My dear readers, muli po akong nagpapasalamat sa inyo sa pagsuporta ninyo kina Vincent&Andeng...pasensya na po sa mga twist na idinadagdag ko sa kwento nila, ha? Hindi po iyon para lang pahabain ang kwento nila kundi, kailangan ko rin pong tapusin ang role ng mga supporting nila rito na may malaking kaugnayan sa buhay nila. Ayoko po kasi na ang isang karakter dito na importante ang ganap sa buhay ng ating mga bida ay bigla na lang nawala sa kwento. At 'd end, baka makwestyon nyo pa po kung ano na ang nangyari sa kanila, hehe...although kailangan ko rin po talaga itong paabutin sa 120k wc para may makuha naman po akong kaukulang halaga sa hirap nang pagbuo ko sa kwentong ito. Malapit na po ang ending nila. Imbitado nila tayong lahat sa nalalapit nilang kasal...'wag pong mainip sa update, ha? Mahirap pong mag-isip ng next chapter...hehe...
NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m
PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in
ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.
PROLOGUE: KANINA pa paikot-ikot si Andrea sa harap ng full size mirror sa kanyang silid. Binibistahan niyang mabuti ang sarili. Hindi ba masyadong makapal ang make up niya? Ang labi niya, hindi ba parang nagdurugo sa tingkad ng lipstick na ini-apply niya dito? Hinila niya pababa ang bestidang suot. Half of her thigh was out of the contour that reached her slender body. Hindi siya sanay sa gano’n kaikling damit na hakab sa kan’yang katawan. Lagi na’y uniporme ng guro ang suot niya. At kas’wal lang kapag naka-civilian siya. Mukha ba siyang kaakit-akit sa itsura at suot niya’ng sleeveless dress na iyon with black and red combination? Will she give attraction to the man she has chosen to be the father of her future child? This night is the fulfillment of her dream. Maglaho man ang kan’yang dignidad. Mawasak man ang kan’yang dangal. Who cares? Ngayon pa ba siya mag-aalala? Ngayong nag-iisa na lamang siya? Gusto niya ng anak. Kahit isang anak lang na kukumpleto ng kan’yang pagkababae.
SI VINCENT…GUWAPO, MATIKAS, MAPORMA…Iyan si Vincent Valderama. Sa gulang nitong treinta’y nuwebe, ay isa nang matagumpay na negosyante sa sarili nitong negosyo. Ang import/export ng mga produktong gawa sa mga local na materyales tulad ng abaka, kahoy, kawayan, anahaw at iba pa - ang naging best sellers ng dati’y maliit lamang niyang negosyo na ngayo’y matatawag na ring maliit na kompanya, dahil mayroon na rin siyang mahigit dalawangpung mga tauhan na katulong niyang nagpalago ng kan’yang hanapbuhay.Galing sa kahirapan at nagsikap na makatapos sa pag-aaral hanggang kolehiyo, naging working student si Vincent sa kurso niyang Business Management. At dati’y empleyado lamang siya bilang Junior Marketer sa isang malaking kompanya na gumagawa ng mga de-kalidad na furnitures sa bansa.Nahasa ng husto ang kaalaman niya sa larangan na iyon at pinag-aralan niya ang pasikot-sikot ng negosyo. Ipinangako niya sa sarili, hindi habangbuhay ay magiging empleyado lamang siya. Balang araw, siya na an
CHAPTER THREENAATRASO ang uwi ni Andrea ng araw na iyon. Malapit ng dumilim nang makarating siya sa kanila. Nagtataka man, pinigilan ni Aling Selya ang mag-usisa. Nagpalit muna ng damit pambahay ang dalaga matapos magmano sa ina. Naghahapunan na sila kasalo si Aling Adel nang banggitin niya kung bakit naatraso ang uwi niya. Alam niya kasing naghihintay ang nanay niya ng dahilan kung bakit siya ginabi. Kilalang-kilala na niya ang ina. Lahat ng tungkol sa mga gagawin at desisyon niya, dapat alam nito.“Nagkatuwaan ho kanina sa school. Birthday nga kasi ni Sir Roldan kaya pagkatapos ng school hours, nagkaroon ng kaunti pang kasiyahan. Isinabay na din ang pa-despidida sa co-teacher namin na si Ma’m Irene na susunod na sa mister niya sa Japan sa isang linggo.” mahabang paliwanag ni Andrea. Nakikinig lang si Aling Selya. Parang hindi interesado sa sinasabi ng anak. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita.“Kaya pala ‘di ka masyado makakain, galing ka sa kainan. Teka, magta-trabaho rin ba i
CHAPTER FOUR NAGPAS’YA nang pumasok si Andrea. Hatinggabi na. May klase pa siya bukas. Mabuti na lang, nakapag-advance siyang gumawa ng lesson plan niya para sa susunod na ilang araw.Sinilip niya pa muna ang ina sa k’warto nito. Himbing na himbing na ito. Parang gusto niya itong lapitan. Yakapin. Tabihan sa pagtulog ngunit pinigil niya ang sarili. Saka na siguro. Kapag handang-handa na siyang sabihin dito na pinatatawad niya na ito. Nagtungo na siya sa sariling silid. Umusal siya ng dasal bago nahiga. Isang panalangin na sana, baguhin ng Diyos ang puso niya na waring pinatigas na ng maraming hinanakit sa buhay.Ipikit-idilat niya ang mga mata pero madamot sa kan’ya ang antok. Hindi mawala sa isip niya ang mga ipinarating sa kan'ya ng ina sa pamamagitan ni Aling Adel. At bigla, kung bakit rumehistro uli sa utak niya ang imahe ng lalaking una at huli niyang minahal. Si Carlos.Dahil ba hanggang sa mga sandaling ito, naroroon pa rin ang panghihinayang sa kan'ya? Na hindi sila nito na
HINDI alam ni Andrea kung anong oras na siya nakatulog ng gabing iyon. Madaling araw nang maalimpungatan siya. Sinulyapan niya ang wall clock. Pasado alas tres pa lang. At ewan niya kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay tumatahip ang kan'yang dibdib. Pinakiramdaman niya ang paligid. Tila nakabibingi ang katahimikan.Bumangon siya. Nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Nasulyapan niya si Aling Adel sa karatig k’warto. Mahimbing pang natutulog ang matanda.Tinungo niya ang silid ng ina. Tila may nag-udyok sa kan’ya na lapitan ito. Pinagmasdan niya ito sa pagkakapikit nito. Naupo siya sa kama. Hinaplos niya ang braso nito. Kinuha niya ang dalawang kamay at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “’Nay,” bulong niya dito. “Mahal ko kayo.” aniya habang umiiyak na naman.Parang bata, tumabi siya sa ina at hinaplos pa ang pisngi nito. Naramdaman pa ng palad niya ang basang pisngi nito. Umiyak din ba ang nanay niya? Naantig ang kan’yang damdamin. Niyakap niya ito. Hinalikan sa