dati. Ang gusto niya kasi ay siya ang aasikasuhin ko.

Panay lang ang paglalagay niya sa aking plato kaya napahinto naman ako sa pagsubo.

“Kumain ka na rin.” sabi ko sa kanya at nilagyan niya naman ang kanyang plato. Pansin ko rin na sarap na sarap siya sa kanyang kinakain.

“Okay lang ba na kumain ka niyan paano iyong allergy mo?” hindi ko maiwasang magtanong sa kanya dahil nag-aalala parin ako paano kung bigla siyang mag collapse.

“Wala naman po akong allergy sir.”

“Have you recovered?” 

“Wala naman akong allergy nito sir.” nagtaka naman akong napatingin sa kanya. 

“But before you-.”

“Ate! Bakit ka nandito?” Napalingon ako sa lalaking papalapit sa amin.

“At bakit ka rin nandito ha? Ang layo naman yata ng school niyo para makarating ka rito?” Palipat-lipat ako ng tingin sa kanila. Sino ba ang lalaking ito bakit ate ang tawag niya kay Alexis.

“Isinama ako ng mga kaklase ko ate libre raw nila.”

“Ang galing naman mayaman pala ang mga kaklase mo.” Tumawa naman ito sa kanya. Kaya bigla akong tumikhim dahil parang nakalimutan na niyang may kasama siya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ryu Ken Ociredef
kno.m.m.mm...m..m.nm..mm.....m..m..m.. . .....m.m... m m.....m m...m..mm.m.m . m .. m.m m.mm. m lkm .m ..m.m .mlm...ml.m...m.m.ml..m.mm..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status