Share

Chapter Thirty Two

                             KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ipagluluto ko muna ng almusal si Paul bago ako uuwi sa bahay. At natitiyak kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang magkikita na sila ng kanyang ama.

Nang matapos ako ay muli akong pumanhik at ginising ko na ang aking asawang mahimbing pang natutulog.

"Baby!" Mahinahon kong pagtawag habang niyuyugyog ang kanyang balikat.

Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At kapagkuwa'y inalalayan ko pang bumangon.

"Good morning Mr. Kupal!" Masiglang bati ko sa kanya. Hinalikan ko pa ang tungki ng kanyang ilong na siya naman'g ikinagulat niya. "Ayan! Ready na ang breakfast mo!" Patuloy kong sambit.

"Salamat!" Tipid niyang tugon.

Akmang kakapain niya na ang mga kubyertos ngunit kaagad ko itong napigilan.

"Ako na! Papakainin muna kita bago ako umalis. Baka kasi magtampo na naman 'yon sa'k

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status