Share

Kabanata 6: Without

"Hmm…" daing ko nang maramdaman ko ang isang banayad at marahang halik sa aking labi na siyang tuluyang gumising sa akin.

Hindi pa man ako nagmumulat ng mga mata ay kumurba na ang labi ko para sa isang malawak na ngiti. I slowly opened my eyes. My smile grew wider when my eyes met Trevor's handsome face.

"Good morning, babe," he said with his husky voice. Ang kanyang mga mata ay namumungay na nakatitig sa akin.

"Morning…" pagbati ko sa mahinang tinig na halos hindi ko rin narinig ang sarili ko.

Trevor laughed huskily and then he pinch my  nose. I pouted.

A ghost of a smile is hiding on his red lips as he stares at me intently. I pouted more because of that.

He grinned. Pinatakan niya ako ng isang mabilis na halik sa labi bago siya tuluyang ngumiti.

"I love you, Alex, " aniya sa mababang boses. Ang kaninang masayang ngiti sa labi ay unti-unting naglaho at napalitan ng malungkot na ngiti. Kumunot ang noo ko.

Kumurap kurap ako dahil bigla na lang naging malabo sa paningin ko si Trevor. Unti-unti itong parang lumalayo sa akin kahit na hindi naman siya gumagalaw o umaalis sa tabi ko.

Gusto kong gumalaw at hawakan siya pero ayaw gumana ng kamay at katawan ko. Naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko na galing sa mga mata ko.

"Trevor…" mahinang sambit ko habang pinapanuod siyang unti-unting naglalaho sa paningin ko.

"Alex…" mahinang tawag sa akin ng isang boses. Isang yugyog sa balikat ang humila sa akin sa ulirat.

Mukha ng nag-aalalang si Lari ang bumungad sa paningin ko. "Nananaginip ka," aniya.

Bumuntonghininga ako at dahan-dahang bumangon. Inalalayan naman ako ni Lari. Sumandal ako sa headrest ng aking kama.

"Tissue," aniya sabay abot sa akin nito. Agad ko naman itong tinanggap. "Salamat…" sa napapaos na boses ay sinabi ko.

Tumango lamang siya. Dahan-dahan ko namang pinunasan ang mga sariwang luhang nasa pisngi ko, mga luhang naiwan mula sa aking panaginip.

Tahimik lamang akong pinagmamasdan ni Lari. Tumikhim ito. Kapagkuwan inilapat niya ang likod ng kanyang palad sa noo ko. "May sinat ka pa rin, Alex. Sandali ikukuha lang kita ng maiinom," aniya maya-maya.

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti bago siya tuluyang lumabas sa kuwarto ko at nagtungo sa kusina.

Kagabi, pagkagaling sa ospital ay in-apoy ako ng lagnat. Gusto akong dalhin ulit ni Lari sa ospital pero hindi na ako pumayag. Sinabi ko na lang na magpapahinga na lang ako rito sa bahay. Marahil ay napagod lang siguro ako sa sobrang daming ginawa sa ospital kahapon.

Pero hindi ko na napigilan pa si Lari nang magsabi siyang dito na lang magpalipas ng gabi sa bahay para raw may kasama ako.

I closed my eyes firmly and I sighed heavily as another set of tears roll down my cheeks. Sobrang bigat ng pakiramdam sa puso ko.

Tuwing nagpaparamdam si Trevor sa panaginip ko ay lagi na lang ganito. Magigising ako na may luha na sa aking pisngi. Sumasakit din ang puso ko na para itong tinutusok nang paulit-ulit.

Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Nahuli ako ni Lari habang ginagawa iyon. Bumuntonghininga ito at hindi na lang pinansin pa ang nakita.

Lumapit siya sa kama at inilagay sa harapan ko ang dalang tray na may lamang sopas, orange juice, tubig at gamot.

"Ito Alex, naghanda ako ng sopas para sa'yo. Pagkatapos ay inumin mo na rin itong gamot," aniya sabay umupo sa gilid ng kama malapit sa akin.

"Salamat Lari, ha?" buong pusong sinabi ko. Ngumiti siya. "Ano ka ba? Wala iyon. Alam mo namang para na tayong magkapatid." 

Nginitian ko siya. Umayos ako sa pagkakasandal sa headrest bago ko sinimulang kainin ng paunti-unti ang ihinandang sopas ni Lari para sa akin.

"Kaya mo ba?" agad na tanong ni Lari.

Tumango ako at ngumiti. "Kaya ko na 'to, Lari. Salamat." 

Tahimik lang akong pinagmamasdan ng kaibigan ko habang kumakain.

"38 °C," aniya pagkakita sa thermometer na ginamit niya sa akin para i-check ang body temperature ko.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Bumaba na ang lagnat mo pero may sinat ka pa rin," aniya. Nurse na nurse talaga.

Napangiti ako. "Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon, kaysa kahapon. Salamat talaga sa napaka maalaga at napakahusay kong nurse," nangingiti kong sinabi na may bahid ng katotohanan.

"Ay sus! Nambola ka pa! Nurse ka rin kaya dapat ikaw ang nag-aalaga sa sarili mo, e. Hmm… kung hindi lang talaga kita mahal," natatawa niyang sinabi.

"Oh, siya! Bago pa tayo magkalimutan, inumin mo na itong gamot mo nang tuluyan ka nang gumaling," sinabi niya sabay abot sa akin ng gamot at tubig na agad ko namang tinanggap.

Pagkatapos uminom ay saka ko nilapag ang baso sa mesa'ng nasa gilid ko.

Inalalayan naman akong muli ni Lari para makahiga ng maayos. "Salamat," buong puso kong sinabi.

Naramdaman ko ang muling pag-upo niya sa gilid ng kama hindi kalayuan sa akin. Sumulyap ako sa kanya. Mayroon itong tingin sa akin na alam kong may ibig sabihin.

"Si Trevor na naman ba?" aniya. Tipid akong ngumiti bago tumango. "Hanggang ngayon pa rin pala… napapanaginipan mo pa rin siya?" sa malumanay na boses na sinabi niya.

"Hindi na siya maaalis sa sistema ko, Lari," mapait kong sinabi. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, imbes ay sa nakabukas na bintana na lang ako tumitig.

"Mag-aapat na taon na ang nakakalipas, Alex… baka kaya… kaya lagi mo pa rin siyang napapanaginipan kasi lagi mo pa rin siyang iniisip," aniya. Hindi ako kumibo. Nanatili ang titig ko sa labas ng bintana.

"Halos apat na taon na siyang wala rito, Alex. Alam kong mahirap para sa'yo, pero siguro naman sa halos apat na taon na sinisisi mo ang sarili mo sa pangyayaring 'yon noon, ay saat na palayain mo na siya at dapat mo ng kalimutan," sa sinabi niyang iyon ay namuo ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"Palayain mo na rin ang sarili mo, Alex. Siguro naman masaya na si Trevor kung nasaan man siya ngayon," malungkot niyang sambit.

Isang hikbi ang kumawala sa aking labi. Hindi namin madalas pag-usapan ni Lari ang mga bagay na may kinalaman kay Trevor magmula noong nawala siya halos apat na taon na ang nakakalipas.

Si Lari ang may ideyang huwag na naming banggitin o pag-usapan pa ang kahit na anong bagay na may kinalaman kay Trevor. Nakatulong 'yon sa akin sa loob ng mga taong wala siya. Ngunit kapag nag-iisa ay hindi ko pa rin maiwasang hindi siya isipin. Hindi ko binabanggit sa kanyang napapanaginipan ko na naman madalas si Trevor.

Alam niya ang bagay na ito, ilang beses na rin niya kasi akong naabutang nananaginip tungkol dito.

Ngayon na lang niya ulit ako nakitang nanaginip ng tungkol kay Trevor kaya siguro hindi na niya napigilang banggitin pa ito.

"Alex, mag-move on ka na. Ikaw lang din ang nahihirapan sa ginagawa mo," buong tapat na sinabi niya.

Pumikit ako nang mariin at dinama ang pagpatak ng mga luha ko na parang gripong dumadaloy.

My life without Trevor is like a life living in a hell. I am alive… I'm existing in this world but not living.

Ang hirap umusad lalo na noong mga panahong 'yon. Halos isang taon akong nalugmok. Higit isang taon, bago ako naka-usad ulit.

Muntik na akong hindi makapasa noon. Muntik na akong hindi maka-graduate. Kung hindi lang dahil sa tulong ni Lari at ng mommy niya, siguro hindi ko na alam kung nasa'n ako ngayon.

Kahit labis ang pag-aalala ko, kahit labag sa kalooban ko, umalis ako sa silid ni Trevor sa gabing 'yon matapos akong paki-usapan ni Anika na umalis muna.

Umuwi ako sa bahay na walang ibang laman ang isipan kundi ang kalagayan ni Trevor.

Wala siyang maalala. Hindi niya maalala ang mommy niya… hindi niya ako maalala…

Binalaan ako ni Anika tungkol doon. Pero umasa pa rin akong sana hindi niya ako makalimutan. Pinanghawakan ko ang mga ala-alang mayroon kami. Ang sakit lang isipin na… hindi niya ako maalala.

Para akong tanga'ng humihiling na sana panaginip lang ang lahat. Pero… hindi…

Hindi pa man sumisikat ang araw noon. Wala pang dalawang oras nang umuwi ako ay nagpasya akong bumalik sa ospital. Hindi ako matatahimik kung mananatili lang ako rito sa bahay.

Baka sakaling… baka… sakaling… kapag nakita ulit ako ni Trevor ay maalala na niya ako…

"Alex!" gulat na napatayo si Anika mula sa pagkakaupo nang makita akong papalapit sa nurse station kung saan siya nakaupo. Naroon din ang babaeng dati niyang kasama ngunit binalewala ko na lang.

"Anika, kumusta si Trevor? Nariyan pa ba si Tita Andrea?" sunod-sunod kong tanong.

Kinagat naman nito ang kanyang labi bago malungkot na umiling. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumakbo na ako kaagad patungo sa kuwarto kung nasaan si Trevor.

"Alex, sandali!" rinig kong tawag sa akin ni Anika ngunit binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy sa pagtakbo.

Hindi ko alam pero sa itsurang ipinakita sa'kin ni Anika kanina nang makita niya ako ay may masama akong naramdaman. Parang may hindi magandang nangyari.

Abot-abot ko ang paghinga ko nang makarating sa tapat ng pribadong kuwarto ni Trevor. Walang pasubali ko itong binuksan.

"Babe!" tawag ko kaagad. Tumambad sa paningin ko ang kamang walang nakahigang Trevor.

Labis ang kabang nararamdaman ko. Sobrang lakas at bilis nang kabog ng puso ko na parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.

"Trevor!" Iginala ko ang paningin ko sa buong silid. Nagtungo ako sa banyo para tignan kung naroon ba siya, pero nanlumo ako nang makitang… kagaya sa kama ay malinis at wala ring bakas ni Trevor.

Nag-init ang gilid ng mga mata ko para sa nagbabadyang luha.

"Trevor…" nanghihinang sambit ko. Pero hindi pa rin ako tumigil. Baka nilipat lang siya sa kabilang silid.

Lalabas na sana ako para hanapin siya nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang hinihingal na si Anika.

Agad ko siyang nilapitan, hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Anika, nasaan si Trevor?!" medyo pasigaw na tanong ko dahil sa frustration na nararamdaman.

Malungkot itong umiling sa'kin, may namumuong luha sa mata. "Anika!" yugyog ko sa kanya.

"Sorry, Alex…" aniya sa mahinang boses sabay yuko.

"Anika, ano ba?! Magsalita ka! Nasaan si Trevor?!"

"W-wala na siya, Alex…" tumingin ito sa akin nang malungkot, bumagsak na rin ang kanyang mga luha.

"A-anong… Anika! Ano ba?!" Nabasag ang boses ko dahil tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Huminga muna si Anika nang malamim bago ito muling nagsalita.

"Kanina… pagkatapos kumalma ni Trevor. N-nakumbinsi siya ng mommy niya na… umalis na sila rito. H-hindi ko alam kung paano… p-pero ang huling narinig ko… aalis sila…" umiiyak niyang paliwanag. "S-sorry, Alex… hindi ko nasabi sa'yo agad. Binantaan kasi ako ng mommy niya."

Ang mga kamay kong nasa braso niya ay unti-unting nanghina. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig.

Napa-upo na lang ako sa sahig at doon humagulgol.

Halos apat na taon na, pero tuwing naalala ko 'yon. Parang kanina lang nangyari dahil parehong-pareho pa rin ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

Nagpunta kaagad ako sa bahay nila no'n pero wala akong napala dahil kasambahay na lang nila ang natira roon. Wala rin siyang naisagot sa akin kung saan maaaring nagtungo sina Tita Andrea dahil maging sila ay wala ring alam. Ang tanging nabanggit niya lang ay inutusan siya ni Tita Andrea na ayusin lahat ng gamit ni Trevor.

Nakiusap din ako sa doktor ni Trevor, nagbakasakaling may alam siya. At ang tanging nasambit niya sa akin ay unang linggo pa lang ni Trevor sa ospital ay may balak na talagang umalis si Tita Andrea patungong ibang bansa kasama si Trevor. Hindi alam ng doktor kung saang bansa sila pupunta. Sinubukan ko siyang piliting umamin, ngunit hanggang doon lang daw talaga ang alam niya.

Doon ako tuluyang nawasak, sa kaalamang wala na akong magagawa pa.

Nagsisi ako. Kung sana'y 'di ako umalis sa ospital. Sana nalaman ko kung nasaan siya ngayon. Kahit iyon man lang sana ang nalaman ko.

My life without him won't never be the same again.

The pain of the past remained in my heart until now.

I graduated that same year, but I am not really happy about it, because Trevor wasn't with me anymore. The next months, I called it a miracle when I passed the board exam. I didn't even cared if I pass or not that time.

Hanggang sa nagsawa sa'kin si Lari. "Alex, kung patuloy ka pa rin sa kagaganyan mo? Sa kakasisi mo sa sarili mo? Alam mo? Mas nabuti pang magkalimutan na rin tayo! Hindi ikaw 'yong Alex na kaibigan ko." That's the exact words she'd told me.

We did not talked for a month because of that. But then realizations hit me. Guilt had eaten me. Hindi ko kayang ganoon kami ng kaibigan ko. I ask for apology, she forgave me right away.

Wala na nga si Trevor, mawawalan pa ako ng kaibigan. That's my wake-up call. I started to live life again, setting aside all the bad things that happened. Nag-apply kami ni Lari sa ospital kung saan kami nag-take ng internship and it's been 3 years, we're now both a registered nurse.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status