SI VINCENT…
GUWAPO, MATIKAS, MAPORMA…Iyan si Vincent Valderama. Sa gulang nitong treinta’y nuwebe, ay isa nang matagumpay na negosyante sa sarili nitong negosyo. Ang import/export ng mga produktong gawa sa mga local na materyales tulad ng abaka, kahoy, kawayan, anahaw at iba pa - ang naging best sellers ng dati’y maliit lamang niyang negosyo na ngayo’y matatawag na ring maliit na kompanya, dahil mayroon na rin siyang mahigit dalawangpung mga tauhan na katulong niyang nagpalago ng kan’yang hanapbuhay.
Galing sa kahirapan at nagsikap na makatapos sa pag-aaral hanggang kolehiyo, naging working student si Vincent sa kurso niyang Business Management. At dati’y empleyado lamang siya bilang Junior Marketer sa isang malaking kompanya na gumagawa ng mga de-kalidad na furnitures sa bansa.
Nahasa ng husto ang kaalaman niya sa larangan na iyon at pinag-aralan niya ang pasikot-sikot ng negosyo. Ipinangako niya sa sarili, hindi habangbuhay ay magiging empleyado lamang siya. Balang araw, siya na ang magiging ‘boss’ sa sarili niyang kompanya, at natupad na nga iyon ngayon. Dahil sa sipag at pagsisikap niya na makamit ang hinahangad sa buhay.
Makaraan ang sampung taong pag-i-empleyo, at nang makaipon ng sapat na puhunan kasama na ang natanggap niyang separation pay nang mag-resign siya sa kompanya, heto na nga ang naging bunga ng pagpupunyagi niyang makapagtatag ng sariling hanapbuhay na hindi na nangangamuhan kun’di siya mismo ang may-ari at amo.
Ulilang lubos na si Vincent. Maliit pa lang siya nang pumanaw ang kan’yang ina sa panganganak sa pangalawang anak. Sa kasamaang palad, pati ang sanggol na kapatid niya’y hindi rin pinalad na mabuhay.
Nakapag-asawa uli ang kan’yang ama ngunit maging ito ay maagang binawian ng buhay nang maaksidente ang jeep na minamaneho nito nang siya ay binatilyo pa lamang. Mula noon, naging solo na lang siyang namumuhay at sa murang edad ay natuto nang magbanat ng buto upang maisalba ang araw-araw niyang pangangailangan lalo na ang tungkol sa kan’yang pag-aaral. Hinangad niyang makapagtapos dahil gusto niyang makaahon sa kinamulatang hirap. At kailanman ay hindi siya umasa sa mga kamag-anak ng kanilang pamilya at pinatunayan niya sa mga ito na kakayanin niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
“Tingnan mo nga naman pare,” umpisa ni Roy, ang kaibigang matalik ni Vincent. “akalain mo ba, na isang araw, lalaki ng ganito ang dati ay maliit mong negosyo? Dati sa silong ng bahay n’yo lang ang production area mo, ngayon, heto na. Nasa ibang lugar ang production area. May stock room at sariling opisina ka pa ngayon. May kompanya ka na sa malaking building na ito, pare!” Napapa-palatak si Roy habang inililibot ang mga mata sa paligid. “At hindi biro ang renta rito, pare. Isang katunayan na succesful talaga ang business ng kaibigan ko at malaki ang pumapasok na income!”
Nakangiting napatango-tango si Vincent. “Ipinangako ko ‘to sa sarili ko pare, remember? Na pauunlarin ko ang sarili ko. Na hindi habangbuhay, empleyado lang ako. Well, thanks to you. Isa ka sa nagpapalakas lagi ng loob ko at isa rin sa nagbibigay lagi ng mga ideya kung paano ko pa madaragdagan ang mga produktong inilalabas namin sa market.”
“That’s what friends are for, ‘di ba? Anyway, kailangan yata humingi na rin ako ng s’weldo sa ‘yo, pare. Bago pa maubos ang mga ideya kong isini-share sa ‘yo?” biro pa ni Roy.
“Hindi mo pa kailangan ‘yon, pare. Marami ka pang pera. Saka na pag numipis na ang pitaka mo!” nagtawanan uli sila.
“Anyway, nabanggit nga pala ni Dina sa akin, na kung hindi ka raw sana nag-resign sa kompanya, tiyak na ikaw ang pumalit sa puwesto ni Mr. Estanislao. Marketing manager ka na sana, pare. At mas malaki na ang sahod.”
Umiling si Vincent. “I’m sorry for Sir Estanislao loss. Bata pa siya para mawala agad. Sayang, napakabait pa naman niya at may malasakit sa mga empleyado, but pare, okay na ako sa ganito. Na may maliit na negosyo lamang. Ang mahalaga, wala na akong amo. And about Dina, your wife, nabanggit niya noon na magri-resign na rin siya, anong nangyari? Matutuloy ba?”
“Oo, pare. Effective this month. “Tini-train niya rin kasi ‘yong papalit sa kan’ya. Knowing her boss, hindi ‘yon papayag na ang papalit kay Dina ay wala pang masyadong nalalaman sa trabahong bibitawan niya as Executive Assistant. Naiinip na nga ako. Gusto kong tumutok na lang siya sa mga anak namin lalo na kay bunso na malapit nang pumasok sa daycare. Alam mo naman, hindi p’wedeng lagi na lang ipaubaya sa yaya ang mga bata. Tatlo ‘yon, pare. Tatlong makukulit! Madalas nga, late na ako lagi pumunta sa hardware dahil iniintindi ko rin ang mga bata lalo pag pumasok na si Dina sa opisina. Buti na lang at mapagkakatiwalaan ko ang assistant kong si Jak.” Mahabang k’wento ni Roy.
“Tama ‘yon. It’s about time na mag-concentrate na lang si Dina sa inyo lalo na sa mga bata. Ang tagal niya na rin doon. Halos kasabayan ko siya, ‘di ba?”
“How can I forget that, pare? Ikaw ang dahilan kung bakit ko siya nakilala?”
“Kaya wala kang karapatan na humingi sa akin ng suweldo kasi malaki ang utang na loob mo sa akin!”
Napuno uli ng tawanan nila ang paligid.
“Nag-expand na rin ng sobra ang hardware n’yo pare. At kung plano n’yo na magtayo ng isa pang branch, just let me know. Baka makatulong ako.”
Tinapik ni Roy ang balikat ng kaibigan. “Of course! Alam ko naman ‘yan, Vincent. Salamat, pare!”
***
IGINALA ni Vincent ang mga mata sa paligid ng maliit niyang kompanya na iyon matapos makaalis ang kaibigan na dumalaw. Tama si Roy. Successful na siyang matatawag.
Sino ang magsasabing hindi kakayaning magtagumpay ng tulad niya? Na maagang iniwan ng namayapang mga magulang?
Mula sa mga natutunan niya sa panahon ng pagiging empleyado, ini-apply niya iyon upang maumpisahan niya ang minimithi.
Sipag at tiyaga ang naging puhunan niya. Kung paano niya narating ang anomang mayroon siya ngayon.
Mula sa design overseeing, sa pagbili at graphing ng mga materyales, sa pagri-research upang mas ganap niyang maintindihan ang marketing needs and demand, nakabuo siya ng unang produkto na nag-swak agad sa market dahil sa de-kalidad nitong mga katangian.
Sa tulong ng ilang tauhan na kinuha niya, una niyang nabuo ang isang sala set na ang materyales ay binubuo ng sitenta porsiyento ng abaka na personal pa niyang inangkat sa Bicol. At siya mismo ang gumawa ng design noon. Mula noon, sunod-sunod na ang mga produktong inilabas nila gamit ang mga lokal na materyales na nang kalaunan ay nakarating din sa ibang bansa katulad ng Brunei at Singapore.
Sala set, dining table, cabinet, bed frames…name it. Anything about furnitures, ginagawa ‘yan ng TEAM VINCENT. ‘Yan ang simpleng ipinangalan niya sa kan’yang kompanya. Dahil para sa kan’ya, hindi siya magtatagumpay kung wala ang tulong ng kan’yang mga tauhan. Kaya naman ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa mga ito.
P’wede na sana siyang mag-isip ng tungkol sa pagpapamilya. Kaya na niya katulad ng madalas banggitin sa kan’ya ni Roy, pero, sino? Kanino? Minsan nang nalagay sa balag ng alanganin ang usaping pang-puso niya at matapos iyon, parang ayaw niya munang sumuong sa panibagong relasyon. Kuntento pa naman siya sa kasalukuyan niyang estado. Binata at malaya. Hindi pa siya nagiging mapaghanap. Kung may darating uli, at magiging kapalaran na niya, bakit hindi. Eh ano kung halos nasa kuwarenta na siya? Isa pa ‘yan sa madalas kant’yaw sa kan’ya ng mga kakilala niya. Basta ayaw na niyang magmadali sa pag-ibig…
At pagsisikapan niya munang mas lumago pa ang negosyong ito para sa magiging mga anak niya sa hinaharap. Iyon ay kung may darating uli na bagong pag-ibig sa buhay niya…
CHAPTER THREENAATRASO ang uwi ni Andrea ng araw na iyon. Malapit ng dumilim nang makarating siya sa kanila. Nagtataka man, pinigilan ni Aling Selya ang mag-usisa. Nagpalit muna ng damit pambahay ang dalaga matapos magmano sa ina. Naghahapunan na sila kasalo si Aling Adel nang banggitin niya kung bakit naatraso ang uwi niya. Alam niya kasing naghihintay ang nanay niya ng dahilan kung bakit siya ginabi. Kilalang-kilala na niya ang ina. Lahat ng tungkol sa mga gagawin at desisyon niya, dapat alam nito.“Nagkatuwaan ho kanina sa school. Birthday nga kasi ni Sir Roldan kaya pagkatapos ng school hours, nagkaroon ng kaunti pang kasiyahan. Isinabay na din ang pa-despidida sa co-teacher namin na si Ma’m Irene na susunod na sa mister niya sa Japan sa isang linggo.” mahabang paliwanag ni Andrea. Nakikinig lang si Aling Selya. Parang hindi interesado sa sinasabi ng anak. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita.“Kaya pala ‘di ka masyado makakain, galing ka sa kainan. Teka, magta-trabaho rin ba i
CHAPTER FOUR NAGPAS’YA nang pumasok si Andrea. Hatinggabi na. May klase pa siya bukas. Mabuti na lang, nakapag-advance siyang gumawa ng lesson plan niya para sa susunod na ilang araw.Sinilip niya pa muna ang ina sa k’warto nito. Himbing na himbing na ito. Parang gusto niya itong lapitan. Yakapin. Tabihan sa pagtulog ngunit pinigil niya ang sarili. Saka na siguro. Kapag handang-handa na siyang sabihin dito na pinatatawad niya na ito. Nagtungo na siya sa sariling silid. Umusal siya ng dasal bago nahiga. Isang panalangin na sana, baguhin ng Diyos ang puso niya na waring pinatigas na ng maraming hinanakit sa buhay.Ipikit-idilat niya ang mga mata pero madamot sa kan’ya ang antok. Hindi mawala sa isip niya ang mga ipinarating sa kan'ya ng ina sa pamamagitan ni Aling Adel. At bigla, kung bakit rumehistro uli sa utak niya ang imahe ng lalaking una at huli niyang minahal. Si Carlos.Dahil ba hanggang sa mga sandaling ito, naroroon pa rin ang panghihinayang sa kan'ya? Na hindi sila nito na
HINDI alam ni Andrea kung anong oras na siya nakatulog ng gabing iyon. Madaling araw nang maalimpungatan siya. Sinulyapan niya ang wall clock. Pasado alas tres pa lang. At ewan niya kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay tumatahip ang kan'yang dibdib. Pinakiramdaman niya ang paligid. Tila nakabibingi ang katahimikan.Bumangon siya. Nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nasulyapan niya si Aling Adel sa karatig k’warto. Mahimbing pang natutulog ang matanda.Tinungo niya ang silid ng ina. Tila may nag-udyok sa kan’ya na lapitan ito. Pinagmasdan niya ito sa pagkakapikit nito. Naupo siya sa kama. Hinaplos niya ang braso nito. Kinuha niya ang dalawang kamay at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “’Nay,” bulong niya dito. “Mahal ko kayo.” aniya habang umiiyak na naman.Parang bata, tumabi siya sa ina at hinaplos pa ang pisngi nito. Naramdaman pa ng palad niya ang basang pisngi nito. Umiyak din ba ang nanay niya? Naantig ang kan’yang damdamin. Niyakap niya ito. Hinalikan sa
NANG gabing iyon, nauwi sa mas malalim na pag-iisip ang utak ni Andrea, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ang tungkol kay Aling Selya ang umo-okopa rito kun’di ang kagustuhan niyang magkaroon maski ng isang anak lamang. Mula sa lalaking nagtataglay ng magagandang katangian.Alam niyang mali ang pina-plano niyang iyon. Labag iyon sa kalooban ng Diyos, pero maiaalis ba sa kan’ya ang maghangad ng ikaliligaya niya ngayon? Ilang taon na rin siyang nagdurusa. Ilang taon na rin siyang nagtitiis sa kalungkutan mula nang pahinlutan niyang manipulahin ng nanay niya ang kan’yang buhay. At ngayong wala na ito, pagkakataon na'ng ang isipin niya naman ay ang tungkol sa sarili niyang kaligayahan. Kasalanan man iyon at kung parusahan man siya ng Diyos, bahala na. Basta, anoman ang mangyari, tutuparin niya ang pinaplano niya.Bago niya tuluyang ipinikit ang mga mata, buo na ang desisyon niya. At positibo ang magiging pananaw niya. Magkakaroon siya ng anak. At gagawin niya ang lahat upang matupad
KANINA pa nasa harap ng desk top computer niya si Andrea. Sa wakas, nakumbinsi na rin siya ni Meldy na gumawa ng account niya sa face&book.Noong una, ayaw niya sana na magkaroon ng anomang access sa kahit na anong social media app. Alam niya kasi kung gaano ka-epektibo ang internet sa buhay ng isang tao. Isang pindot o browse lang sa computer bubulaga na sa ‘yo ang maraming bagay na gusto mong malaman. At mayroon siyang gustong iwasan. Ang kan’yang nakaraan.Mahigit isang dekada na rin buhat nang makabalita siya ng tungkol kay Carlos. Huling impormasyon na narinig niya tungkol dito ay may asawa na raw ito. Kapwa OFW daw nito sa abroad ang napangasawa at may dalawa ng anak. May kirot pa rin siyang nadama nang malaman iyon dahil minsan nga sa buhay niya, pinangarap niya na si Carlos ang lalaking makakasama niya habangbuhay.Minsan ay inilarawan niya rin sa kan'yang imahinasyon na nakasuot siya ng trahe de boda. Naglalakad siya patungong altar habang ito ay buong kaligayahan na naghihin
HINDI alam ni Vincent kung ano ang kahulugan ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Mula pa kanina, speechless na siya at walang malaman na sabihin.Si Trina…ang ex-girlfriend niya, kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon na hindi niya na ito nakikita, kanina, nag-krus muli ang landas nilang dalawa. Ang masaklap, kasama pa nito ang taong pinaglalaanan na nito ng puso niya ngayon, o siguro, pinaglalaanan na ng buong buhay niya ngayon.Napahugot ng malalim na buntong-hininga ang binata. Ito ang hirap na binigyan niya pa ng day-off ang sarili sa araw na ito. Sana, isinubsob niya na lang uli ang ulo kanina sa trabaho. Sa pagbusisi ng mga transaks’yon nila na ibibiyahe patungong probinsiya sa isang linggo. Pero sa kakukulit ng assistant niyang si Joe, napahinuhod siya nito na magpahinga. At ayon nga, naisipan niyang pumunta ng mall para personal na mag-grocery.Inadya ba talaga ng pagkakataon na muli niyang makita ang dating nobya? Kasi, bakit ba dati-rati nama’y ipinakikisuyo niya n
ABALA si Vincent sa pagki-create ng bagong designs sa maliit niyang private office nang kumatok doon ang sekretarya niyang si Edna. “Pasok.” aniya. “Yes, Edna?” hindi tumitingin na tanong niya. “Ire-remind ko lang boss, mamaya ang dating ni Atty. Lorenzo. Siya ang personal na pipili ng designs ng mga furnitures para sa soon to open niyang law firm.” Imporma ng mahigit treinta anyos na babae. “Ah, okay. Nag-usap na kami ni Joe tungkol diyan. Ipa-ready n’yo na rin ang showroom dahil ang alam ko, kasama niya rin ang kaibigan niyang abogado na interesado rin sa mga produkto natin.” “Yes, boss.” “At Edna,” tawag niya sa papalabas ng sekretarya. “Please update me sa mga bagong kliyente na nadagdag. Pag-aaralan ko kung kaya nating magbigay ng maganda-gandang discount para umulit sila sa atin.” “Speaking boss, may bago nga tayong kliyente from Sta.Rosa. Nagkainteres no’ng makita niya ‘yong ipi-nost ko last week. ‘Yong bed frame nating made in abaca. At ‘yong bamboo dresser natin. Asking
LUMAPIT si Vincent kina Andrea at Meldy. “Miss D-domingo --- ?” inilahad pa nito ang kanang palad.“Ah, siya po iyon.” Mabilis na agap ni Meldy. Miss pa nga po siya. Ako nama’y misis na…!”Natawa ang binata. “Hindi halata.” Sagot nito kay Meldy.“Ay, sir! Kilig much here!” humagikgik pa si Meldy.Siniko uli ni Andrea ang kaibigan. Saglit itong pinandilatan ng mata.“Pasensiya na po uli kayo at ginabi na kami sa paghahatid nitong in-order ninyo. Bukod sa na-traffic kami kanina sa Manila, inuna kasi muna namin ang Canlubang sa urgent issue doon.”“O-okay lang. Bukas ko pa nga inaasahan ‘yan.”May inabot si Vincent kay Andrea upang papirmahan nang tumunog ang cellphone nito.“Ah, excuse me…!” paghingi ng paumanhin ng binata bago lumayo ng kaunti upang kausapin ang tumawag.Sinundan ito ng tanaw ni Andrea. Si Meldy naman at si Aling Adel ang nag-assist sa dalawang trabahador na ipinanhik na sa bahay ni Andrea ang mga gamit.“Sa ayaw at sa gusto n’yo kukunin ko ang bata, tapos ang usapan!”