Chapter 3
Si Jaco? Bibili sa amin ng tinapay?
"Susmaryosep! Di mo sinabi agad!" Sita ni tiya kay ate Grace at nagmadali magtungo roon sa harap.
Natulala ako saglit pero agad ring bumalik sa katinuan. Wag mo siyang isipin, Anita. Bawal. Bawal. Bawal. Bawal.
"Mukhang naaddict ang batang 'yun sa ensaymada mo, Anita!" Humalakhak si mang Amor. Muntil nang lumuwa ang mata ko sa narinig.
"P-po?"
Tumawa si kuya Recto habang sinasalang ang nahalili na na mga tinapak papasok sa malaking kalan.
"Araw-araw atang bumibili ng ensaymada mo Anita. Minsan pa nga dumadaan rito ng umaga para bumili ng agahan." Ako ay nagulat sa narinig.
Papaano nangyari 'yun ay ang balita ni Mama ay may sarili silang gourmet chef sa hotel at sa kanilang mansyon. Pihikan sila sa mga tao. Lalo na sa mga pagkain.
"Ngayon nandito na naman. Oh, bakit gulat na na gulat ka?" Napailing ako saka ngumiti na lamang.
"Pasensya na po. Mayaman p-po kasi siya..." kaya bakit naman siya bumibili sa isang maliit na panaderya?
"Paborito daw kasi ang ensaymada mo, Anita. Minsanan nang naitanong ni Sela sa binata."
Napailing si kuya Recto habang nakapamewang.
"Ang rami pa ng binibili. Minsanan niya napakyaw ang isang tray." Napapalibutan ang katawan niya ng mga arina katulad ni mang Amor.
"T-talaga po?" Gulat kong tanong. Tumango si mang Amor at muling bumalik sa ginagawa.
"Ang gwapo ng batang 'yun. Lalaki ako pero naggwapuhan ako sa kaniya. Bakla na ba ako?" Humalakhak si mang Amor.
Napalingon ako sa bulwagan na kanina ay kinatatayuan nina ate Grace at tiya Sela. Sa labas 'nun ay mga estante ng mga tinapay. Marahil ay naroroon rin si Jaco.
Muli ay naaalala ko ang pagcorner sa akin ng mga magagandang babae ng senior high. May gusto daw sa akin si Jaco. Pero mukhang nafake news sila. Gusto ata ni Jaco ang ensamayda ko. Malaki ang pagkakaiba 'nun.
Napailing ako. Malabong magkagusto sa akin si Jaco. Nandidiri ito sa akin.
Ilang buwan siguro ang itinigal nang pagpapatayo ng panaderya bago magbukas na. Hindi naman ako umaasa na marami pa ring bumibili dahil naparami na ang mga gagandang café sa bayan. Handa naman akong ibigay ang allowance ko pangsweldo kina Mang Amor. Kahit malugi ang tindahan, okay lang. Pero wag na muling isasara.
Nakakalungkot kasi e. Dito ko lang nararamdaman na kahit papaano, nandito pa rin si Papa.
"Na-miss ko cinnamon bread niyo, Anita. Mas matamis at mas mura. Kaysa doon sa kabila." Napangiti ako sa sinabi ng isa sa mga naging suki namin noon.
"Masarap naman talaga ang mga tinapay niyo. Kahit may pagkasutil ang nanay mo." Ngumiti na lamang ako.
Sympre di nawawala sa usapan ang Mama ko.
Binalewala ko na lamang sila. Gusto ko ang ideya ni tiya Sela na dagdagan ng mga kakanin tulad ng paborito kong kutsinta. Hinakayat ko siya na ilagay ang mga paninda niya sa bakery. Mas nakakahikayat tignan kong marami ang mga paninda doon. Saka para hindi na siya mahirapan magpwesto sa bayan.
"Paano kong magbenta rin tayo ng hotcake tuwing umaga? Para di lang pandesal o mga tinapay. May dagdag menu lang." Si ate Grace nang minsanan magusap kami sa bakery tungkol sa sumisikat na ngayong taglilimang piso na hotcake.
"Pwede rin. Pero di ba mabulilyaso ang mga tinapay natin?" Naririto rin sina tita Solly.
Tahimik akong nakikinig. Inaalala ko kasi na may exam pala ako sa English bukas. At may long quiz sa Algebra II. Nakalimutan ko atang magaral dahil nawili ako kakahele ng mga tinapay.
"I-try lang natin, Mama. Kapag hindi effective ay itigil na lang natin."
"Ikaw ba, Anita? Anak, ano sa tingin mo?" Napalingon silang lahat sa akin nang biglang tanungin ako ni tito Fred. Iyong Papa ni kuya Recto. Pinsan rin ni Papa ko.
"P-po? Okay lang naman po... mas nais ko lang po na magfocus tayo sa mga pandesal." Mababa ang tono ng boses ko.
Kahit ilang buwan na itong panaderya, nahihiya pa rin ako kapag sinasali nila ako sa usapan. Pakiramdam ko, napakalaki ko ng tao.
Napabuntong-hininga si ate Grace. Hindi ko nais na magkaroon kami ng hotcake. Nais ko na bumili ang mga tao sa amin ng pandesal lamang. Baka magsawa ang mga tao. Baka akala nila pare-pareho ang lasa.
"P-pero nakita ko po kasi sa internet. Lagyan kaya po natin ng mga mesa saka upuan ang panaderya? Kung may nais magsnack o magalmusal, pupwedeng tumuloy. Dadagdag rin tayo ng menu. Katulad 'nang mga kape saka y-yung...hotcake." Suhestiyon ko. Isang bagay na inaalala ko nitong nakaraan. Marami ng mga café sa bayan pero ayaw ko naman na mawalan ng pagasa ang mga tao rito sa panaderya sakaling walang nais bumili. Bubuhayin ko pa rin itong panaderya.
Napapalakpak si ate Grace.
"Iyan ang pinupunto ko!" Umismid si kuya Recto.
"Si Anita nakaisip."
"Parang mga café lang, Anita?" Si tita Solly. Tumango ako.
"O-opo. Maganda naman po ang pintura sa panaderya. Dagdagan na lang po natin ng ilang decorasyon. Okay na po."
Tumango si tito Fred.
"Sang-ayon ako kay Anita. Nagtitiwala ako sa batang 'to." Nahihiyang ngumiti ako.
"Sinong gagawa nang bagong recipe?" Si tiya Sela na agad napatingin sa akin.
"Sino pa ba? E sa tinapay princess natin, si Anita!"
Natawa ako. Naku naman. Mukhang di ako makakapagaral nito. Paniguradong magiisip na naman ako ng bagong recipe para sa hotcake. Pero imbis na mabahala ay napaexcite na lamang ako!
Bahala na!
Chapter 4Mahilig ako sa mga tinapay. Sabi ni Mama ay pinaglihi rin ako sa tinapay. Pabor sa akin dahil may panaderya si Papa dati ay siya ang namamahala. Ayaw ko talagang pumasok noon sa eskwela dahil mas nalilibang ako sa kusina habang nilalaro-laro ang nga arina. Wala rin namang makikipagkaibigan sa akin.Pitong taong gulang ako nang makagawa ng sariling brownies. Natuto na rin akong magbake ng mga cake pagkatapos 'nun. Di naman bongga pero pampractice lang. Mas magaganda ang gawa ni Mama. Katulad 'nung mga mamahaling cake sa internet."Anita, nakapagstudy ka na ba sa Geom? Patulong sana ako." Si Andrew na nagkakamot sa batok palapit sa akin. Tumango ako."Tutulungan kita. Saan ba tayo?" Namula siya at napatalikod sa akin. Nagtataka ako sa kinilos niya lalo na at naghiyawan ang mga kaklase naming kaibigan niya. Karamihan ay mga lalaki."Sa l-labas, p-pwede? Maraming tangina rito e." Napasinghap ako at napatingin sa likod niya kung nasaan ang mga
Chapter 5Napalingon ako sa likod ng mga lalaki. Mas lalo ata akong napunta sa kapahamakan. Si Jaco."J-jaco, pare? Sama ka? Tirahin natin. Sariwa pa ata e." Napapikit ako sa sinabi ng lalaki. Nilapit nito ang mukha sa akin. Mabilis akong umiwas at lumuha sa takot."Hindi ako interesado." Tumawa ang mga lalaki. Mas lalo akong nawalan ng pagasa. Ano pa ba ang maaasahan kay Jaco?"Sige. Doon kami sa kubo. Sunod ka na lamang kung..." di na natuloy ang sasabihin ng lalaki ng biglang hinagis ni Jaco ang bagpack niya sa kaniya saka siya sinugod ng suntok!Nanlaki ang mga mata ko!Lumuwag ang pagkakagapos sa akin ng lalaki sa likod at napamura nang makita kung papaano tinadtad ng sipa sa sikmura ni Jaco ang lalaki kanina!"Bitawan niyo ang bata, tangina niyo.""Siraulo ka palang gago ka!" Sumugod ang lalaking kanina pa tinititigan ang dibdib ko. Di pa nakakalapit ay sinipa siya ni Jaco kaya napaatras. Hinagis ako ng lalaki sa pader. N
Hindi ko naman pinagkalat ang nangyari. Mabuti nga at di ko nacontact si Mama at napigilan ko ang sariling magsumbong. Ayaw ko naman magaalala siya. Pero nalaman pa rin niya. Sympre. Pamangkin ni Tito Marcio si Jaco."Bakit di mo sa akin sinabi! Anita naman! Sa iba ko pa malalaman?!" Napapikit ako sa pagsigaw ni Mama. Si Tiya Sela ay tahimik na pinapanood ako."S-sorry, Mama...""Mabuti at maasahan talaga si Jaco! Pinakiusapan ko na bantayan ka! Mabuti at natyempuhan! Pokpok ako dati Anita pero ayaw kong masira ang buhay mo! Muntik na akong atakihin nang ibalita ito ni Marcio!" Nagtagal ang unang sinabi niya sa akin."A-ayaw ko lang pong...l-lumaki..." bulong ko."At naisip mo pa 'yan! Bata ka! Magsasampa kami ng kaso! Hinding-hindi ka na nila makikita at malalapitan pa! Sisiguraduhin kong magsisisi sila!" Napalabi ako."M-mama, buntis ka pa po..."Natahimik bigla si Mama. Mas lalo akong nagaalala na bigla napaano si baby dahil sa sob
Isa ang pangyayari na 'yun na naging dahilan upang magbago ang buhay ko. Si Obrei ay naging kaibigan ko. Iyan ang sabi niya sa akin. Madalas siyang tumambay sa bakery. Lalo na ngayon na may mga upuan. Halos doon na siya nagaaral.Mailap pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko kasi na magkaiba ang pananaw naming dalawa sa buhay. Magkaiba ang antas namin sa lipunan. Magkaiba rin kami ng agwat. Kaya papaano kami naging magkaibigan kong wala akong alam na similarities namin?"Jaco is my cousin." Nginisihan niya ako.Nagulat ako sa narinig. Para silang aso at pusa. Laging nagsisinghalan. Madalas ko ring makita na magkasama ang dalawa. Sobra silang malapit. Ang akala ng iba... syota daw ni Jaco si Obrei."Akala ko ba ay magkasintahan kayo?" Napangiwi si Obrei."Yuck! That's gross!" Kitang-kita ko kung papaano siya mandiri pero natatawa naman."Naririnig kong sabi ng iba. Kaya daw kayo nagkaaway ni Criselda dahil sinulot mo daw si Jaco na gusto niya." Umir
Excited ang lahat sa nalalapit na birthday ni Obrei. Ang alam ko, sa susunod na buwan pa ito. Inimbita ata ang buong probinsiya. Pati mga kaklase ko, kinukulit ako kung anong tema ngayon ang birthday niya. Big deal. Sino nga ba ang hindi? Siya si Obrei Madrigal. Nagiisang, Obrei Madrigal.Noong Grade 9 ako unang nakadalo sa isang elegante at mamamahaling birthday. Kaka-twenty years old ni Obrei 'nun. At ang tema ng kaniyang kaarawan, ay Pirates of the Carribean. Nakapanood na ako noon at parang nasa pelikula ako nang mga oras na 'yun. Kuhang-kuha kahit maliit na detalye. Alam kong mahal ang nagastos. Pero aanihin naman ng mga mayayaman na tulad nila Obrei?Di rin naman ako nagtagal bukod sa nakacostume ang lahat, nakita ko pa ang angkan nila Jaco. Di ko makalimutan kung papaano ako kutyain ni Ma'am Llesea Avanceña. Wala namang nakakita pero wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.Akala niya ay may gusto sa akin si Jaco kaya ayaw magaral sa ibang lugar
Saktong pababa na ako ng hagdan nang may kumatok. Nilingon ko si Obrei na tulog na tulog pa rin sa sofa namin.Lumapit na ako sa pinto para buksan.Napasinghap ako. Si Jaco."Hi." Ngumisi siya. Hinawi nito ang buhok saka tinititigan ang mga mata ko."You seemed stunned. Na-miss mo ba ako?"Natigilan nga ako. Dahil muntik na akong atakihin sa puso ng makita siya. Preskong-presko siya sa suot na tee shirt at kupasin na pants. Suot niya rin ang paborito niyang sapatos.Jaco growing age never failed to amaze me. Araw-araw ata, nagiging gwapo ito sa paningin ko. Araw-araw rin, nagsusumigaw ng kapahamakan. He looks dangerous.Kapansin-pansin ang pagtangkad na naman niya na di matapos-tapos. Lumaki rin ang katawan nito. Lumawak ang balikat at dibdib. Pumipintig pa ang mga ugat sa bawat haplos nito sa buhok. Bagong gupit rin siya."I'm sorry, I'm late. May inasikaso lang sa hotel. I took and bath of course before going here. I miss you
"Magreply ka naman sa mga tawag ko. O sa text man lang." Si Jaco habang nakasunod sa akin. Pauwi na kami nila tiya Sela.Sina Grace at tita Solly ay sa barrio 6 pa kaya nagpedicab na sila pauwi. Sina kuya Recto ay lumiko na sa nadaanan naming street. Si Mang Amor ay sinundo ng kaniyang apo.Mula noong pumunta sa Manila si Mama ay si tiya Sela na ang kasama ko sa bahay. Wala naman siyang asawa at anak. Tumanda siyang dalaga. At wala na rin ang mga magulang niya. Magisa rin siya sa bahay kaya nagsama na lang rin kami."Sabi mo di ako tatanggap o sasagot sa kahit na sinong lalaki. Lalaki ka." Napakamot ako sa noo ko."I know I'm a man. But love, I'm not just a man. I'm your man! You're obligated to do that!""Wala naman akong alam na paguusapan natin. Araw-araw tayong nagkakausap." Rinig na einig ko kung papaano siya umungol.Totoo naman."This is fucking so hard." Bulong niya."Maggoodnight lang ako sayo kapag gabi. Hanggang conf
Umiiwas naman ako kay Jaco. Pero mahirap. Isang salita ata niya ay napapasunod ako. Hindi ko alam kung magic o ano. Pero 'yun ang alam ko. May kumatok sa pinto. Tumayo na ako para buksan ito. Alam ko naman na si Jaco ito. Wala na si tiya Sela kasi kanina pa sa bakery. Nagpaalam naman ako na may pupuntahan ako. At kasama si Jaco. Pumayag agad ito. "Good morning." Ngumisi siya sabay gulo ng buhok niya. Ngumiti ako. Nanuot sa akin ang bango niya sa akin. Nakasuot ito ng kulay puting shirt saka itim na pantalong may gunit-gunit. Suot rin ang paborito niyang sapatos na kulay asul. "Good morning rin po." Sinuyod niya ng tingin ang katawan ko. Kinuha ko ang shoulder bag sa tabi. "Nagwork out ka?" Sisimangot na sana ako. Alam kong inaasar na naman niya ako. Pero mukha siyang kalmado ngayon. Kaya baka nagpipilit wag tumawa o ano. Tsk. "Nagjogging lang." Kinagat niya ang labi. "Saan?" "Sa park po." "Ba't d