Tangina! Tangina! Bakit hindi ko nakita na pareho pala sila ng bag ni Sammuel? Baka akala ng lalaking 'yon na siya ang binigyan ko ng love letter, naalala ko pa naman na hindi ko nalagyan ng pangalan ni Sammuel doon. Wala ng 'Dear, Sammuel' na nakalagay! Nakakahiya pa kanina, napagkamalan pa nila akong magnanakaw. Grabe sila makatingin sa akin kanina parang may ginagawa akong masama kahit wala naman. Lalo na 'yong mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Sammuel, ang sarap dokutin ng mga mata nila. Kung makatingin parang ang sama ko ng tao. "Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong ni Maika, kami lang dalawa ang magkasama ngayon kasi may ginagawa rin ang dalawa. "Nakakainis kasi eh!" Halos magpapadyak na ako sa kahihiyan na sinapit ko kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Sammuel. Kasi maging siya tinignan ako ng masama, parang hinuhusgahan niya ako. Ang mga maririin niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa. Hindi ako nahiya dahil pinagtitinginan ako ng mg
Dahil doon sa sinabi ni Sammuel sa akin, sa bawat araw na dumaan hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kanya. Araw araw ako sa room nila Vien para makita ko lang siya, kung minsan ay dumadaan ako sa room nila para silipin lang siya. Araw araw na rin ang practice ni Sammuel dahil malapit na ang inter-high. Busy ang mga athletes sa pagpapractice, walang practicr nila Sammuel na hindi ako nanood. Minsan nagpapasama ako kina Vien, Maika at Clouie, minsan din ay ako lang mag-isa ang pumupunta. "Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihang nanonood. Ngumuso na lang ako, hindi ko na kayang sumigaw ng malakas dahil namamaos na ang boses ko dahil sa araw araw kong pagcheer kay Sammuel. "Ipahinga mo 'yang boses mo para sa laban nila sa susunod na araw," si Maika, simahan niya akong manood ng practice ni Sammuel dahil wala naman daw siyang ginagawa habang ang dalawa ay may inaasikaso. "Subrang busy na niya. Hindi na niya ako napapansin." Malungkot kong sambit habang pinapanood ang gal
"K-Kumusta ang laro?" Hinabol ko si Sammuel at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakakailang man na sumabay sa kanya sa paglalakad pabalik aa eskwelahan, hindi ko pa rin maitago ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. "Talo kami." Sagot niya, hindi man lang ako nilingon. Tumango ako at saglit na tumingin sa mga estudyanteng dumadaan na napapatingin sa amin. "Narinig ko nga ang sigawan ng mga tao mula sa labas ng municipal gym. Sayang hindi ko nakita 'yong laro—" "Kasi umalis ka." Pinutol niya ang sinabi ko. Sinulyapan niya ako sandali bago muling bumaling sa dinadaanan. "K-Kasi... Nauhaw ako bigla kaya lumabas ako para bumili ng juice." Sagot ko at tinignan siya. Tumaas ang kilay niya at ngayon ay nilingon na niya ako. Tumaas na naman ang isa niyang kilay. "Bumili lang ng juice? Bakit hindi ka na bumalik?" Umawang ang labi ko. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Nag assume naman ako ngayon. Hindi naman siguro masamang mag assume 'no? Ako naman 'yong masasaktan sa kaka-assume ko
"Alam mo bang nakakasama sa kalusugan ang araw araw na mag-assume?" Saad ni Vien. Tumango naman ang dalawa, sumang-ayon sa sinabi ni Vien. "Kayo nga d'yan eh. Bakit hindi ba kayo nag-assume sa crush niyo ah?" Sabay silang napakamot sa kanilang ulo. Alam ko na kasi kung sino ang mga crush nilang tatlo at kagaya ko hinahabol at nagpapansin din sila sa crush nila. "Nakalimutan kong magkaibigan pala tayo haha." Tumawa si Clouie habang kinakamot ang ulo niya."So, kumusta kayo ni Sammuel?" Bumaling ako kay Maika, dahil sa tanong niya napanguso ako at sinubsub ang mukha sa mesa."Ayon nga, tama nga ako na pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi na mauulit ang pangyayaring 'yon." Pagkatapos kasi noong chinat ko si Sammuel na may gusto ako sa kanya parang umiwas siya sa akin. Hindi na niya ako kinakausap, hindi ko naman sinasabing kailangan niya akong tratohin ng gano'n na parang ma relasyon kami ang gusto ko lang ay sana hindi niya ako lalayuan.Ito 'yong kinakatakutan ko eh. Kapag aamin k
"Bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraang buwan, Sammuel?" Marahang tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsalita sa aming dalawa. "Dahil ba sa umamin ako sa'yo kaya mo ako iniiwasan?" Tanong ko ulit. "Ikaw ang umiiwas sa akin—" "Anong ako? Nilalagpasan mo nga ako kapag nagkakasalubong tayo, eh. Para lang akong hangin na nararamdaman mo pero hindi mo nakikita." Pagputol ko sa sinabi niya. Yumuko siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Umiwas ako dahil kayo ni Roger," Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sammuel. Sumandal siya sa upuan niya at diretsong tumingin sa akin. "Bakit mo naman 'yan naisip?" "Akala ko kayo ni Roger. Hindi kasi maganda tignan na kayo tapos nakikipag kausap ka sa akin—" "Bakit nga naisip mo 'yan?" Putol ko ulit sa sasabihin niya, kumunot na ang noo ko ngayon. "Kasi... Palagi kayong magkasama. Palagi ko kayong nakikitang... Magkasama kaya inakala ko na kayo." Napanganga na lang ako, hindi ko alam na g
Nang maghapon na ay ako ang unang lumabas sa room, nagpaalam na ako kay Roger na hindi muna ako makatulong ngayon sa paglilinis dahil pupuntahan ko pa si Mama. Sinugod kasi si Mama sa hospital dahil mataas ang lagnat niya at nanginginig na siya. Napag-alaman naming nagkadengue si Mama.Pero paglabas ko ay si Sammuel ang una kong nakita, huminto ako at tinignan siya. Kumurap siya pagkatapos ay tumayo ng matuwid, "saan ka pupunta?" Marahan niyang tanong, siguro nakita niyang nagmamadali ako sa paglabas.Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita siya ulit, "iniiwasan mo pa rin ba ako?" Mabilis akong umiling, "hindi kita iniiwasan... Uh, pupuntahan ko lang si Mama sa hospital." Lumingon ako sa likod at nakita kong halos hindi na gumalaw sa mga kinatatayuan nila ang mga classmates ko dahil sa gulat na makita si Sammuel na kausap ko ngayon.Kinagat ko ang labi ko at naglakad na papunta sa hagdan, naramdaman kong sumunod sa akin si Sammuel sa likoran ko."Anong nangyari sa Mama mo?" Niling
Dahil sa sinabi ni Mama kanina hindi ko mapigilang mag-assume na naman. Pinanganak talaga akong assumera, hindi na ata 'yon magbabago."Nanligaw ba sa'yo 'yon, anak?" Napalingon ulit ako kay Mama, "hindi po..." "Hindi siya nanligaw sa'yo? Kasi kayo na?" Kung barkada ko lang 'to si Mama baka sinapak ko na rin si Mama sa kilig. Kahit si Mama pinapaasa ako. "Mama, hindi po kami ang advance mo naman masyado... Pero sana hehe sana maging kami..." Nag-a-assume ako na may nararamdaman din sa akin si Sammuel, hindi na tulad ng dati na hindi niya ako iniimikan ngayon hindi ko na mabilang na salita ang lumalabas sa bibig niya. Pinapansin na niya ako at maraming mga kilos siyang pinapakita sa akin na tanging mga lalaking may gusto sa isang babae lang ang gumagawa. Ewan ko ba! May parte sa sarili ko na 'wag mag-assume kasi masakit mag-assume sis! Subra! Ilang ulit na akong nasaktan dahil nga assumera ako, masakit! Grabe! 'Yong akala mo may gusto siya sa'yo pero assumera ka lang talaga. Ayun
"April, ikaw ang gagawin naming white lady," tinuro ako ni Claire. "Bagay na bagay sa'yo kasi mataas ang buhok mo." "Mas mataas pa ang buhok ng white lady kaysa sa akin, eh." "Basta ikaw na ang white lady, tapos ikaw Roger—" "White gentleman?" Sinamaan ng tingin ni Claire si Roger dahil sa pagputol nito sa sasabihin niya. "Walang gano'n, Roger," inirapan ni Claire si Roger at tumingin sa ibang kaklase namin. "Meron kaya para partner kami ni April!" Kinindatan ako ni Roger. Inikot ko ang mata ko, "sige... Payag ako na maging white lady." October 28 pa lang ay pinaplano na namin ang gagawin sa booth namin para ngayong November 3. Katatakotan ang booth kasi araw ng mga patay, holiday kasi sa november 1 at 2 kaya sa 3 na lang ito ginawa. May bayad symempre ang mga papasok at sa mga gustong ma explore ang loob ng booth. "Kailangan na nating nag design sa november 1 hanggang 2 para pagka november 3 handa na ang lahat," tumingin sa amin si Claire. "Sa make up ay may binayaran tayo n