Chapter 9"Marion. bakit parang hindi yata kayo nagkikibuan ni Jerra?" usisa ni Nancy habang nasa CR sila. Dito siya nagpasama kaya silang dalawa lang."Galit siya sa'kin," aniya habang nagsusuklay sa harap ng salamin."Bakit daw?""Inagawan ko raw siya ng spot sa class at inagaw ko rin daw si Shin.""What? Gaga ba siya? Ang bitter, ah? First of all hindi naman sila ni Shin para magreact ng gano'n, ikaw ang girlfriend di ba? Bakit parang siya yung dehado?" natatawang reaction nito."Iyon na nga ang pinaintindi ko sa kanya, hindi ko naman kasalanan na ako ang gusto ni Shin.""Grabe naman this Jerra, ano'ng nangyayari sa kanya? Kung yung tungkol naman sa spot sa classroom, well she should work harder pa para maging top 1. Ang hirap sa kanya masiyado siyang magpapressure sa parents kaya naaaburido siya, kumikitid ang utak at nagiging masungit.""Hayaan mo na lang siya, mahirap makipagtalo sa ano...sabi mo nga makitid ang utak..."Napabungisngis ito sa sinabi niya."Mabuti pa nga. Let's g
Chapter 10"Akala ko pa naman gusto niya rin ako, may spark, eh," himutok ni Alexis habang nagmimeryenda sila sa isang fast food chain.Doon sila humantong matapos ng rambulan nila ni Jerra."Sorry ka na lang, mas malakas appeal ni Shin, dalawang girls ang nag-aaway," pang-aasar ni Clark sabay kagat sa burger."Gaga talaga yun, sumakit anit ko dun, ah!" nakasimangot na ani Nancy na napahimas pa sa bumbunan.Siya man ay sumakit din ang ulo dahil sa stress bukod pa sa sabunot at sampal na nakuha niya kay Jerra."Ikaw okay ka lang?" baling ni Shin sa kanya."Hindi. Ayoko naman sanang mag-away kami, eh," nalulungkot na sagot niya."Pero gusto niya, hayaan mo na yun, di mo kailangan ng kaibigan na hindi mapagkakatiwalaan," ani Grant na katapat niya na noon lang nagsalita."Tama si Grant babe, it's not your lost," sang-ayon ni Shin sa sinabi ng bestfriend nito.Matipid lang siyang napangiti.Dahil sa nangyari mukhang hindi na dapat siya umasa na magkakabati pa sila nina Jerra.*_*_"_"_*_*_
Chapter 11 Hilong-hilo si Marion paggising niya, nangangasim din ang sikmura niya. Bahagya lang siyang nagmulat ng mga mata nang makarinig ng mga katok. Alam niyang Lola niya iyon. "Marion, apo bangon na," tapik nito sa binti niya nang makapasok sa munting silid niya. Itinakip niya ang unan sa mukha nang buksan nito ang kurtina sa kwarto niya. Parang mas lalong sumama ang pakiramdam niya nang makita ang papasikat na araw. "Tanghali na, baka malate ka," ulit nito. "Baka um-absent po muna ko La," matamlay na sagot niya nang ibaba ang unan. "Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka," bumadha ang pag-aalala sa mukha nito. Kaagad siya nitong nilapitan at sinalat ang noo at leeg niya. "Hindi ka naman nilalagnat, ano bang nararamdaman mo?" tanong nito nang masalat na normal lang naman ang temperatura ng katawan niya. "Medyo nahihilo ako La, saka sumasakit din ang ulo. Medyo nangangasim din ho ang sikmura ko," napapikit na aniya. "Paano'ng hindi mangangasim ang sikmura mo? Hindi k
Chapter 12 Panay ang suka ni Marion sa inidoro nang umagang iyon. Medyo nahihilo na naman siya, Binuksan niya ang gripo sa takot na baka marinig siya ng Lola niya sa labas. Ayaw niyang matanong siya nito dahil hindi rin naman niya alam ang isasagot kung sakali. Ni hindi rin niya alam kung bakit masakit ang n*pples niya. Basta't may kakaiba sa katawan niya, ramdam niya. Halos wala naman siyang inilabas kundi laway. Naligo na siya nang bumuti ang pakiramdam ng sikmura at nagpasiyang pumasok na lang sa school. "Oh okay ka na ba?" usisa ni Nancy nang makapasok na siya ng araw na iyon. "Oo, okay na. Nahilo lang naman ako saka ayun medyo sinikmura," tugon niya sa kaibigan habang nasa canteen sila at umoorder ng lunch. "Buti na lang talaga pumasok ka na, alam mo ba si Jerra, talagang close nasa new friends niya. Sina Chelsea. O di ba sa seniors bumabarkda ang bruha. Kasi pareho silang bruha," bungisngis nito kaya napatawa rin siya. Sa totoo lang wala na siyang pakialam kay Jerra. Kung a
Chapter 13Hilam na siya sa luha. Luminga-linga siya para pumara ng tricycle pauwi. Ang pagkadismaya niya sa naging reaction ni Shin dahil sa hinala niya ay labis na ikinasasama ng loob niya. Marahas niyang pinunasan ang mga luha. Ayaw niyang isipin na kung sakaling totoo nga ay mag-isa lang niyang papasanin ang problema.Bahagya siyang napaatras nang may humintong itim na kotse sa harapan niya. Bumaba ang bintana niyon sa back seat.Bumungad ang mukha ni Grant Tyler."Going home?""O-Oo.""Come on, hop in. Hatid kita," alok nito."Hindi na. Magtatricycle na lang ako. Diyan lang naman ako sa Dacan.""Sakto on the way. Hop in," binuksan na nito ang pinto ng kotse.Napakamot siya sa mukha. Mukhang hindi ito papayag na hindi siya maihatid. Nakakaabala pa sila sa daan kaya sumakay na rin siya. Umisod ito papasok para makasakay siya.Nang mailapat niya pasara ang pintuan ay pinaandar na ng driver ang sasakyan.Tahimik lang ito sa loob ng sasakyan at diretso ang tingin sa daan. The usal sup
Chapter 14 Uwian na. Pinauna niya na si Nancy at humugot ng lakas ng loob para kausapin si Shin. Nagpapractice ang mga ito dahil bukod sa battle of the bands ay malapit na rin ang Foundation day ng school. Habang palapit ay taas baba ang dibdib niya sa inis, paano ay kausap na naman nito si Corene. Ang mga kabanda naman nito tulad ni Grant ay abala sa pagsi-set up ng kanya-kanyang hawak na instruments. "Shin, mag-usap tayo," tawag pansin niya sa boyfriend nang lapitan niya ito sa gilid ng stage. Napatingin siya sa mga kamay ni Corene na naka-abrisiyete pa sa braso ng boyfriend. Nakatingin din sa kanila ang banda. Tila ramdam ang tensiyon sa pagitan nila. "Saka na lang Marion medyo busy kasi kami," tila walang ganang sagot ni Shin kaya nagpanting talaga ang tainga niya. "Busy? Lagi ka na lang busy! Pero sa babaeng 'yan nakikipagtawanan ka pa?" medyo mataas na ang boses na sita niya saka niya binaklas ang kamay ni Corene na nakaangkla dito. "Hey!" gulat na saway ni Corene sa ka
Chapter 15"Marion, inom ka muna, baka naman madehydrate ka na kakaiyak," halata ang pag-aalala sa boses na sabi ni Grant habang nakaupo sila sa foodcourt ng mall na iyon.Inabutan siya nito ng bottled mineral water. Binuksan nito ang takip at itinapat sa bibig niya. Dahil pakiramdam nga niya ay natutuyuan na siya kakaiyak ay ininom niya ang malamig na tubig. Nilagok niya iyon ng diretso.Medyo nagluwag ang nagsisikip na dibdib niya dahil sa nalamang resulta na buntis nga talaga siya."S-Salamat."Bahagya nitong tinapik ang balikat niya at malungkot siyang nginitian."Alam ko wala ka pang plano kaya hindi ko na tatanungin kung ano'ng balak mo? Pero tingin ko, hindi mo dapat pinapasang mag-isa 'yan.""K-Kaya nga, eh. Loko 'yang kaibigan mo, mukhang balak pa kong takbuhan, eh," maktol niya."Wag kang mag-alala, kakausapin ko siya bukas na bukas din."Napatitig siya dito. Hindi niya akalain na napakasincere palang tao ng isang Grant Tyler. Buong akala niya noon ay wala itong pakialam sa
Chapter 16Nakailag si Grant sa suntok ni Shin. Sa lakas ng pinakawalang suntok ni Shin ay nawalan ito ng balanse dahil walang sumalo ng suntok nito. Sadsad ito sa lupa.Nagtatagis ang mga ngiping tumayo ulit si Shin para saktan si Grant. "Shin! Ano ba! Tumigil ka!" bulyaw niya sa lalaki."Ano'ng tumigil? Huling-huli kita 'no? De pasulat-sulat ka pa? Ito ba yung sasabihin mong importante? Na nahulog ka na sa kanya? Kaya siguro gusto mong makipagbreak dahil nagkakagustuhan na kayo ng gagong 'to!""Watch your words Shin!" saway ni Grant na magkalapat na rin ang mga ngipin sa inis dahil sa mga bintang nito."Kapal mo rin ah? Sinusulot mo na nga tong girlfriend ko, ikaw pa ang nagbabanta?""Shin! Ano ba sabi ng tumigil ka, eh!" tulak niya sa lalaki dahil lalapitan na naman nito si Grant kaya pumagitna na siya."Yang kalandian mo ang itigil mo!" sagot ni Shin.Hindi na nakapagpigil si Marion, humaginit sa pisngi ni Shin ang kamay niya. Nabiling ang mukha ng lalaki sa lakas ng sampal niya.