NANG gabing iyon, nauwi sa mas malalim na pag-iisip ang utak ni Andrea, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ang tungkol kay Aling Selya ang umo-okopa rito kun’di ang kagustuhan niyang magkaroon maski ng isang anak lamang. Mula sa lalaking nagtataglay ng magagandang katangian.
Alam niyang mali ang pina-plano niyang iyon. Labag iyon sa kalooban ng Diyos, pero maiaalis ba sa kan’ya ang maghangad ng ikaliligaya niya ngayon? Ilang taon na rin siyang nagdurusa. Ilang taon na rin siyang nagtitiis sa kalungkutan mula nang pahinlutan niyang manipulahin ng nanay niya ang kan’yang buhay. At ngayong wala na ito, pagkakataon na'ng ang isipin niya naman ay ang tungkol sa sarili niyang kaligayahan. Kasalanan man iyon at kung parusahan man siya ng Diyos, bahala na. Basta, anoman ang mangyari, tutuparin niya ang pinaplano niya.
Bago niya tuluyang ipinikit ang mga mata, buo na ang desisyon niya. At positibo ang magiging pananaw niya. Magkakaroon siya ng anak. At gagawin niya ang lahat upang matupad ang inaasam niya.
***
ANO PA BA ang dapat asahang magiging reaks’yon ni Meldy nang sabihin niya iyon dito kinabukasan? Tila naging over acting nga ito sa tingin ng matandang dalagang guro.
“Anooo???” napamulagat si Meldy matapos marinig ang sinabi ni Andrea. Natutop pa nito ang bibig. “Hoooy! Loka! Ano ka? Nababaliw ka na ba?” hindi talaga makapaniwalang saad ni Meldy sa sinabi ng kaibigan. “Anong kalokohan ‘yang pumasok na ‘yan sa kokote mo, ha? Virgin ka pa, ale! In case, baka nakakalimutan mo?!"
Pilit na isinama ni Andrea sa kanila ang kaibigan pagkatapos ng klase nila upang pag-usapan nga ang plano niyang iyon na halos hindi nagpatulog sa kan’ya kagabi.
Over acting ka, mare.” Inirapan ng dalaga si Meldy. “Eh ano naman kung virgin pa ako? Saka sa palagay mo ba, kabaliwan na ang naisip kong iyon? Baliw ba na mangarap ang isang tulafd ko na magkaroon ng anak? Sobra ka naman!"
“Kung sa karelasyon mo!” maagap naman na sagot ni Meldy. “Kaso, wala ka nga’ng karelasyon! At ‘yong maghahanap ka kamo ng lalaki para ‘anakan’ ka lang, at base pa sa description mo sa lalaking gusto mong maging ama kamo ng magiging anak mo, na halos perpekto na, me’ron kayang gano’n? Diyos ko naman, Andrea! Kahit sino mapapaisip, na naloloka ka na yata? Hindi ko akalain na ikaw na parang 'di makabasag pinggan maiisip 'yan? Gano’n ka na ba ka-desperada, haaa???” Napa-antanda pa si Meldy.
“Basta, mare...! Kahit anopaman ang isipin mo sa akin o ng kahit na sino, itutuloy ko ang plano ko. Hahanap ako ng lalaking gusto kong maging ama ng magiging anak ko…!”
Tinitigang mabuti ni Meldy ang kaibigan. “Andrea --- ? Baka mapahamak ka sa gagawin mong ‘yan?” hindi pa man ay nag-aalala na ng sobra si Meldy."Sus, patawarin ka!" Nag-isip ito pagkuwan. “Teka, si Sir Mandy, ‘di ba may gusto ‘yon sa ‘yo? Ano kaya, magparamdam ka na, na p’wede ka na niyang ligawan? Hoy, malapit nang umasenso ‘yon! Malapit nang magretiro ang Principal natin at balita na si Sir Mandy ang papalit!”
“Excuse me?” pinandilatan ni Andrea ng mata si Meldy. “Desperada man ako na magkaanak pero hindi ang katulad ng Sir Mandy mo ang pangarap kong maging tatay ng magiging anak ko, ‘no? Kahit siya pa ang magmay-ari ng eskuwelahan!”
Humagalpak ng tawa si Meldy. “Sobra ka naman! Ano bang masama sa itsura ni Sir Mandy?”
“Meldy, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Imadyinin mo nga, kung sakaling pumatol ako doon? Baka manahin ng magiging anak ko ang mukha niyang animo papel de liha sa gaspang?” Si Andrea naman ang napa-antanda. “Lord, patawad po. Hindi naman po sa panlalait, pero mangangarap din lamang ako ng anak, sana ‘yong mula sa magandang lahi na…!” tumingin pa ito sa taas.
Lalong lumakas ang tawa ni Meldy. “Seryoso ka ba talaga sa iniisip mong ‘yan, Andeng?” pagkuwa’y sabi nito. May bahid kalungkutan. Naaawa siya sa kaibigan. At gusto niya ring unawain ito kung bakit naisip ang bagay na iyon.
Tumango si Andrea. “Isang pakikipagsiping lang sa kung sinoman na lalaki na ‘yon, Meldy. Isang pakikipagtalik lang at kapag nabuntis agad ako, ‘yon na ang magiging una at huli.”
“Eh, paano kung sa first attempt ‘di ka mabuntis, ha? Aber nga?”
“Titiyakin ko na fertile ako kapag nangyari na ‘yon.” Maagap na sagot ni Andrea.
“Eh, paano kung kahit natiyak mong fertile ka, hindi ka pa rin nabuntis? Ano ‘yon, may second, third, forth at kung ilan pang p********k na magaganap?”
“P’wede. Maaari…” nahihiya man ay tugon pa rin ni Andrea.
Napangisi si Meldy. “Kapag nasundan pa ng ilang beses ang una, isa lang ang ibig sabihin noon, Andeng. Na nag-enjoy ka!”
Naiiling na napangiti na lang si Andrea sa kaibigan. Sinakyan na rin ang kalokohan nito. “P’wede rin. Saka, sabi mo nga sa akin noon, ‘di ba, ang pinakamasarap na putahe ng Diyos, ay ang s*x?”
“Aba, at tinandaan mo pala ang sinabi ko na ‘yon, ha? Aha! At gusto nang makatikim!” ang lakas uli ng tawa ni Meldy. Sinundot pa nito si Andrea sa tagiliran. “Uuyyy!” tudyo pa nito.
Napakislot si Andrea. “ O, ‘di ba, ikaw na rin ang maysabi, na ‘masarap’ ‘yon?” sabi pa nito na napaingos kunwari.
“Masarap talaga! Sabi nga, para kang nasa heaven!” kagat-labi, itinirik pa ni Meldy ang mga mata. “Pero ano ka ba, gusto ko man na matikman mo ‘yon, dapat sa legal na paraan! ‘Yong mahal mo at mahal ka ng lalaking pagbibigyan mo n’yan!” inginuso pa ni Meldy ang ibabang bahagi ng katawan ni Andrea. “Uy…!” tudyo uli nito. “Gusto nang magpasundot ang matandang dalaga, hmmnn?!”
“Magpasundot ka d’yan?! Bastos ka mare! ‘Di ba p’wedeng ‘magpapatabi’ lang? Para medyo disente namang pakinggan?”
Nandilat uli ang mata ni Meldy. “Nababastosan ka sa ‘sundot’ pero sa paghahanap ng lalaking susundot sa ‘yo, hindi bastos? At anong sinasabi mong magpapatabi? Loka! Tatabi saan, sa upuan? Kaloka!” itinirik pa nito ang mata.
“Sa kama!” maagap na agaw ni Andrea. “Magpapatabi sa kama!”
“Oo nga. Tatabihan ka sa kama pagkatapos susundutin ka! At pag ‘di nakuha sa isang sundot, may kasunod pa uling sundutan! Tapos hayon! Talagang masasarapan ka na at hahanap-hanapin mo na ang sundot!”
Marahang hinampas ni Andrea ang kaibigan. “Ang bibig mo!”
Nagtawanan na lang sila.
“Basta, buo na ang pasya ko…! At sa lalong madaling panahon, maghahanap na ako ng --- “
“Susundot sa ‘yo!” agaw ni Meldy.
Nakitawa na rin si Andrea sa lakas uli ng hagalpak ni Meldy.
Natawa man siya, pero, naiinis din si Andrea sa matalik na kaibigan.
KANINA pa nasa harap ng desk top computer niya si Andrea. Sa wakas, nakumbinsi na rin siya ni Meldy na gumawa ng account niya sa face&book.Noong una, ayaw niya sana na magkaroon ng anomang access sa kahit na anong social media app. Alam niya kasi kung gaano ka-epektibo ang internet sa buhay ng isang tao. Isang pindot o browse lang sa computer bubulaga na sa ‘yo ang maraming bagay na gusto mong malaman. At mayroon siyang gustong iwasan. Ang kan’yang nakaraan.Mahigit isang dekada na rin buhat nang makabalita siya ng tungkol kay Carlos. Huling impormasyon na narinig niya tungkol dito ay may asawa na raw ito. Kapwa OFW daw nito sa abroad ang napangasawa at may dalawa ng anak. May kirot pa rin siyang nadama nang malaman iyon dahil minsan nga sa buhay niya, pinangarap niya na si Carlos ang lalaking makakasama niya habangbuhay.Minsan ay inilarawan niya rin sa kan'yang imahinasyon na nakasuot siya ng trahe de boda. Naglalakad siya patungong altar habang ito ay buong kaligayahan na naghihin
HINDI alam ni Vincent kung ano ang kahulugan ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Mula pa kanina, speechless na siya at walang malaman na sabihin.Si Trina…ang ex-girlfriend niya, kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon na hindi niya na ito nakikita, kanina, nag-krus muli ang landas nilang dalawa. Ang masaklap, kasama pa nito ang taong pinaglalaanan na nito ng puso niya ngayon, o siguro, pinaglalaanan na ng buong buhay niya ngayon.Napahugot ng malalim na buntong-hininga ang binata. Ito ang hirap na binigyan niya pa ng day-off ang sarili sa araw na ito. Sana, isinubsob niya na lang uli ang ulo kanina sa trabaho. Sa pagbusisi ng mga transaks’yon nila na ibibiyahe patungong probinsiya sa isang linggo. Pero sa kakukulit ng assistant niyang si Joe, napahinuhod siya nito na magpahinga. At ayon nga, naisipan niyang pumunta ng mall para personal na mag-grocery.Inadya ba talaga ng pagkakataon na muli niyang makita ang dating nobya? Kasi, bakit ba dati-rati nama’y ipinakikisuyo niya n
ABALA si Vincent sa pagki-create ng bagong designs sa maliit niyang private office nang kumatok doon ang sekretarya niyang si Edna. “Pasok.” aniya. “Yes, Edna?” hindi tumitingin na tanong niya. “Ire-remind ko lang boss, mamaya ang dating ni Atty. Lorenzo. Siya ang personal na pipili ng designs ng mga furnitures para sa soon to open niyang law firm.” Imporma ng mahigit treinta anyos na babae. “Ah, okay. Nag-usap na kami ni Joe tungkol diyan. Ipa-ready n’yo na rin ang showroom dahil ang alam ko, kasama niya rin ang kaibigan niyang abogado na interesado rin sa mga produkto natin.” “Yes, boss.” “At Edna,” tawag niya sa papalabas ng sekretarya. “Please update me sa mga bagong kliyente na nadagdag. Pag-aaralan ko kung kaya nating magbigay ng maganda-gandang discount para umulit sila sa atin.” “Speaking boss, may bago nga tayong kliyente from Sta.Rosa. Nagkainteres no’ng makita niya ‘yong ipi-nost ko last week. ‘Yong bed frame nating made in abaca. At ‘yong bamboo dresser natin. Asking
LUMAPIT si Vincent kina Andrea at Meldy. “Miss D-domingo --- ?” inilahad pa nito ang kanang palad.“Ah, siya po iyon.” Mabilis na agap ni Meldy. Miss pa nga po siya. Ako nama’y misis na…!”Natawa ang binata. “Hindi halata.” Sagot nito kay Meldy.“Ay, sir! Kilig much here!” humagikgik pa si Meldy.Siniko uli ni Andrea ang kaibigan. Saglit itong pinandilatan ng mata.“Pasensiya na po uli kayo at ginabi na kami sa paghahatid nitong in-order ninyo. Bukod sa na-traffic kami kanina sa Manila, inuna kasi muna namin ang Canlubang sa urgent issue doon.”“O-okay lang. Bukas ko pa nga inaasahan ‘yan.”May inabot si Vincent kay Andrea upang papirmahan nang tumunog ang cellphone nito.“Ah, excuse me…!” paghingi ng paumanhin ng binata bago lumayo ng kaunti upang kausapin ang tumawag.Sinundan ito ng tanaw ni Andrea. Si Meldy naman at si Aling Adel ang nag-assist sa dalawang trabahador na ipinanhik na sa bahay ni Andrea ang mga gamit.“Sa ayaw at sa gusto n’yo kukunin ko ang bata, tapos ang usapan!”
NAUWI sa malalim na pag-iisip si Andrea matapos na may mabasa na isang komento sa post ng isang kaibigan ni Vincent sa f&b. Oo. Hindi talaga siya tumigil ng pag-diskubre sa halos lahat ng bagay tungkol sa binata. Maging ang mga kaibigan nito sa face&book ay ini-stalk niya upang magkaroon pa siya ng kahit kaunting impormasyon tungkol sa pagkatao nito, pero madalang ang mga bagay na iyon dahil hindi nga mahilig mag-face&book ang lalaki. Hanggang heto nga, sa araw na ito, may nabasa siyang isang komento mula sa post ng isang kaibigan nito. Birthday greetings para sa nagnga-ngalang ‘Fael’ ang nakita ni Andrea sa news feed ni Edna. Ang sekretarya ni Vincent na in-add friend niya sa f&b na nag-confirm naman agad sa friend request niya. Umaasa kasi siya na makakalap pa ng ilang mga bagay tungkol kay Vincent kaya siya nag-friend request dito. Masipag si Edna na mag-post ng mga produkto ng Team Vincent Furnitures sa iba-ibang social media sites partikular sa face&book. At hindi naman siya n
MULA MANILA ay nagpas’ya uling magb’yahe pabalik ng Sta.Rosa si Andrea matapos ang pinal na negosasyon ng bagong in-order niya sa Team Vincent Furnitures. At matapos na makakuha rin ng impormasyon na siya niya naman talagang sadya kung bakit siya naroroon.Maaga pa. Kung walang traffic, mahigit isang oras lang ay nasa bahay na uli siya, pero bago siya umuwi, dadaan muna siya ng mall para bumili ng isusuot niya mamayang gabi. Kailangang maging magandang-maganda siya mamaya. Na maging kaakit-akit siya sa paningin ni Vincent Valderama.Oo. Babalik uli siya sa lugar na ito mamaya. Kung saan, pipilitin niyang matupad ang plano niya. Wala na itong atrasan. Ngayon pa ba? Na may ideya na siya kung paano niya makakatagpong muli ang lalaking sadyang dineklara niya na, na magiging ama ng dadalhin niya sa kan’yang sinapupunan?Sakay ng taxi patungo sa mall, sari-sari ang naglalaro sa imahinasyon ng dalaga. Kung paano ang strategy na gagawin niya mamaya. Kung paano niya ‘ihahain’ ang sarili kay Vi
MAHIGIT KALAHATING ORAS yatang naghintay si Andrea nang maya-maya’y nakita niya ang pagpasok ng isang grupo sa main entrance ng resto bar. Tatlong pareha ng lalaki at babae at isang binata na tantiya niya’y nasa pagitan ng disiotso hanggang beinte anyos ang sabay-sabay na pumasok habang nagkakatuwaan.Sinalubong ang mga ito ng masayang pag-awit ng birthday song ng banda sa stage. At natiyak ng dalaga, naroon na ang birthday celebrant lalo na nang tawagin ito ng lead singer matapos itong kantahan para umakyat sa stage at magbigay ng mensahe.All eyes si Andrea sa kasalukuyang nagaganap. Malikot din ang kan’yang mga mata sa paghahanap at paghihintay sa hindi pa sumusulpot na si Vincent.Dama niya ang kasiyahan sa buong paligid. Lalo na nang nagsasalita na si Fael sa harap ng mikropono.“Thank you everyone for your warm greetings. But you know me. Hindi ako nasisiyahan sa puro bati lang. Hindi ako yayaman kung puro greetings lang. How about a treat kahit sa Hongkong lang?” tumawa ito. Ga
HINDI siya sanay humalik. Isang beses lang siyang nahalikan noon ni Carlos. Smack lang. Nakaw pa. At hindi na naulit dahil nakatikim ito ng sampal sa kan’ya. Pero bakit ngayon, nagawa niyang humalik kay Vincent ng ganito? Torrid! Parang ang sagwa!Dahil ba mas guwapo si Vincent kaysa kay Carlos? Mas kaibig-ibig? Mas nakakaakit? At higit sa lahat, gusto niyang maging ama ng anak na pangarap niya…?Pero bakit ba hindi pa niya aminin? Na kasi’y, nanonood siya ng mga romance movies. Iyong may mga bedscenes! Para matuto siya at bilang paghahanda na nga rin sa pagkakataong ito. At oo, totoo. Mas nakakaakit si Vincent kumpara sa dati niyang boyfriend.At heto nga, dahil mas nakalalamang ito sa maraming katangian kaysa kay Carlos, nagawa niyang ‘i-apply’ sa labi nito ang halik na kagaya ng ‘halikang’ napapanood niya sa mga pelikulang maraming romansa.Nabigla si Vincent sa naging aks’yon na iyon ni Andrea. Inakala niya na lasing nga talaga ang babae at hindi alam ang ginagawa nito. Gusto niya