Share

Kabanata 2: Pakiusap...

Tulala ako sa kawalan habang nasa tabi ng boyfriend kong si Trevor, na ngayon ay mahimbing nang natutulog.

Malungkot ko siyang tinitigan. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, mapait akong ngumiti.

Bakas sa mukha ni Trevor ang lungkot at pagod kahit pa mahimbing na siyang natutulog, tila bang sa himbing ng tulog ay parang ngayon lamang siya nakapagpahinga ulit nang maayos.

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang lumabas ang resulta ng bar exam, halos dalawang linggo na rin akong abala sa intern ngayon.

Ngayong araw ang isa sa mga pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Trevor.

Sa halos isang buwan na pabalik-balik sa ospital at pagpapagamot ay tuluyan nang bumigay ang puso ni Tito Terrence, Daddy ni Trevor.

Alam ko kung gaano kamahal ni Trevor ang mga magulang niya, lalo na ang Daddy niya, kaya labis din talaga akong nasasaktan para sa kanya.

I know exactly what it feels like when losing your father. I've been in that same situation years ago.

As long as I can, I'm not leaving Trevor's side. Even though, I'm also busy with internship.

Agad kong inalis ang kamay kong humahaplos sa pisngi niya nang bahagya itong gumalaw, akala ko'y nagising ko siya ngunit nakahinga ako nang malalim nang bumaling lamang ito sa kabilang banda.

Tumingin ako sa aking pang pulsong relo. Mag aala-sais na pala nang gabi, kailangan ko nang pumasok sa ospital.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Inayos ko ang kumot sa katawan ni Trevor, pagkatapos ay ginawaran ko siya ng isang marahang halik sa noo.

Napangiti ako nang kumunot ang noo niya.

I know, everything will gonna be alright eventually. I just wish time to get faster. I can't wait to see Trevor wear his genuine smile again.

Sa kanilang malawak na tanggapan, sa kanilang bahay ay doon nakaburol ngayon ang mga labi ni Tito Terrence.

I started to walk downstairs. Agad na hinanap ng paningin ko si Tita Andrea, Trevor's mother.

Maraming mga taong nakikiramay. Nandito rin ang ilang mga kamag-anak nila Trevor para tumulong.

Nilapitan ko si Tita Andrea nang mahanap ko siya. Naka-upo siya sa bandang unahan, nakatulala sa litrato ng asawa.

"Tita…" mahinang sambit ko ngunit sapat lang para marinig niya.

Malungkot itong bumaling sa'kin. "Aalis ka na, hija?" Tumango ako.

"Opo, Tita. Babalik na lang po ako rito mamaya kapag kaya pa ng oras ko," magalang kong tugon.

"Ayos lang, Alex. Salamat ha? Kumusta si Trevor?" aniya sa nag-aalalang boses. Ngumiti ako para hindi siya lalong mag-alala.

"Tulog na po siya, Tita," sambit ko.

"Salamat talaga," mahina nitong sinabi bago malalim na humugot ng hininga.

"Wala po 'yon, Tita, handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya." Yumuko ako nang kaonti para yakapin siya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik.

"Nag-dinner ka na, Alex?" si Lari nang magkasalubong kami sa corridor ng ospital. Sa parehong ospital namin napiling mag-intern.

"Oo." pagsisinungaling ko.

Inismiran niya ako at tumingin sa kaniyang wrist watch bago bumaling ulit sa'kin.

"Huwag ka nga! Alam kong hindi pa, nagtitipid ka na naman. Nagugutom ako, tara libre kita," ani Lari sabay hila sa'kin patungong canteen.

"Huwag na, Lari. Busog pa naman ako at saka nagdi-diet ako," tanggi ko sa alok niya.

Hindi naman talaga ako nagdi-diet o kung ano pa man. Nakakahiya lang kasi, palagi na lang niya akong nililibre.

Ang totoo kasi niyan, nagtitipid talaga ako, lalo na ngayon. Magastos ang pag-asral ng nursing, lalo na ngayong pa-graduate na ako kaya mas lalong kailangang magtipid.

Ang tanging nasasandalan ko lang para makapagpatuloy sa pag-aaral ay ang scholarship na inaalagaan ko mula pa noong freshmen.

Tinutulungan din naman ako ni Trevor sa mga expenses pero siyempre hindi naman puwedeng laging ganoon na lang.

May allowance rin naman akong sapat para sa mga gastusin. Tuwing wala kasing pasok sa paaralan, naglilinis ako sa bahay ng isang Doktor na kaibigan ni Papa.

Medical Technician si Papa noon, siya ang dahilan kung bakit ginusto ko ring pumasok sa field ng medicine. Pangarap namin itong dalawa. Samantala, ang gusto ni Mama para sa akin ay mag-aral ng abogasya.

"Girl, Wala yata sa vocabulary natin ang diet 'no! Tara na, remember bawal tumanggi sa grasya!" aniya habang nakataas pa ang kilay. Wala na akong nagawa nang nahila niya ako ng tuluyan.

"Isa pang pilit mo friendship over na tayo!" madramang utas ni Lari habang nilalantakan ang Adobo.

Napabuntonghininga na lang ako, ibinalik ko ang pera ko sa aking wallet. Pinipilit ko kasing bayaran 'yong in-order niyang pagkain para sa'kin.

Ayoko lang  naman isipin ng iba na inaabuso ko ang kabaitan ng mga taong nakapaligid sa akin.

Imbes na makipag pilitan pa sa kanya, kumain na lang din ako.

"By the way, How's Trevor?" tanong niya.

Uminom muna ako sa aking soda bago sagutin ang tanong niya.

"Siyempre malungkot siya at pagod." Napabuntonghininga ako nang malalim, iniisip na sana ay mahimbing pa rin ang tulog ni Trevor.

He deserves to rest. Maraming oras ang iginugol niya noon sa pagpasok sa review center, nakakapagod kaya 'yon. Puro aral lang siya at walang pahinga sa halos isang taong pagre-review para lang mag-top sa bar exam. Tapos hindi pa man tapos ang exam, sumunod namang pinagkaabalahan niya ay ang Daddy niya.

I'm guilty that I wasn't by his side the time his father died. Sigurado akong napakasakit no'n para sa kanya.

"Grabe 'no? Napaka-unexpected din talaga 'yong nangyari, parang kailan lang nakikita ko pa si Tito Terrence na sobrang lakas, tapos ngayon, wala na siya," malungkot niyang sambit. "Kawawa naman si Trevor," dagdag pa nito.

Nagpatuloy lang kami ni Lari sa pagkain. Nagkuwentuhan kami tungkol kay Trevor hanggang sa oras na para mag-training.

Pareho kaming na-assign sa night shift ni Lari for the whole internship, 'di nga lang kami pareho ng ward.

Itinuturo ng supervisor ko sa akin ngayong gabi, kung paano ang tamang pagkuha ng dugo sa isang pasyente, for blood test. 

Pinapanuod ko siya habang dini-demo sa'kin kung paano ito gawin sa totoong tao.

"Relax, dear, mabilis lang 'to" ani Doktora gamit ang kalmadong boses sa dalagang pasyente.

May idea na ako kung paano ang mga tama at dapat gawin sa pagkuha ng dugo sa isang pasyente, although hindi ko pa siya nagagawa sa totoong tao.

"Next week, I'll let you do it. I'll be watching you," ani Doktora Honey habang naglalakad kami sa hallway. Ang tinutukoy niya ay ang itinuro niya sa akin kanina.

Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango.

"Yes, Doc," magalang kong sagot at ngumiti ng kaonti.

"Alright, I guess that's for tonight. See you tomorrow." She then pat my shoulder and left.

Humihikab ako habang binubuksan ang kandado ng pintuan sa bahay. Pagkapasok, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Hating-gabi na nang matapos ang training ko ngayon. Usually, apat o hanggang limang oras ang training.

Pagkapasok naman sa kuwarto ay nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng kama at kinuha ang tuwalya bago pumasok sa banyo para maligo.

Hindi na ako makakapunta kina Trevor ngayon, inaantok na rin talaga ako at saka isa pa sobrang late na rin, dadalaw na lang ulit ako doon bukas bago pumuntang ospital.

Pagkatapos maligo at magbihis ng pantulog, dumiretso naman ako sa harap ng salamin para magsuklay.

Habang nagsusuklay, nakita ko mula sa salamin ang pag-ilaw ng cellphone kong nasa ibabaw ng unan ko.

Taka naman akong tumayo at lumapit doon. Tinignan ko ang orasan at halos ala-una na nang madaling araw.

Sino pa kaya ang posibleng tatawag sa akin sa ganitong oras? Natigil naman ang pagtataka ko nang makitang si Trevor ang tumatawag. Agad kong dinampot ang cellphone ko at agad itong sinagot. Umupo ako sa kama at isinandal ang likod sa head rest nito.

Trevor's bloodshot and worn eyes greeted me on the screen. Medyo madilim kung nasaan siya ngayon, pero kita pa rin naman ang mukha niya.

"Why didn't you wake me up earlier, when you left?" He said huskily, kakagising lang yata.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang marinig ang boses niya.

Kahit bakas sa mukha ang puyat at pagod hindi pa rin maaalis na guwapo talaga  siya.

"And why are you smiling?" aniya sa mapaglarong boses.

Humalakhak ako. "Nothing... I just miss you," sambit ko sa malambing na boses. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"I missed you too. Can I see you?" aniya.

"Gabi na... Bukas na lang." Nginitian ko siya.

Trevor pouted. "Sige na, babe. I want to feel your hug kahit sandali lang," aniya.

Pabiro akong umirap sa kanya. Miss ko na rin siya. Sobra.

"Okay fine, kaso baka wala ng sasakyan," nag-aalangan kong sinabi.

"It's okay… I'm outside." Naniningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"Outside?" sabi ko sa nagdududang boses.

"Outside… your house." Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko. Agad akong nagtungo sa gilid ng bintana para silipin kung totong nando'n nga siya.

Napasapo ako sa noo ko nang makita ko siyang nakasandal sa poste ng street light.

"Ikaw talaga!" singhal ko. Humalakhak lamang siya.

Agad akong bumaba para puntahan siya.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad na agad siya sa akin.

"Bakit pumunta ka p-" Naputol ang panenermon ko sana sa kanya nang walang pasubali niya akong hinagkan.

Ramdam ko ang higpit nito kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.

Sa bahay natulog si Trevor nang gabing 'yon.

Makalipas pa ang ilang araw ay nilibing na rin ang ama ni Trevor.

Dalawang araw, makalipas ang libing ay nagulat ako nang bumisita sa bahay si Tita Andrea.

"Alexandria…" tawag nito.

Hindi ko nagawang tumingin sa kanya, abala ako sa pagbabasa sa iniabot niya sa aking white envelope.

Isa itong imbitasyon mula sa isang sikat na Law firm company sa Chicago. Sumaya ang puso ko pagkabasa nito, ito 'yong company na pangarap pasukan ni Trevor sa ibang bansa!

Oh my God! Sobrang saya ko!

Nakangiti akong bumaling kay Tita Andrea, ngunit kumunot ang noo ko nang nakita ang pagkislap ng kanyang mata dahil sa mga namumuong luha.

"T-Tita…" kinakabahan kong sambit.

"Hija, alam mo namang pangarap ito ni Terrence para sa kanya hindi ba?" aniya sa nanginginig na boses.

Hindi ako nakapagsalita. Alam ko 'yon. Nanatili akong nakatitig kay Tita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ayaw tanggapin ni Trevor ang imbitasyong 'yan… dahil ayaw ka niyang iwan dito Alex," mahinang sambit niya.

Doon parang tinusok ang puso ko. Suportado ko si Trevor sa pangarap niyang ito pero hindi sumagi sa isip ko ang katotohanang sa ibang bansa nga pala ito… ibig sabihin… magkakalayo kami…

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil may pakiramdam na ako sa totoong dahilan niya kung bakit siya nandito ngayon, kung bakit siya ang nagsasabi ng bagay na ito sa akin at hindi si Trevor mismo.

Hinawakan ni Tita Andrea ang nanginginig kong mga kamay.

"Alex… nakikiusap ako…  pakiusap… pakawalan mo muna ang anak ko," halos pabulong na sambit ni tita, subalit napakalinaw sa pandinig ko.

Tuluyan  na akong nanghina nang mapagtantong tama ang nasa isip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status