Share

Chapter Four

                            SADYANG kay bilis ngang lumipas ng mga araw. Heto at isang buwan na rin pala akong nagtatrabaho sa Allejo Group of Companies. Sa una ay hindi maipagkakailang halos mangapa talaga ako sa kung anong dapat kong gawin at unahin. Kalauna'y medyo nasanay na rin ako.

Sa kabilang dako naman ay hindi pa rin maka-get-over si dad sa pag-iwan ko sa aming kompanya. Isang buwan niya na rin akong hindi pinapansin. Sa tuwing pupuntahan ko naman siya sa office ay laging sinasabi ng sekretarya niya na wala siya at nasa meeting.

Hinayaan ko na lang muna si dad. Alam ko naman na darating din sa puntong magiging okay ang lahat.

Ngayon ay nasa meeting ako with Mr. Cojuangco. Isa sa mga shareholder ng kompanya ni Mr. Allejo.

May katandaan na rin ito. At dahil sa taglay kong kaartehan, ang pinaghalong amoy matanda at masangsang na amoy ng pabango nito ay siyang naging sanhi upang makaramdam ako ng sakit ng ulo at pagkahilo. Halos maduwal pa ako sa kalagitnaan ng meeting.

Mabuti na lang talaga at biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong dinampot iyon at bigla akong napangiti nang makita kong si Mr. President ang tumatawag.

"Uhm, sir! Excuse me! Let me take this call first." Paalam ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango.

Medyo malayo-layo rin ang hinakbang ko para lang makahinga ako ng maluwang.

Sa katunayan ay dalawang beses muna akong nag-inhale at exhale para lang maiba naman ang hangin na malalanghap ko.

Nag-spray pa nga ako ng alcohol sa buong katawan ko just to make sure na walang kumapit saakin na amoy ni Mr. Cojuangco. Kaya naman sa sobrang pagka-busy ko ay  hindi ko namalayan na naputol pala ang tawag ni Mr. President bago ko pa man iyon nagawang sagutin.

Makalipas ang ilang segundo ay tumawag muli ito.

"Yes, Mr. President?"

"Attorney!" Anito sa kabilang linya.

"How's your meeting with Mr. Cojuangco?" Usisa nito.

"Uhm, okay na okay Sir!Actually, nakakatuwa nga siyang kausap eh. Napaka-open minded niya kasi."Nakangiwing sagot ko. Bahagya ko pang tinapunan ng tingin ang puwesto kung saan kami nag-uusap kanina ni Mr. Cojuangco.

Napakurap ako ng tatlong beses bago ko nasigurong wala na do'n ang matanda.

Ang papalayong bulto niya ang kaagad na nahagip ko nang mag-angat ako ng tingin. Laking pasasalamat ko ng mag tuloy-tuloy na nga ito sa paglalakad.

Kaya't ang kaninang pag ngiwi ko ay mabilis na napalitan ng isang malapad na ngiti sa aking labi.

Sa labis na kasiyahan ko ay parang gusto ko pa nga siyang tawagin upang magpasalamat sa agaran niyang pag-alis eh. 

Maya-maya pa ay napalis din ang malapad na ngiting iyon nang bigla akong tanungin ni Mr. President. Nawala na rin sa isip ko na nag-uusap nga pala kami.

"Did you convinced Mr. Cojuanco?"

"Uhm, not yet sir! Bigla ho kasi siyang umalis dahil may emergency daw sa kanila." Nag-aalangan kong katwiran.Kinakabahan na rin kasi ako sa magiging reaksiyon niya.

Kabilang din si Mr. Cojuangco sa susi upang matulungan ako ni Mr. President na maibalik ang aming kompanya.

"I trust you attorney! Nawa'y huwag mo akong bibiguin huh?"Malumanay subalit halatang may diin sa pagkakabanggit niya.

"Thank you for trusting sir!"

"Don't worry sir, i'll do my best po!" Determinadong sambit ko.

"Good to know that attorney! By the way, gusto ka nga pala'ng  kausapin ng bagong Ceo!" Ani Mr. President.

"Po? As in ngayon na agad?" Gulat kong tanong.

"Pasensiya kana! Ma-atitude kasi ang anak ko na 'yon at sadyang ayaw niya sa lahat ay ang pag hintayin siya ng matagal."

"O-okay. Noted Mr. Presidenr."

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Mr. Allejo. Basta ko na lang pinatay ang tawag niya at nagmamadali na akong lumabas ng building na aming pinagmeetingan.

Mabilis pa sa alas kuwatrong tinungo ko ang parking lot. Kapagkuwan ay agad  kong pinaharurot ang aking minamahal na kotse.

Ewan ko ba pero hindi ko pa man nakikita ang nasabing CEO ay bigla na lang akong na-excite na malaman kung bakit gusto ako nitong kausapin.

Ilang sandali pa ay narating ko na ang kompanya.

Kaagad kong tinawagan si Mimi. Ang sekretarya ng dating CEO.

"Hello attorney!"Malambing niyang sagot sa kabilang linya.

"Nasa office niya ba si Mr. CEO?"

"Yeah! Actually kanina niya pa ho kayo hinihintay."Anang sekretarya.

"Gano'n ba? Sige, pakisabi na papunta na ako ngayon."

"Sige ho Attorney!"

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang opisina ng new CEO.

Tatlong beses akong kumatok sa kanyang pintuan. At nang marinig ko siyang sumagot ay walang pakundangan kong itinulak ang pinto.

Nagtuloy-tuloy ako sa loob nang wala man lang bahid ng pag-aalinlangan.

Nadatnan ko siyang nakatutok ang buong atensiyon sa kaharap na laptop. Ni-hindi niya man lang ako magawang sulyapan matapos ko siyang batiin at alayan ng isang matamis at nakakaakit na ngiti sa labi.

Medyo nakaramdam ako nang pagkapahiya sa aking sarili at medyo nainis na rin ako sa kanya. But i tried to control my temper.

After a few seconds, i cleared my throat. Trying to clear the air around us. Again, I confidently talk to him using my sweetest voice ever!

Muli ay hindi niya man lang pinag-aksayahan ng oras at panahon na sulyapan ang beauty ko.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya at tila ba mas lalo akong nanliliit sa aking sarili ng mga sandaling iyon.

Halos umiyak na ako subalit pinigilan ko pa rin ang sarili ko.

Sa ikatlong pagkakataon ay muli kong sinubukan siyang kausapin.

Iwinagayway ko pa ang aking kanang kamay sa tapat ng kanyang mukha para lang mapansin niya ang aking presensiya. Bahala na kung magmukha man akong bastos! Iyon na lang kasi ang tanging paraan na naiisip ko.

"Hey!What's wrong with you Mr. CEO?"

"Are you blind, deaf or what?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Kanina naman ay sumagot ka di'ba?"

Muli ay naiinis na tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang isara ang kanyang laptop at dahan- dahan siyang nag-angat ng tingin sa'kin at kapagkuwan ay tumayo.

Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang mapagsino ko ang lalaking nandito ngayon sa aking harapan.

"What the fuck!"Namimilog ang matang naibulalas ko.

Bigla naman siyang ngumisi na siyang naging dahilan ng pagkulo ng dugo ko.

Pakiwari ko ay umakyat na ang lahat ng aking red and white blood cells patungo sa most vital part ng aking entire brain.

"How are you attorney?"Nakapamulsa siya habang diretsong nakatitig sa aking mga mata.

Napahawak na lang ako sa aking batok.

Nang mga sandaling iyon ay parang gusto ko na lang na sunduin ako ni kamatayan.Upang tuluyan na akong maglaho sa kanyang paningin.

"What are you doing here?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"You must be in the hospital, right?"Naguguluhang tanong kong muli.

"This is my life! So i think,ako lang ang may karapatan na magdesisyon kung saan ako dapat naroon." Sarkastiko niyang tugon.

Sandaling namayani ang katahimikan. Kapagkuwan ay napadako ang tingin ko sa ibabaw ng kanyang mesa. Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng mabasa ko ang pangalan na naroon.

"Mr. Paul Christian S. Allejo"(Chief Executive Officer)

Napabuga ako ng hangin matapos kong mapagtanto na siya nga ang CEO.

Mas lalo lang akong naguluhan sa kanyang pagkatao. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba talaga ang kanyang totoong propesyon.

"So, ikaw pala ang bagong corporate lawyer huh!"Aniya na muling umupo at pinaikot-ikot pa ang swivel chair niya habang ang isang kamay ay nakapatong sa kanyang baba na animo'y may malalim na iniisip.

"Yeah!"Nakayukong sagot ko sa kanya.Hindi ko na siya magawa pang tingnan at ang kaninang pagtataray ko ay bigla na lang naglaho.Maging ang aking tuhod ay parang nangangatog na rin dahil sa labis na kahihiyan.

Muli ay bigla siyang tumayo at lumapit saakin.

At ang gago ay talagang inasar pa ako. Bahagya itong umikot sa aking likuran.Gusto ko sanang alamin kung ano nga ba ang binabalak niyang gawin. Subalit hindi ko siya magawang lingunin dahil sa takot kong magkamali ang aking kilos. Naramdaman ko na lang na mas lalo siyang lumapit saakin at saka muling nagsalita malapit sa puno ng aking tainga.

Ang mainit at mabango niyang hininga ay kaagad na nagdulot saakin ng kakaibang sensasyon na halos manuot sa buo kong kalamnan.

"Papa God, hindi pa po ako ready sa kung ano man ang binabalak gawin ng lalaking ito! Nawa'y protektahan niyo po ang puri ko. Baka bigla niya itong dungisan."Mahinang usal ko.

Mariing ipinikit ko pa ang aking mga mata at muli akong nanalangin.Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala naman siyang ginawa saakin. Kaya't dahan-dahan akong nagmulat.Mas lalo pa yata akong napahiya ng bigla ay humagalpak ito ng tawa.

Kaagad siyang dumistansiya saakin at sunod-sunod na umiling.

"Have a seat attorney!" He said while laughing.

Halos triple na talaga ang pagkapahiyang natamo ko. Kung anu-ano na kasing negatibong bagay ang pumasok sa isipan ko kanina. Pagkatapos ang ending lang naman  pala ay pa-uupuin niya ako.

My god czarina! alangan naman na  mag make love kayo!charrr!!!

Nakayuko pa rin ako ng tinungo ko ang couch na naroon sa gilid.

Maya-maya pa ay tumikhim siya at pagkatapos ay muling nagsalita.

"So, nice to meet you again Attorney!"Aniya sa propesyonal na tono.

Ako naman ay mariing nakikinig lang sa mga sinasabi niya.

"By the way, Dad has already told me about the issue of your dad's company!"Ani Paul na diretsong nakatitig sa'kin.

Nagulat naman ako sa kanyang tinuran kaya't bahagya akong napamaang.

"Well, I am willing to help you attorney! But in one condition."Patuloy niyang sambit habang nakapangalumbaba.

"What is it?"Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Marry me!"Aniya na siyang naging dahilan ng bigla kong pagtayo.

"What!?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin at nanggagalaiting hinampas ko ang kanyang mesa.

"Are you out of your mind?" Singhal ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at soundproof ang kanyang office kaya naman hindi maririnig sa labas ang aking paghiyaw.

"Ofcourse not!" Matipid at kalmado niyang sagot saakin habang ako naman ay gigil na gigil pa rin na nakatayo sa kanyang harapan.

Gustong-gusto ko siyang tadyakan sa sinabi niya. Subalit pakiramdam ko ay bigla na lang akong nanghina.

Gusto ko rin sana siyang tanungin muli at baka nagkakamali lang ako sa aking narinig subalit wala na ni-isang salita na namutawi pa sa aking labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status