Malapit na po tayong matapos huhuuu
This is stupid. Ano na naman ba ang kasalanan ko? But Jaco is the most stupid one. Bakit kailangan niyang magpakamatay?Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako. May nangyari. Sigurado ako dahil hindi mababaliw ang Obrei na ito.Ako ang sinusumbatan ng letseng Obrei. Paano ko ito naging kasalanan? Eh I was waiting for him! Umawang ang labi ko at saglit na natulala. Is this because of what he saw earlier? Teka. Imposible. I know he's too jealous. Like, dramatically and exaggerated jealous... pero not to the extent na iccrash niya ang helicopter, diba?Nanindig ang mga balahibo ko. Alam kong seloso siya. Alam kong... kaya niyang gawn iyon. Tulala ako pagkatapos umalis ni Obrei. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala kasi napakaimposible naman. Pero... "Magpahinga ka muna, Anita. May pasok ka pa mamaya..." naramdaman ang salabal na ipinatanong ni tiya sa akin."Pasensya na po dahil naistorbo ko paggising niyo..."Bumuntong-hininga si Mama."Mabuti at napaal
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o maiirita. Nadatnan ko si Jaco na dilat na dilat ang mga mata. "He's not talking ever since he woke up." Napailing si Aris Avaceña nang salubungin niya kami sa paglabas ng elevator.Parang iiyak na naman si Llesea Avaceña sa narinig. Tinanguan ako ni Aris nang magtama ang mga paningin namin.Napatayo ang mga kapamilya nila nang makarating na kami. Ramdam ko agad ang tingin nila sa akin."Is that Anita of Jaco?" Umiwas ako ng tingin. Lumapit ako sa salamin kung saan ko natatanaw si Jaco na nakatulala sa bintana. Napalunok ako ng makita ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. "I think he's disappointed."Napalingon ako sa isang di pamilyar na boses. Pinsan ito ni Jaco panigurado dahil hawig na hawig niya ito sa itsura at kilos base sa pamumulsa niya."He wanted to die but he woke up." Nagkibit-balikat siya.Kumunot ang noo ko. "You want to see him?" "P-pwede na ba?" Kumalabog ng malakas ang puso ko.Matutuwa ba si Jaco na nandito ako?
I’ve had it bad with Anita Diane. The first time I met her, I knew it. She’s interesting. She’s gullible, innocent, young, and fucking pretty. She’s also the best baker, respectful, who knows house chores, humble, can handle money so well, patient, loving, wife material, polite, who knows how to swim, love kids, with gorgeous smile and those eyes that speaks for her soul. The quality of girls that are rare to find. She just got it all. Iyong tipo ko talaga na babae.And then I was instantly attracted. That wasn’t impossible, dude. And I stalked her ‘cause she’s just so cute. I watched her moves. I learned huge things about her and all. I bit my lips. I want her mine. Bagay kasi kami.I chuckled inwardly. Bagay nga kami pero di ako magugustuhan ‘nun. She likes Prince Charming who will take care of her, protect her, eternally. And I am no Prince Charming. May Prince Charming bang may sakit sa puso?Ngumuso ako. Ngayon pa lamang ay nagaalala na ako sa kaniya. Ayoko kong iwan siya sa mund
Chapter 1Jacob Konstantin Avaceña is my stepfather's nephew. I was in my Grade 7 when I first met him. Kasama siya 'nung dinala ni Mama ang bagong boyfriend niya, si Tito Marcio. I knew for sure that he's years older than me."Anita, anak, si Jaco. Pamangkin ng Tito Marcio mo. Anak 'nung may-ari sa hotel." Natatandaan ko pa kung gaano kalawak ang ngiti ni Mama nang sabihin niya ito sa akin.Ayaw ko sa kaniya. Nakakatakot siya. Mukhang pilyo. Mayaman. Walang gagawing mabuti sa akin kung lalapit ako. Iyan ang mga bagay na tumatak sa akin nang makita ko siya sa unang pagkakataon."Uy, ano! Magpakilala ka na." Kinurot ako ni Mama at sapilitan hinila paharap. Nakangisi si Tito Marcio habang nanonood sa pangyayari. Ganoon rin ang pamangkin nito na nakakakilabot ang tingin sa akin."Galing siya sa Amerika, anak! Kaya wala gaanong kakilala. Bumalik sila dahil tututukan ang hotel." Magiliw si Mama habang ikinukwento nito sa akin.Hindi nakata
Chapter 2I remembered how ungrateful I am. Masyado kong binababa ang sarili ko noon. Labing-tatlong taong gulang pa lamang ako pero pakiramdam ko, ubos na ubos na ako. Na pasan-pasan ko ang mundo. Na magisa lamang ako. Na habang-buhay ako magiging miserable.Pero bata pa lamang ako. Wala pang nararating. Di ko pa alam ang kalakaran sa mundo. Di sapat ang pagiging malungkot ko sa problema ng mundo. Di ko maibabalik ang lahat. Di ko na maibabalik si Papa. Di ko na maibabalik si Mama at ang kapatid ko. Tuloy ang agos ng mundo ko. Kahit anong mangyayari."Anita, may gusto ba sa'yo si Jaco?" Nagulat ako isang araw 'nung Grade 8 ako. Hinarangan ako ng isang taga-senior high. Iba kasi ang uniporme naming juniors sa kanila."P-po?" Umismid ang matangkad na babae. May kasama siyang apat na mga gagandang babae. Sa liit kong ito, alam kong walang makakapansin kung bigla nila akong awayin."Balita ko may gusto sa'yo si Jaco." Segunda ng isa sa mga babae. Mabi
Chapter 3Si Jaco? Bibili sa amin ng tinapay?"Susmaryosep! Di mo sinabi agad!" Sita ni tiya kay ate Grace at nagmadali magtungo roon sa harap.Natulala ako saglit pero agad ring bumalik sa katinuan. Wag mo siyang isipin, Anita. Bawal. Bawal. Bawal. Bawal."Mukhang naaddict ang batang 'yun sa ensaymada mo, Anita!" Humalakhak si mang Amor. Muntil nang lumuwa ang mata ko sa narinig."P-po?"Tumawa si kuya Recto habang sinasalang ang nahalili na na mga tinapak papasok sa malaking kalan."Araw-araw atang bumibili ng ensaymada mo Anita. Minsan pa nga dumadaan rito ng umaga para bumili ng agahan." Ako ay nagulat sa narinig.Papaano nangyari 'yun ay ang balita ni Mama ay may sarili silang gourmet chef sa hotel at sa kanilang mansyon. Pihikan sila sa mga tao. Lalo na sa mga pagkain."Ngayon nandito na naman. Oh, bakit gulat na na gulat ka?" Napailing ako saka ngumiti na lamang."Pasensya na po. Mayaman p-po kasi siya..."
Chapter 4Mahilig ako sa mga tinapay. Sabi ni Mama ay pinaglihi rin ako sa tinapay. Pabor sa akin dahil may panaderya si Papa dati ay siya ang namamahala. Ayaw ko talagang pumasok noon sa eskwela dahil mas nalilibang ako sa kusina habang nilalaro-laro ang nga arina. Wala rin namang makikipagkaibigan sa akin.Pitong taong gulang ako nang makagawa ng sariling brownies. Natuto na rin akong magbake ng mga cake pagkatapos 'nun. Di naman bongga pero pampractice lang. Mas magaganda ang gawa ni Mama. Katulad 'nung mga mamahaling cake sa internet."Anita, nakapagstudy ka na ba sa Geom? Patulong sana ako." Si Andrew na nagkakamot sa batok palapit sa akin. Tumango ako."Tutulungan kita. Saan ba tayo?" Namula siya at napatalikod sa akin. Nagtataka ako sa kinilos niya lalo na at naghiyawan ang mga kaklase naming kaibigan niya. Karamihan ay mga lalaki."Sa l-labas, p-pwede? Maraming tangina rito e." Napasinghap ako at napatingin sa likod niya kung nasaan ang mga
Chapter 5Napalingon ako sa likod ng mga lalaki. Mas lalo ata akong napunta sa kapahamakan. Si Jaco."J-jaco, pare? Sama ka? Tirahin natin. Sariwa pa ata e." Napapikit ako sa sinabi ng lalaki. Nilapit nito ang mukha sa akin. Mabilis akong umiwas at lumuha sa takot."Hindi ako interesado." Tumawa ang mga lalaki. Mas lalo akong nawalan ng pagasa. Ano pa ba ang maaasahan kay Jaco?"Sige. Doon kami sa kubo. Sunod ka na lamang kung..." di na natuloy ang sasabihin ng lalaki ng biglang hinagis ni Jaco ang bagpack niya sa kaniya saka siya sinugod ng suntok!Nanlaki ang mga mata ko!Lumuwag ang pagkakagapos sa akin ng lalaki sa likod at napamura nang makita kung papaano tinadtad ng sipa sa sikmura ni Jaco ang lalaki kanina!"Bitawan niyo ang bata, tangina niyo.""Siraulo ka palang gago ka!" Sumugod ang lalaking kanina pa tinititigan ang dibdib ko. Di pa nakakalapit ay sinipa siya ni Jaco kaya napaatras. Hinagis ako ng lalaki sa pader. N