Share

Chapter 2

Kinabukasan

Pagkatapos na pagkatapos naming mag-almusal ni Gavin ay agad akong bumalik sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Napansin ko kasing nauubusan na kami ng stocks ng shampoo, sabon, so I decided to go to the mall today.

Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw at hindi rin kasi ako nakapag grocery last weekend so naisipan kong ngayon nalang yun gawin.

Nang makapag-ayos ay bumaba na ako sa sala at naabutan si Gavin na tahimik na nagbabasa ng dyaryo.

Nagdadalawang isip pa ako kung magpapaalam ba ako na aalis o hindi,

pero nagkusa narin ang mga paa kong lumapit sa kanya kaya wala na akong ibang nagawa.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Gavin, aalis pala ako ngayon." paalam ko.

Hindi sya tumingin saakin at nilipat lang sa kabilang pahina ang binabasa nya na parang hindi man lang ako narinig.

Mukhang wala naman syang pakealam kung umalis ako o hindi.

Dapat siguro dire-diretsyo nalang akong umalis.

Bigla akong nakaramdam ng matinding panlulumo.

Nakakalungkot namang isipin na asawa ko nga sya pero wala naman syang pakealam saakin.

Hayaan na nga lang, at least hindi naman nya ako sinigawan ngayon 'diba?

"Sige, aalis na ako Gavin. Bye!"

I turn my back at napasabunot nalang sa sariling buhok.

Siguro kahit wala syang pake, I still need to tell him kung saan ako pupunta. He's still my husband anyway. That's enough reason for me to tell him kahit deadma lang sya.

Lumabas na ako ng bahay dala-dala ang sling bag kong bulaklakan. Pumara ako ng taxi at sinabing sa malapit na mall ang punta ko.

After fifteen minutes, nakarating naman agad ako doon since wala namang traffic ngayon kaya nagbayad na agad ako sa driver ng taxi at pumasok na sa mall.

I was pushing my cart at panay ang lagay ng kung ano-ano.

Sabon, shampoo, toothpaste, cotton buds, alcohol, and some feminine hygiene para saakin.

Bumili rin ako ng kay Gavin kahit hindi ko alam kung meron pa sya o ubos na.

Itatanong ko nga sana sa kanya kanina pero wala nga syang pake saakin 'diba? Pero ako, may pakealam ako sa kanya kaya binil'han ko narin sya ng mga kailangan nya.

Pagkatapos sa mga hygiene ay dumiretsyo naman ako sa market para bumili ng karne at mga pansahog. Mamaya kasi ay naisipan kong magluto ng mga paborito ni Gavin. You know, I want to make him smile.

And for him to smile, dapat daw lagi kong lutuin yung mga paborito nya sabi ni mommy. Speaking of mommy, namimiss ko narin sya. Iba talaga kapag nag asawa ka na, kailangan mo ng bumukod at kasama na do'n ang pag-iwan sa mga magulang mo.

After for almost 3 hours of roaming the mall, pumunta na ako sa counter para ipabalot yung mga bibil'hin ko.

My cart is full kaya natagalan bago matapos ang pag-punch. Pero keri lang, marunong naman akong maghintay.

"1,580 po lahat ma'am," ani ng cashier habang malapad na nakangiti.

Ngumiti rin ako sa kanya at nagbayad na via credit card.

Gusto pa nga nila akong tulungan dahil medyo madami yung pinamili ko at masyadong mabigat para saakin. Sinabi ko namang wag na 'yon intindihin dahil ayos lang rin saakin.

Binitbit ko nalang yung apat na malalaking paper bags at naghintay na ng masasakyan na taxi sa labas.

Nangangalay na ako dahil sa apat na malalaking paper bags na bitbit ko ngayon pero wala paring taxi na dumadaan. Mag sa-sampung minuto na pala ako ditong nakatayo habang naghihintay ng masasakyan.

Nilalamok na rin ako. Ba't ba kasi ang tagal dumaan ng taxi dito? Kung sasakay naman ako ng jeep ay puno na lahat at wala ring dumadaan na tricycle. Ang malas ko naman ata?

Sana naman may mag magandang loob na tulungan ako dahil nangangalay na talaga ako ngayon.

"Excuse me, miss? Kailangan mo ba ng tulong?"

Aha! Wish Granted!

Agad akong napalingon sa pamilyar na boses ng lalaking nagsalita at nginitian sya.

Oo, pamilyar ang boses dahil sigurado akong nadinig ko na yung boses na 'yon noon o baka nagkataon lang na may kapareho syang iba.

Saglit ko syang tinignan at napansin na mukhang pamilyar rin saakin ang mukha nya.

Matangkad, maputi, chinito, makinis, may pagkahaba ang pilik mata, matangos ang ilong.

He looks like one of my childhood friend.

Pinag-aralan ko pa ang mukha nya na parang sinusuri kung saan ko ba sya nakita dahil pamilyar talaga saakin ang itsura at boses nya.

Then just a couple of moment, it hit me!

"B-Bryan?!" I asked in amusement.

Mukhang ngayon nya lang na recognize na kilala nya rin ako at nagliwanag rin yung mukha.

I can't be wrong!

Sya nga 'yon! Si Bryan na kababata ko!

"Oh, F-Florence! Kamusta? It's been a long time!" He said cheerfully at tinignan pa ang kabuuhan ko.

Matagal tagal na nga ang nakalipas simula ng huli kaming magkita. I guess it's been 4 years? 5 years? Six years? I don't know. Pero masaya talaga ako ngayon dahil nagkita ulit kami.

Grabe! Kung alam ko lang na makakasalubong ko sya, sana ay nakapag handa ako. Nakakahiya naman kasi mukhang pawis na pawis pa ako ngayon.

"Ayos naman ako, Bryan. Ikaw? Kamusta kana rin?" tanong ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa mga paper bags na bitbit ko.

Wala na akong balita sakanya simula ng pumunta sya ng Canada. Nakauwi na pala sya? Kailan pa?

Bumuntong hininga sya at matipid na ngumiti.

"Heto, single parin. Akin na yang dala mo, tulungan na kita," hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na nya sa kamay ko yung mga paper bags kung saan nakalagay yung mga pinamili ko.

Lihim akong napangiti dahil do'n. He's still kind as ever.

Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami. Sya lagi ang nag tatanggol saakin kapag inaaway ako o nilalait ng ibang bata. Nakakamiss rin pala ang mga oras na 'yon?

Nagpasalamat nalang ako sakanya at hinayaan na syang bitbitin iyon.

"So, saan ka pupunta? Gusto mong mag-kape muna? Marami akong iku-kwento sa'yo," he asked smiling.

Gusto ko sanang pumayag sa alok nya ang kaso ay baka hinihintay na ako ni Gavin sa bahay. Kahit wala syang pake saakin, hindi naman ibig sabihin nun ay papabayaan ko na sya.

Baka mamaya sabihin nya ulit na wala akong kwentang asawa.

"Pasensya na Bryan, baka hanapin na kasi ako ng asawa ko eh. Kailangan kong umuwi agad." I said shyly.

Unti-unting napalitan ng pagkakakunot ng noo ang ngiti nya na parang may sinabi akong mali o kaya 'di kaaya-aya sa kanya. Bakit? May mali ba akong nasabi? Bakit mukhang naging malungkot sya?

"Asawa? You're already married?" nagtataka nyang tanong.

Nahihiyang napakamot ako sa pisngi ko para ipakita yung wedding ring ko sa kamay. I gently nodded.

"Yeah, almost 3 years ago." I answered.

Nakita kong bumagsak ang balikat nya at agad na napaiwas ng tingin. Parang nalungkot rin sya at nagmukhang disappointed.

Bakit naman kaya sya magiging disappointed? Hindi ba dapat maging masaya sya para saakin?

"I'm late.." He whispered, yet I still manage to hear it.

"Late? Saan? Teka, may pupuntahan ka ba?" muli kong tanong.

Nakakahiya naman kasi baka naiistorbo ko sya. Kasalanan ko pa kung ba't sya na late sa kung saan man 'yon.

Nilingon nya ako at pilit na ngumiti. Yung ngiti nyang pilit, hindi man lang umabot sa tenga nya.

"Hindi.. Ano.. Pwede bang hingin ko na lang ang number mo?" He asked that makes my forehead crumpled.

I also felt my eyes narrowed into a slits.

"My number?"

"Yes, your number. Para ma-text kita sa susunod.. Hindi ka pwede ngayon 'diba?" he simply said.

Napangiti at natawa nalang ako. He is asking for my phone number. Akala ko kasi kung anong number ang hinihingi nya, yung sa cp ko lang pala.

Dali-daling nilabas ko sa suot kong sling bag yung cellphone ko at ibinigay na sa kanya yung hinihingi nyang number

Pagkatapos ay nag volunteer na syang ihatid ako sa amin.

I said no, pero sadyang makulit sya kaya hindi narin ako nakapalag. Isa pa, nasa kanya yung mga pinamili ko. Hindi ko naman yun pwedeng iwan sa kanya, so in the end, hinatid na nga nya ako saamin.

Habang nakasakay kami sa kulay itim nyang magarang kotse, may kung ano-ano pa syang kinuwento saakin at ganun rin naman ako sakanya.

Mahaba haba pa nga 'yon kaso sinabi kong ireserba nya nalang para sa susunod naming pagkikita. Nandito narin kami sa tapat ng bahay na tinitirahan namin ni Gavin kaya bumaba na kaming dalawa.

"Salamat sa paghati, Bryan." buong pusong pasasalamat kong sabi sa kaniya. Ngumiti rin sya at ipinatong yung kamay sa ulo ko. He patted my head.

"You're always welcome, Florence. So paano yan? I'll just text you for our next meeting?" Tanong nya sabay pakita ng hawak na cellphone. My smile widened as I nod my head up and down. Nakakapanghinayang lang dahil aalis na sya agad. Pero hindi ko naman sya maaayang pumasok muna sa bahay. Ayaw nya kasi eh, siguro next time nalang rin daw.

"Sure. Kita nalang tayo sa susunod. Drive safely. Bye!" nakangiti ko paring sambit.

Natawa sya sa pagngiti ko (kahit wala naman talaga dun na nakakatawa) at bahagyang sumaludo na akala mo ay isa syang sundalo.

Kumindat pa sya bago pumasok ulit sa sariling kotse at pinaharurot na yun paalis.

Tinanaw ko pa yun hanggang sa hindi ko na ito makita.

I chuckled. Napailing-iling nalang ako at binitbit na yung mga pinabili ko papasok sa loob.

Sigh. Now, It's time to cook for my husband again.

Kakatapos ko palang magluto para sa tanghalian namin ni Gavin ngayon.

Inayos ko na yung mga pagkain sa mesa at pumunta sa sala para tawagin si Gavin.

Just like I said, I cook his favorite food.

Pakanta-kanta pa akong pumunta sa sala dahil tiyak na matutuwa sa niluto ko si Gavin. I cooked it with love. Yun daw kasi ang special recipe sabi ni mommy. Sana sabay kami ngayong kumain ni Gavin sa iisang mesa.

Nang makarating sa sala ay nilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin ang pigura ng asawa ko.

Pero kahit tignan ko pa ang ilalim ng sofa ay wala naman sya doon. Muli kong ginala ang tingin sa paligid pero hindi ko parin sya makita.

Saan ba yun nagpunta? Kanina ay dito ko lang sya naabutan, nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.

Baka nasa kwarto lang?

Kumilos na ako para sana pumanhik na sa taas at tawagin sya, pero napatigil ako ng may marinig na malakas na ringtone.

Napalingon ako sa counter table kung saan nakapatong yung remote at cp ni Gavin. Doon siguro nanggagaling ang tunog dahil umiilaw rin ito.

Sa pag-aakalang importante ang tawag na 'yon ay kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Hindi naman sa pakekealam pero makikialam na nga ako.

"Honey calling.." I mouthed as I read the caller ID.

Ramdam ko ang pagsalubong ng dalawa kong kilay sa nakita at nabasa.

Honey?

Sino itong Honey na tumatawag sa kanya? Wala naman syang nababanggit saakin na may kaibigan syang pangalan ay Honey.

Is this one of his coworkers?

Out of my curiosity, sasagutin ko na sana ang tawag ng may biglang sumulpot sa tabi ko at marahas na inagaw saakin ang hawak kong cellphone.

Napakurap ako ng makita ang galit na galit na mukha ni Gavin.

"At sinong may sabi na pwede mong pakealaman ang cellphone ko, hah?!" galit nyang sigaw.

Napaatras ako sa lakas ng boses nya at pakiramdam ko ay bumilis rin ang kabog ng dibdib ko. Namawis bigla ang kamay at noo ko na akala mo ay nahuli ako sa aktong gumagawa ng isang krimen.

He's mad again.

"S-Sorry Gavin.. Akala ko kasi--"

"Akala mo ano? Sa susunod 'wag kang mangengealam ng gamit ng iba!"

Sigaw nya at binangga pa ako sa balikat bago dumiretsyo sa kusina.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Don't cry, Florence. Ayos lang yan. Kasalanan mo 'yon okay? 'Wag kang magagalit sa asawa mo.

Tumalon-talon pa ako at ginalaw-galaw ang dalawa kong kamay para mawala ang bad vibes. Pinahid ko rin ang namumuong luha sa gilid ng mata ko.

Hindi pwedeng mag-emote ngayon.

Tama naman sya eh, dapat hindi ako nangengealam ng gamit ng iba. Kasalanan ko. Ang tanga ko kasi.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago sumunod kay Gavin sa kusina para samahan syang kumain. Pero as usual, dala-dala ang plato nya ay pumunta sya sa sala at doon kumain mag-isa.

Ayaw nya talaga akong makasabay kahit kailan.

Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

'Wag na kayong tumulo please. Nasasaktan lang ako. Masasaktan lang ako.

After eating lunch, niligpit ko na ang pinagkainan naming dalawa at nilagay na sa lababo para gawin ang sunod na gawain ng isang asawa.

Nagsimula na akong maghugas pero kung saan-saan lumilipad ang isip ko.

I'm thinking about Bryan. Pati narin si Alea na kababata rin namin.

Namimiss ko na sila.

Kanina sana ay makakapag-usap kami ni Bryan pero kailangan kong umuwi agad.

Ano kaya kung wala pa akong asawa ngayon? Malulungkot ba ako kagaya nya o matutuwa? Kasi kung ako ang tatanungin, masaya akong pinagluluto ng masasarap na pagkain ang asawa ko. Masayang masaya. Yun nga lang ay syempre minsan, hinihiling kong sana naa-appreciate nya.

"HOY BABAE!"

Nabitawan ko ang platong sinasabon ko sa gulat kaya bigla itong nahulog sa sahig at tuluyang nabasag.

Nanlaki ang dalawang mata ko at biglang nataranta sa nakita.

"Ay, tanga!" Sigaw ni Gavin.

Dahil sa nangyari ay agad akong yumuko para pulutin yung mga piraso ng nabasag na plato. Nanginginig na rin ang kamay ko kaya nasugatan ako ng mga bubog. Pero hindi ko iyon inintindi. Kailangan ko 'tong iligpit. Baka kasi masugatan sya pag napadaan sya dito. I don't want him to get hurt.

"Ano ba? Tanga ka ba? Bitawan mo nga yan! Kita mong nasusugatan ka na eh!" Sigaw nya, but just like earlier, I just ignore him.

Nasaan na ba yung walis? Oo tama, iwawalis ko nalang 'yong ibang bubog. Kainis naman oh! Saan ko na nga ba nalagay yung walis? Dapat nandito lang 'yon!

"Sabi ng tigil eh!"

Nagulat ako ng biglang lumapit saakin si Gavin at hinawakan ang kamay kong punong-puno na ng sugat dahil sa bubog.

Bigla nya akong itinayo sa hindi malamang kadahilanan at hinila papuntang lababo.

Nagmamadali nyang binuksan yung gripo at sinimulang hugasan ang dumudugo kong kamay.

"Shit! You're bleeding!" He said hysterically.

Napatitig ako sa kanya at bahagyang napakurap. He look worried. Am I seeing it right? Bakit sya nag-aalala?

Nag-aalala ba talaga sya saakin ngayon?

"Gavin.. A-Ayos lang ako.." I said.

Napatitig sya saakin.

Unti-unting kumunot ang noo nya at basta nalang akong tinulak palayo sa kanya.

Napahawak ako ng mahigpit sa mesa para pigilan ang sariling matumba.

"Bwisit ka talaga eh 'no? Kung gusto mong masugatan, bahala ka sa buhay mo!"

Tumalikod sya at astang babalik na sa sala.

Pero bago sya tuluyang umalis ay muli syang tumingin saakin at nagsalita.

"Bukas pupunta dito si Daddy. Umayos ka, ano nalang sasabihin nya kapag nakita ka nyang may sugat? Edi ako ang napagalitan? Bilisan mo na dyan. Ayusin mo na rin ang sarili mo, wala akong asawang tatanga-tanga,"

Then he left the kitchen.

Nanghihinang napaupo nalang ako.

My tears start falling down again. Ba't ba kasi ang tanga ko? Ayan tuloy, nagalit nanaman saakin si Gavin.

Pinahid ko yung luha ko at inayos ang sarili.

Maingat na niligpit ko ang nabasag na plato at tinapos na ang paghuhugas.

Pagkatapos ay pumanhik na ako sa kwarto at nahiga.

With the tears and sadness painted in my eyes, I fell asleep.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Melba Ritos
salbahe kng asawa Gavin. mkarma k sna
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status