Share

CHAPTER 2: HIS VENGEANCE

Ashton's POV

"Riley, will you marry me?" nakaluhod kong tanong sa girlfriend kong si Riley habang hawak-hawak ang isang maliit na box na may nakalagay na silver ring. 

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong kong iyon. Napatingin siya sa mga tao sa paligid namin habang nangingilid ang luha sa mga mata. Matapos niyon ay tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Do you even have to ask that? Of course, I will marry you, Ash. I will marry you!"

Nang sabihin niya iyon ay kaagad akong tumayo mula sa pagkakaluhod saka isinuot sa daliri niya ang singsing. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin at bigla-bigla ay narinig ang malakas na tunog ng fireworks mula sa kalangitan. 

“I love you so much, Riley…” bulong ko sa kanya.

“I love you more than anything, Ash…”

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya saka siniil ng halik ang mga labi niya.

***

“It’s been five years already, Riley. It’s been five years since the day you left me and I still think about you all the time. If you are still alive, maybe we now have a big, happy family.” Bulong ko habang nakatitig sa litrato ni Riley.

Limang taon ang nakalipas magmula nang maaksidente si Riley at mawalan ng buhay. Noong gabing din iyon ang birthday ko, pupuntahan na sana niya ako, pero hindi na siya nakaabot.

Maya-maya ay bigla na lamang may kumatok sa pintuan ng office ko kaya naman kaagad kong ibinaba ang picture frame saka sumandal sa swivel chair ko. “Come in.”

Matapos kong sabihin iyon ay siya namang pagbukas ng pinto at lumabas ang secretary kong si Anderson dala ang isang brown envelope. “Sir, we already found her.”

Bahagya akong nagulat sa sinabi niyang iyon. Tumingin ako kay Anderson, “Then good. Have you gathered some information about her?”

“Yes, sir.” turan niya saka naglakad palapit sa akin at nilapag sa harapan ko ang brown envelope na dala niya nang pumasok siya kanina. “Sir, nariyan po lahat ng impormasyon na ipinahanap ninyo.”

“Good work, Anderson.” Tugon ko saka sinimulang tignan kung ano ang nasa loob ng envelope.

Cleonne Marie Deigmen, 21 years old.

Nakalagay sa loob ng envelope ang mga impormasyon na ipinakakalap ko tungkol sa babaeng naging dahilan ng pagkamatay ni Riley. Nakapaloob ang mga personal na impormasyon gaya ng pangalan ng mga magulang niya, trabaho, educational background, pati na rin ang iba pa niyang personal background.

“Boss, ano po ang susunod nating gagawin?” tanong sa akin ni Anderson.

Ibinalik kong muli ang mga papel sa loob ng envelope saka inilagay iyon sa loob ng drawer ko bago ako tuluyang tumingin sa kanya. “Bring her to me. But make sure you’re not going to hurt her family and anyone who’s not involved.”

“Understood, sir.”

Matapos niyon ay naglakad na muli palabas ng office ko si Anderson.

Nahanap ko na rin siya, sa wakas.

Cleonne’s POV

Kaagad akong napaupo sa isang bench pagkalabas na pagkalabas ko sa kompanyang pinag-aaplyan ko. Limang kompanya ang pinuntahan ko para i-submit ang scripts ko pero lahat naman sila ay nagsabing hintayin ko na lamang daw ang tawag kapag natapos na ang evaluation.

Bahala na, kung sino na lamang ang maunang tumawag ang siyang pupuntahan ko para sa interview.

“Ah, nakakapagod talaga…”

Hapon na rin nang matapos akong magpasa sa mga kompanya kaya naman ganito na lamang ang pagod ko. Napatingin ako sa relo ko at kaagad namang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala ako.

“Birthday ni Riley ngayong araw!” bulalas ko saka kaagad na kinuha ang phone mula sa loob ng bag ko at idinial ang number ni Maureen.

“Hello?’

“Mau? Pasensiya na, ngayon ko lang kasi naalala. Nandiyan ka na ba?”

“Naalala ang alin?”

“Birthday ni Riley ngayong araw. Hindi ba pupuntahan natin siya ngayon?” tanong ko sa kanya.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. “Cley, pasensiya na. Masyado kasi akong maraming gagawin ngayong araw kaya hindi kita masasamahan e…”

“H-Huh? G-Ganoon ba?”

“Oo e, pero kung gusto mo, ikaw nalang muna ang pumunta mag-isa.”

“Pero…”

“Cley, kaya mo iyan, okay? Wala kang dapat na ikatakot dahil sigurado akong matutuwa si Riley kapag nalaman niyang dinalaw mo na rin siya sa libingan niya sa wakas.”

Huminga naman ako nang malalim bago muling nagsalita. “Okay, pupuntahan ko si Riley.”

“S-Sure ka? Talaga?!”

“O-Oo..”

“Ahhh! I’m so proud of you, Cley! Kaya mo iyan! Sigurado akong matutuwa si Riley sa gagawin mo!” masaya pang sabi ni Maureen sa akin. “Oh sige, balitaan mo nalang ako ha? May mga kailangan na kasi akong gawin ngayon e. Bye, Cley! See you!”

“B-Bye…”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang ibinaba n ani Maureen ang tawag. Kahit kailan ay hindi ako nagpunta sa libingan ni Riley, ni hindi nga ako nakapunta sa burol, lamay at libing niya.

Hindi dahil ayaw ko, kundi dahil hindi ko kaya.

Hindi ko kayang tignan ang puntod niya nang hindi ko naiisip ang nangyari noong gabing maaksidente kaming dalawa. Hindi ko kayang tignan ang puntod niya nang hindi sinisisi ang sarili ko.

Pero tama si Maureen, siguro nga panahon na para magpakita ako kay Riley at dalawin ko siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status