KINABUKASAN ay tuluyan na nga akong na discharge. Dapat sana ay kahapon pa. Kaya lang ay masyadong OA ang bayaw ko. Doctor din kasi ang asawa ng Ate Czyrah ko kaya nagawa niyang pakiusapan ang dakteeer kwak-kwak na nag-asikaso saakin.
Sinabi niya kasi rito na kailangan ko pa raw magpahinga kaya't napilitan akong mag-stay muna ng ilang oras pa sa hospital. At ayon sa narinig kong pag-uusap nila kahapon ay matagal na nga silang magkakilala ni Kuya Andrew.
Samu't-saring katanungan ang bumalatay sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mahanap ang rason kung bakit masyadong mainit ang dugo saakin ng doctor na iyon. At kulang na lang ay kaladkarin niya ako palabas ng hospital.
Nagtataka rin ako kung paano ba sila naging magkasundo ng bayaw ko gayu'ng sobrang bait nito saakin samantalang ang doktor kwak-kwak naman na 'yon ay napakasamang nilalang. Marahil ay sa kaguwapuhan niya lang nalamangan ang kuya ko.
Kahit tanghaling tapat na ay mas pinili ko na lang ang magmukmok sa aking kuwarto sa halip na pumasok ng opisina.
Pinipilit ko ang aking sarili na iwaksi ang mga kalandiang kanina ko pa iniisip subalit mapang-asar talaga ang mga brain cells ko. Kinukulit nila akong pairalin ko raw ang curiosity chuvanes ko!
Sa totoo lang, kahapon pa talaga ay kating-kati na itong dila ko na tanungin si Kuya Andrew tungkol sa guwapong dakteer na 'yon. Subalit sa awa ng diyos ay napigilan ko pa naman ang aking sarili. Baka kasi isipin pa ng kupal na 'yon na crush ko siya.Naku! paniguradong mapapahiya na naman itong beauty ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip para sa aking kalandian ng biglang tumunog ang aking pinakamamahal na cellphone. Balak ko sanang balewalain na lamang iyon. Subalit nang sulyapan ko ang screen nito at maaninagan kong si daddy ang tumatawag ay mas mabilis pa sa alas kuwatrong dinampot ko iyon.
"Dad." Kunwari ay inaantok kong tugon.
"Where are you Czarina?"Iritadong tanong niya saakin sa kabilang linya.
Batid kong galit siya. Dahil sa tuwing tatawagin niya ako sa aking pangalan, ibig sabihin no'n ay may mali na naman akong ginawa. Simula pa man kasi noon ay bunso or baby ang tawag niya saakin, lalo pa kapag naglalambing ako sa kanya.
"Nandito ako sa condo ko dad!" Napipilitan kong sagot.
"Don't tell me na wala ka na naman balak na pumasok ngayon!" Mariing wika nito na batid kong kunot na kunot na naman ang noo dahil sa sobrang iritasyon.
"Dad naman!" Reklamo ko. "Bukas na lang ako papasok. I'm not feeling well today eh! And Kuya Andrew told me na kailangan ko pa raw ng mahabang pahinga." Pagdadahilan ko sa kanya.Sa isip ko ay taimtim akong nagdarasal na sana'y paniwalaan ni dad ang aking mga kaartehan at kasinungalingan sa buhay.
"Ano ka ba naman!"Halos mabingi ako sa biglaan nitong pagsigaw sa kabilang linya." Pa'no ko ipapamana sa'yo ang kompanya kung palagi ka na lang nagkakaganyan?"
"Ano na naman ba ang kalokohang ginawa mo kahapon? Hindi ba't ilang beses na kitang pinaalalahanan na aayusin mo palagi ang ang pagmamaneho. Kailan mo ba talaga balak na magpakatino huh?" Sunod-sunod na sermon ni dad na animo'y miyembro ng S.O.C.O kung makapag-imbestiga. Kaunti na lang talaga at iisipin ko ng siya ang aking ina. Daig niya pa kasi si mommy kung magsermon eh.
"Dad, isa-isa lang naman oh!" Lakas loob kong reklamo sa kabila ng paghuhuramentado niya. "Oo na! Kumalma kana dad. Pangako, magbabago na 'ko."Pang-aasar ko pa.
"Tsk! Kailan mo ba balak na ayusin ang buhay mo? Bente-singko kana Czarina pero wala ka ng ibang inatupag kundi puro pagliliwaliw lang!"Ani dad na halatang sukdulan na ang galit saakin.
"Ang harsh mo naman magsalita dad!"Patuloy na pagrereklamo ko.
"Make sure na papasok kana bukas huh! Kailangan na maayos kaagad ang shares ko sa kompanya dahil kung hindi ay tuluyan na itong kakamkamin ng Tita Celeste mo."Ani dad na biglang naging malungkot ang tono ng pananalita.
"Yes dad!" Maikling tugon ko.
Hindi na siya sumagot pang muli. Marahil ay busy na ito kaya't pinindot ko na lang ang end button.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos kong makipag-usap kay dad. Ang kaninang pagmumuni-muni ko at ang kalandiang iniisip ko ay napalitan nang isang malalim at mas magulong pag-iisip.
Nais kong ako mismo ang magpatalsik kay Tita Celeste sa aming kompanya. Subalit wala man lang akong ideya kung paano ko gagawin 'yon.
Pakiramdam ko ay ako na ang pinakabobong corporate lawyer sa buong mundo. Minsan ko na ring sinubukang kwentahin kung ilang porsyento lang ba talaga ang abilidad na nakapaloob sa kaluluwa ko. Kaya lang ang masaklap ay halos madismaya ako sa naging resulta.
Hindi ko lubos akalain na out of one hundred percent ay ten percent lang pala ang talino na mayroon ako. Ten percent din siguro ang kasipagan ko and those remaining percentage ay lahat napunta na sa kagandahang taglay ko.
charrrr!!
Balita ko kasi ay balak ni Tita Celeste na bilhin sa mataas na halaga ang shares ni daddy sa kompanyang pinaghirapan niya at halos buong buhay niya ay inilaan niya na rin doon. Kaya't heto, problemado kaming lahat sa nangyayaring kaguluhan sa aming kompanya dahil sa impaktang kabit ni dad.
Hinding-hindi ako papayag na si daddy pa ang unang aalis sa sarili niyang kompanya. Kaya't buo na ang desisyon kong gawin ang lahat para lamang maisalba 'yon. Mahal na mahal ko si dad. Kahit pa nga nagawa niyang lokohin si mommy, eh hindi ko naman kakayanin na makita siyang nahihirapan dahil lamang sa kasakiman ng kanyang kabit.
Simula kasi ng malaman namin na si Tita Celeste pala ang bagong kinakasama ni dad ay nagkanda letse-letse na ang aming buhay. Unti-unti na rin kaming nalulugi dahil sa ginagawang pagnanakaw ng babaeng 'yon sa pondo ng kompanya.
Huli na rin nang mapag-alaman 'yon ni dad. Napaniwala siya sa mga kasinungalingan ng impaktang 'yon.Kaya naman maging ang mga anak niyang sina Kuya Andrew at Ate Claire ay itinakwil na rin siya. Tanging ang bunsong anak niya na lang na si Ardie ang nagtitiyaga sa ugali niya.
Ang hirap niya kasing patalsikin sa ngayon dahil patuloy niya pang nalulusutan ang kanyang mga kasalanan. Maraming empleyado na rin ang nasisante dahil sa kahayupan at kasakiman niya.
Simula kasi sa pagiging sekretarya ay kaagad na napromote ito bilang Vice President dahil sa magaling niyang pang-aakit kay dad.
At dahil marupok naman si daddy at napabayaan na ni mommy, ayon naghanap ng ibang putahe. Sa kasamaang palad nga lang ang napili niya ay ang pisteng menu ng baliw na si Tita Celeste.
HINDI na ako mapakali matapos ang pagtawag ni dad. Ang dami kong plano subalit ang hirap naman gawin ng mga proseso.
I'm so damn gorgeous para lang stressin ang sarili ko. At sadyang hindi talaga bagay saakin ang mag-isip ng kung anu-anong mga negatibong bagay.
Gaya nga ng sinabi ni dad, puro lang daw pagliliwaliw ang alam ko kaya oras na siguro para pumunta ako ng bar. Doon na lang ako magrerelax at mag-iisip ng mga kailangan kong gawin para makatulong ako kay dad.
Dali-dali akong bumangon at patakbo kong tinungo ang banyo para maligo.
Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay kaagad kong dinampot ang susi ng aking kotse. Mag-isa na lang akong iinom sa bar para walang mga plastic na kaibigan na iistorbo saakin.Iniwanan ko na rin ang aking cellphone para walang kahit na sinong Poncio Pilato ang tumawag.
Ilang minuto pa ay narating ko na ang "THE BEATTLES" bar na madalas naming puntahan ng mga kaibigan ko. Isa 'yon sa maaliwalas, malawak at sosyal na bar dito sa kamaynilaan.
Palibhasa ay kabilang rin sa mga plastic kong kaibigan ang isang waiter at bartender doon kaya walang pakimerot na nagtuloy-tuloy ako sa counter para lang mang-istorbo sa mga naroon.
Maya-maya pa ay inukopa ko na ang isang bakanteng mesa na naroon. Na-iserve na rin saakin ang inumin na inorder ko. Akmang sisimsimin ko na ang aking martini ng mapatda ako at matuon ang atensiyon ko sa lalaking kunot noong nakatayo sa tapat ng mesa.
"Why the hell are you here?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Pati ba naman dito ay sinusundan mo ako?"
"Baliw ka ba? Or sadyang stalker lang kita?"
Sunod-sunod na tanong ko sa kanya kasabay ng paulit-ulit kong pag-irap.
Pakiramdam ko ay naulit na naman ang eksenang ako lang ang panay dakdak samantalang ang kausap ko ay wala man lang kahit isang letra na binigkas. At kung sakali man na biglang mag-iba ang ihip ng hangin at sipagin siyang sumagot ay sobra namang ikli at puro pa kapilosospohan.
"Hoy Mr.Kupal! Ano ba kasing ginagawa mo ritong letse ka!" Puno ng kuryosidad kong tanong sa kanya. Hindi man lang siya natinag sa kanyang kinatatayuan. At nahagip pa ng tingin ko ang pag-galaw ng kanyang adams apple na siyang lalong ikinairita ko.
"Iinom! Alangan naman na manggamot ako dito."Pangangatwiran niya.Dahilan upang mas lalo akong magngitngit sa galit.
"Eh di maghanap ka ng sarili mong mesa! Huwag dito, dahil binayaran ko ito."
Sa halip na sagutin ako ay pabagsak niyang inilapag ang isang malaking bote ng delight saaking harapan.
"What the fuck?" Naihilamos ko pa ang aking kanang kamay matapos kung makita ang paborito kong yoghurt drink.
"Ano bang kalokohan ito Mr. Kupal? Nag-aasar ka ba?"
Naiinis kong bulyaw sa kanya. Mabuti na lang at maingay doon. Busy rin ang mga tao sa dancefloor kaya naman hindi nila marinig ang pagsigaw ko.
"Alak ang iniinom dito at hindi yoghurt drink!"Mariing sambit ko na siyang naging dahilan ng lihim niyang pagngiti. Ngunit kaagad ring napawi 'yon ng mahalata niya ang pagmamasid ko.
Hindi niya na naman sinagot ang mga katanungan ko. Bigla na siyang tumalikod para iwanan na ako subalit nakakaisang hakbang palang ito ay muli na namang pumihit pabalik at kunot noo pa ring nagsalita.
"That's yours!"
Pagkasabi no'n ay mabilis na niyang tinalunton ang daan palabas ng bar. Nang ako na lang mag-isa ang naiwan ay nahulog na naman ako sa isang malalim na pag-iisip. Buong akala ko ay makakalimutan ko ang mga problema ko subalit heto at muli na naman itong nadagdagan.
Bandang huli ay naalala kong dinala nga pala ni Ate Czyrah sa hospital ang lahat ng pinamili ko no'ng isang araw. Marahil ay ito ang delight na pinag-agawan namin ni kupal. At sa kasamaang palad ay naiwan ko pa rin ito sa hospital.
Sadyang bihasa nga siya sa larangan ng pang-aasar dahil talagang hinintay niya pa na pumunta muna ako sa bar bago niya 'yon ibinigay saakin.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Kailangan ko na talagang magpakita kay daddy. Dahil baka sumabog na ang bumbunan no'n sa galit at tuluyan na ngang makalbo sa konsumisyon saakin at sa kompanya.Aligaga ako sa pag-aayos ng aking sarili nang biglang tumunog ang aking cellphone. Gaya ng nakagawian ko ay sinisilip ko muna kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen.It was Mr. Allejo! A President of Allejo Group of Companies.A week ago ay nag-offer siya saakin na magtrabaho sa kanyang kompanya. No'ng una ay tinanggihan ko ito sa kadahilanang ayaw kong iwanan si dad lalo pa't nakalagay ngayon sa alanganin ang aming kompanya.Minsan ko na ring nabanggit ang offer na iyon ni Mr. Allejo sa aking Kuya Andrew and he told me that he knows Mr. Allejo very well.Childhood bestfriend niya daw ang anak
SADYANG kay bilis ngang lumipas ng mga araw. Heto at isang buwan na rin pala akong nagtatrabaho sa Allejo Group of Companies. Sa una ay hindi maipagkakailang halos mangapa talaga ako sa kung anong dapat kong gawin at unahin. Kalauna'y medyo nasanay na rin ako.Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin maka-get-over si dad sa pag-iwan ko sa aming kompanya. Isang buwan niya na rin akong hindi pinapansin. Sa tuwing pupuntahan ko naman siya sa office ay laging sinasabi ng sekretarya niya na wala siya at nasa meeting.Hinayaan ko na lang muna si dad. Alam ko naman na darating din sa puntong magiging okay ang lahat.Ngayon ay nasa meeting ako with Mr. Cojuangco. Isa sa mga shareholder ng kompanya ni Mr. Allejo.May katandaan na rin ito. At dahil sa taglay kong kaartehan, ang pinaghalong amoy matanda at masangsang n
IT was saturday morning. Kaya't naisipan kong dumaan muna sa office ni dad. Kapag ganitong araw kasi ay hindi siya masyadong busy kaya't walang dahilan para pag taguan niya ako.Pagpasok ko pa lang sa pinto ng kanyang opisina ay nakakunot na noo at lukot na mukha kaagad ni dad ang aking nabungaran. Mas lumala pa ang hindi kanais-nais niyang awra nang mapansin ang aking presensiya."Good morning dad!" Masiglang bati ko sa kanya. Bagama't hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, niyakap ko pa rin ito at pinupog ng halik sa pisngi.Baka sakali lang na mapangiti ko siya at muli niya na akong kausapin.Subalit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinauupoan. Pakiramdam ko ay mas lalo pa ngang nadagdagan ang kanyang sama ng loob saakin.Nakangusong humiwalay ako ng yakap nang wala akong makuhang tugon mula sa aking ama.
NAKAKABINGING katahimikan ang bumalot saamin sa loob ng sasakyan. Pagkatapos kasi namin mag-almusal ay mismong si Mr. President na ang nanggalaiting ihatid ako ni Paul sa condo unit ko. Hindi naman umangal ang kupal kaya't heto at nakasakay ako sa kanyang mamahaling kotse.Hinihintay ko lang siyang kibuin ako at magpaliwanag saakin kung bakit gano'n ang mga sinasabi ng kanyang ama. Subalit tila wala itong balak na magsalita.Naglakas loob na akong basagin ang katahimikan. Hindi talaga kasi ako mapakali tuwing naaalala kong sinabi ni Mr. President na fiancee ako ng anak niya."Hoy! Mr. Kupal!" Bulyaw ko sa kanya.Sinulyapan niya lang ako at muli ng itinuon ang paningin sa unahan habang seryosong nagmamaneho."Ano! Wala ka man lang bang balak diyan na magsalita?" Muli ay sig
KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan dahil sa sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan sa labas ng condo unit ko. Naiinis na sumilip ako sa bintana upang alamin kung sino ang may kagagawan ng ingay na iyon.Napakunot noo ako nang matanaw ko si Paul na nakasandal sa may kotse ko.Balak ko sana siyang bulyawan subalit ngayon ko lang din naalala ang maganda kong kotse. Naiwan ko nga pala ito sa parking lot ng The Beatles no'ng isang gabi na malasing ako. Marahil ay si Paul din ang nagmaneho nito patungo sa bahay nila.Aligaga akong nagsipilyo at nagsuklay. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na tinungo ko ang pintuan upang pag buksan ang guwapong nilalang na nasa labas.Bahagya pang umawang ang aking labi nang tuluyan na siyang makalapit saakin. Ang bango niya kasing tingnan sa kanyang suot na itim na t
ISANG linggo na rin ang matulin na lumipas simula nang magpanggap kami ni Paul bilang magkasintahan.Naririto kami ngayon sa isang botique. Sinamahan niya akong bumili ng damit na aking susuotin mamaya para sa kanilang family dinner. Naisip kasi namin na ito na ang tamang pagkakataon upang pormal niya akong maipakilala sa kanyang pamilya.Bagama't ako'y kabado, pilit ko pa ring kinukumbinsi ang aking sarili na maging kalmado. Ni-minsan kasi ay hindi man lang ako nagkaroon ng ideya kung paano ako makikitungo sa ina ng kupal na ito. Sa kadahilanang tanging si Mr. President pa lang ang nakikita at nakakausap ko."Hey! Are you done?" Bahagya pa akong napaigtad ng bigla siyang magsalita mula sa aking likuran."Yeah!" Maagap kong sagot. Nabaling ang kanyang paningin sa hawak kong cocktail dress. Napakunot noo pa ito nang mapansing malaki
HALOS mabasag na ang kawawang kopita dahil sa mariing pagkakahawak ko rito. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyaring matinding pagpapalitan namin ng masasakit na salita ni Mrs. Allejo. Maging si Paul ay ilang araw na rin na hindi ko kinikibo. Masama pa rin kasi ang loob ko sa kanya.Narito kami ngayon sa The Beattles Bar. As usual, kasama ko na naman ang mga kaibigan kong plastik na walang ibang ginawa kundi ang makiusyuso sa buhay ko.Ilang araw na rin akong nagmumukmok dito sa bar. Wala akong ibang maisip na paraan kundi ang uminom na lang upang kahit paano ay makalimutan ko ang problema ng kompanya. Pakiramdam ko kasi ay wala ng pag-asang maayos ko pa ito lalo pa't matindi ang galit saakin ng ina ni Paul."So, what's your plan bitch?" Lakas loob na tanong saakin ni Eula."Wala." Matabang
ALAS singko pa lang ng umaga ay ginising na ako ng pangit na tunog ng letseng door bell ko.Nakasimangot na bumangon ako at wala sa sariling binuksan ko ang pintuan."What the hell is wrong with you?" Kaagad na naibulalas ko ng mukha ni Paul ang tumambad saakin."Oh, may mali na naman ba akong nagawa? Don't tell me na kakagising lang!"Aniya na bahagya pang itinaas ang kilay."Fuck you! Hindi mo ba alam na ang aga mong nambulabog? Ang sarap pa sana ng tulog ko eh!"Singhal ko sa kanya."Tsk! Wala ka man lang bang balak na papasukin ako sa loob?" Nang-aasar niyang tanong saakin."Wala! Bahala kang mamuti ang mata mo sa kakahintay saakin diyan sa labas!" Pabagsak kong sinaraduhan ito ng pinto."Baka puwedeng bilisan mo naman! Kanina pa nagagalit sa'kin ang Ate Czyrah mo!"Malakas niyang hiyaw