Warning: This chapter has some matured scenes that may not be suitable for certain ages. Please, do not read if you don't feel comfortable reading s*x scenes or you're still underage.Cleonne's POV"Where have you been?" taas-kilay na tanong sa akin ni Ashton habang nakatayo sa may pintuan ng kwarto namin nina Anna.Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Buong akala ko pa naman ay makakauwi ako nang hindi niya napapansin. Nagpaalam pa man din ako nang maaga sa boss namin, pero maaabutan ko pa rin pala si Ashton.Bakit ang aga niyang umuwi ngayon?!"Ah...A-Ano kasi... H-Hindi ba sinabi ko sa'yo kaninang umaga na nakapasok ako sa inapplyan kong kompanya? H-Hindi kasi ako pwedeng um-absent, e. Atsaka--"And I also told you that you can't go there, right?"Napa-kagat ako sa ibabang labi ko. "A-Ashton, please... I can't miss this job. Matagal kong hinintay ito...""And do you think I care?" malamig niyang tugon."Can't you just give it to me? Kahit ito lang? Wala naman akong b
Cleonne's POVNagising lamang ako nang marinig ko ang katok mula sa pinto. Kaagad akong napamulat ng mga mata atsaka dahan-dahang naupo sa kama. "Cleonne?" dinig kong tawag ni Anna sa akin mula sa labas ng kwarto.Teka, hindi ko kwarto ito!"A-Anna?" sagot ko."Lumabas ka nalang kapag ready ka na, ha? Ready na rin ang almusal. Ang sabi nga pala ni Sir Ashton, pwede ka nang pumasok sa trabaho." "O-Okay... Salamat!"Matapos niyon ay umalis na rin siya. Doon ko lamang naalala ang nangyari sa pagitan namin ni Ashton kagabi. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pagitan ng dalawang hita ko dahil sa ginawa niyang pambababoy sa akin. Sunud-sunod na pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga piraso ng damit kong pinunit ni Ashton kagabi na nakakalat sa sahig ng kwarto niya. Nakuha na niya ang lahat sa akin... Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko kay Riley... At hinding-hindi ko rin mapapatawad si Ashton sa ginawa niyang ito sa akin.Kahit na masak
"Mamamatay-tao ka! Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa rito!" sigaw ni Mrs. Ferrer saka ako malakas na sinampal sa kanang pisngi. Kaagad naman siyang hinawakan ng asawa niya habang ako naman ay inalalayan ng best friend kong si Maureen. "Tama na iyan, Criselda. Hindi naman natin sigurado na siya talaga ang may kagagawan niyon!" sigaw ng asawa niya. "Hindi sigurado?! Siya ang Kasama ni Riley nang maaksidente siya! Ngayon, sabihin mo sa akin kung papaanong siya ay nakaligtas habang si Riley ay hindi?! Mamamatay-tao ang babaeng iyan!" Dama ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Gusto kong magsalita at ipagtanggol ang sarili ko, pero tila ba ayaw lumabas ng mga salita mula sa bibig ko. "Tama na ho, igalang niyo naman si Riley! Hindi ito ang tamang panahon para mag-away!" biglang singit ni Daniel, ang kuya ni Riley. "Tama si Daniel, huwag na po kayong mag-away pa rito. Siguradong hindi matutuwa si Riley kapag nakita niya kayong ganito." tugon ni Maureen. Muling tumingin sa ak
Cleonne's POV"Welcome home, Cleonne!!!" sabay-sabay na sigaw nina mama, papa, kapatid kong si Ara, at bestfriend kong si Maureen nang makita na nila ako. May hawak pa silang isang malaking banner kung saan may litrato ko pa na kinuha five years ago.Kaagad akong tumakbo palapit sa kanila saka sumimangot. "Bakit naman sa dinami-rami ng kukuning picture iyan pa talagang js prom namin noong highschool? Mukha kaya akong shitzu riyan dahil sa bangs ko!""Ate, kahit naman hanggang ngayon mukha ka pa ring shitzu kahit na pa-side na ang bangs mo." pang-aasar sa akin ng kapatid kong si Ara."Ay, hindi naman shitzu, poodle naman." pangagatong naman ng best friend kong si Maureen. Kaagad ko silang sinamaan ng tingin pero sa huli ay nagtawanan na lamang din kami. Nakauwi na rin ako. Five years ago, lumipad ako papuntang Australia para roon mag-aral nang makatanggap ako ng scholarship. At ngayon, bumalik na ako para maghanap naman ng trabaho rito sa bansa namin. Pagkatapak na pagkatapak ko pa
Ashton's POV"Riley, will you marry me?" nakaluhod kong tanong sa girlfriend kong si Riley habang hawak-hawak ang isang maliit na box na may nakalagay na silver ring. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong kong iyon. Napatingin siya sa mga tao sa paligid namin habang nangingilid ang luha sa mga mata. Matapos niyon ay tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Do you even have to ask that? Of course, I will marry you, Ash. I will marry you!"Nang sabihin niya iyon ay kaagad akong tumayo mula sa pagkakaluhod saka isinuot sa daliri niya ang singsing. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin at bigla-bigla ay narinig ang malakas na tunog ng fireworks mula sa kalangitan. “I love you so much, Riley…” bulong ko sa kanya.“I love you more than anything, Ash…”Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya saka siniil ng halik ang mga labi niya.***“It’s been five years already, Riley. It’s been five years since the day you left me and I still think about you all the time. If you are still alive,
Cleonne’s POVRamdam ko ang panginginig ng buong katawan ko pagkababang-pagkababa ko pa lamang ng bus patungo sa lugar kung saan nakalibing si Riley. Hawak ko sa kanang kamay ko ang isang pumpon ng sunflowers para ibigay sa kanya.Paborito niya kasi ang sunflowers noon pa man.Muli akong huminga nang napakalalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na rin ako sa gate. Mula roon ay tanaw ko na ang napakalawak na damuhan kung saan nakahimlay ang mga namayapa. Isang malakas na ihip ng hangin ang yumakap sa akin na tila ba nagw-welcome sa akin.“Kaya mo iyan, Cley. Para kay Riley.” bulong ko pa sa sarili ko.Inihakbang ko ang mga paa ko papasok sa loob ng gate na iyon.Marami akong gustong sabihin kay Riley at marami rin akong dapat na ihingi ng tawad sa kanya. Limang taon ko siyang tinalikuran, limang taon akong nagpanggap na walang nangyari, kaya ngayon kailangan ko na siyang harapin.Papasok na sana ako ng tuluyan, pero nabigla na lamang ako nang bigla na lamang may
Cleonne’s POVHindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Ashton nang magkita kaming dalawa kahapon. Hindi ko alam kung bakit kinailangan niya pang ipa-dukot ako para lang sabihin sa akin ang mga bagay na iyon. At hindi ko rin alam ang ibig niyang sabihin noong sinabi niyang pagbabayaran ko ang lahat ng ginawa ko.“Cley? Nakikinig ka ba? Huy, Cley?”Nabalik lamang ako sa ulirat nang mapansin ko ang paggalaw ni Maureen sa kamay niya sa harapan ko para kunin ang atensiyon ko.“H-Huh?”“Tss. Sabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig e. Alam mo, kanina ka pa lutang. Parang ang lalim lalim ng iniisip mo, may problema ba?”“H-Huh? W-Wala naman. A-Ano nga pala ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya.“Tinatanong ko kung kamusta ang pagpunta mo kay Riley. Nakapunta ka ba?”Doon ko muling naisip si Riley.Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi e…”“Ayos lang iyan, Cley. Maiintindihan ka naman niya.”“O-Oo nga pala, Mau.”“Hmm?”Bahagya muna ako nag-isip bago tuluyang tumingi
Cleonne’s POV“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na, Cley. Biruin mo, buong akala nating magkakaibigan noon ikaw ang huling ikakasal sa atin. Iyon naman pala ay mauunahan mo pa ako.” pabirong sabi sa akin ni Maureen nang makita niya na ako suot ang wedding gown.Mapakla naman akong ngumiti sa kanya. “Ako nga rin e…”“Oh, bakit parang ang lungkot lungkot mo riyan? Hindi ba’t ito dapat ang pinakamasayang araw sa buhay mo?”“M-Masaya naman ako e…”Ngumiti naman sa akin si Maureen saka ako niyakap. “Congratulations, Cley. I am so happy for you.”“T-Thank you, Mau.”Sumunod naman na pumasok sina mama at ang kapatid kong si Ara.“Ate! Hindi ka na mukhang poodle ngayong araw!”“Naku, napakaganda naman talaga ng anak ko, oo. Nagmana ka talaga sa akin e.” dagdag pa ni mama.Tipid lamang akong ngumiti sa kanila.Nagulat din sina mama nang sabihin ko sa kanilang ikakasal na ako, alam kasi nilang never pa akong nagkaroon ng relasyon sa kahit na sinong lalaki noon. Mabuti na lama