Share

Kabanata 7: Nakita

Umiyak lang ako ng umiyak pagkatapos kong balikan muli ang mga masasakit na ala-alang 'yon nang nakaraan.

Hinayaan at dinamayan ako ni Lari hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, marahil ay dala na rin nang pagod sa pag-iyak, pati na rin nang hindi magandang pakiramdam.

Nang mga sumunuod na mga araw ay naging maayos naman na ang pakiramdam ko. May mga gabi pa rin na dumadalaw si Trevor sa panaginip ko, siguro ay dahil madalas ko na naman siyang iniisip. Hindi ko na lang ipinaalam kay Lari ang tungkol dito dahil alam kong ayaw din naman niyang pag-usapan pa namin ito.

Lari:

Sa'n ka na, Alex? Hindi pa tapos shift mo? Nandito na kami sa cafeteria. Bilisan mo at gutom na ang mga bulate ko sa tiyan.

Napailing na lang ako pagkabasa ko sa text message ng aking kaibigan. Napakagat ako ng labi para pigilin ang tawa nang ma-imagine ko kung ano ang itsura niya habang tinitipa ang mensahe'ng 'yon para sa akin.

Lari talaga...

Agad

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status