Share

Chapter Five

                   IT was saturday morning. Kaya't naisipan kong dumaan muna sa office ni dad. Kapag ganitong araw kasi ay hindi siya masyadong busy kaya't walang dahilan para pag taguan niya ako. 

Pagpasok ko pa lang sa pinto ng kanyang opisina ay nakakunot na noo at lukot na mukha kaagad ni dad ang aking nabungaran. Mas lumala pa ang hindi kanais-nais niyang awra  nang mapansin ang aking presensiya.

"Good morning dad!" Masiglang bati ko sa kanya. Bagama't hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, niyakap ko pa rin ito at pinupog ng halik sa pisngi.Baka sakali lang na mapangiti ko siya  at muli niya na akong kausapin.Subalit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinauupoan. Pakiramdam ko ay mas lalo pa ngang nadagdagan ang kanyang sama ng loob saakin.

Nakangusong humiwalay ako ng yakap nang wala akong makuhang tugon mula sa aking ama.

Gusto ko ng umiyak dahil pakiramdam ko ay habangbuhay niya na nga akong kamumuhian.

Akmang magsasalitang ulit ako ngunit naunahan niya ako.

"I have to go!" Walang buhay niyang tugon at mabilis na dinampot ang coat na nakasampay sa kanyang swivel chair. Walang lingon-likod na nilisan niya ang kanyang opisina. Ako naman ay mariing nakatanaw lang sa papalayo niyang bulto.

Napailing na lang ako at kapagkuwa'y minasahe ang aking sentido na para bang sa gano'ng paraan ay maglalaho ang bigat na nakadagan sa aking dibdib.

Nanghihina akong napaupo.Pinilit kong abutin ang aking shoulder bag at kinapa ko doon ang delight yoghurt drink na paborito kong inumin tuwing may problema ako.

Nakasanayan ko nang ang isang 400ml na delight ay diretso kong lalagukin para lang gumaan ang aking pakiramdam.

Ginugol ko ang buong maghapon ko sa pag-stay sa office ni dad. Tinawagan ko na lang si Mr. CEO at ipinaalam ko dito na hindi muna ako papasok ngayon.Dahil sobrang sama ng pakiramdam ko at kaagad ko naman itong napapayag.

Medyo naiilang pa rin kasi ako sa kanya. The last time kasi na nag-usap kami ay nang sabihin niya pang magpakasal kami.

Hanggang ngayon ay hirap pa rin akong e-proseso 'yon sa magulo kong isipan.

Ewan ko ba, pero hindi ko naman maipagkakailang bahagya ring kinilig ang maliit na parte ng apdo ko nang sabihin niya 'yon.Subalit mas nanaig pa rin ang pagtataka at pagdududa ko patungkol sa kanyang tinuran.

Nang sumapit ang alas sais ng hapon ay napagdesisyunan ko na lang na umalis sa office niya. Batid kong sinadya niyang huwag ng bumalik para lang patuloy akong iwasan.

Tinawagan ko muna ang mga plastik kong kaibigan na sina Eula at Beryl para yayain silang muli na mag bar. Medyo matagal-tagal na rin kasi kaming hindi umiinom kaya't naisip kong angkop nga ito sa pinagdadaanan ko ngayon.

After a few minutes ay pareho ko silang napapayag. Kaya naman ay halos takbuhin ko na ang patungong parking lot dahil sa sobrang excitement.

Sumisipol pa ako habang binubuksan ang pinto ng driver seat. Nang tuluyan akong makapasok ay binuksan ko pa ang stereo na naroon at nakangiti kong sinasabayan ang magandang awitin ni Zayn Malik.

Climb on board

We'll go slow and high tempo

Light and dark

Hold me hard and mellow.

Pumipikit-pikit pa ang aking mga mata habang sinasabayan ang intro ng kanyang kantang pillowtalk.

I'm seeing the pain, seeing the pleasure

Nobody but you, 'body but me

'Body but us, bodies together

I love to hold you close, tonight and always

I love to wake up next to you

I love to hold you close, tonight and always

I love to wake up next to you

So we'll piss off the neighbors

In the place that feels the tears

The place to lose your fears

Yeah, reckless behavior

A place that is so pure, so dirty and raw

In the bed all day, bed all day, bed all day

Fucking in, fighting on

It's our paradise and it's our war zone

It's our paradise and it's our war zone.

Ewan ko ba, pero ang sarap talaga pakinggan ng boses ni Zayn Malik. Of all  members of One Direction kasi ay siya talaga ang pinaka-crush ko. Maging ang gallery ko ay puno rin ng larawan niya.

Pillow talk

My enemy, my ally

Prisoners

Then we're free, it's a thin line

I'm seeing the pain, seeing the pleasure

Nobody but you, 'body but me

'Body but us, bodies together

I love to hold you close, tonight and always

I love to wake up next to you

So we'll piss off the neighbors

In the place that feels the tears

The place to lose your fears

Yeah, reckless behavior

A place that is so pure, so dirty and raw

In the bed all day, bed all day, bed all day

Fucking in, fighting on

It's our paradise and it's our war zone

It's our paradise and it's our war zone

Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi pa rin nabubura ang ngiti saaking labi. Naisip ko tuloy bigla na sa kabila ng kalungkutan ko ay may mga tao at bagay pa rin na nakapagbibigay saakin ng kaonting kasiyahan.

Una ay ang mga pekeng kaibigan ko na kahit papaano ay nakapagbibigay rin ngiti sa aking labi. Pangalawa ang aking kagandahan na kung iyong titingnan ay mapapahanga ka't mabubuhayan.At higit sa lahat ay ang alak na kahit kaunti lang ay nakapagbibigay saakin ng pansamantalang kaginhawahan.

Maya-maya pa ay narating ko na ang THE BEATLES. Kaagad akong nagretouch at muli kong tinawagan ang mga plastic kong kaibigan.

"Bitch! Nasa'n kana ba?"Pambungad na tanong ni Eula sa kabilang linya .

Halos mabingi na ako sa matinis niyang boses kaya't naiinis ko siyang minura.

"Fuck you bitch!"

"Nasa labas na ako ng bar, kaya huwag kanang masyadong atat diyan."Nakairap kong sagot.

Nasa may pintuan pa lang ako ng bar ay natatanaw ko na ang aking mga kaibigan.

Buong akala ko ay sila lang ang naroon. Subalit kaagad akong natigilan nang mapagsino ko ang dalawang lalaking kasama nila.

It was Mr. Clark Ledesma and Mr. Eduard Pascual. Parehong investors ng Allejo Group of Companies.

Hindi ko lubos maisip na nandito rin pala ang mga manyakis na matandang ito.

Ang kaninang kasiyahan na aking nararamdaman ay biglang napalitan ng kalungkutan. Parang ayaw ko na lang dumiretso sa table nila. At nawalan na rin ako ng ganang uminom pa.

Kung si Mr. Ledesma lang naman amg makakasama ko ay mas nanaisin ko pang umuwi na lang at matulong ng mahimbing sa aking kuwarto.

Akmang tatalikod na ako at balak ko na lang sanang  takasan ang aking mga kaibigan nang biglang mahagip ng aking tingin ang lalaking naroon at pinagkakaguluhan ng mga kababaehan sa dance floor.

"Holy shit!"

Mahinang bulalas ko ng mapag-alaman kong si Mr. Kupal pala iyon.

Ang lintik na CEO talagang ito ay napakalandi. Buong akala ko ay nasa opisina niya at nagpapaka-busy sa mga papeles. Pagkatapos ay nandito rin pala at nagliliwaliw.

Naiinis na inilang hakbang ko ang puwesto kung saan naroon sina Eula at Beryl. Pilit ang ngiting nakipagbeso ako sa kanila.

Sinadya kong umupo sa pagitan nila Mr. Ledesma at Mr. Pascual kung saan ay eksaktong maaabot ako ng tingin ni Mr. CEO.

Kilig na kilig naman ang dalawa kong kaibigan habang nakikipagkuwentuhan sa dalawang gurang na ito.

Thirty four years old na kasi itong si Mr. Pascual at thirty two naman si Mr. Ledesma. Parehong binata pa dahil panay kalandian lang ang inaatupag sa buhay.

Halos isang oras na ang matuling lumipas simula dumating ako.Sa totoo lang ay naboboryong na ako sa kanilang usapan. Puro pagtango at pagngiti lang ang ginagawa ko. Ang buong atensiyon ko ay naroon sa tequila na kanina ko pang sinisimsim. Medyo lasing na rin ako kaya't nang yayain ako sa dancefloor ni Mr. Ledesma ay kaagad akong pumayag.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Subalit hindi ko mahagilap kung nasaan na ba ang anino ni Mr. CEO.

"Looking for someone?" Tinig iyon ni Mr. Ledesma mula sa aking likuran.

Naiilang na umiling ako at pilit ko siyang nginitian.

"Let's dance?"Muli niyang alok. Nagpatianod na lang ako at maya-maya pa ay naroon na kami sa gitna ng dancefloor habang sabay kaming umiindak sa  malamyos na musika.

Hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng oras. Mukhang umeepekto na rin saakin ang tequilang ininom ko kanina.Nakaramdam na rin kasi  ako nang labis na pagkahilo subalit binalewala ko na lang iyon.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya saakin.

"Am okay! Napagod lang siguro ako sa pagsasayaw."Pagdahilan ko sa kanya 

"Maupo na kaya tayo." Aniya.

"Then, ihahatid na kita sa condo mo kapag okay na ang pakiramdam mo." Muli niyang sambit. Hindi ko na siya sinagot pa dahil wala na rin akong lakas para magsalita pa.

Akmang papangkuin niya na sana ako pabalik sa aming mesa. Subalit may mga kamay ng humila sa aking braso.

"What the hell are you doing dude!"

Anang isang galit na tinig. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam kong si Paul iyon.

Hindi ko na alam pa ang sumunod na mga pangyayari dahil tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

             NAALIMPUNGATAN na lang ako dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng silid na aking hinihigaan.Pupungas-pungas akong bumangon at tamad na bumaba ng kama.

Nahagip ng tingin ko ang alarm clock na nasa bed side table. It's already ten in the morning. Nagpalinga-linga ako sa paligid nang mapagtanto kong hindi saakin ang kuwartong iyon. Maging ang amoy na nanunuot sa aking ilong ay hindi pambabae.

Napahawak ako sa aking ulo at pilit na inalala ang mga nangyari kagabi.

Napabuntong hininga na lang ako ng maisip ko ang kagaguhang ginawa ko kagabi. Malamang ay nasa bahay ako ni Mr. CEO o di naman kaya ay sa bahay ni Mr. Ledesma.

Tinitigan kong maigi ang aking sarili  sa malaking salamin na naroon sa silid na 'yon. Kinapa ko ang aking mukha at sinipat ang aking leeg at baka may kung anong marka doon. Subalit laking pasasalamat ko ng wala akong makita.

Maging ang aking boobs, ang aking pang-upo at higit sa lahat ay ang iniingatan kong perlas ay pinakiramdaman ko kung may masakit ba o kung may kakaiba rito. Napangiti akong mag-isa sa isiping napaka-gentleman naman pala ng taong nagdala saakin dito.

Lalabas na sana ako ng silid nang mapansin kong may gamot at isang baso ng tubig sa bed side table. Kalakip nito ang isang sticky note. Dali-dali kong dinampot at binasa 'yon.

"Good morning Attorney!"

      Incase na mabasa mo ito, ibig sabihin ay nasa gym na ako.May dalawang advil akong iniwan sa table. Inumin mo 'yon para mawala ang pananakit ng ulo mo.

Paul💕

Napahawak ako sa aking pang ibabang labi. Ibig sabihin ay si Mr. CEO nga ang naghatid sa'kin kagabi. At dito niya ako dinala sa kanyang condo.

Nagmamadali  'kong dinampot ang gamot at pagkatapos kung inumin 'yon ay hinagilap ko ang aking bag. Mabilis akong lumabas ng kuwarto. Wala na rin akong pakialam kung hindi pa man ako naliligo at nakapaglagay ng kolorete sa aking mukha. Ang mahalaga ay makaalis ako dito.

Pagkalabas ko ng pinto ay natigilan ako ng makasalubong ko si Mr. President. Saka ko lang napagtantong hindi pala iyon basta lang condo unit ni Paul. Isa pala itong mansiyon ng mga Allejo.

Hindi ko alam kung anong aking gagawin at sasabihin nang mga sandaling iyon. Ano na lang ang iisipin ng kanyang ama, gayo'ng doon ako natulog sa kuwarto ng anak niya.

Batid kong namumutla na ako sa takot at kahihiyan. Maging ang aking mga tuhod ay pakiwari ko'y nangangatog na naman.

"Good morning attorney!" Nakangiting bati saakin ni Mr. President.

"Go-good morning din sir!"Nakatungong sagot ko sa kanya.

"Pasensiya kana sa bahay namin. Medyo magulo!"Muli niyang sabi na iminuwestra pa ng kanyang kanang kamay ang mga nagkalat sa sala na gadget at mga  papel .

"Nagbakasyon kasi sa probinsiya si Manang Berta kaya wala kaming katulong ngayon."Patuloy niyang kuwento.

"Naku! Okay lang po 'yon sir.''Pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.

"By the way-" Anang matanda na huminga muna ng malalim bago muling nagsalita. "Ready na ang breakfast mo. Ipinagluto ka ni Paul bago ito umalis kanina."Ani Mr. President na hindi nabubura ang ngiti sa labi.

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso. Pakiwari ko ay matutunaw ako sa mga makahulugang  titig niya.

"Ah, sir,salamat na lang.Sa bahay na lang po ako kakain." Nakangiting pagtanggi ko sa alok niya.

"Sus! Ano ka ba? sayang naman ang mga niluto ni Paul. Baka magtampo 'yon kapag hindi mo man lang tinikman ang mga 'yon."Patuloy niyang pangungumbinsi.

Paniguradong mas dobleng kahihiyan ang aking mararamdaman kong patuloy kong tatanggihan si Mr. President.Kaya kahit naiilang ay sumunod ako sa kanya patungong hapag kainan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bigla akong tanungin ni Mr. Allejo. Kamuntik ko pa ngang maibuga sa kanya ang aking kinakain dahil sa nakakabigla niyang katanungan.

"So, kailan niyo ba balak magpakasal ng anak ko?" Kaswal na tanong niya saakin.

Kaagad kong dinampot ang baso na nasa aking tabi. Inisang lagok ko lang ang laman nitong tubig para naman kahit papaano ay kumalma ako at  makapag-isip ng maisasagot sa kanyang tanong.

"Uhm, sir-" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Paul.

Nakangiti itong lumapit saamin at pasimpleng tinapik ang balikat ng kanyang ama.

Maingat itong naupo sa aking tabi. Ang kanyang ama naman ay habol ng tingin ang ginawa niyang pag-upo at pasimple rin itong sumulyap sa gawi ko.

"Mabuti naman at nandito kana 'nak." Anang matanda.

"Why? Is there any problem dad?" Nag-aalala niyang tanong sa ama.

"Wala naman! Tinatanong ko kasi itong fiancee mo kung kailan niyo ba talaga balak magpakasal kaso-"

"Dad!" Saway niya sa ama.

Pinukol ko ng isang matalim na tingin si Paul nang lingunin ako nito. Subalit hindi man lang ito natinag.Naiinis na rin ako dahil hindi ko talaga maintindihan kung ano ba talaga ang drama niya sa buhay.

Gusto ko sanang hilahin ang dila ng CEO  na ito dahil kung anu-anong kalokohan ang ini-mbento at ang masaklap pa idinadamay ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status