Share

When Were 15
When Were 15
Author: Superyora Mizian

Chapter 1

Chapter 1

Matapos ipwesto sa phone holder ang smart phone ay umimbay nasa isang sikat na tugtugin ang malambot na balakang at bewang ni Marion para sumayaw.

Sa harap ng camera ng smart phone niya ay panay ang ngiti at pacute niya. Kung minsan kahit sa edad na kinse, ang mga steps ng sayaw niya ay hindi nababagay sa edad niya. Masiyadong mapanukso at tila nang-aakit.

Maiksing shorts at isang red spaghetti top ang suot niya. Litaw ang makikinis na balikat at mga hita.

Isa siya sa mukha ng makabagong kilos ng mga modernang kabataan ngayon. Nahuhumaling sa mga social media apps, walang pakialam kahit pa magmukha ng katawa-tawa o kahiya-hiya sa iba basta't mas marami ang likes o heart reacts sa ginawa nila ay iyon lang ang mahalaga.

Sumusunod sa malambot na hataw ng katawan niya ang mahaba at tuwid na buhok niyang inilugay niya.

Dagdag dating iyon sa kagandahang taglay niya.

Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi nakukuntinting ng daliri niya ang mga social media apps niya sa phone at magfeed ng mga bagay tungkol sa kanya sa mga mumunti niyang followers.

Eksaktong katatapos lang niyang magsayaw ay saka naman pumasok ang Lola Gloria niya sa kwarto.

"Marion! Ano na naman 'yan?" kunot noong saway nito.

"N-Nagsasayaw lang po," kabadong sagot niya.

"Nang ganyan ang suot mo? Aba'y halos luwa na ang kaluluwa mo sa suot mong 'yan, ah! Daig mo pa yata ang mga babaeng nagtatrabaho sa kabaret noong araw! Dati-rati ang mga lalaki, kailangang bumayad at magpunta sa mga beer house para makakita ng mga babaeng kinapos sa tela ang mga damit, tapos ngayon, aba paselpon-selpon na lang presto nabusog mo na ang makamundong mga mata nila!" mahabang litanya nito habang bakas sa mga mata nito ang pagkadisgusto sa ayos niya.

"La...nagsasayaw lang naman. Katuwaan lang," sinubukan niyang paliwanag.

Naturalmente ay matanda na ito. Konserbatibo. Ayaw na ayaw nito nang mga babaeng kinapos sa tela ang suot. O kaya yung mga babaeng kung makatawa ay parang kinikiliti ang singit. Pandit o malandi ang tingin nito sa mga babaeng ganoon.

Hindi nito maintindihan na nagbabago ang panahon. Ang stilo ng pananamit ng mga tao. Ang paglawak ng mga kaisipan ng iba ukol sa modernang panahon.

"Itigil mo 'yan! Wala kang mapapalang maganda diyan. Sa uli-uli kapag nahuli kitang sumasayaw na parang hostess, kukunin ko 'yang cellphone mo at hindi na kita pagagamitin kahit na kailan. Intiendes?"

Napabuntong hininga siya.

"Opo sorry po," sa huli ay nagpakumbaba siya.

Dadalawa na lang naman kasi sila sa buhay kaya hindi na dapat sila magkaroon ng hidwaan.

Ulila na siya sa Nanay at Tatay. Namatay ang Tatay niya sa holdap. Ang Nanay niya naman ay aksidenteng nabundol at tinakbuhan ng mayamang nakasagasa dito nung elementary palang siya. Ang Lola sa mother's side niya ang kaisa-isang kamag-anak na kumupkop sa kanya.

Ang pension ng namayapa niyang Lolo na retired principal lang ang inaasahan nilang monthly income. Pero kung minsan sinisikap pa rin ng Lola niya na gumawa ng mga kakanin kung hindi ito sinusumpong ng rayuma.

Kinuha na niya smartphone na bigay nito noong 15th birthday niya saka siya sumampa sa kama.

"Matulog ka na, nagawa mo na ba mga assignments mo?"

"Yes La."

"Wag sana sasama ang loob mo, inilalayo lang kita sa kapahamakan. Alam mo naman ang panahon ngayon. Maraming luko-luko."

"Opo La, gets ko. Thank you sa pag-aalala," napangiti nang sagot niya.

"O sige goodnight."

"Goodnight la."

Nang ilapat nito pasara ang pintuan ay nagbangon siya. Ini-open ang data.

Aba! Mas marami yata ang naglikes sa new video niya.

Paano ba niya titigilan ito gayung nakakaramdam siya ng pagmamalaki sa sarili. Ikinatutuwa niya ang mga papuri sa comment section. Na maganda raw siya. Sexy. At magaling sumayaw.

Pero ang hindi nakaligtas sa paningin niya ay ang comment ng ultimate crush niya! Ang gwapong vocalist ng band sa school nila.

Si Shin Dela Vega!

Nice moves. Iyon ang comment nito.

Napatakip siya sa bibig para pigilan ang tili dahil kinilig siya ng husto! Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. May pakiramdam siyang hindi siya makakatulog ng ayos nito ngayon. Parang nahyper siya bigla. Lalo na at nagfollow back na ito sa kanya.

Kaklase niya ang binatilyo. Sikat ito sa campus at ang banda nitong Red Lips na binubuo ng apat na miyembro.

Matagal na niyang hinihintay na mapansin siya nito pero sa dami ng nagkakagusto dito, alam niyang baka malabo.

Nahiga na siya. Excited siyang pumasok bukas. Buti na lang at face to face na sila. Sa nakalipas na dalawang taon magmula nang magkaroon ng pandemya sa buong mundo ay sa sarili na nilang mga bahay sila nagsipag-aral.

Sa computer o smartphones na lang sila nagkakakitaan ng mga classmates niya.

"Jerra! Jerra!" hyper na tawag niya sa bestfriend niya nang makarating siya sa classroom kinaumagahan.

Halos hingalin pa siya sa pag-akyat sa second floor.

"O bakit? Makatawag ka, ah? Para kang tumama sa lotto?" natatawang tanong nito.

"Tingnan mo kasi!" nai-excite na iniharap niya dito ang phone niya.

Kumunot ang noo nito.

"Baka naman dummy account yan?"

"Sira! Siya talaga 'to! Tingnan mo nakafollow ka rin dito diba? Di ka lang siguro makapaniwala na finollow ako ni Shin!" taas noong aniya.

Umirap ito at nagbuklat ng libro. Tulad niya crush na crush din nito si Shin. Kaya hindi siya magtataka kung nakakaramdam ito ng inggit sa kanya ngayon.

"Bakit ka naman niya i-finallow? Close na kayo?"

Naupo siya sa tabi nito.

"Ewan."

"Ay nandiyan na sina Shin!" ani Nancy isa sa kaibigan niya. Tatlo lang sila sa barkada.

Kumabog ang dibdib niya nang makitang papasok si Shin kasama ang barkada at bandmates nito.

Si Shin ang una niyang nakita. Sa apat ito ang pinaka-approachable at may pagkapilyo ang dating kaya siguro masasabing ito ang pinakapopular sa grupo. Para sa kanya ito ang pinakapogi.

Sunod ay ang Drummer ng band na si Alexis. Medyo mayabang ang dating pero may itsura din kahit malalaki ang mata.

Kasunod ng mga ito si Clark. Ang may hawak ng organ o piano. Medyo chubby pero cute at funny ang personality.

At ang pinakahuli ay si Grant Tyler. Ang guitarist ng band. Para sa kanya misteryoso ang dating nito. May tatak na suplado dahil masiyadong tahimik pero hindi maipagkakailang gwapo rin talaga. Kumbaga walang itulak kabigin sa dalawa ni Shin kaya nga lamang ay crush niya ang huli kaya mas lamang ito sa kanya.

Nang dumaan ang mga ito sa tagiliran nila dahil sa bandang hulihan nakaupo ang mga ito ay hindi siya mapakali kaya kinuha niya ang libro ni Jerra at kunwaring nagbasa.

"Ano ba?" pagsusungit ng kaibigan.

"Pahiram lang!"

"Hi Marion..."

Napatuwid siya ng upo nang marinig ang boses ni Shin. Binabati siya. Nang tumunghay siya ay nakangiting mukhang ni Shin ang nabungaran niya.

"H-Hello..." kiming bati niya.

First time nitong binati siya!

"Hi Marion! Uyyy!" panggagaya ng dalawa na si Alexis at Clark na may halong tukso kaya nagkaingay sa classroom.

Napailing lang naman si Grant Tyler at dumiretso ng upo sa pwesto nito.

Natigil lang sila nang dumating ang teacher nila.

Hindi siya makaconcentrate sa lecture. Lutang siya. Pansinin ba naman siya ng crush niya eh!

Nang malapit ng magrecess ay napatingin siya sa phone dahil may nagchat.

Halos mapairit siya.

Paano kasi ay nagchat si Shin.

Matagal na silang friends sa F* pero ngayon lang ito nagchat.

Kung pwede raw bang sabay silang maglunch?

Pumayag kaagad siya.

"Bakit hindi ka sasabay?" maang na tanong ni Nancy nang sabihin niyang mauna na ang mga ito.

"Basta."

"Sus pamysterious ka pa diyan. Bayaan mo na nga yan Nancy, gutom na ko," nakabusangot na ani Jerra.

Napailing na lang siya. Halata naman kasing asar pa rin ito sa kanya dahil sa pagfollow sa kanya ni Shin.

Nang makababa ang mga ito ay siya namang pagdaan ni Shin galing sa cr.

Nagpahintay talaga ito para daw sabay na silang pumunta ng canteen.

"Tara na?" yakag nito kaya tumango siya.

"Mga friends mo? Sasabay ba sa'tin?" kumalabog ang pusong tanong niya.

She can't believe it. Sabay silang maglalunch ng ultimate crush niya.

"Ah, hindi. Sabi ko mauna na sila. Baka kasi mailang ka, eh. Kaya tayong dalawa na lang muna," nakangiting sagot nito.

Para siyang kiniliti sa talampakan sa ngiti nito.

"O-Okay..."

Nang makarating sila sa canteen ay hinawakan siya nito sa braso at pinauna sa pila.

"Ano'ng gusto mo?" tanong pa nito.

"Ah ito na lang chicken curry."

"Ate dalawang chicken curry with rice tapos dalawang iced tea," order ni Shin sa serbidora.

Naglabas na rin siya ng pera pero pinigilan nito.

"Ako na, my treat," nakangiting sabi nito.

"Ha? Sigurado ka?"

"Uhuh."

"T-Thank you..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status