Share

Vows Of Vengeance
Vows Of Vengeance
Author: snowflower

PROLOGUE

"Mamamatay-tao ka! Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa rito!" sigaw ni Mrs. Ferrer saka ako malakas na sinampal sa kanang pisngi.

Kaagad naman siyang hinawakan ng asawa niya habang ako naman ay inalalayan ng best friend kong si Maureen.

"Tama na iyan, Criselda. Hindi naman natin sigurado na siya talaga ang may kagagawan niyon!" sigaw ng asawa niya.

"Hindi sigurado?! Siya ang Kasama ni Riley nang maaksidente siya! Ngayon, sabihin mo sa akin kung papaanong siya ay nakaligtas habang si Riley ay hindi?! Mamamatay-tao ang babaeng iyan!"

Dama ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Gusto kong magsalita at ipagtanggol ang sarili ko, pero tila ba ayaw lumabas ng mga salita mula sa bibig ko.

"Tama na ho, igalang niyo naman si Riley! Hindi ito ang tamang panahon para mag-away!" biglang singit ni Daniel, ang kuya ni Riley.

"Tama si Daniel, huwag na po kayong mag-away pa rito. Siguradong hindi matutuwa si Riley kapag nakita niya kayong ganito." tugon ni Maureen.

Muling tumingin sa akin si Mrs. Ferrer. "Siguraduhin niyo lang na hinding-hindi ko na ulit makikita ang mukha ng babaeng iyan dahil hindi ko alam ang pwede kong gawin sa kanya!"

Pumasok na sina Mrs. Ferrer at ang kuya ni Riley na si Daniel sa loob at ang naiwan na lamang ay ako at si Maureen.

"Naku, pagpasensiyahan mo na talaga iyong si Auntie Criselda. Talagang hindi niya lang matanggap ang nangyari. Lahat naman tayo rito nagdadalamhati sa pagkawala ni Riley e. Lahat naman tayo nawalan ng isang importanteng tao sa buhay natin. Pero Cleonne, siguro mas mabuti kung aalis ka nalang muna para hindi na magkagulo pa." sabi sa sa akin ng best friend kong si Maureen.

Tumangu-tango naman ako saka pinunasan ang luha sa mga mata ko. "Oo, pasensiya na talaga kung nagdulot pa ako ng kaguluhan."

"Ano ka ba, wala ka namang kasalanan ano. Oh sige na, tawagan mo ako kapag nakauwi kana, okay?"

"Okay .."

Sa huli ay hindi na ako nakapasok sa loob ng lamay dahil kay Mrs. Ferrer na galit na galit sa akin.

Namatay ang isa sa mga best friend namin na si Riley Ferrer. At ako ang kasama niya nang maaksidente siya. Ako ang driver, pero siya ang nawalan ng buhay. Kaya naman ganoon na lamang ang paghihinala sa akin ng mga tao.

Lahat sila ay ako ang sinisisi sa pagkamatay ni Riley.

Idinemanda ako ng mommy ni Riley, pero sa huli ay naipanalo ko rin ang kaso nang mapatunayang aksidente lang talaga ang nangyari.

Matapos niyon ay nagpunta ako sa Australia nang makatanggap ako ng scholarship. Ginawa ko na rin iyong paraan para maka-move on. Para makalimot sa lahat ng mga pangit na nangyari sa buhay ko.

Buong akala ko sa pagbalik ko ay magsisimula na ako ng bagong buhay, buong akala ko lahat kami ay nakalimot na sa nangyari.

Pero mali pala ako.

Dahil kahit apat na taon na ang nakalipas, kahit marami na ang nagbago, may isa pa rin palang taong hindi nakalimot.

And all this time, he was just waiting for me to have his revenge.

"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin.

Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali.

"I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar.

Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal.

Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko....

"I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride."

Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari.

Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya.

Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti.

"You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko.

Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status